Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


    It's been a years since I last saw him. I'm excited to see him again. I badly wanted to hug him and tell him what really happened. I want to tell everything to him. Gusto kong malaman niya na hindi ko ginusto na maglaho na parang bula. Hindi ko ginusto ang lahat.


"Mayumi, aalis na ang cruise ship." Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. "Sumakay ka na."


Napakagat ako sa ibabang labi ko bago dahan dahang itango ang ulo ko.


Nagpadala ako ng email sa kaniya para ipaalam na bumalik na ako. Gusto ko sana siyang makita bago ako muling tuluyang umalis pero mukhang hindi niya talaga ako kayang makita. Anim na buwan o isang taon na naman ang hihintayin  ko bago ulit ako makabalik.


Napahinga ako  nang malalim bago nanlulumong sumampa sa cruise ship. Kahit tinatawag na kami sa loob, pinili ko pa ring manatili sa cruise ship deck habang nakatanaw sa port, dahil nagbabakasakali akong lumitaw siya. Nagbabakasali akong lumitaw si Rycher Carson.


Lumayo nang  lumayo ang cruise ship ngunit hindi talaga siya lumitaw. Mapait akong ngumiti bago maglakad papasok sa loob. Hindi ko rin naman masisisi si Rycher dahil kasalanan ko  naman. Umalis ako dahil sa kaduwagan ko. Iniwan ko siyang durog na durog at hindi man lang binigyan nang paliwanag.


"Gaga ka, kanina ka pa hinahanap," sabi ni Wendy. Kaibigan ko at katrabaho. "Alam mong  ikaw ang leader tapos kung saan saan ka nagpupunta."


"Sorry," mahinang sabi ko.


Pumasok kami sa silid kung saan nandoon lahat ang mga staff. Napayuko ako nang masamang tingin ang pinukol sa 'kin ng boss namin. Tinalakan din ako nito kaya lalo akong nakaramdam ng hiya.


"Be responsible, Ms. Yamaguchi," madiing sabi nito. "Hindi ako magdadalawang-isip  na palitan ka agad, sinasabi ko sa 'yo."


"Deserved," narinig ko ang bulong ni Lyka na hindi ko na lamang pinansin.


Wala akong lakas na makipagsabayan ngayon sa masama niyang ugali.


"Sorry, Ma'am," mahinang sabi ko na lamang.


"Okay, heads up ang chin up,"  agad naming sinunod ang sabi nito. "Ipakikilala ko kayo sa iba pang mga staffs na nandito. You will meet the cruise ship Captain and Vice Captain."


Tumango lamang kami.


Maya maya lamang ay isa-isang pumasok ang mga iba pang staff na makakasama namin. Ang tingin ko ay napako sa lalaking  matikas ang katawan at nakasuot ng cruise ship captain uniform. Hawak hawak nito ang kaniyang sumbrelong puti at ang mata nito ay sinalubong ang tingin  ko. Hindi ko maiwasang mangiti nang makita ang mangilang ngilang gintong buhok na humahalo sa itim niyang buhok. Ang gwapo.


"I'm Captain Rycher Carson," pakilala nito at tumayo ng tuwid.


Na sa 'kin pa rin ang tingin nito kaya hindi ko maiwasang mapalunok. Sabik na sabik akong  makita siya pero wala naman akong masabi ngayon. Hindi ko akalain na ang hinihintay ko sa piyer ay makakasama ko pala sa barko.


Narinig ko ang bungisngisan at bulungan ng mga taong kasama namin. Alam kong hinahangaan na agad nito ang Captain namin.


"Kindly introduce yourself,"  malamig na sabi ni Rycher.


Isa isang nagpakilala ang  mga kasamahan ko. Nang ako na ang magpapakilala ay nangatog ang tuhod ko dahil sa kaba. Nanginginig din ang mga kamay ko kaya pinagsiklop  ko ang  mga ito at bahagyang minasahe.


"M-Mayumi Astrel Yamaguchi..." mahinang pakilala ko.


"Mayumi Astrel Yamaguchi?" Tumaas ang isang sulok ng labi. "I think you forgot something in your name."


"H-ha?" Napatikhim ako dahil parang may nagbara sa lalamunan  ko.


"Iniwan mo na nga ako, tinanggal mo pa ang  apelyido ko sa pangalan mo." Itinaas nito ang kaliwang kamay niya. Parang gusto kong maiyak nang makitang suot niya pa rin  ang wedding rin namin. "We're married, right?"


Palipat-lipat ang tingin ng mga kasama namin sa 'ming dalawa ni Rycher.


"Rycher. . ."


"You want me back, right?" Tumalikod ito. "Paghirapan mo ako kung gusto mong bumalik ako. Hindi na ako easy to get ngayon, Mayumi, at hindi na ako marupok."


Pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang iyon ay umalis na siya nang tuluyan.


Paghihirapan talaga kita, Rycher. Handa akong harapin ang galit mo, bumalik ka lang sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro