CHAPTER 1:
I'm still improving pa po kaya sorry po agad sa mga wrong grammar and typo errors. Hindi rin po ito gaanong malinis kaya don't expect too much po. Thankies
___________________________
SIMULA. . .
Ang hirap kapag nag-iisa ka. Pero mas mahirap kapag multo ka na pero nag-iisa ka pa rin. Hindi ko akalain na ang napapanood ko lamang sa mga movies na multong pagala-gala ay magiging ako rin sa totoong buhay.
Ako si Laia Angela Hernandez. 18 years old. Isa akong babaeng taong hospital dahil sa sakit kong halo halo na. Mayroon akong heart failure at brain tumor. Buong buhay ko ay sa hospital lamang ako nalalagi, kahit ang pag-aaral ko ay ginaganap pa rin sa hospital. Comatose ang katawan ko sa hospital, three years na kaya three years na rin akong kaluluwang pagala-gala.
Ang dami ko na ring na-encounter na mga bad spirits. Lahat sila ay nakakatakot ang itsura, lalo na ang mga batang multo. Hindi ko alam kung paano bumalik sa katawan ko. Gusto kong mabuhay ulit dahil gusto kong ma-enjoy muna ang mundo.
"Laia. . ." Mabilis akong napatayo nang sumulpot na naman ang multong manliligaw ko.
Ayoko nga sa kaniya pero ang kulit niya. Ang tanda tanda na niya pero malandi pa rin siya. Ang baho baho rin niya dahil matagal na siyang pagala-gala lang dito.
"Tantanan mo nga ako!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya. "Lolo lang kita kaya tigilan mo na ako!"
"Laia, tanggapin mo ang pagmamahal ko." Hinahabol ako nito. "Tanggapin mo na ako para matahimik na ako."
"Kahit mabulok ka rito ay wala akong pakielam!" inis kong sagot.
Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang eskwelahan na maraming estudyante. Nakita kong sumusunod pa rin si Lolo kaya tumakbo ako. Napadpad ako sa banyong panlalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko. May tao sa banyo pero panatag naman akong hindi nila ako makikita, ang kaso baka may makita akong hindi karapat dapat.
"Anong ginagawa mo rito?" Napatigil ako nang magsalita ang isang lalaki.
Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin ang seryosong mga mata nito sa 'kin. Matangkad itong lalaki at gwapo.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.
Hindi ito sumagot at lumapit lang sa gripo. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado akong nakikita niya ako. Umalis ang ibang tao sa banyo at nabigla ako nang humarap sa 'kin ang lalaki.
"Kahit multo ka, masama pa rin ang mamboso," sabi nito sa 'kin.
"Mali ka nang iniisip!" mabilis kong sambit. "Hindi ako namboboso, nagtatago lang ako. May multo kasing humahabol sa 'kin. Yung isang Lolo na multo, hinahabol ako kasi type niya ako."
"Ah, yung matandang panot?" Tumango ako. "Wala na siya, pinaalis ko na siya."
"Paano?" takang tanong ko. "May powers ka ba?"
"Parang gano'n na nga," sagot nito. "Wag kang mag-alala, paaalisin na rin kita para matahimik ka."
"Wag!" Lumayo ako sa kaniya. "Ayoko pang matahimik. Hindi pa naman ako patay, comatose lang ang katawan ko. Buhay pa ako kaya 'wag mo muna akong paalisin." Nanggilid ang luha ko. "Gusto ko pang ma-enjoy ang buhay ko. Simula baby ako, hanggang ngayon, puro sa hospital umiikot ang buhay ko. Gusto ko naman maranasang sumaya. Gusto kong maranasang mamuhay nang hindi sa hospital umiikot ang buhay ko."
"Oo na, 'wag ka nang umiyak," sabi nito. "Ang iyakin mo naman."
"Tinakot mo kasi ako," nakangusong sagot ko. "Good spirit naman ako kaya hindi kita sasaktan."
Tumango lang ito bago isuot ang kaniyang hoodie. "Maraming bad spirits dito sa school kaya mag-ingat ka sa paggala."
Lumabas ito ng banyo kaya agad ko siyang sinundan. "Sasama ako sa 'yo, ngayon lang kasi ako naka-encounter ng taong nakakakita ng multo."
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang paglalakad. Nakasunod lamang ako sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa isang classroom. Dumiretso ito sa bandang dulong upuan sa tapat ng bintana at doon naupo. Ngumiti naman ako bago maupo sa bintana.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. "Ako si Laia."
"Cole," sagot nito habang nagsusulat. "Ang daldal mo pala?"
"Bakit? Galit ka ba sa madaldal?" Napanguso ako. "Ngayon lang naman ako naging madaldal dahil may kumakausap sa 'kin. Palagi kaya akong behave sa tatlong taon kong pagala-gala."
"Three years ka nang gumagala?" tanong nito bago ako lingunin. "Baka patay ka na talaga."
Parang batang napaiyak naman ako dahil sa sinabi nito. Napatanga naman ito dahil sa reaksiyon ko. Bakit pinapatay na niya ako? Pero paano kung patay na talaga ako? Pero noong binisita ko yung katawan ko, humihinga pa naman ako.
"Joke lang, 'wag ka nang umiyak," sabi nito bago ako hawakan sa kamay. "Ang lamig mo."
Napatigil naman ako dahil nahahawakan ako nito. Napatawa naman ako na ikinagulat nito.
"Ang galing, nahahahawakan mo 'ko!" masayang sabi ko. Sinubukan ko siyang hawakan at napatili ako dahil nahahawakan ko siya. "Nahahawakan kita!"
"Grabe, bipolar ka pala?" Natawa ito. "Punasan mo 'yang luha mo at hindi mapupunasan 'yan dahil mapagkakamalan na naman akong baliw ng mga kaklase ko."
Tumango ako bago punasan ang luha ko. Grabe, ang saya saya ko. Tama lang pala na dito ako tumakbo, dahil kung hindi, hindi ko makikilala si Cole.
"Cole, pwede mo ba akong tulungan na makabalik sa katawan ko?" tanong ko. "Hindi ko kasi alam kung paano ako makakabalik sa katawan ko, eh."
"Tutulungan kita," nakangiting sabi nito. "Hindi ako mangangako pero susubukan ko."
"Okay," masayang sabi ko. "Ibig sabihin ba nito ay magkaibigan na tayong dalawa?"
"Pwede naman pero kailangan mo munang ipangako sa 'kin na hinding hindi kasasanib sa katawan ng mga tao at hinding hindi mo sila gagawan nang paraan," sabi ni Cole. "Kaya mo bang ipangako ang bagay na 'yon?"
Tumango ako bago ilapit sa kaniya ang hinliliit ko. "Promise, pinky swear tayo para alam mong seryoso ako."
"Pinky swear? Ano ako bata?" Natawa ito bago makipag-pinky swear sa 'kin. "Pero sige, pinky swear na tayong dalawa."
Napabungisngis ako.
"Nababaliw na naman si Cole." Napalingon ako sa isang babaeng kaklase ni Cole. "Bagay na bagay talaga sila ni Mayumi na muse at escort. Parehong gloomy at parehong weird."
"Pabayaan mo sila," sabi ni Cole at bahagyang natawa. "Sanay na ako sa kanila at wala akong pakielam."
Tumango naman ako. "Sila kaya ang weird, bubulong pa kunwari pero halata namang pinaririnig. Ang werid, 'di ba?"
"Mukhang weird ka na rin," sabi nito kaya napanguso na lamang ako.
_______________________
HELLO, IF YOU WANT ADVANCE UPDATE. PWEDE KAYONG MAG-AVAIL SA VIP GROUP KO.
JUST CONTACT THESE ACCOUNTS:
FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP
FB PAGE: KwinDimown
IG: kwndmwn
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro