Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

I'm still improving pa po kaya sorry po agad sa mga wrong grammar and typo errors. Hindi rin po ito gaanong malinis kaya don't expect too much po. Thankies

____________________

SIMULA. . .


       Ang buhay ko ay parang life, kagaya ng mga bagay na parang things. Hello world, ako nga pala si Zabria Lavender Espiritu. 18 yeard old. Isang babaeng hindi mabubuhay ng walang nagugustuhan. Maganda ako, mana sa Mama. 5'7 ang height, na namana sa Tatay kong mapagmahal. Madalas sumali sa pageant at palaging panalo.


"Mudra, alis na ako," paalam ko kay Mama.


"Sige, mag-iingat  ka," tugon nito.  "Bago ka pala pumasok, dumaan ka sa talyer para manghinging pang-lunch kay Papa mo. Hindi ako nakapagluto ng ulam ngayon kaya wala kang baon."


"Opo," tugon ko bago lumabas ng bahay.


Walking distance lang ang  school namin kaya no need pamasahe na ako. Kagaya ng bilin ni Mama, dumaan muna ako sa talyer kung saan nagtatrabaho si Papa. Nakita ko naman agad si Papa, na inaayos ang isang kotse.


"Pa," pagtawag ko rito. Lumingon naman agad sa 'kin ito.


"Zab," nakangiting sabi ni Papa bago maglakad palapit sa 'kin. "Anong kailangan ng magandang Anak ko?"


Naglahad ako ng kamay. "Pang-lunch. Hindi nakapagluto si Mama kaya wala akong lunch."


Napakamot si Papa sa ulo bago dumukot ng pera sa kaniyang bulsa. "Kasya na ba ang isang daan? Nautakan na naman ako ni Mama mo, binigay ko na sa kaniya ang sahod ko, eh."


Natawa ako bago kuhanin ang one hundred. "Gantihan mo ng kiss si Mama  mamaya o 'di kaya ay akitin mo."


"Heh, pumasok ka na ngang bata ka." Muli lamang akong natawa bago tumango.


Kiniss ko si Papa sa pisngi bago ako tuluyang maglakad paalis sa lugar na 'yon. Dumiretso ako sa school at buti na lamang ay mas nauna akong dumating kaysa sa Teacher namin. Ka-ta-transfer ko lang dito sa school namin noong isang linggo. Umalis ako sa dating school ko dahil sa isang Teacher na bastos at inaaya  akong makipag-sex.


"Sino si Zabria Lavender Espiritu?" tanong ng first  subject Teacher namin. Lalaki ito at Media Information Literacy ang subject. 


"Sir," nagtaas ako ng kamay.


"Bago?" Tumango ako. "Oh, I see."


Tumango tango ito bago magpatuloy sa pag-a-attendance. 


"Walter, Slex  Makar."


"Present!" Napalingon ako sa lalaki-I mean bading na kaklase ko.


Pagpasok ko pa lang sa school na 'to ay sa kaniya talaga nabaling ang atensiyon ko. Ang laki kasi ng dating nito kahit binabae siya. Ang gwapo nito at matangkad, sa tingin ko ay hanggang ilalim ng tainga niya ako. Ang mas lalong nakaagaw ng atensiyon ko ay ang berde nitong mga mata. May kakambal ito na kaklase namin pero  si Slex talaga ang nakaagaw ng atensiyon ko.


Naramdaman yata ni Slex na nakatingin ako sa kaniya dahil lumingon ito sa 'kin. Nginitian ko siya pero inirapan lamang ako nito na ikinanguso ko.


"Ang performance task niyo ngayong  week ay magazine," sabi ni Sir kaya sa kaniya nabaling ang atensiyon ko. "By partner ang PETA natin. Gagawa kayo  ng magazine na kayo mismo ang cover."


Sinabi ni Sir ang magkaka-group at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang ka-partner ko ay si Slex. Pagkakataon ko na 'to para itanong kung bakit Slex ang name niya. Made in Slex ba siya? Tapos dumaan ng Nlex ang parents niya at sumubok ulit kaya Nlex at Slex ang name nila?


"Where tayo gagawa?" Napaayos ako ng upo nang lumitaw si Slex sa aking harapan.


Kinuha nito ang isang upuan bago pa-dekwatrong umupo sa harapan ko. Pumipilantik ang mga daliri nito, ganunpaman, hindi man lang nabawasan ang paghanga ko sa  kaniya. Ang gwapo talaga niya.


"Kahit saan," nakangiting sagot ko. "Kung saan mo gusto, game naman ako."


"Okay, doon na lang sa house namin," tugon nito. "Free ka ba tomorrow nang hapon?"


Tumango ako. "Yes.."


"Kung  hindi mo naman keri pala, pwede kang makipag-palit ng partner." Nilingon  nito ang President naming lalaki. "Si Julius ang gusto kong partner. Ang gwapo niya kasi hihihi."


Napangiwi at napasimangot naman ako. "Ayokong makipagpalit. Bakit ko naman hahayaan ang  crush ko na maging partner ang kaniyang crush?" Napairap pa ako sa hangin dahil sa inis.


"What? Crush mo ako?" nandidiring tanong nito. Nakahawak pa ito sa kaniyang dibdib na animo'y aatakihin. "Are you blind, girl?  Tigilan mo 'yang pagiging delulu mo dahil  never  akong papatol sa may kipay. Maganda ka naman but you still have kipay. Tarub ang need ko, girl."


"Kakainin mo rin 'yang sinasabi mo," sabi ko sa kaniya. "Kakainin mo rin ako."


"Eww, masyado kang gross." Tumayo ito at nag-flip hair kahit hindi naman mahaba ang buhok niya. "Never mangyayari 'yon, okay? I'm too beautiful para kumain ng kipay, hmp!"


Tumalikod ito sa 'kin bago pakendeng kendeng na bumalik sa kaniyang upuan. Napasimangot naman ako at napanguso na lamang.


Kung titingnan ako, mukha akong good girl pero naughty girl ako. Alam ng mga kaibigan ko kung gaano ako kagaga na babae. Kahit sila, hindi kinakaya ang ugaling  mayroon ako, eh.


Nang sumapit ang breaktime ay hindi tumayo si Slex kaya hindi rin ako  tumayo. May baon naman akong sandwich kaya pwede na ito for breaktime.


"Bading!" Nagsalubong ang kilay ko nang may babaeng pumasok sa room. Ito yung madalas kasama ni Slex, si GAS student. "Hindi ka mag-break time?"


"May cupcake ako kaya hindi na," sagot ni Slex. "Parsia Bilat, crush ko yung president namin. Tulak mo ako mamaya sa kaniya, ah?"


Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan. Para matanggalan siya ng crush, aakitin ko na lang yung crush niya. Sakto namang pumasok si Julius kaya agad akong tumayo at lumapit dito. Nerdy boy si Julius at halatang  good boy. Sorry naman agad sa gagawin ko.


"Julius, gusto mong sandwich?" alok ko sa kaniya. "Dalawa kasi ang pinadala sa 'kin ni Mama, eh."


"Thank you," nakangiting sabi ni Julius bago kuhanin iyon. 


Namumula ang pisngi ni Julius kaya bahagya pa akong natawa. Lumingon ako kay Slex at salubong ang kilay nito habang nakatingin sa 'kin.


"Mas maganda pa rin  ako sa 'yo!" Umirap ito sa 'kin. "Mamaho sana ang Kipay mong talipandas ka!"


Never mangyayari dahil alagang feminine wash ito.


Bubulong-bulong din ito kaya hindi ko maiwasang matawa dahil sa reaksiyon niya. Ang cute talaga, lalo ko tuloy siyang naging crush ngayon. Kung kailangan  gamitin ng dahas, gagawin ko para mapunta siya sa 'kin.



________________________

HELLO, IF YOU WANT ADVANCE UPDATE. PWEDE KAYONG MAG-AVAIL SA VIP GROUP KO.

JUST CONTACT THESE ACCOUNTS:

FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP

FB PAGE: KwinDimown

IG: kwndmwn

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro