Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

insane

ACE'S POV

Sometimes faith can be playful. It's a maze and a puzzle ng walang katapusan na katanungan. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa'yo, sa pamilya mo, sa taong mahal mo, o kahit na sa mga kaaway mo.

For the past ten years na nawala ako, I think the only part na nagbago is that I'm bolder and stronger now. Hindi na ako 'yung tao na madaling malugmok, too much pain changed me. And I think hindi masama ang pagbabago sa sarili mo, sometimes we need to reflect on the past for us to visualize a clear future.

The old Ace is gone. Not totally, kasi kung wala na siya, wala na rin ang mapagmahal na Ace. Some fragments of me is still there pero natira na lang 'yun para sa mga taong mahahalaga sa akin. Para sa anak ko, sa pamilya ko, at sa mga kaibigan ko.

All in all, you can summarize my life story as nagmahal, nasaktan, nagbago for the better. Hindi ko masasabing bumalik ako para maghigante, that I came back to inflict pain to those who broke me, hindi ko 'yan masasabi, and for sure ay hindi ko gagawin. As what I've said, I changed and that's for the better. Revenge is a child's play and I don't have time for it. May anak na ako, our business is on the verge of losing its balance, and may career pa akong ina-alagaan. I don't have much time to cater some other agenda, though I don't invalidate those who take revenge, like I said, iba-iba ang mga tao ng coping mechanism.

As days, months, years passes I realized something. Iba na pala ang may anak na. You don't think for your good only kundi pati na rin sa anak mo. I changed. People change, that's for sure. Ang hindi lang natin alam ay kung ano ang rason, pwedeng nasaktan ng todo, or gusto lang talaga niya magbago. But for me, I changed for the better. No secrets.

I am Angel Cram Easton Heartily-Villamayor Zapanta.

Some of you may be wondering kung bakit nakakabit sa pangalan ko ang pangalan ng gagong ama ng ank ko. Ang masasabi ko diyan ay para 'yan sa ikabubuti ng lahat. It's not a secret to hide na may nakakabit na pangalan sa orihinal kong pangalan. Sadyang wala lang talagang nagtatanong at hindi ko lang talaga ginagamit. Para sa akin, sapat na ang mga issues at stress na nadudulot sa pangalan ko, dadagdagan ko pa ba?

I mean Zapanta is a big name also, were in fact ay nangunguna na yan keysa sa amin na mas nakakahigit sa kanila noon. They're CEO is a dirty man, handang gumamit ng tao para lang sa pansariling kaunlaran! How I hate my so called husband for that!

I faced a lot of allegations towards it after I declined the engagement party. Hindi lubos matanggap ng pamilya Zapanta ang nangyari so we fall unto certain hidwaan sa tatlong pamilya. Hindi matanggap ng pamilya Zapanta ang rason kung bakit umayaw ako, although hindi naman talaga 'yun ang rason. I just want peace kaya ayaw ko ng palakihin ang issue, ang iniisip ko kasi noon ay dapat makalayas na ako sa lugar na ito.

My family has put up a lot for this wealth and I know they don't want it gone. Alam ko rin na ayaw nilang matali ako sa lalaking nagpatangis sa akin. They were furious about it pero ako na mismo ang humiling. I pleaded to let me handle things, they were hesitant but I did convince them. I talked to Tito and Tita, Lance's family and we agreed na magpapatali ako, but sa papel lang. I know my signature is valued as much as I value myself. Sa pirma ko pa lang ay masasagip na ang dalawang pamilya. They also agreed to stop Lance after maka-alis ako.

They agreed kaya I signed the marriage contract. Hindi ito alam ng iba maliban sa pamilya ko at kay Lance. I knew for myself na hindi titigil ang alitan ng pamilya kapag hindi na secure ang kayamanan ng bawat-isa.

But things these days went catastrophic. Hindi ko alam pero parang sinasadya na naman ng mga Zapanta ang pilipitin kami! According to recent investigations ay binibili ng mga Zapanta ang minor shareholders ng mga kompaniya namin. The reason, I don't know!

The only thing I'm sure is makakasapak ako ng CEO na nakapangalang Lance kapag nagkita kami. How dare he?! Sa mga ginagawa niyang pang-iipit sa pamilya namin ay muntikan ng mawala ang daddy! They are disturbing the momentum and hindi mangyayaring mawawalan kami ng balance lalo pa't nagmumukhang mahina ang pamilya namin!

Shareholders from my family's company is slowly backing out and kagagawan iyon lahat ni Lance!

Ang kapal lang ng mukha niya! Hindi niya ito magagawa kung hindi ako nagsakripisyo! Sinakripisyo ko ang pangalan ko para lang sa amin and look what he's doing? Talaga bang wala ng natitirang konsensiya sa taong 'yun?!

I thanked Manuel, the driver after he drove me to this five star restaurant. Ngayon ko lang naisip na wala naman talaga akong ka ideya-ideya kung bakit ako nandito! Hindi ko na kasi tinanong or chineck ang schedule ko after I hastily ran out from my office.

I went inside the gargantuan building. I composed myself and plastered on what looks like a charming smile. You'll never know na may opportunity pala sa tabi-tabi.

"Good morning, sir. Do we have any reservations?" Kaagad na tanong ng lalaking waiter na sa tingin pa lang ay mukhang hinuhubaran na ako. Psh.

"Reservation for Mr. Villamayor." I answered and mas pinagbuting tawagan na lang si Miles para ma briefing sa kung ano ang mga detalye ng pag-uusapan namin ng kikitain kong investor.

The chick-boy waiter leaded me to a room, nontheless I thanked him for his service. I stopped dialing Miles' busy line! Fuck, what is she doing ba kasi at hindi man lang ako masagot?

I opened the door of the restaurant room while still busy on checking all my emails para malaman ang schedule ko when a baritone voice made me pale. Natuod ako sa aking kinatatayuan and parang naubos lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa narinig.

With shaking hands, I heard him add those words and it was enough for me to confirm the person's identity without even looking at him!

"I see you're quite busy to notice your husband, brat." Hindi ko alam kung nagmumukha na ba akong tanga while gaping at my phone screen.

It can't be! Hindi pa ako handa para sa ganito!

Parang nag slow-mo ang paningin ko when I removed my sight from the phone's black screen and itinunton sa paanan ng lalaking kaharap ko.

The satan himself came up to me. For fuck sake! Gusto kung umalis but my mind is battling while saying that I already moved on. That thing's has changed. That I changed.

In this four sided cage I'm in. A lion stands with dominance and power. I can see his body changed a lot. He's way broader and nakakatakot ang mga muscles niya na kulang na lang pupunitin na ang damit na suot nito. His muscles are damn big and I found myself imagining kung ano kaya ang feeling na masakal niyan while in be – FUCK!

From his barked thighs, and broad shoulders ay unti-unting lumalakbay ang tingin ko sa leegan niya na may maraming tattoo, black suit appeared and perfectly fit in his neck and magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi bagay sa kaniya ang suot niya. I can see how his fashion evolved.

Napunta ang tingin ko sa mukha niya, some forgotten musk is in his face and it highlighted his perfect jaw line. Those tanned specs and lushes of brows. Those deep and alluring eyes elopes deep holes in my soul. And I love how that sinful tongue cascade from his lower and upper lips. I can't help but to gulp as I stared on those seductive and luscious lips, I'm liking how those slowly moved and turned to a smirk.

Wait, why the hell is he smirking?!

Tumingin ako ulit sa mga mata niya and hindi ko pa hiniling na na bumuka ang lupa and kainin ako dahil sa hiya! He saw me star struck and stunned while checking him out. Putangina! Ugh, how I hate to remove the smug look he's sporting right now!!

"I know I'm handsome, no need to stare brat. After all I'm yours." Umigkas ang kilay ko ng marinig ang mga tinuran niya.

Tsk. Tsk! I can see na walang nagbago sa ugali ng hayop na'to. Still the egotistic beast,

"Don't flutter yourself, Mr. Zapanta. Ikaw ba naman ang makakita ng isang demonyo, hindi ka ba matutulala?" I fired back and a sarcastic smile appeared on my lips as I saw him restraining himself.

One wrong move, Lance!

"Anyways, let's talk." I dismissed him and change my view.

Hindi ko na sinagot or hinintay ang mga sasabihin pa niya kundi ay umupo na ako sa pinakadulong upuan na pinakamalayo sa kaniya.

I am seated kaharap siya sa kabilang dulo and kahit sa layo ay magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako natatakot sa malahayop niyang tingin sa akin. Fuck! What's this, staring contest?!

"I know I'm fabulous, no need to stare, Mr. Zapanta. But the difference is I'm no yours." I said as soon as naibigay ko na ang mga orders ko sa isang waiter na pumasok sa nakakahilong silid na ito.

"You are."

Is he seriously dumb? Ano ba ang gagawin namin dito? Ang magsukatan ng tingin at bangis? For heaven's sake ay marami pa akong trabahong gagawin!

"Kung wala ka man ding sasabihin na matino ay mas mabuting umalis na lang ako. I have a lot of things to do." Sabi ko at papatayo na ng marinig ko ang nakaririnding tinawag niya sa akin.

"Stay, Mrs. Zapanta. We have a lot to talk to. We both are busy person so let's start." Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot at binaling ang atensiyon sa mga pagkain na hinain para sa amin.

"I want you back." Naubo ako sa sinabi niya at napatawa ng malakas. Wait what?! Is he seriously joking?!

"Nice joke, Lance. Napatawa mo ako." Iling-iling na sabi ko.

"I'm not joking, babe. I'm goddamn serious!" Sa tono pa lang niya ay alam kung nawawala na ang pasensiya niya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mamula sa galit!

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, ha? Lance? Nahihibang ka na ba? You must have forgotten the things you did to me? Walang magbabalik, walang magka-come back dahil sa simula pa lang ay wala naman talaga tayo. No Ace and Lance. Alam mo kung bakit? Cause you're a jerk. And stop calling me pet names dahil naririndi ako sa'yo. Your face disgust me, so don't add some shits at baka tuluyan na akong masuka!"

I'm sorry for my manners pero hindi ko talaga mapigilan ang taasan ng boses ang gagong 'to! Ano ba ang inaakala niya sa akin? Na isang laruan na pwedeng balikan kapag bored na naman siya? Fuck him. Fuck him to hell!

"You done?" Ikinuyom ko ang mga kamao ko para mapigilan ang sumugod sa gagong 'to. Have some class, Ace. Don't stoop too low in his level. Hindi siya worth it para sa lakas mo!

"You know when I want something; I will make sure na makukuha ko 'yun. I am a businessman with an empire, and things are on my hands, brat. I want you back. Final."

Nakahithit ba'to ng droga? Ano ba ang mga pribadong pinagagawa nitong damuho na'yo at parang hindi niya natatandaan ang mga kagaguhan niya?!

"Siguro kung ako pa dati ang Ace na kausap mo, kinikilig na ako. But I'm not that Ace anymore, Lance. You killed that Ace. You killed me the moment you cheated and played my feelings. Accept it or not, hindi na ako sa'yo and hinding-hindi na 'yan mangyayari pa. Dream on, asshole!"

I grab my belongings and tumayo na, staying in this room is like staying in hell! Hindi nababagay ang class at ganda ko sa ganitong lugar!

"Open that door and I'll make sure na babagsak ang kompaniya na pinaghirapan ng pamilya mo."

I stopped. Tumigil. Hindi lang katawan ang tumigil kundi pati ang mundo na ginagalawan ko. It's confirmed, wala na nga sa pag-iisip ang taong minsang minahal ko!

"YOU JERK!" Hindi ko mapigilan ang maluha.

Slowly, umikot ako while wiping my tears. I thought... I thought kaya ko na. Akala ko kaya ko na ang bangis at kahayupan ng lalaking 'to! Pero hindi!

The more I upgrade myself ay mas triple naman ang kahayupan niya!

"I'm a jerk but only for you, brat." I can't believe myself for crying to someone who's unworthy of my tears! This is insane!

"Why are you doing this Lance?" I paused while staring blank in his eyes.

"Was the pain you caused me wasn't enough? Hindi pa ba 'yun sapat, hm? Kasi ako sukong-suko na ako. Pagod na akong masaktan. Pagod na ako sa mga gabing walang tulog from the nightmares you caused! Kulang na lang ang patayin mo ako! You... I loved you, and alam mo 'yan! Pero bakit ganito? Why are you causing me so much pain?!"

Kailanman ay permi at nakapagdesisyon na ako na mamalagi sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, pero sa nangyayari ngayon? I'm eating all my words! Hindi ko na gusto ang makulong sa lugar na'to! This place is caging me from the past, and nightmare, freight and omens are starting to creep back in my skin!

I should have never take consideration on coming home, kasi wala naman talagang 'home'. Sira na ang minsang nabuong pamilya na pinangarap ko!

Sadyang minsan ay mas mabuting manatiling pangarap na lang ang mga bagay-bagay keysa naman ipagpilitan mo ito at mas masaktan ka pa.

"I'm doing all of this cause I want my brat back. Simple."

Simple. Simply? Ano ba ang tingin niya sa sitwasyon? Na nagro-role play lang kami? Gosh, he has lost his mind already! I'm talking to a huwad gago!

Thinking of the things I sacrificed, ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay-bagay. I can't believe na nandito ako ngayon at kausap ang taong sinumpa ko na! I can't believe na after years of separation ay ganito ang pinag-uusapan namin! That he wants me back?! Thinking of it made my insides laugh a humorless laughter!

"Kaya ba sinasadya mo ang pahinain ang kapangyarihan namin? Kaya ba nababalitaan kung paunti-unting nawawala na sa amin ang aming pinaghirapan? Tell me, Lance. Ganiyan ka ba kaisip-bata at gagawin mo lahat 'yun para lang sa pansarili mong kapakanan? You're a demon! Muntikan ng mawala ang daddy dahil sa mga ginagawa mo! I hate you! I fucking loath you, sana hindi na lang kita nakilala!"

Tears are now pouring in my eyes as I slapped his chest again and again, hoping na masaktan siya and malaman niya kung gaano ko siya hindi kagusto-gusto. I don't know kung sino ang lumapit at unang sumugod pero wala na akong paki-alam. As my tears started to pour hard, his chest became the only thing that I could transfer my pain and hate. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit na dinulot niyaq! With every frail punch, I want him to realize that this is impossible! Na imposible ang mga sinabi niya!

But he did nothing. He stayed.

"Hey, shhh. Hush, brat. I won't do that. You know I can't do that without any reason. I know the details about the day you escaped from me. I know from the moment you're gone, mahihirapan na akong makuha ka ulit. So I did all of those para umuwi ka. And look, you're here back in my arms again." Sa sinabi niya ay dali-dali akong nagpumiglas sa pagkakakulong sa kaniyang mga bisig.

"I won't let that happen! Hinding-hindi na 'yan mangyayari pa. I won't let you use me the same way you used and toy me years ago!" I fired while slapping his hands na nakahawak sa isang pulsuhan ko.

I can see pain? Sadness? Ano ba? Hindi ko mabasa ang mukha niya. His face was stoic and it remains blank. Pero I saw a glimpse of emotion in his eyes and I don't believe it! Lance doesn't feel sadness and pain! He's a demon reincarnated!

"Sadly, you don't own the play this time, brat. So I'm warning you, play your cards very well. Walang sikreto na hindi ko malalaman and soon you'll be the one begging me for a chance."

This man is ridiculously unbelievable! I can't believe him at all! Siya pa ang may ganang magsalita ng ganiyan!

"Fool! Wala akong sikreto, unlike you! Remember this you piece of sperm, hindi ako tulad mo!"

He stopped yet his gripped tighten in my wrist that made me wince. He forcefully grabs my face, enclosing it in his wide palm while furiously glaring at me. But then it turned a smirk after a moment,

That smirk... I know that smirk. It's up to no good!

"Hm. Looking in your angelic face this close, babe, I can see na walang minana ang anak natin sa'yo."

He knows?

He knows...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro