Chapter 39
home
ACE'S POV
I woke up early for this day. Hindi mo naman kasi maitatangi ang sabik ko na makita ang anak ko. Joxiah Lace is my light caster and I'm longing for my son's brightness. He is my northern star and siguro makakaya ko pang masaktan ng paulit-ulit sa pagmamahal na 'yan keysa ang mawala at masaktan ang mumunting sisiw ko. I love my Joxiah more than anything in this world.
I can't help but to reminisce. As a carrier, the process of pregnancy was a little crucial but the difference was just the same. Ang sa amin lang ay kailangan ng obserbasyon buwan-buwan to check both the condition from the carrier and the baby. Unconsciously ay napahawak ako sa tiyan ko and felt the smoothness of my skin. After giving birth to my baby, I undergo some procedures para mawala ang marka ng C-section sa tiyan ko. I'm a supermodel kaya kailangan flawless ako. I'm not hiding the fact na may anak na ako, gaya ng sabi ko, walang nagtatanong and no one is worth the truth about the peaceful life of my son.
My son is happy with his life, I can say that. Hindi man sa lahat ng bagay at pagkakataon ay nandodoon ako sa tabi niya to ease his doubts and fears, ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko to provide him financially. Walang suporta at kailanman ay hinding-hindi ako manglilimos ni sentimo sa ama niya.
I don't want any debt to Satan. Mahirap na at baka hindi ko mabayaran. Hindi ko naman feel ang magkita kami sa hell dahil sa utang na yan!
From the Mercedes Benz I'm in ay nakita ko ng bumaba ang anak ko karga-karga ni Justin sa pribadong eroplano na pagmamay-ari ng pamilya namin. My son's eyes are busy looking around while I can't seem to comprehend kung ano ang sinasabi niya kay Justin but it looks like nagtatanong ang anak ko.
He's probably asking kung asaan ako and it was confirmed when Justin's finger pointed at the car na sinasakyan ko.
"MAMA!" I laughed at the eager hamster ng nagtutumalon ito sa kandungan ko when finally ay nakapasok na ang dalawa sa loob ng sasakyan na lulan ako kanina habang inaantay ang arrival nila.
"I missed my baby so muuuucchhhh." I kissed both his cheeks and didn't stop at kiniliti pa siya ng todo making him squirm. Natatawa na lang si Justin sa nasasaksihan.
"M-Ma-- HAHA! Stop! HAHA!" I stopped finally and hugged me one last time.
"I missed you too, mama. Ang tagal din naman po kasi ni Mommyla! She said ay papunta na siya sa akin to fetch me at States but she was so slow like a slug kasi she visited some of her old friends pa." My son pouted kaya napatawa na naman ako sa kakulitan nito.
"Joxiah... Sabi ko naman sayo that patience is a virtue and?" I paused.
He finished the statement, "We are a Villamayor and sophistication, exuberance, grace, and elegance is what we are." I smiled proud at my son.
"Galing ng baby ko ah! I love You, ssang kiss nga para kay Mama!"
"Don't teach your son with your bratty-attitude, Ace. One bratinela is enough." Tinaasan ko lang ng kilay ang tumatawang si Justin. Hindi na lang ako nagsalita. I don't want to burst his bubble.
Soon ay nakatulog na rin ang munting bubwit sa kandungan ko. Mukhang napagod sa buong byahe. I've noticed that Justin was quiet for some time now so I decided to ask him. Hindi rin naman kasi siya ang tipo ng kaibigan na tahimik. Hindi 'yan nawawalan ng kadaldalan.
"May problema ba Just?" Kaagad naman siyang napatingin sa akin and showed me his reassuring smile.
"I know my best friend like all of my collection items, Just. And I'm telling you, may problema so tell me and with that I can help. Ano? Problema ba 'yan sa asawa mo?" I said with conviction. Though, I doubt the last statement. Justin Wong is a womanizer and wala pa akong naririnig na babaeng umaayaw sa kaniya maliban sa asawa niyang si Adrian.
Napatawa at umiling siya sa narinig.
"Siguro napagod lang sa byahe, alam mo naman na parang isang energy ball yang anak mo at kailangan mo talagang mag energy drink para makasabay sa trip." Pareho kaming natawa sa tinuran niya. Totoo naman lahat ng 'yun. I'm proud and very thankful to the almighty up there for giving me the chance to see my son again and also to the man beside me. He's a hero for me. A great hero!
Pero I'm still doubting about his actions, parang may tinatago siya sa akin. Wala naman akong maisip na ibang dahilan maliban sa mapahanggang ngayon ay nawawala pa rin ang asawa niyang si Adrian. It's been years, pero wala pa ring balita dito. The police even declared death, pero hindi naniniwala si Justin doon, and so am I. But he needs to move on, dahil kung babalik si Adrian, babalik 'yun. Hindi itong lugmok si Justin. I pity my best friend, so much dahil ankikita ko sa mga mata niya ang paghihirap para makita ang hinanahanap niyang tao. No one knows, but him. Si Justin lang ang nakaka-alam kung ano ba talaga ang nangyari.
Dumating kami sa mansion ng pamilya namin and sa labas pa lang ay may nadagdag ng maraming guards na nakapalibot. I looked at Justin accusingly and pinagsawalang bahala ko na lang dahil alam kung hindi niya ako susundin. Alam kung nag-usap na sila daddy tungkol dito and it looks like napagdesisyunan na nila. After all ay para na rin to sa seguridad ng anak ko at pamilya namin. Dumaan ang sasakyan sa likurang entrance ng bahay lalo pa't hindi pa rin makakaligtaan ang mga media na nagmamanman sa paligid.
"Mommyla! Daddylo!" Kaagad na salubong ni Joxiah sa mga matatanda ng makita ito sa loob ng kusina. Mom is cooking something and kapag hindi nakamasid ang mommy ay kukuha naman ang daddy sa niluluto nito. Psh, isip bata rin eh.
"Apo! Come to your Daddylo!" My son literally bounced to the sight of my dad holding cupcakes na mukhang kabago-bago lang naluto ng mommy.
Joxiah greeted mom and dad with kisses and kaagad naman itong kumain sa mga pang-spoiled nina mom. Hindi na ako magtataka kung sa mga araw na darating ay may bago na namang gamit ang batang ito. Mom and Dad love to spoil their only grandson. At sa nakikita ko ngayon, tinuturing na naman nilang isang prinsesa ito.
Iniwan na muna namin ni Justin sila at tinunton ang daanan sa greenhouse namin. The place is full of flowers na hindi na kasorpresa-sorpresa dahil hilig ng mommy ang bulaklak.
"Wala man lang bang welcome home, Sunshine?" Napataas ang mukha ko sa inaamoy kung rosas and tumingin kay Justin na hawak-hawak ang isang bulaklak. Isinuot niya ito sa pagitan ng buhok at tenga ko. I smiled at him and he did the same.
Gwapo itong kaibigan ko. Mabait, may pagkaloko-loko rin pero all in all, siya ang matatawag mo na isang prinsepe kung umasal. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang mga parinig at mabatid ang mga nakatagong kahulugan sa mga aksyon niya. Pero sa ngayon ay mas mabuti na sigurong hindi na maungkat ang mga ganitong usapin dahil ayaw kung may magbago sa amin lalo pa't alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa sa ganiyang mga bagay-bagay. Siya rin naman, gusto ko siyang mag move-on pero hindi sa ganitong paraan. I don't want to gamble our feelings, it's better being friends.
"Welcome home, Justin. It's nice to have you back here. I missed you and Joxiah." I hugged him and mukhang nagulat yata siya sa ginawa ko. Justin has been the ultimate godfather of my son, siguro dahil nangungulila sa kaniyang anak ay nabibigay niya ang pagmamahal ng isang ama sa anak ko.
Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mata kaya hindi ko maiwasang ibaling ang tingin sa iba.
The atmosphere became more relaxed and neutral after habang nag-uusap kami ni Justin. Mostly ay tungkol ito sa mga nagdaang araw na wala ako sa States. We mostly talked about the company na hinahawakan ni Justin which ang co-founder ay ako. WHVG is one of the biggest graphic company internationally, si Justin ang kilala na CEO sa kompaniya and mas pinagbuti ko na lang na hindi ipaalam dahil wala akong makitang rason para ilabas pa. I'm contented sa mga pera na pumapasok sa banko ko and kontento na ako sa paminsan-minsan na pagbisita sa kompaniya.
As what I've said, kilala ako bilang model ng sarili kong kompanya at hindi ang nagmamay-ari nito.
"Now, tell me..." I seriously said while looking at him for a moment now. He deeply sighed kasi alam na niya na hindi ko talaga siya titigilan kung hindi niya sasabihin sa akin ang problema.
"You don't need to know, Ace. You'll be stressed kapag malaman mo pa." He said with brows furrowed habang ang mga tingin ay malayo sa akin.
"Try me. You're just making things longer and I hate making things longer. Tell me already, Justin Wong." I'm not sure but I have a feeling about what could be going on. Alam kong walang pinipili at sinasayang na pagkakataon ang taong yun.
"Yes, you're right with what you're thinking. I'm still looking for Adrian, but these days I am slowly losing hope. It's almost ten years pero wala pa rin akong balita sa kaniya."
My heart shattered at the longing of his voice. It was like he was regretful of something, and it must be big. He was staring at the cold dark air, and I was staring at his every move. Naawa na ako sa kaniya. One lonely tear escaped from his lid at kaagad niya itong pinunasan.
"I'm here, alam mo naman 'yan di'ba? I will always be here for you just like how you were there for me when my world crumbled. I want you to know na nandidito lang kami ni Joxiah. The kid loves you so much and so am I. You are important, so please don't cry."
I hugged him tight. I want to comfort him in the only thing I know. I can only hug him because I can't give anymore other than that.
"Other than that, we also have a problem..."
"Huh? Saan? Bakit ako kasali?"
"It's about the businesses na naka partner sa atin since then. I don't want to make things bigger by digging the reasons but I can't help myself lalo pa't pati sina Junjie, Archie, Richard and all other friends natin ay slowly nagbaback-out na sa business proposal and partnership sa kompaniya natin... ko technically."
Umiinit ang ulo ko dahil parang alam ko kung sino ang may kagagawan nito! my hands are shaking from too much angriness! I want to lash out pero wala akong magawa!
"Lance Cliton Milonnel Zapanta." I said spatting venom. I know it's him at ngayon pa lang ay naaawa na ako sa mga kompaniya na dinaganan ng kahayupan niya! He's ruthless and selfish!
"He's starting to pull out all the cards in his sleeves, Ace. Ayaw ko sanang sabihin kasi alam kung mas mahihirapan kapa sa sitwasyon mo ngayon but I know you deserve to know the truth about the situation of the company na pinaghirapan mo rin." I was speechless. Parang hindi ako makahinga sa puot at galit na nararamdaman ko ngayon para sa taong punot-dulo nito.
"Kakayanin ko pa na ako ang masira keysa sa mga taong bumuo sa akin ng walang-wala ako. This is enough! Sumosobra na ang kahayupan niya! I need to take the wheels on my own hands. I'll show him what tigress I become! Gusto niya pala akong makuha, edi pahirapan natin!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro