Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2


      "Mama, baka gabihin ako mamaya, ah? Gagawin kasi akong Performance Task sa bahay ng kaklase ko," paalam ko habang kumakain kami ng almusal. "Ipapasa na rin kasi agad 'yon kaya kailangang gawin agad."


"Sinong kaklase mo? Lalaki o babae?" tanong ni Papa.


"Lalaki po," sagot ko. Akmang magrereklamo ito kaya agad ko na siyang inunahan. "Pa, lalaki 'yon na mahilig din sa lalaki. Mas malandi pa sa 'kin 'yon kaya 'wag kang mag-isip nang kung ano."


Napatango naman si Papa. "Naninigurado lang dahil ayaw kitang mapahamak."


"Wag ka pong mag-alala dahil sila pa ang mapapahamak sa 'kin,"  nakangising sabi ko.


"Wag na kayong magyabangan na mag-ama at bilisan niyo na lang dahil pareho kayong ma-le-late," sabi ni Mama.


Dinalawang subo ko naman ang natitira kong pagkain bago uminom ng tubig at tumayo. Kinuha ko yung bag ko at binigyan nang tig-isang halik sa pisngi ang mga magulang ko.


"Bye bye," paalam ko sa kanila at lumabas ng bahay.


Bago dumiretso sa school ay dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng favorite kong gummies. Dalawa ang binili ko dahil ibibigay ko ang isa kay Slex, ayon kasi sa source ko ay mahilig si Slex sa gummies.


"Slex!" Mabilis kong nilapitan si Slex nang makapasok ako sa loob ng classroom namin.


"What?" Umirap ito sa 'kin. "Ang aga aga, sinisira ng isang bilat ang aking day."


"Para sa 'yo." Inilapag ko sa desk niya ang gummy na binili ko. "Binili  ko 'yan para sa 'yo."


"Nililigawan mo ba ako?" kunot  noong tanong nito.  "Yuck! Girl, stop mo  'yan dahil baka hindi kita matansiya."


"Nililigawan agad? Hindi ba  pwedeng gusto ko lang makipag-kaibigan?" Naupo ako sa upuang nasa tabi niya.


"Gusto mo akong maging kaibigan? Tapos ano, bigla mo akong liligawan? No way!" Malanding pumilantik ang mga daliri nito. "Girl, kung puri ko lang ang habol mo, you better stop. At saka, ayoko rin magkaroon ng kaibigang babae."


"Ayaw raw pero parang mag-jowa na sila nung babae sa GAS Strand," bulong ko na siguradong narinig niya naman.


"Gurl, kababata ko si Parsia kaya sanggang dikit na kaming dalawa, okay? Nagpa-plastic-an lang din kaming dalawa," saad nito. "Bumalik ka na sa upuan mo, rain rain go away."


Inis naman akong tumayo. Kinuha ko ulit yung gummy na nasa desk niya bago  bumalik sa upuan ko. Nakakasama siya ng loob, gusto ko lang namang makipag-friends, eh. As if naman kasing liligawan  ko siya.  Hindi ako nanliligaw, siya nga dapat ang manligaw sa 'kin, eh.


Dumating  ang Teacher namin at nagsimulang magturo pero masama  pa rin talaga ang loob ko. Sa sobrang sama ng loob ko, baka akitin ko mamaya si Slex habang gumagawa kami ng photoshoot.


Nang sumapit ang breaktime ay agad kong natanaw na papasok ang babae sa GAS Student. Sinundan ko ito ng tingin  hanggang sa makalapit siya kay Slex. Nakaramdam ako ng inis dahil ngiting ngiti ngayon si Slex.


"Let's go na." Umangkla si Slex doon sa babae. "Mag-hunting tayo ng mga tarub sa canteen."


Naglakad palabas yung dalawa. Tumayo  naman ako at pasimpleng sinundan yung dalawa.  Sakto, kakain din ako sa canteen dahil wala akong binaong pagkain ngayon.


"Sinusundan mo ba ang kakambal ko?" Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita.


Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Nlex, kasama niya ang SSG President na si Zaem at SSG Peace Officer na si Rycher. Nakaramdam ako bigla ng hiya at hindi alam ang isasagot  ko.


"Hindi  ko siya sinusundan," mabilis kong tanggi. "Pupunta lang akong canteen."


"Kaya pala para kang ninja," natatawang sabi ni Rycher.


Inirapan ko naman ito. "Anong parang ninja? Masama bang maglakad nang mabagal? Ako nga yata ang sinusundan niyo, eh."


"Masyado kang obvious," natatawang sabi ni Nlex.


Inirapan ko lang yung dalawa bago mabilis na tumakbo, kaso dakilang tanga ako kaya  ayon, subsob sa hallway. Kung nakakahiya kanina, mas nakakahiya ngayon. Gusto ko na lang lumubog bigla at mag-rest in peace. Mas lalo akong nahiya nang pagtawanan ako ng mga tao sa hallway.


"Hindi mo naman kasi kailangang tumakbo." May dalawang taong humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan akong makatayo.


"Kaya mo ba?" tanong ni Nlex, na nakahawak sa kaliwang kamay ko. Si Rycher naman na nakahawak sa kanang kamay ko ay tawa lang nang tawa. Si Zaem naman ay kausap yung mga kumukuha ng pictures sa 'kin.


"Masakit tuhod ko," naiiyak kong sabi. "Masakit din ang braso ko, napilayan ata ako."


"Dalhin mo sa clinic," sabi ni Rycher kay Nlex bago ako nito bitawan. "Kausapin muna namin ni  Zaem itong mga nangunguha ng pictures."


Nabigla naman ako nang bigla akong buhatin ni Nlex, bridal style. Napakapit ako sa leeg nito nang magsimula siyang maglakad. Bakit kasi kailangan pa akong buhatin? Mas lalo tuloy akong pinagtinginan.


"Kaya kong maglakad," bulong ko sa kaniya.


"Magbabagal tayo kapag inalalayan lang kita," sagot nito.


Malapit na kami sa clinic nang bigla akong kilabutan sa hindi malamang dahilan. Tumaas ang  mga balahibo  ko at parang nanginig  ang kalamnan ko. Pakiramdam ko rin ay may mga matang nakabantay sa 'min ni Nlex.


"Hoy, may papatay yata sa 'kin,"  mahinang sabi ko kay Nlex. "Ibaba mo na ako at baka bigla na lamang may sumaksak sa 'kin."


Mukhang naramdaman din nito si kamatayan kaya ibinaba niya ako. Inalalayan na lamang ako nito patungong clinic, kahit ganoon pa man ay nararamdaman ko pa rin si kamatayan. Nang makapasok sa  clinic ay ibinaba ako nito sa bed.


"Nadapa po siya," sabi ni Nlex sa Nurse. "Mukhang napilayan ho ata siya sa binti."


Sinuri naman ako ng Nurse. Kumuha ito ng betadine at sinimulang lagyan ang sugat ko sa tuhod at gasgas ko sa siko.


"Don't worry, nalamog lang po ang binti niya at  braso kaya wala siyang pilay," sabi ng Nurse. "Magiging okay rin po siya."


"Thank you po," sabi ko sa Nurse.


Ngumiti lang ang Nurse at bumalik sa office niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Nlex doon sa loob.


"Ano?  Kaya mo ba?" tanong nito.


"Oo," tugon ko. "Salamat sa tulong mo at pasensiya na rin sa istorbo."


"Sige, babalik na ako sa room. Ako na lang mag-e-excuse sa 'yo kapag hindi ka pa nakabalik." Ngumiti ito sa 'kin bago ako talikuran.


"Teka lang, may itatanong ako," pigil ko sa kaniya. Huminto naman ito sa tapat ng pintuan at lumingon muli sa 'kin. "Anong type ng kapatid mo sa babae?"


"Si Slex?" Tumango ako. Sino pa ba? May kapatid pa ba siya rito? "Type niya sa babae o  lalaki?" paninigurado pa nito.


"Babae," sagot ko. 


Natawa naman ito. "Ang type niya ay yung walang tahong, walang boobs at hindi mahaba ang buhok. In-short,  hindi niya type ang  babae kaya malabo ka niyang magustuhan."


Iniwan ako ni Nlex,  na wasak at sugatan. Hindi pala magandang nagtanong pa ako.


_______________


hello, madlang genggeng! i decided na mag-open ng monthly for my advance update vip group. naka-post po sa group ang advance update ng mga ongoing ko, pero free pa rin ang story sa wattpad. nauna lang po ang update sa vip, ganern. yung mga gusto lang po ng update at ayaw mabitin ang pwedeng mag-join, pwede naman pong hindi mag-join dahil mai-po-post pa rin naman ang chapter sa wattpad. as of now, 9 stories ang nasa vip pero 7 pa lang ang ginagalaw ko para sa update. if you want to join just pm me lang po.


30 pesos monthly for students50 pesos monthly for not students200 pesos naman po ang lifetime (mga ayaw nang mag-monthly)that's all. thank youuu


FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP

FB PAGE: KwinDimown

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro