Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE 1/2

Happy 18th Birthday self :*

PART 1: EPILOGUE

NATE'S POV

My parents have always admired me and have always provided me with everything I need, including toys, books, gadgets, and so on. At iyon ang kaibahan sa aming dalawa ni Nathan dahil siya, hindi siya humihingi sa aming mga magulang. Mas gusto pa niyang hingiin ang mga gamit ko.

Si Nathan kasi yung tipong anak na hindi sumusunod sa utos ng mga magulang. Madalas siyang sumusuway at kahit may curfew kaming dalawa sa gabi, lumalabas pa rin siya. Dala-dala niya iyon hanggang sa lumaki kami at mawalan ng ina at kapatid na babae. Sobrang sakit lang na nang dahil sa isang aksidente, dalawang tao na agad ang nawala sa amin.

Palasumbong din ang kapatid ko kapag hindi ko naibibigay sa kaniya ang mga gusto niya pero habang lumalaki kami kinikimkim nalang niya ang mga pait na nararamdaman niya.

Nalulungkot lang ako na ang kapatid ko na masiyahin at laging nakangiti ay unti-unting nagbabago at mas nagiging malala sa bawat taong lumilipas. Nalaman din namin na hindi naman ako totoong anak nila Mommy and Daddy, tanging si Nicole at Nathan lang naman ang totoong anak nila pero hindi ko alam kung bakit nila sa akin binigay lahat. Bakit hindi nila ipaubaya sa totoong panganay nila.

"Zelena, I love you!" napakunot ang aking noo ng saktong paglabas ko nang bahay ay nakita ko ang kapatid ko at si Zelena. Hawak-hawak ni Nathan ang dalawang balikat ni Zelena. Nakatayo lang ako at nanatiling nakatingin sa kanilang dalawa.

Nang mag-college kami ay tumino ng konti si Nathan, nag-aaral na siya ng matino at nagpupursige na. Simula din nun, ay araw-araw na niyang sinasabi sa akin na babawiin niya ang binigay sa akin ng mga magulang niya. Na babawiin niya lahat ng sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin at binalewala nalang dahil akala ko, doon siya kakalma hangga't sabihin niya ang gustong sabihin sa akin.

"N-nathan, hindi mo 'ko pwedeng magustuhan!" tugon din ni Zelena sa aking kapatid.

Kung marami lang talagang tao dito sa hacienda'y baka kanina pa sila pinag-uusapan.

I know we're already twenty, but it's too soon to love someone at this age. How can he say that in front of this girl in such a public place? And how the hell did he fall for this girl, I thought she was just a sister to us?

Matagal na naming kaibigan si Zelena, halos hindi kami mapaghiwalay tatlo ng mga magulang namin. Natatakot kasi kaming mabawasan na naman kami. Una, si Talia Amore at Pangalawa, si Nicole na kapatid namin. Kinuha sila ni Lord sa amin ng biglaan.

"Why? May gusto ka bang iba?" lumamig ang boses ng kapatid ko.

Napasinghap si Zelena at winala ang paningin sa aking kapatid. Halatang may gusto siyang iba pero hindi niya iyon masabi-sabi sa kapatid ko. Tulad ko rin siguro, ayokong nakikitang nasasaktan si Nathan.

Nagsimula na ulit akong maglakad, ramdam ko ang paglingon nila sa akin ng makitang dumaan ako sa gilid nila. Hindi ko lang sila pinansin at nagpatuloy na papuntang sasakyan para makaalis. Pagsakay ko ay agad ko nang pinasibad ang aking sasakyan.

Habang binabagtas ang kahabaan ng aming rancho'y biglang tumunog ang aking cellphone, kinonekta ko muna ito sa aking earpods bago sinagot.

"Hey, playboy!" bungad na bati sa akin ni Uno.

"Huwag mo akong igaya sayo." Malamig kong tugon.

"Oo na oo na, sa ating magkakaibigan ikaw lang naman talaga ang matino...kailan ka ba magkaka-girlfriend?" halata ang panlalaro sa kaniyang sinabi. Rinig ko naman ang tawanan sa kabilang linya.

"Balita ko, pumapag-ibig na kapatid mo ah!" rinig kong sigaw ni Jackson.

Napangisi ako at pinakinggan ang pagtatalo nilang magpi-pinsan sa kabilang linya.

"Akalain mo iyon, sa step-pinsan ko pa!" humagalpak sila ng tawa.

"Akala ko nga rin, hanggang kapatid lang ang turing, pumapatol pala sa kapatid ang gago!" napailing-iling nalang ako sa sinabi ni Xeno.

"Baka nakakalimutan niyong kapatid ko ang ginagago niyo? Hintayin niyo lang ako makarating diyan sa inyo." Narinig ko pa ang pagsinghapan nilang lahat bago ko pinatay ang tawag.

Mga gago talaga, kapatid ko pa ang minura!

Pagdating ko palang sa hacienda ng mga Santibastian, malayo pa lang nakita ko na agad ang kanilang mga mamahaling kotse sa labas ng kanilang mansyon. Kompleto ngayon ang mga magpi-pinsan na Santibastian dahil summer at bakasyon nila sa eskuwela. Mataggal ko na silang kaibigan, sila yung napagsasabihan ko kapag may problema ako kay Nathan o sa eskuwela.

We made the most of our day by taking a dip in the sea while drinking. They have a lot of problems in life, especially Uno, who will probably never be able to get rid of his. That is the difficulty of being the only true child and eldest; you will always have all of the family problems. It's a good thing Nathan is my only problem right now. The rancho and hacienda is something I can manage, and since Nathan is no longer useful for anything except helping me enrich our hacienda, my father manages our businesses in Manila and abroad.

The next day, I went to our hacienda, where we had planted hundreds of mango trees. We will harvest mangoes today and sell them all over the town of Isla Amore and the rest will be sold to our neighboring towns. We couldn't finish harvesting the mangoes in a week due to the excessive quantity, and it might take us a few weeks longer to finish it. Mangoes are sweet, so the people loves it so much. So maybe our income increase again this year.

"Kaya ko nga po yung ganitong klaseng trabaho!"

Mula sa aking kinauupuang puno ng acacia'y rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang tao hindi kalayuan sa akin at nang dahil sa oras ng trabaho ngayon, walang naglakas ng loob na lapitan ang dalawang iyon para makiusyoso. Nagpatuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa kahit na nakakaabala sa kanilang trabaho ang isang babae na iyon.

"Hindi nga! Mangga ang binubuhat namin, hindi make-up! Mabuti pa, umuwi ka sa bahay niyo at gawin yung mga trabahong gawain ng mga babae. Hindi ka bagay dito." Nilingon ko sila.

"Hindi nga po gawain ng babae ang trabahong ito pero 'wag niyo naman po maliitin ang mga babae, kaya rin po namin ang trabahong ito."

"Ewan ko sayo, sinasayang mo lang ang oras ko sa pagtatrabaho!" inis na sabi ng aking trabahante. Namewang ang babae at bigla nalang binuhat ang kalahating sako na puno ng mga mais.

"Kaya ko nga sabi, kuya," agad siyang inalalayan ng aking trabahante at parang nababahala ito na baka bigla nalang itong mabalian ng buto sa pinaggagawa.

Tumayo na ako mula sa aking kinakauupuan at mas pinakatitigan sila.

Ang tigas din ng ulo nitong babaeng 'to! Alam ng mabigat yung sakong iyon pero binuhat pa rin! Ano bang gusto niyang mangyari at bakit dito pa talaga niyang naisipan manggulo?! Balak niya bang pagnakawan ang hacienda?

"Toy," tawag ko sa binatang nagtatrabaho din sa aming hacienda. Lumingon siya sa akin at lumapit.

Utoy, is one of our farmer's son. He still studying while working, he is one of our family's scholars, so even though they are financially illiterate, he can still study and take his dream job. He is now an college student, and I can only describe him as a hardworking person. I then see myself in him, like him, I will always do anything for my family.

"Sino iyong babaeng iyon?" I immediately asked.

Napakamot naman siya sa kaniyang batok at nakasimangot na tiningnan ang dalawang nag-uusap hindi kalayuan sa amin.

"Napadayo lang dito, Boss Nate para makapagtrabaho. Isang araw lang daw at aalis din naman." Mas pumangit lang ang itsura ko sa narinig.

Ang gandang babae dito pa naisipang maghanap ng trabaho. Tsk!

"Bakit dito pa naghahanap, may trabaho namang pwede niyang pag-aaplyan at mas magtataggal siya doon."

"Sayang nga boss e, papatulan ko sana pero mas matanda pa sa akin ng isang taon!" humagikhik siya. Napailing-iling nalang ako at mas pumangit ang itsura sa narinig.

"Tsk, mag-aral kang mabuti bago ka lumandi, kay bata-bata mo pa 'yan na agad iniisip mo." Nakangiwi kong sabi. Napatawa naman siya doon at napakamot sa sariling batok.

Muli kong tiningnan ang babae. Pinipilit pa rin nitong makumbinse ang aking tauhan na makapasok. Isang araw lang naman daw, hindi na rin masama.

"Patrabauhin mo nalang ngayon yung babae then bumili ka na rin ng lunch niyo isama mo sa bilang yung babae." Binigyan ko siya ng isang libo.

"Sige boss!" agad niyang tugon pagkatapos kunin ang pera na inabot ko. Naglakad na siya hanggang sa dalawang nag-uusap.

Kitang-kita ko tuloy matapos na may sabihin si Toy sa dalawa'y sumilay ang magandang ngiti ng babae na halos ikalaglag ng panga ko. Sobrang ganda niya lalo na nung ngumiti siya ng inosente. Hindi ko na tuloy alam kung anong nangyari sa akin pero matapos nung araw na iyon ay nalaman ko nalang na araw-araw ko na siyang sinusundan kahit saan. Hindi na siya bumalik sa Hacienda, nakikita ko nalang siyang minsan na naglalako ng kaniyang panindang gulay o hindi kaya'y sa palengke.

"Sir, mabuti't nakabalik kayo!" bungad sa akin ni Alfredo na nagtatrabaho dito sa car wash.

Ang car wash ng amo niya'y may kadungtong na paggawaan ng kotse kaya'y bentang benta sa mga customer nito ang kaniyang store dito sa Isla Amore.

"Papalinis sana ako, katulad lang dati."

"Copy, sir." Agad siyang kumuha ng mga gagamitin niya at inumpisahan na agad ang paglilinis. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang aking cellphone at lumayo kay Alfredo para hindi mabasa ng tubig. Habang tinatawagan ko si Nathan ay nakatingin ako sa kabilang kalsada kung saan may taong nasa ilalim ng kotse at nag-aayos. Maya-maya pa'y may lumapit doon at tila kinausap ang tao sa ilalim. Ganun nalang ang gulat ko ng paglabas ng taong iyon sa ilalim ay babae, hindi lang simpleng babae dahil iyon ay si Anastasia Nicole na ilang linggo ko nang sinusundan. Hindi ko alam na pati ang ganitong trabaho pala'y papatulan din niya.

Hindi lang iyon natapos doon, ilang beses ko pa siyang nakita kahit saan banda sa Isla Amore at lalo lang akong nahulog sa kaniya. Minsan ko na nga rin binili ang mga paninda niyang gulay pero syempre, hindi ako mismo ang bumili. Nakikisuyo ako sa mga kasama kong bilhin iyon para lang madaling maubos at makauwi agad si Anastasia. Inaabot pa kasi siya nang hapon kapag hindi nauubos agad ang mga paninda niya.

"Nate!" napatayo ako sa gulat nang biglang pumasok si Zelena sa mansyon at agad akong dinumog ng yakap.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

"Nate, ansakit..." ani niya na ikinakunot ng noo ko. Paulit-ulit niya iyong isinambit habang hindi pa rin ako hinihiwalayan sa yakap.

"Ano bang problema, bakit ka ganiyan? Nag-away ba kayo ng kapatid ko or nabastos ka ba?" sunod-sunod kong tanong. Ang alam ko'y umalis silang dalawa ng kapatid ko upang maki-birthday sa katabing bayan namin kung saan dinadayo ngayon ang kaarawan ng kaibigan ni Nathan. Tapos ngayon, nauna pang nakauwi si Zelena bago ang kapatid ko, nasaan ba kasi ang kapatid ko?!

"I'm sorry Nate, hindi ko sinasadyang sabihin...i'm sorry," doon kumunot ng todo ang aking noo.

"You're sorry for what?" sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin upang matingnan ang kaniyang mukha pero hindi niya iyon hinayaan. Bagkus ay pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking leeg at nilapit ang kaniyang labi sa akin. She's drunk. I know it.

Agad kong iniiwas ang aking mukha at pabalang na tinanggal ang kaniyang braso sa pagpulupot sa aking leeg.

"What the fuck are you doin' Zelena Santibastian?! Girlfriend ka nang kapatid ko, and you acting like some girl na nakikita ko sa kanto?!" sigaw ko sa sobrang galit.

Sunod-sunod siyang napahikbi doon. Agad naman lumambot ang tingin ko sa kaniya, we've been friends since day one but here I am seeing her like some random girl in our village. I admire her but not in this state na aagawin ko siya sa kapatid ko. Gusto ko siya hindi para maging girlfriend, gusto ko lang siya bilang kapatid.

"I like you!" sigaw niya.

Umawang ang aking bibig sa sobrang gulat. Napaatras ako, maya-maya pa'y bumuga ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili.

"Kapatid lang ang turing ko sayo, i'm sorry..." tumalikod na ako at dere-deretso ang pag-akyat sa hagdan na hindi lumilingon sa kaniya.

Hindi pa doon natapos ang lahat. Paulit-ulit ko silang naaabutan nag-aaway. In my whole fourth year of college's life, bilang ko lang yung mga araw na umuuwi akong walang naririnig na pagtatalo mula sa kanilang dalawa.

Iyon ba talaga ang feeling kapag may kinakasama? Iyon ba dapat sa isang relasyon? I'm curious how it feels. . .

Pero simula nang lumipas ang mga araw, nagbago na ang kuryosidad kong maranasan ito. Ayoko na pala, dahil sa tuwing nakikita kong mabaliw ang kapatid ko sa relasyon nila at pagseselos niya doon na ako natakot magmahal.

Doon ko isinugal sa tadhana si Anastasia Nicole para kapag isang araw na pagtagpuin ulit kami ng tadhana, alam kong ready na ako at hindi na ako takot magmahal.

At hindi nga ako nagkamali na ganun talaga ang nangyari...

"Are you sure son? Baka mag-away na naman kayo nang kapatid mo diyan." nag-aalalang sabi ni Daddy mula sa kabilang linya.

"Y-yes dad, ako na bahala sa kaniya sanay na rin ako." Konting tiis nalang.

Napabuntong-hininga ako. Kailan ba siya matatapos? Pagod na pagod na akong makipagtalo dahil lang sa babaeng hindi ko naman talaga ginusto. Mag'one year na sana sila kung hindi lang away bati at break. Tapos ngayon ako naman sinisisi ng kapatid ko at pinagseselosan ako.

"Sir, sir...nagpapahinga po si Sir Nate, mamaya niyo nalang gisingin." Napaubo ako dahil sa sama ng pakiramdam. May sakit na ako nung nasa Maynila palang ako pero hindi ko alam na pati pala dito, papahigain ako ng magdamag sa kama.

"Nate, buksan mo 'to!" rinig kong sigaw ni Nathan.

"S-sir, papahingahin niyo po muna siya." Nanginginig na sabi nito kay Nathan.

"Umalis ka, Manang." tugon din ng aking kapatid.

"S-sir..." nanginginig na sa takot ang aming mayordoma.

Dahan-dahan akong tumayo at sapo ang ulong binuksan ko ang aking pintuan ng kwarto. Ayoko pang makipag-away kay Nathan sa ganitong sitwasyon.

"May kailangan ka?" bagot kong sabi bilang pagbungad sa kaniya.

Nabigla nalang ako ng higitin niya ako sa kwelyo at walang pasabing sinuntok ako sa mukha. Sa sobrang paghihina ko, hindi ko man lang ito naiwasan kaya deretso akong napaupo sa sahig. Hawak ang pangang tiningnan ko ang aking kapatid.

"Nathan, huwag ngayon ano ba!?" Sigaw ko habang hawak ang aking panga.

Hindi pa siya nakuntento doon. Pinatungan niya ako at sunod-sunod na pinagsusuntok. Ang kaninang paghihilo ko'y mas dumoble pa dahil sa mga suntok niya.

"Walang hiya ka, akala ko nagkagusto lang sayo yung girlfriend ko, kabit ka na pala!" paulit-ulit niya akong pinagsusuntok. Naramdaman ko ang hapding gumuhit sa may noo ko.

Kabit? Kailan pa ako naging kabit? Saan na naman kaya nakasagap nang ganitong balita ang kapatid ko at dinamay na naman ako.

Hilong-hilo na ako at halos hindi ko na siya magawang tingnan nang deretso.

"Ano, 'di ba matapang ka, tumayo ka diyan!"

"T-tama na, Nathan..." nasabi ko nalang at paulit-ulit na umubo. "Huwag mong isisi sa akin ang kababayaan mo. Hindi porket sa akin una nagkagusto ako na agad ang sisi sa lahat kapag nagseselos ka. At lalong hindi ako ang dapat gulpihin mo dahil kumabit ang girlfriend mo. Alam mo ang ugali ko at hindi ko ugaling pumatol nang may nobyo na lalo na't sa nobya mo."

Dinala ako sa hospital matapos ang nangyaring pangbubugbog ng aking kapatid sa akin. Nahimatay ako at ang tanging huling ala-ala ko nalang na si Nathan mismo ang nagdala sa akin sa haspital at pinabantayan ako kay Manang.

Pagod na pagod na ako pero hindi ko kayang iwan nalang mag-isa si Nathan dito sa Isla Amore. Kapatid ko siya kahit hindi man kami magkadugo. Kahit ampon lang ako, kapatid ko pa rin siya. Kaya kahit paulit-ulit nalang kaming nag-aaway ay patuloy pa rin ako sa paggawa ng paraan upang magkabati kaming dalawa.

Nung umalis si Zelena sa pinas, mga unang buwan nun ay lumipat si Nathan sa Maynila upang ipagpatuloy ang kaniyang eskuwela hanggang sa mag graduate siya. Ako naman ay naiwan mag-isa sa Isla Amore upang bantayan ang rancho at pamahalaan ito hangga't hindi bumabalik sa amin si Nathan. Binibisita ako paminsan-minsan ng mga kaibigan kong mga Santibastian para may kasama ako at may katulong kung maraming gagawin sa hacienda at minsan naman ay umuuwi si Daddy upang pansamantalang mag-bakasyon kasama ako.

Hindi naman talaga ako nabo-boring na mag-isa ako sa Isla Amore tulad nang mga sinasabi nila Uno dahil sa ilang buwan kong nag-iisa. Ilang buwan na rin simula nang makita ko ulit si Anastasia. Sumigla ulit ang puso ko at halos hindi ko na siya makalimutan pa sa isip ko. Kinikilig ako kahit alam kong hindi niya ako kilala at mas kinikilig pa ako sa kadahilanang napapansin niya ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa likod niya.

I'm so happy that she noticed my presence... kahit na nagmumukha na akong stalker sa kakasunod sa kaniya. Halos mapuno na nang mga stolen shot niya ang gallery ko. Pinagtatawanan tuloy ako nang mga kaibigan ko kapag nakikita nila ang cellphone kong si Anastasia ang wallpaper at lock screen.

"Kuya, saan ka pupunta?" nagulat nalang ako nang isang araw ay biglang umuwi si Nathan at nagbago ang kaniyang pakikitungo sa akin. Gusto niya akong palaging kasama simula nang umuwi siya at lagi niya rin tinatanong sa akin kung saan ako pumupunta.

"May bibilhin lang sa labas, kung may kailangan pa kayo nang mga kaibigan mo pakisabi nalang kay Manong, baka matagalan ako."

May balak akong sundan ngayon si Anastasia. Sinabi kasi ng kaniyang kaibigan na bakla na contact ko palagi na lumabas na si Anastasia para ibenta ang gulay niya. Hindi naman mahirap suyuin ang kaniyang kaibigan, konting pabebe lang at nakuha ko na agad siya. Pati na ang numero ni Anastasia, nakuha ko rin sa kaniya. Sa totoo lang, kating-kati na akong i-text siya pero baka busy lang siya at makagulo pa ako.

"Sakto, may bibilhin din ako. Sabay na ako, Kuya!" sabi niya.

Kumunot ang aking noo at napakamot sa aking buhok. Kung isasama ko siya, baka masira diskarte ko ngayon. Balak ko pa naman bilihin lahat nang paninda niya na walang tulong ng mga taong madadaanan ko.

"H-ha! pero," nautal ako at hindi malaman ang sasabihin.

"Sige na, kuya. Baka magwala na sila dahil wala pang pampulutan."

Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang. "S-sige na nga,"

Kahit gusto kong ako nalang ang mag drive sa kotse ko para madali ko nalang maibababa si Nathan kapag nasa palengke na pero wala na akong nagawa nung dumeretso siya sa driver seat at nagpumilit na mag-drive. Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalang magawa at pumasok nalang sa passenger seat katabi ni Nathan.

Tama nga sila, kaskasero si Nathan kapag siya ang nagmamaneho. I can't stop him for what he doing right now, mukha siyang batang ngayon lang sumaya ng todo buong kabataan niya. Masaya na akong nagkakabutihan na ulit kaming dalawang magkapatid, na tanggap na niya ulit ako. Siguro nga na nakamove on na talaga siya kay Zelena.

Nawala ang paningin ko sa aking kapatid nang maramdaman kong binilisan niya ang pagmamaneho kasabay nun ay ang pagkawala rin ng aking ngiti sa labi nang makita ko si Anastasia sa dulo at nakaupo sa gilid nang daan, nagpapahinga sa sobrang kapaguran.

"Damn it, Nathan Keir... Stop the car right now!" sigaw ko sa sobrang lakas pero huli na ang lahat konting-konti nalang at mahahagip na nang sasakyan namin si Anastasia. Nakita ko kung paano niya ipikit ang kaniyang mga mata para tanggapin nalang ang mangyayari sa kaniya sa walang magawa kung anong dapat gawin.

"Bwesit na babae, hindi marunong tumabi sa dinadaanan! Anong klase naman 'yan oh," sigaw ni Nathan kasabay nang kaniyang pagpapatiggil sa sasakyan.

I ignored him and left the car immediately before rushing over to Anastasia and examined her body for any wounds.

"Miss, okay ka lang ba?" tinapik ko ang kaniyang mukha.

Unti-unti siyang napatingin sa akin at ramdam ko ang pagkalma niya. Sobrang lakas nang pagpintig nang aking puso dahil sa lapit naming dalawa. Hindi ko alam na mas maganda pala siya sa malapitan.

May sinasabi pa siyang iba pero halos hindi ko na masundan dahil sa pagkakatuliro ko.

"Anong ginawa niyo!?" napatayo ako dahil doon at napatingin sa kaniya.

"S-sorry miss, hindi namin sinasadya!" ani ko.

Nilapitan ko siya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso para pigilan siya sa pagpapatuloy na pagpulot nang kaniyang mga panindang gulay pero tinapik lang niya ang kamay ko. Nasaktan man pero hindi ko maiwasang mapangiti, first time kong mahawakan ang kamay niya kahit panandalian lang iyon at galit din siya.

Nag-away pa sila ni Nathan dahil sa nangyari at dahil sa mainitin din ang ulo ni Nathan ay pinatulan pa si Anastasia. Kaya tinanong ko nalang sa kaniya kung magkano ang mga gulay niya.

"Two thousand." Walang preno niyang sabi. Pagkatapos ay inilahad ang kaniyang kamay.

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapakagat sa aking pang-ibabang labi dahil sa kasiyahan. Pigil ko ang tawa habang inaalala ang mga sinabi nang kaniyang kaibigan sa akin, minsan daw talaga mandurugas si Anastasia kapag nagbebenta. At napatunayan nga iyon ngayon dahil halatang hindi niya man lang pinagisipan kung magkano.

"Two thousand? E ang mumura lang 'yang mga gulay mo ah! Ano 'yan ginto?!" singit ni Nathan at nag-away na naman sila.

"Oo ginto 'yan. Kaya kung ayaw mong lumobo 'yang bibig mo, tumahimik ka!" tumawa nalang ako at dinukot ang wallet sa bulsa upang matigil na sila sa sagutan.

Sinobrahan ko pa iyon ng ilang libo upang mayroon siyang dadalhin pang-salubong niya sa mga bata sa ampunan. Alam ko rin ang tungkol sa kaniyang totoong pagkatao niya dahil sa sobrang tsismoso ng kaniyang kaibigan kapag nalalasing.

Hindi pa natapos ang ganung eksena sa pagitan ni Anastasia at Nathan. I don't know what totally happened but I just saw myself, na sinasanay ang sarili dahil sa nakatira na sa bahay namin si Anastasia. Nagtatrabaho rin sa bar ni Nathan si Tasia dahil kinuha siya ni Nathan bilang PA niya.

Noong una akala ko okay lang, dahil pabor sa akin ang desisyon ni Nathan na patirahin sa mansyon si Tasia pero masakit din pala dahil unti-unti kong nakikita si Anastasia na mawalan ng pake sa akin at si Nathan nalang ang palaging nakikita. Masakit isipin na ako ang unang nakakilala sa kaniya kaysa kay Nathan pero si Nathan pa rin ang nakita niya. Na kahit gaano pa kasalbahe ang ugali ni Nathan sa kaniya...si Nathan pa rin yung iniyakan niya, niyakap niya, at hinalikan niya.

Masakit intindihin ang sitwasyon pero mas lalo lang akong nababaliw kapag nakikita kong magkasama sila at nagmamahalan. Gusto kong sisihin ang sarili dahil kasing bagal ko ang pagong kumilos. Pero may pagkakataon rin na sinisisi ko si tadhana dahil binalik nga niya sa akin si Tasia pero hindi naman pinataggal at hinayaan pa rin na paibigin sa iba.

Pitong buwan kong tiniis ang sakit. Halos araw-arawin ko na ang bar sa maynila upang makalimutan lang ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko silang magkasama at naghahalikan sa mansyon.

Sa pitong buwang iyon, pinilit kong maging okay sa harapan niya, na kapag nagtatanong siya kung saan ako pupunta... sasabihin ko nalang na may importanteng meeting lang ako sa maynila kahit ang totoo, pupunuin ko lang ulit ang tiyan ko nang iba't ibang alak para makalimutan siya. Nasubukan kong halikan ang ibang mga babae at makipag make-out pero hanggang doon nalang iyon dahil hindi naman natutuloy sapagkat sa bawat halik ko isa lang ang taong nakikita ko...si Anastasia.

Naging payong niya ako...naging sandalan niya ako...at naging kaibigan niya ako nung umalis si Nathan para kay Abuela na hinahanap siya. Doon din yung araw na umuwi si Zelena para kay Nathan. I saw them kissing outside his condo and I hated it.

Niloloko niya lang si Anastaisa! Niloloko lang niya ang taong mahal ko, yung taong nililigawan ko ng patago at hindi man lang ako nakita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro