Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Kabanata 10

Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Naramdaman kong mayroong malamig na bagay na nakapatong sa aking ulo. Kinapa ko ito at nakitang isa itong bimpo. Hindi na ito masyadong basa. Napansin ko si Nathan na nakaupo at natutulog lang sa upuang katabi nang aking kama. Hawak-hawak niya rin nang mahigpit ang aking kanang kamay. Napailaliman ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili.

Hindi ko pa rin nilulubayan nang tingin si Nathan. Muli ko tuloy nakita ang kaniyang mukha ng malapitan. Hindi ko alam na ganito pala kaamo ang kaniyang mukha kapag tulog. Kahit sino sigurong makakakita sa kaniya sa ganitong poisyon baka natigilan din sila katulad ko.

Unti-unti kong kinuha ang aking kanang kamay sa kaniya at ito ang ginamit para haplusin ang kaniyang malambot na buhok at pisngi. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang labi na mapula. Tanda ko pa na iyong labi na 'yon ay ang unang nakadampi sa labi ko.

Nabigla ako nang tumunog ang telepono ni Nathan. Kukunin ko na dapat ito para sana patayin pero naunahan na niya ako. Nagising na pala siya. Imbes na ang telepono dapat niya ang kukunin ay nabigla pa ako nang sa kamay ko dumapo ang kaniya. Bahagya niya akong hinila palapit sa kaniya bago ko pa man siya mapigilan ay dumapo na sa aking noo ang kaniyang kamay.

Bumuntong-hininga siya't mataman akong tiningnan. Halata ang pagod at pag-aalala sa kaniyang mga pagod na mata "Mabuti naman at gumaling ka na, aalis na ako." Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang gamit.

Ganun lang? Galit ba siya?!

"Sandali," pigil ko agad sa kaniya nang akmang lalabas na siya nang kwarto ko.

Gustong-gusto kong palapitin ulit siya sa akin at itanong kung anong nangyari sa akin pero halata sa kaniyang inaaksyon na gusto na niyang umalis.

"Maraming salamat!" sabi ko na lang, imbes na magtanong pa.

Hindi man lang niya nagawang sumagot sa sinabi ko. Kahit lumingon lang, wala pa rin. Pagkatapos ko iyong sabihin ay lumabas na siya para maka-alis na agad. Halatang ayaw na niya akong makasama nang matagal.

Kinagabihan ay pumunta na ako sa bar para magtrabaho. Mabuti na lang talaga kabisado ko na ang dereksyon papuntang bar, kasi kung hindi baka naligaw na ako.

Naabutan ko pa si Ferry na papasok sa locker room nila at nang makita ako ay agad na siyang lumapit sa akin. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba?! Sabi ni Lito bakla, nakipagtanan ka!" taranta niyang sabi na ikinatawa ko na lang. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking mga balikat.

"Huwag kang maniwala sa kaniya, hindi ako nakipagtanan! May nakuha lang akong trabaho at kailangan doon ako mamalagi." Naiiling kong sabi at bahagya nang sumimangot.

Hindi talaga tumutupad sa usapan ang baklang iyon! Kapag ako nakauwi, imumudmod ko talaga ang mukha niya sa kanal!

"Siguraduhin mo lang Anastasia ha!" pinaglakihan niya pa ako nang mata. Halatang hindi pa siya sang-ayon sa aking rason.

Inirapan ko siya. "Totoo ang sinasabi ko Ferry. Alam ko ginagawa ko okay, huwag kang mag-alala." Sa huli'y nginitian ko siya ng matamis.

Bumuntong-hininga siya bago ako mahigpit na niyakap. Tumawa ako at ginantihan din ito nang yakap. Na-miss ko talaga itong kaibigan ko. Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako para makapunta na sa loob nang locker room nilang mga lalaki.

Nagpatuloy na lang ako papuntang locker para makapag-bihis na rin nang sa akin. Akmang tatanggalin ko na ang damit ko nang biglang padabog na sumarado ang pintuan. Dali-dali kong binalik sa ayos ang aking damit.

"Ahh!" tili ko. Kumalabog ang aking puso at nilingon ito.

Nakita ko si Nathan na nagpupuyos sa galit habang nakatingin sa akin. Umiigting din ang kaniyang mga panga na mas lalong ikinatakot ko.

"Ano ito?!" sigaw niya at sabay lapit sa akin.

Pinakita niya sa akin ang isang larawan sa kaniyag telepono. Kaming dalawa iyon ni Ferry, magkayakap kami sa larawan na sigurado akong kanina lang ito kinuha pero hindi ko kilala kung sino ang kumuha nang larawan.

"Anong problema diyan?" taka kong sabi.

Normal lang naman siguro sa magkaibigan na magyakapan. Siya nga nang mga babae niya kahit hindi sila, naghahalikan pa rin naman!

"Anong problema?" pagak siyang tumawa. "Tinatanong mo ako kung anong problema e, kalat na kalat ito sa buong bar?!"

"O eh tapos? Malay ko bang may kumakalat na palang ganiyan!" tugon ko rin agad.

Totoo naman. Wala akong alam na may kumuha pala nang larawan naming dalawa at pinakalat ito sa buong bar.

"Wala ka namang balak malaman ito kasi panatag ka namang pagpyestahan nang ibang tao, di ba?!" nagpupuyos niyang sabi.

"Nathan, tumahimik ka nga! Mamaya iba pa maisip nang ibang taong makakarinig sa 'yo! At saka, huwag ka ngang basta-basta magagalit. Normal lang sa aming dalawa ni Ferry na magyakapan dahil magkaibigan kaming dalawa." Pagpapaliwanag ko pa pero talagang matigas talaga ang ulo niya para hindi agad ito maunawaan nang isipan niya.

"So, ginusto mo talaga, Nagyayakapan kayo sa gitna nang trabaho niyo. Dumeretso na sana kayo sa motel!" gigil niyang sigaw. Napaawang ako doon. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.

"A-anong sinabi mo?" nangiligid ang aking luha sa mata. Hindi ko alam na ganung tao ang pagkakakilala niya sa akin.

"Natigilan ka yata? Bakit hindi ba totoo?! Iyon naman talaga ang pakay mo dito, 'di ba. . .ang lumandi!" hindi ko na napigilan pa ang kamay ko.

Agad na itong dumapo sa kaniyang pisngi. Nang dahil sa hindi gaanong pumapasok sa loob nang locker room ang malakas na tugtog mula sa dance floor ay rinig na rinig ko ang pagtama nang kamay ko sa kaniyang pisngi. Kitang-kita ko ang agarang pamumula nang kaniyang pisngi dahil sa aking ginawa. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko sa pagkakataong ito, dapat lang iyon sa kaniya!

"Alam mong hindi ako ganiyang klaseng babae, Nathan!" sigaw ko habang nagsisipatakan ang aking mga luha. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Gulat niya akong tiningnan habang ang mga kamay niya'y nanatiling nakalagay sa kaniyang pisnging sinampal ko.

"Sa buong buhay ko, ngayon lang ako binastos nang ganito. . . sayo pa talaga nanggaling. Akala ko ibang tao ka pero parehas ka pa rin pala nila," Malamig kong sabi. Marahas kong inalis sa aking mga luha. Bago tiningnan siya nang deretso. "Bakit ka ba galit na galit? Picture lang iyan, Nathan. . ." tinuro ko pa ang cellphone niyang halos madurog na sa mga kamay niya sa sobrang higpit nang pagkakapit niya.

". . .Picture lang 'yan! Niyakap lang ako nang kaibigan ko. Hindi ako katulad mo na yayakapin lang nang kaibigan, hahalikan na agad!"

"Hindi ako galit!" Napatawa ako sa sinabi niya at naiiiling na lang.

"Hindi ka pa galit sa palagay na 'yan?! E halos umusok na nga ang ilong mo! Kung ano-ano na ngang mga masasamang salitang lumalabas sa bibig mo! Nagawa mo pa akong bastusin nang ganun-ganun lang!"

"Sinabi na ngang hindi ako galit, Anastasia Nicole, nagseselos ako!" nagtaas baba ang kaniyang dibdib sa sobrang galit. Ang kaniyang makapal na kilay ay nagsasalubong na.

"N-nathan," ani ko.

Gusto ko siyang pigilan sa maaaring sabihin niya pa pero hindi ko magawa. Tanging pagbanggit lang sa kaniyang pangalan ang kaya kong gawin.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok at halos panggigilan na ito. Ni masaktan nga ay hindi ko na maramdaman sapagkat mas lumalamang ang sakit na nanggagaling sa aking puso. Mas lamang ang sakit na ginawa niya. Litong-lito na ako sa kaniya. Sa kaniyang sinasabi at sa kaniyang inaasta ngayon parang andali e. . . andaling sabihin niya iyon sa akin nang deretso. Ang labo niya.

Sobrang labo niya. . .hindi ko na siya kayang pangalanan pa.

"Hindi kita maitindihan, Nathan. Una pa lang, bago ako pumayag sa pagtatrabaho sa 'yo sinabihan na kita kung bakit ako pa, andaming babae diyang nagkakandarapa sa 'yo pero ako pa rin pinili mo. Tinanong kita 'di ba? Tinanong kita! Tapos anong sinagot mo?. . .Ako pinili mo kasi sigurado kang hindi kita mamahalin. Hindi kita magugustuhan kasi magkaaway tayong dalawa pero bakit ganito ang inaasta mo ngayon?!" bigo kong sabi sa kaniya.

"Kasi gusto kita!" napaigtad ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat. Na para bang doon siya kumukuha nang lakas. "Gustong-gusto kita, hindi ko alam kung kailan nangyari iyon pero 'yon ang totoo!" pag-aamin niya pa.

"Sinungaling ka, Nathan keir." Naiiling kong sinabi. Pilit hindi pinapasok sa aking isipan at lalo na sa aking puso lahat nang mga katagang binitawan niya.

"Tasia, maniwala ka naman o!" sinubukan niyang kunin ang mga kamay ko pero iniwas ko lang iyon sa kanila.

"Maniwala? Gusto mo akong maniwala pero hindi mo man lang naisip na itong nagustuhan mo ay nabastos mo na. Sa mga sinabi mo, hindi lang sarili ko ang binastos mo, pati na rin ang puso ko at ang tiwala ko sa mga tao." Ang tiwala ko sayo. Sinayang mo ang tiwalang binigay ko sayo.

"Sorry Tasia, nadala lang ako nang galit ko." malumanay na niyang sabi.

"Sana naisip mo rin kasi 'di ba?! Ang hirap kasing maniwala kapag sa 'yo nanggagaling e. Kaya patawad kung sa isip ko, sinungaling ka."

Pinaalis ko lahat nang mga luha sa aking mga mata bago matapang na tinalikuran siya. Dali-dali na akong lumabas sa pintuan pero nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Tiningnan ko ito, nagulat ako nang makita ang mukha ni Nate na puno nang pag-aalala habang tinitingnan ako.

"Tash. . ." bulong niya bago unti-unti akong binalot nang kaniyang yakap.

Doon na bumigay ang kanina ko pang nanghihina na mga paa. Mas humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin nang maramdaman niya ang panghihina ko. Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. Hindi na binahala kung mayroon mang makakita sa amin. Umiyak lang ako hanggang sa kaya ko.

"Nathan," Rinig kong matigas na sabi ni Nate. Hindi ko ito nilingon, hindi ko siya kayang lingunin ngayon. Baka makita ko lang siyang isa sa mga taong nambastos sa pagkatao ko. Ramdam na ramdam ko ang matatalim na titig nang huli sa aking likod.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro