EPILOGUE 2/2
PART 2: EPILOGUE
"Nasaan si Anastasia?!" galit kong sigaw nang makabalik nalang sila pero hindi nila kasama si Tasia.
May nakapagsabi sa aking nakita niya daw si Tasia na sinusundan nila Nathan kaya bumalik nalang ito upang makapagpahinga na dahil sa sobrang lamig sa bundok pero bumalik nalang sila, hindi man lang kasama si Tasia.
"A-ano bang pinagsasabi mo Nate, hindi namin kasama si Tasia!" halos magkautal-utal pa si Zelena habang sinasabi iyon.
"May nakakita sa inyo Nathan. . .simple lang naman ang tinatanong ko 'di ba, nasaan si Anastasia?!" sa sobrang gigil ko sa galit ay hindi ko na napigilan ang sariling hindi siya hawakan sa kwelyo at sunod-sunod na pinagsusuntok.
Napatili sa gulat si Zelena at pinipigilan ako sa pagsuntok pero isang kabig ko lang sa kaniya ay napalayo na siya sa amin. Pinigilan ako ng mga police na kasama namin. Ang iba'y kahit malamig na at puro fogs na ang nakikita namin ay pumasok at tumakbo pa rin sila papasok sa gubat.
Hagulgol ni Zelena at sigawan ng mga police ang naririnig namin.
"Kapag may nangyaring masama kay Anastasia. . . Hinding-hindi kita mapapatawad." Malamig kong sabi.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tiniggilan ko na siya at tumayo na. Tumakbo ako pasunod sa mga police habang sinisigaw ang pangalan ni Anastasia. Hindi ko na alam kung saan na kami banda pero niisa sa amin ay walang gustong tumiggil. Malamig pero para kay Anastasia, gagawin ko ang lahat.
Hindi ko alam na yun na pala ang last na encounter ko kay Anastasia. Okay na sana kung umalis lang siya para umuwi sa ampunan e, pero hindi, nawala na siya ng tuluyan. Iniwan niya na ako ng tuluyan...
Anim na taon akong nagdusa sa pagkawala niya. Simula nang mangyari iyon ay hindi na rin ako muling bumalik sa Isla Amore. Namuhay ako sa Amerika mag-isa. Kahit ilang beses pa akong tinawagan ni Daddy upang pabalikin ay kahit kailan hindi ko ginawa. Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral habang nagtatrabaho hanggang sa maka-graduate ako. I graduated Engineer and build my own engineering firms.
Until, nakabalita ako ng masamang balita mula sa Isla Amore...
Wala na akong pagdadalawang-isip na magpabili ng ticket pauwi ng Manila. Sabi nila doon daw dinala si Uno. Halos ilang oras din ang tinaggal ko sa pagupo sa eroplano at doon ko lang naisip na hindi ako takot sa anumang pwedeng mangyari sa akin. Takot akong mawalan ulit ng kaibigan at mahal sa buhay, ilang tao na ba ang nawala sa akin? Ilang beses na ba akong umiyak para sa mga taong binigyan ko ng parte sa aking buhay pero iniiwan ako ng walang pasabi.
Halos hindi ko na tinitingnan ang aking dinadaanan para lang tuluyang maabot ang kuwarto ni Uno. Sinabi na nila sa akin kung saan ang kuwarto ako dederetso, kaya hindi ko na prinoblema pang magtanong sa nurse station.
Dere-deretso na ako hanggang sa maabot ko at mabuksan ng tuluyan ang kuwartong sinabi nila. Halos mapahugot ako sa sariling hininga nang makitang hindi lang si Uno ang nasa loob ng kuwartong iyon. Naroon din si Nathan at si Zelena. Inayos ko ang aking sarili at hindi na sila muling inangatan ng tingin, dumeretso ako kay Uno at mahina siyang sinapak sa braso. He groaned in pain, sinamaan niya ako ng tingin na ikinairap ko nalang din. Umupo ako sa bakanteng upuan.
"Sila pa rin ba may gawa niyan?" malamig kong tanong.
"As usual... sino pa ba ang maglalakas loob na paglaruan ang isang Santibastian?" naiiling niyang sabi.
"I told you, let go of that woman and it seems like nothing good has happened to you. Ilang beses na 'yan nangyari pero mas lumala lang ngayon at malapit mo pang ikamatay. Tanggapin mo nalang ang nangyari." Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng aking kapatid pero binalewala ko lang iyon.
"Ganun talaga kapag importante sayo ang nawala Nate, hindi mo kayang pakawalan kahit pa paulit-ulit kang saktan. Anak niya ang nagpapalakas sa kalooban niya para ipaglaban ang karapatan nun, anak niya ang namatay at kahit ikaw man ang nasa posisyon niya, gagawin mo rin ang ginagawa niya ngayon alang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng pamilya mo." Halos masuka na ako sa sobrang pandidiri sa pakikipagsabayan ni Nathan sa pag-uusap namin dalawa.
"Really, 'yon ba ang depenasyon mo sa salitang pagmamahal at kumpyansa? Hindi ako makapaniwalang nasasabi mo iyan sa kabila nang mga sinapit nang Mahal ko sa mga kamay mo." his jaw tightened because of what I said. I don't care if we fight here in the hospital, in fact I'm going to punch him without hesitation.
Anong pake ko kung anong sasabihin ng iba sa akin, at least tanggap kong hindi ako malinis na tao kaysa naman itago ko ang tunay na ako.
Uno cleared his troated.
"By the way, sigurado ba kayong patay na si Tasia?" halos manindig ang aking balahibo ng muli kong marinig ang pangalang iyon. Automatiko akong napalingon kay Uno nang marinig iyon sa kaniya.
"O-o naman, ilang beses na naming pinatest ang DNA nang katawang nakita sa gubat. At kumpirmadong siya nga iyon." Parang wala lang na sabi ni Zelena.
Kumunot ang aking noo. "What do you mean? Nakita na ang katawan ni Anastasia???!" hindi ko maiwasang tumaas ang aking boses. Paanong may impormasyong na ngayon gayong ang aking imbistigador ay wala man lang naibabalita sa akin?! Sa nakalipas na anim na taon, ngayon lang ako ulit nakabalita at ang matindi pa'y nakumpirma na nilang si Tasia iyon!
"Parang hindi kapani-paniwala e, nung sinugod ako dito sa hospital...nakita ko si Tasia, hindi ako pwedeng magkamali. Si Tasia iyong nakita ko. Malabo na ang mga mata ko dahil sa sakit at antok pero kahit ngayong gising na ako hindi pa rin mawala sa akin ang itsura ni Tasia."
Oh shit!! God, please sana totoo ang sinasabi ni Uno. Please!
"Magpapakalat ako ng mga tauhan sa buong ka-maynilahan at padadagdagan ko rin ang mga tauhan ko dito para mabantayan ka. Hahanapin natin si Tasia, kasi kahit iyon lang ang nakita mo at walang matibay na ebidensya...naniniwala pa rin ako sayo." Hinding-hindi ako maniniwala sa isang taong minsan ko nang pinagkatiwalaan ngunit sinayang din naman.
Lumipas ang araw na nandoon lang ako at naging bantay kay Uno na nagpapahinga. Nabigla pa ako ng lumipas pa ang isang oras ay bumukas ulit ang pintuan, kasunod nun ay pagpasok ng aking ama at nang aming abuela. Tumayo ako at yumukod bilang paggalang.
"You're here son!" gulat na sabi ng aking ama.
"Binisita ko lang si Uno, Dad." Tiningnan ko si Abuela nang abutin niya ang aking kamay at ilagay ito sa kaniyang pisngi matapos niya itong halikan. Senyales iyon nang kaniyang paglalambing at pagkamiss sa akin.
"Kamusta kana apo? Ang taggal nating hindi nagkita...miss na miss na kita!" naiiyak niyang ani.
Napangiti ako, kahit hindi ako tunay na Montecarlos, hindi pa rin niya ako itinuring na iba. Andyan pa rin siya at nakaalalay sa akin.
"I miss you so much Abuela." Napanguso siya't kalauna'y tumango-tango.
Nagising na rin si Uno dahil sa ingay namin, kaya nagsiupuan na kami malapit sa kaniyang kama. Todo kuwento si Abuela tungkol sa kaniyang mga bukirin na ngayon ay mas lalong umaasenso dahil sa mga pananim nitong bulaklak. Halos lahat nang kaniyang mga costumer ay galing pang ibang bansa at sinasadyang dumayo sa kaniyang bukirin upang bumili. Pagkaraan ay tungkol sa engagement party naman nila Nathan at Zelena ang pinagusapan. Bukas na iyon pero wala akong balak pumunta.
"Just do what I said Son," takang-taka ako sa pinagsasabi ng aking ama at ni Abuela.
Ano na naman kaya ang pumasok sa mga utak nila para pilitin akong pumunta? Hindi ko alam kung anong nangyari pero namalayan ko nalang na nasa harapan na ako ng hotel at tinatanong ng mga random questions ng mga medya. Sinagot ko ang iba ng walang pag-aalinlangan pero hindi ko sinagot ang iba kapag tungkol na kanila Zelena at Nathan.
Binati ako ng mga kakilala ko at nakipagsabayan sa akin sa iisang lamesa. Gumaan ang pakiramdam ko ng magsidatingan din ang iba kong kaibigan lalo na ang mga Santibastian kaya naging panatag ako. Maya-maya pa'y tumayo ako para sana pumunta sa banyo pero agad din napahinto ng makita kung sinong pumasok sa malaking pintuan ng venue at pinagkakaguluhan ngayon ng medya.
"Anastasia..."
Mas lumapit pa ako at napatigil sa gitna kung saan din tulala si Nathan at Zelena. Pare-parehas kaming hindi makapaniwala kung sinong nasa harapan namin ngayon at pinapasadahan din kami ng tingin.
"Zelena, This is Nicole...Nicole, Zelena Santibastian, future wife of Nathan Keir Montecarlos." Nakita ko kung paanong rumihistro ang gulat at pagtataka sa kaniyang mga mata.
Sobrang saya ko nang muli ko siyang makita at makasama, pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan lalo na't wala siyang kilala sa amin kahit isa. Nasasaktan ako dahil hindi man lang niya kilala ang isang tulad ko pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagusto niya kay Nathan kahit wala siyang naaalala.
Kahit hindi niya iyon kilala, gusto pa rin niya si Nathan samantalang ako nung una naming pagkikitang muli, ay pinagtabuyan. Kahit na sawang-sawa na siya sa mukha ko, andoon pa rin ako para samahan siya. Andoon pa rin ako para gabayan siyang makaalala at andoon pa rin ako sa tabi niya sa mga araw na nahihirapan siya.
Hindi kinaya ni Tasia ang mga nalaman kaya nung araw sanang makikilala niya ang mga Santibastian bilang totoong pamilya niya, ay nasira dahil sa pagkakahimatay. Dinalaw ko siya nang gabing iyon at sabay kaming kumain nang panghapunan, nabalitaan ko rin nagwala siya at halos ayaw pauwiin si Nathan kaya walang nagawa sila Liam kundi turukan siya nang pampatulog. Napakamot ako sa aking batok nang malamang naiwan ko ang aking susi ng kotse sa lamesa ni Anastasia sa hospial. Kaya muli akong bumalik sa kaniyang palapag at dere-deretso ang lakad papuntang kwarto niya.
"As of now, you're life is in serious risk. and you may give up one day due to your heart failure. Anastasia, you need surgery as soon as possible, hanggang kaya pa." napahinto ako sa akmang pagpihit ng door knob dahil sa narinig.
Si Tasia, may sakit? Saan? Sa puso? Ngayon pa nga lang kami nagkasama ulit tapos mababalitaan ko nalang na ganito pala ang mangyayari!?
"K-kailan ako pwedeng operahan?"
"I schedule our flight tomorrow afternoon, pagdating natin sa amerika...dederetso na agad tayo sa hospital para i-admit ka at hintayin hanggang oras para operahan ka." Rinig ko rin tugon nang sa tingin kong doktor ni Tasia. Napasandig ako sa dingding sa sobrang paghihina.
"Ilan ang porsyento kayong sigurado na magiging successful ang operasyon? Please, g-gusto kong malaman."
"Eighty percent ang tansya namin—"
"At twenty percent ang tansya niyong maaari akong mamatay habang nasa gitna ng operasyon,"
Hindi ko na nakayanang iproseso pa ang lahat nang mga narinig ko. Tumakbo ako pabalik sa pinanggalingan ko, kahit hindi ko pa nakukuha ang susi nang sasakyan ko. Dere-deretso pa rin ako at sumakay sa saktong humintong taxi sa harapan ko. Sobrang sakit ng puso ko sa mga narinig. Ang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig, bakit hindi nalang ako mahalin, yung walang halong sakit...bakit sa tuwing okay na lahat, darating din yung panahong sasakit na naman ang aking dibdib at uuwing luhaan.
Ansakit lang para sa akin na marinig na nagaagaw buhay na pala siya. Nagaagaw buhay ang aking Mahal.
Bakit hindi nalang niya sa akin sinabi agad? Bakit kailangan pang biglain ako nang ganito!?
Lasing na lasing akong umuwi kinabukasan, akala ko kasi kapag nagpakalasing ako...magiging okay ang lahat pero hindi pala, buong magdamag 'kong iniisip si Anastasia. Ni walang isang segundong nawala siya sa isip ko. Mahal na mahal ko siya at takot akong maiwan ulit mag-isa.
"What?!" natatawa kong sabi sa kabilang linya.
Sa sobrang kalasingan ay halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Nanatili lang nasa tenga ko ang aking cellphone at kinakausap ang tumawag.
"Where the hell are you?!" rinig kong sigaw ni Uno mula sa kabilang linya.
"I'm drunk...shhh!" tumawa ako ng malakas.
"Shit, aalis na ang kapatid ko tapos naglasing-lasing ka pa ngayon!?" galit niyang sigaw. Parang automatikong nawala ang aking kaantukan at kalasingan ng marinig iyon.
"A-anong sabi mo?"
Aalis si Anastasia!?
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "Aalis na ngayon ang kapatid ko kasama sila Liam, kailangan na ng maagang operasyon si Anastasia. . . Nate, mahina na ang puso ni Tasia at baka ito na ang huling beses na makita natin siya."
"I'm coming..."
"Ipapasundo kita kay Knight." Rinig ko pa ang huling sabi niya bago ko tuluyang pinatay at hinagis ang cellphone ko sa ibabaw nang kama.
Hindi ko na iyon binitbit at nagbihis na agad nang damit para makalabas na ulit nang aking bahay. Saktong kakaparada lang ni Knight Santibastian ng masarado ko ang pintuan. Dali-dali akong tumakbo sa kaniya at pumasok sa kaniyang sasakyan.
Hinatid niya ako hanggang sa airport. Mabuti nalang at isang Santibastian ang may-ari nang airport kaya hindi ako nahirapang makapasok nang makilala ako. Siguro rin ay tinawagan na sila ni Uno kaya't may lalaking pang lumapit sa akin at inakay ako hanggang sa lugar kung saan ko nakitang binibigay na ni Anastasia ang kaniyang ticket sa flight attendant. Inisang hakbang ko ang pagitan namin dalawa at hinigit siya palapit sa akin.
"Nate?!" gulat niyang sabi at bahagyang napahawak sa kaniyang dibdib.
Wala akong maisip na sasabihin sa kaniya kaya't sinalubong ko nalang siya para sa isang mainit na yakap.
"Nate, huwag ngayon...mahuhuli na ako sa flight ko." Mahinahon niyang sabi.
"Please, huwag mo akong iiwan...maawa ka." Alam kong panget na akong tingnan dahil sa itsura ko pero hindi ko pa rin maiwasang mapaluha.
"So alam mo na pala, huwag kang mag-alala...magpapagaling lang naman ako e," Niyakap niya ako pabalik.
Sunod-sunod akong umiling at mas humigpit pa ang yakap sa kaniya. Sabay naming narinig ang pagannunsyo na ilang minuto nalang at lalarga na ang sasakyan nilang eroplano. Napahiwalay siya sa akin.
Pinagmasdan ko ang kaniyang buong pangangatawan, pumapayat talaga siya't namumutla ang kaniyang mukha. Halatang nahihirapan na siya sa kaniyang karamdaman. Kaya sino ba naman ako para pigilan siya?
Sa pagkakalasing ko kanina doon ko rin napagkatanto na hindi talaga madali ang karamdaman ni Anastasia. Ganun din ang sakit ni Nicole, kaya alam ko ano ang pakiramdam dahil minsan ko na ring nakitang nasasaktan si Nicole dahil sa sakit niya.
"Papayagan kitang umalis ngayon pero susunod agad ako." Desidido kong sabi.
"Nate, ayokong nakikita mo akong nahihirapan," agad ko siyang pinigilan.
"At ayoko rin nakikita kang nagdurusa at nanghihina dahil sa sakit mo pero kaya ko pa rin samahan ka para lang makita mo kung gaano ako kadesididong makita kang mawalan ng sakit at unti-unting gumaling."
"H-hindi ko na alam. Nate, bakit ka ganito sa akin? Bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo sa akin?!"
"Because I love you, Anastasia. Mahal na mahal kita kaya handa akong gawin ang lahat para sa pagkakataong ito ako naman ang mamahalin mo. Ako naman yung taong hahanap-hanapin mo."
Mahal na mahal ko siya at hindi na iyon magbabago pa kahit paulit-ulit niya man akong iwan.
"Nate, pare, oras na..." napatulala ako sa narinig.
Oras na nila para umalis, oras na rin para tuluyan ko siyang bitawan at hayaang pakawalan. Sa pagkakataong ito, nakita ko na siyang unti-unting bumibitaw sa aking mga hawak.
"Ayokong umasa ka, kasi baka isang araw hindi na ako makabalik pa."
"Huwag mong sasabihin 'yan, hindi ko kayang mawala ka!"
"N-nate...hmmp," bago pa man niya matuloy ang sinasabi'y pinantayan ko na ang kaniyang tangkad at walang pasabing hinalikan siya.
"Handa na ako...handa na akong pakawalan ka, pero asahan mong pagbalik mo'y akin kana." Kinuha ko sa aking bulsa ang kwintas na nakalimutan kong ibigay sa kaniya kahapon.
Inalis ko ang kaniyang buhok at pinahawak sa kaniya. Wala siyang imik at patuloy lang akong tinitingnan habang sinusuot ko sa kaniya ang kwintas. "Sa pagkakataong ito, ako naman muna."
Ako naman ang mamahalin niya at ako naman ang unang taong nasa tabi niya hanggang muli siyang magising. 'Di man sila nagtaggal ng aking kapatid, ako naman yung papalit. Ako yung naiwang ala-ala nang kanilang pagmamahalan dahil kahit hindi man ako yung unang minahal, mananatili pa rin ako at handang gawin ang lahat para sa kaniya. Para muli siyang sumaya. Dahil ako yung sasagot sa mga katanungan niya...
What if you someone you love right now turns out to be someone's future?
Bakit ko pa kailangan sagutin ang katanungang iyan, kung halata naman kung anong isasagot ko. . .Kung alam ko naman kung sino talaga ang para sa akin at kung sino ang para sa kaniya.
"Nate, ano ba! Magsisimula na yung kasal! Antaggal mo rin e nuh," napatawa ako ng marinig ang bagot na katok ni Uno, kasunod nun ay mga tawanan at usapan ng iba pang Santibastian.
Inayos ako ang aking coat na suot at ang aking buhok, isang pasada pa sa aking buong mukha bago ko pa napagdesisyonang lumabas na nang aking silid.
"Excited pa kayo sa ikakasal." Napapailing kong sabi.
"Syempre naman, kaibigan namin ang ikakasal e...dapat lang pero dapat lang din na may pa beer mamaya!" nagsinang-ayunan na sila sa sinabi ni Matthew.
"With girls para masaya!" Jackson said. Nagtawanan ang iba.
"Sige, nang mahiwalayan ka nang girlfriend mo nang wala sa oras!" nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nila. Nakalabas na kami't lahat-lahat at nakasakay na sa van pero todo pa rin sila sa pag-uusap.
"Girlfriend? I thought it's just for fun?" napasinghap si Uno nang may makumpirma. "O shit, Nainlove ka? Patay!" nagsihagalpakan sa sobrang tuwa sila.
Habang ako'y nakikinig lang at pakunwaring nakikinig sa kanilang usapan pero ang totoo'y sa kaloob-looban ko ay grabe na ang kaba ko.
Miss na miss ko na siya... sana okay na lang siya kung nasaan man siya ngayon, kasi ako mananatili akong okay para lang makita niyang masaya naman ako.
"Pre naman, hindi pa nga nagsisimula ang kasal. Nagdrama ka na agad ngayon!" Napatingin ako kay Royce Chett nang pumitik siya sa harapan ko. Napailing-iling nalang siya nang makita ang reaksyon ko. "Kung hindi mo naman kaya, pwede ka namang umalis 'di ba?"
Mapait akong ngumiti. "No it's fine. . .nandito na pala tayo," Tinapik ko siya sa balikat at nginitian pa ulit. "Tara baba na tayo."
"Ikaw din. . .tsk!" rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na iyon pinansin at lumabas na nang van. "Congrats. . ."
Sinalubong ako nang mga nagkikislapan na mga kamera mula sa medya na ipinagtaka ko.
Bakit may medya? Akala ko private itong kasal?
Nangunot ang aking noo nang paglingon ko upang hanapin ang mga kaibigan ko ay wala na sila sa likod ko. Sinalubong ako nang aming mga kamag-anak nang isang mainit na yakap at hinalikan ako sa pisngi.
"Congrats, Nate..."
"Congrats, Apo ko."
Halos pare-parehas lang sila nang sinasabi at halos ikalito ko na ang kanilang mga pinaggagawa sa akin sa sobrang dami nila. Ang pinakahuli ay ang mga pinsan namin na mga bata. Hinila nila ako hanggang sa kalagitnaan ng Altar at doon lang binitiwan.
"What the heck is happening?!" gigil kong sabi kay Uno nang lumapit siya sa akin at inayos ang aking coat na bahagya nang nagusot.
Hindi ako ang dapat na narito! Si Uno at Melissa ang dapat na ikakasal ngayon! Pero bakit ako ang narito at binabati nila!
"Congrats, ingatan mo siya..." mahinang bulong niya at madiin na tinapik ang aking balikat na para bang winawarningan niya ako sa maaari kong gawing masama.
"Shut up please," tumatawa siyang winagayway ang kaniyang kamay sa harapan ko bago tumakbo sa kahabaan ng Aisle para bumalik doon sa malaking pintuan at makalabas ulit.
"Congrats!" Rinig kong sigaw ni Maverick na sinundan din ng mga pinsan kaya mas naaagaw nila ang atensyon ng bisita. Kahit saan talaga, sobrang ingay nila.
Nalilito na ako sa mga pinagsasabi nila at halos hindi ko na alam anong dapat gawin. Ang kaninang kaba ko ay mas lalo pang dumoble at halos hindi ako makahinga nang maayos nang isarado nila ang malaking pintuan at pagkaraan ng ilang minuto'y kasabay nang pagtugtog nang pamilyar na kanta ay ang pagbukas muli nang pintuan. Ganun nalang ang pagkabigla ko nang makita si Anastasia sa bukanang iyon.
Napatakip ako sa aking bibig at sunod-sunod na napaluha. Akmang sasalubungin ko na siya nang pigilan na agad ako nang aking mga kaibigan at inilingan habang natatawa, ang iba'y kinukuhanan pa ako ng larawan.
Nanatili nalang ako sa pwesto ko habang tinitingnan siyang nakasuot nang isang mahabang bestidang puti at para talaga siyang prinsesa sa suot niya tulad nang kaniyang pangarap.
Natatandaan ko pa nung unang beses niyang kwinento sa akin ang mga gusto niya sa buhay at kasama na nun ang pagsuot niya ng isang mahabang bestida sa isang party, gusto niyang maging maganda at matapang sa paningin ng mga tao. Hindi ko alam na matutupad lang pala iyon, ngayong kasal namin dalawa. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala iyon.
Naalala ko pa kung paano niya akong pagtabuyan nung unang beses kong sundan sila sa Amerika para makita sila. Ayaw na ayaw niya talagang nakikita ko siyang nahihirapan. Gusto niyang maging independent siya, ayaw niyang maging depende sa isang tao lalo na sa akin.
Akala ko nung una, talagang ayaw niya lang sa akin pero hindi pala. Dahil ginagawa niya lang iyon dahil sa ganung dahilan. Ilang beses rin akong nagpabalik-balik para makita siyang okay lang. Nung huli niya akong pinauwi dito sa pinas ay pagbalik ko naman ulit sa amerika'y nadatnan ko na siyang nasa ICU at walang malay. Ang araw na pinipilit niya akong umalis ay yung araw din pala nang kaniyang operasyon. Grabe ang galit ko sa mga taong kasama niya pero patuloy lang silang humingi nang tawad kasabay nang rason na si Anastasia ang may desisyong iyon.
I always fell in-love with this kind of girl... yung babaeng nasa gitna ngayon, at dahan-dahang nilalakad ang kahabaan ng aisle habang tutok na tutok ang mga mata sa akin.
Kitang-kita ko rin ang mga luha niyang tumutulo. Napangiti ako. Parang kahapon lang yung sinabi niyang hihiwalayan niya na ako sa dahilang sawang-sawa na siya sa mukha ko. Grabe yung gulat ko nun, dalawang taon na kaming magkasama habang patuloy siyang ginagamot. Doon ako mas lalong hindi napaghinaan ng loob dahil sa bawat araw na lumilipas, nagbabago ang pagtingin niya sa akin hanggang sa inamin niyang gusto na niya ako.
Still the innocent woman for me...
Siya pa rin yung babaeng inosente at puno nang puti sa kalooban, hindi ko nga alam kung mayroon pa siyang tinatagong itim sa kalooban niya kasi kahit galit siya, siya pa rin yung magso-sorry sa huli at manlalambot. Minsan nagiging bading na ako dahil sa kaniya. Nababading ako sa sobrang kilig sa mga patama niya sa akin.
"Natulala ka na naman sa ganda ko." Nagsitawanan ang mga taong nakarinig nun. Napailing-iling nalang ako at walang pasabi siyang niyakap ng mahigpit.
"I hate you, sabi mo ayaw mo na sa akin?!" may galit kong sabi pero dahil sa kahinaan ay nagmistulang pagtatampo iyon.
"Ginusto mo rin naman," gusto ko sanang mag react na hindi ko iyon ginusto pero agad niya rin iyong pinutol sa pamamagitan ng isang halik sa labi ko. "Ang ibig ko, gusto mo rin naman akong pakasalan. Inunahan lang kita kasi sobrang torpe mo." Namumula akong umiwas nang tingin at pinipigilan ang ngiti sa labi. Pero agad din nawala ang ngiti at napasinghap.
"Aray naman!" sinamaan ko nang tingin ang taong bigla nalang nambatok sa akin. Nakita kong si Uno iyon.
"Nakapuntos kana agad, hindi pa naman nagsisimula," pabiro niya akong inirapan.
"Selos ka naman, doon ka pahalik sa jowa mo!" Siguradong inaway na naman siya nang buntis na iyon.
Kung hindi lang talaga sila nawalan nang anak at kung hindi lang nawalan nang confidence sa sarili si Melissa'y baka mataggal na silang nagpakasal. Sana lang magmove-on na sila at huwag nang kumapit sa patalim at kunin ang hustisya dahil kahit kami, tanging gusto nalang ay ang kaligtasan nilang dalawa.
"Baka gusto niyong simulan? Gutom na gutom na ako!"
"Atat na akong balutin ang Lumpiang Shanghai!" reklamo nang kambal.
"Ako lechon!" Ani ni Knox na nakisali rin sa pagrereklamo nang kambal. Napapailing at natatawa nalang ang mga bisita sa kanila.
Kalauna'y din ay nagsimula na ang surprised kasalanan namin dalawa ni Anastasia.
Parang kailan lang, selos na selos ako at gusto ko nang kalimutan ang pagmamahal ko kay Anastasia dahil akala ko sila na talaga habambuhay nang aking kapatid pero hindi pala.
Ang akala kong habambuhay nilang dalawa, ay binago nang tadhana at kami ang muling pinagtagpo para mahalin ang isa't-isa. Sa sobrang daming pinagdaanan naming dalawa, doon lang ako tuluyang naniwala na ma'y hangganan at lalo na...mayroong habambuhay para sa aming dalawa. Kahit una man siyang nagmahal sa maling pagkakataon at sa maling tao, dumating pa rin ako sa buhay niya para ipakita ang totoo kong intensyon sa kaniya.
Sa totoo lang, kung babalikan natin ang mga unang kabanata nang aming kwento, doon mo mapagtatantong parehas kaming nagsakripisyo at parehas kaming nasaktan nang todo. Kasi ako, minahal ko siya habang siya'y mahal ay iba.
The Story of our life makes me realize that all of the sacrificing and loves that we give to our love ones are more worth it dahil alam mo sa huli ay mapupunta ka pa rin sa tamang tao, kung saan hindi ka na masasaktan at siguradong hindi na bibitawan ang iyong mga kamay. Hindi natin mahahanap ang totoong tao para sa atin kung patuloy tayong magrereklamo sa tadhana kung bakit siya napunta sa iba. In order to find someone for us, we need to wait...and don't rush anything.
Dahil ang mga kwento namin dalawa ay hindi lamang tungkol sa pagmamahal nang isang tao kundi tungkol sa kalayaan sa pagpapatawad at pagtanggap.
"I love you forever, Nate Keirron Montecarlos...my own Montecarlos."
"I love you more, Anastasia Nicole Santibastian-Montecarlos...my first love, my friend, my sacrifice, my love, and my home...ikaw yung habambuhay kong ngayon ko lang nakamit."
THE END. . .
Ms. Makata say's:
Thank you for supporting this not so called love story, para sa mga bitter...hayaan niyo parehas lang tayo. 'Di rin Pala Habambuhay, is one of the story na nagpasakit nang puso ko. Siya yung kasama ko sa grade 12 days ko kung saan iniisip ko palagi kung paano ko ito tatapusin pero after three months or four, i still finish this. Thank you kay god, na kahit gaano karaming problema sa school at mga modules ko labi na ang deadline ay ginabayan niya pa rin ako para tapusin itong story. And also to my family and friends for always supporting me.
And to my readers, my chimmys, my madla...thankyou for reading my stories and be with 1,000 plus readers.
Special thanks to my friend and my 'angkul' Aprilou Nicah Damian Godinez for making this happen, for composing this kind of song... kung wala ka, wala rin 'Di rin Pala Habambuhay'. I wish i can still work with you.
And also, expect that after 3 days i will temporarily unpublished this story because i still have errors and typos... it will under edited.
Again thankyou so much!
SPOKEN WORD POETRY SERIES (On-Going)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro