Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

      Alas singko pa lang nang madaling araw ay binulabog na ako ni Mama dahil dumating na raw si Papa. Kahit ayaw kong bumaba ay wala pa rin akong nagawa.

Nakita ko si Papa sa sala na nakaupo sa sofa. May katabi itong batang lalaking na, sa tansiya ko ay nasa pitong taong gulang. Hindi na ako magtataka kung kaano-ano ito ni Papa dahil sa itsura pa lang, halatang mag-ama na sila. Kolektor ng panganay.

"Isamu, anata no musume ga koko ni imasu," nagsalita si Mama kaya napalingon si Papa sa 'min.

(Translation: Isamu, your daughter is here.)

"Mayumi," wala man lang akong naramdamang pagkasabik nang banggitin niya pangalan ko. "Come here."

Ayaw ko siyang lapitan pero mahina akong tinulak ni Mama. Wala na akong nagawa kundi maglakad palapit sa Ama ko.

"Chichioya. . ." Niyakap ko siya, saglit lang 'yon dahil hindi ko siya matagalan.

"Mayumi," nakangiting sabi nito. Hinaplos nito ang buhok ng batang lalaking nakaupo at naglalaro sa tablet. Pinagmasdan ko ang malamyos na haplos nito sa buhok ng batang lalaki. Pangarap ko rin dati na gawin niya 'yon sa 'kin pero hindi niya ginawa. "This is your younger brother, Aoto."

Tumango ako. "Pang-ilan siya sa mga panganay mo?" hindi mapigilang tanong ko.

Alam kong naiintindihan niya ako pero wala akong pakielam.

"Mayumi!" saway sa 'kin ni Mama.

Tumawa naman si Papa. "Kare wa aoi tīta-san no 2-banme no kodomodesu."

(Translation: He is your Tita Aoi's second child)

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil sa sagot nito. Si Aoi ay ang ex-wife niya. Ex-wife na pero nakabuo pa rin ulit sila. Ang galing niya talaga.

Bago pa ako makapagsalita nang masakit na ikagagalit ni Mama, agad ko na itong tinalikuran.

"Maaga akong papasok," sabi ko kay Mama bago maglakad pabalik sa kwarto ko.

Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Mama sa 'kin. Wala na akong pakielam kung magalit sa 'kin si Mama, mamaya. Hindi ko talaga kayang harapin ang babaerong hapon na 'yon.

Kahit alas otso pa ang pasok ko ay gumayak agad ako. Bahala na, kahit ako pa magbukas ng school, ayos lang sa 'kin. Gusto ko lang umalis dito sa bahay namin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Wala si Hapon at Mama sa ibaba, yung batang lalaki lang ang nandoon.

"ane. . ." Ngumiti sa 'kin ang batang lalaki.

Hindi ko ito pinansin at dumiretso na agad sa labas. Malamig-lamig pa ang klima dahil sobrang aga pa. Medyo hindi pa rin gaanong maliwanag.

Dumiretso ako sa convenience store na binibilhan ko palagi. Kumuha ako ng cup noodles at tinapay. Bumili rin akong tubig. Bumili na rin ako para sa breaktime mamaya para hindi na ako lumabas.

Binayaran ko ang binili ko bago lagyan ng tubig na mainit yung cup noodles ko. Lumabas ako ng convenience store at tumambay doon sa may upuan sa labas. Sinimulan kong kainin yung tinapay ko habang hinihintay maluto ang cup noodles ko.

Sa gitna nang pagkain ko ay napahinto ako nang makita ang isang lalaking nakasuot ng hoodie, gulo-gulo ang buhok, at halatang bagong gising. Lumingon ito sa gawi ko at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako. Mabilis itong napaayos bago ngumiti sa 'kin.

"Hi," nakangiting bati nito sa 'kin.

Tango lamang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi na ito nagsalita at pumasok na lamang sa convenience store. Sinundan ko ito ng tingin at nang mawala ito sa paningin ko ay bumaling na lamang ako sa pagkain ko.

Binuksan ko ang cup noodles ko at nang makitang luto na ito ay nagsimula na akong kumain.

Nasa gitna ako nang pagsubo, nang may maglapag ng kape at tinapay sa lamesa ko. Napatingin ako sa lalaking naupo sa kaharap kong upuan.

"Ang aga mo," nakangiting sabi nito. "Alas otso pa ang pasok, ah? Ikaw magbubukas ng school?"

Tumawa ito pero hindi ako natawa. Gulat pa rin kasi ako sa biglaan niyang pagsulpot.

"Pwede pa lang makiupo?" tanong nito. "Ay, sa bagay, wala ka na pa lang magagawa dahil nakaupo na ako."

Ang weird niya pero ang cool niya rin.

"Okay lang," sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Good morning," nakangiting sabi nito bago simulang kainin yung tinapay niya.

"Good morning din," tugon ko at nagpatuloy sa pagkain.

Wala na ulit nagsalita sa 'ming dalawa. Kumakain lang kami nang tahimik.

"Oo nga pala," pinahid ni Rycher ang kaniyang kamay sa hoodie na suot niya bago maglahad ng kamay. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng pormal. Ako pala si Rycher Carson, single and ready to mingle basta ikaw ang maging girlfriend."

Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ang kamay niya pero sa hulo ay nakipag-shake hands pa rin ako sa kaniya.

"Mayumi," pakilala ko. "Mayumi Astrel Yamaguchi."

Lumawak naman ang ngiti nito at napatango-tango. Napatitig naman ako sa maamong mukha nito. Ang aliwalas niyang tingnan, para siyang walang problemang dinadala.

"Pwede ba kitang tawaging Astrel?" Napabitaw ako sa kamay niya nang magsalita ito.

"Ikaw, kung gusto mo," mahinang sabi ko bago umiwas ng tingin. "Walang tumatawag sa 'kin sa second name ko kaya okay lang naman."

"Sige, Astrel . ." Narinig ko ang pagbungisngis nito kaya muli akong napatingin sa kaniya. "Ako naman, pwede mo akong tawaging Rycher. Wala akong second name kaya Rycher lang talaga. Bawal akong tawaging Ry, pangalan kasi ni Nanay ko 'yon."

Napatango naman ako.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain hanggang sa matapos ako. Si Rycher din ay tapos na, iniinom na lang niya yung kape niya.

"Masyado pang maaga para pumasok," sabi ni Rycher. "Gusto mong pumunta muna sa bahay namin? Tapos sabay tayong pumasok. Mamaya kasi wala pa yung guard sa school, matagal kang tatambay niyan sa labas ng gate."

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung papayag ako. Ito kasi ang unang beses na pupunta ako sa bahay ng ibang tao, at lalaki pa.

"Okay lang kung tumanggi ka," nakangiting sabi nito. "Ayoko namang mamilit ng babae, gusto ko, ako ang pinipilit ng babae."

Mahinang natawa ako dahil sa sinabi nito.

"Wala ka namang balak na masama, 'di ba?" mahinang tanong ko.

"Wala!" mabilis na sagot nito. "Takot ko lang kay Nanay, balatan ako ng buhay no'n."

Tumango ako. "S-sige. . ."

Ngumiti ito bago itapon yung basura namin. Naunang maglakad si Rycher at sumunod naman ako sa kaniya at pinantayan siya. Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad.

Dalawang kanto ang dinaanan namin bago kami makarating sa isang private village. Bahagya akong namangha dahil sa village pala na 'to siya nakatira. Madalas kong madaanan ang magandang village na 'to tuwing papasok ako. Malapit lang din ito sa bahay namin, mga fifteen minutes na lakaran lang.

Binati ni Rycher yung guard bago kami magtuloy. Hindi dikit-dikit ang mga bahay sa village, hindi kagaya sa ibang village. Medyo malaki ang agwat bago magkaroon nang kasunod na bahay. Malawak din ang village at malalaki ang mga bahay, halatang mayayaman talaga ang nakatira.

Huminto si Rycher sa pang-apat na bahay. Pumasok kami sa malaking brown na gate. Bumungad sa 'kin ang malawak na garden at malaking bahay.

"Ang yaman niyo pala," hindi mapigilang sabi ko.

"Masipag kasi si Tatay," sagot lang ni Rycher.

Naglakad kaming dalawa sa malawak na garden. Nang makalapit sa pintuan ng bahay nila ay natanaw ko agad ang malawak na sala. Hinubad ni Rycher ang suot niyang tsinelas kaya naghubad rin ako ng sapatos.

Kumuha si Rycher ng dalawang pares ng tsinelas, ibinigay niya sa 'kun yung isa. Dinampot nito ang sapatos ko at itinabi sa isang gilid.

"Suot mo na yung tsinelas para makapasok na tayo," sabi ni Rycher.

Sinuot ko ang tsinelas bago maglakad papasok kasabay ni Rcyher. Ang ganda ganda ng bahay nila Rycher. Ito yung malaki at maganda, pero hindi malungkot tingnan. Yung iba kasing malaking bahay, malungkot tingnan. Parang bahay lang namin.

"Upo ka muna," sabi ni Rcyher. "Wag kang mahiya, good mood naman lahat ng tao rito."

Tumango ako bago maupo. Ang lambot lambot ng sofa nila.

"Rycher, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag mong isampay sa kung saan ang brief mo!" Napalingon kami ni Rycher sa ginang na pababa ng hagdan.

Magandang babae ito. Nakasimangot ito habang bitbit ang isang gray na brief.

"Nay, may bisita ako!" Mabilis na nilapitan ni Rycher ang Ginang. Inagaw ni Rycher ang hawak nitong brief at itinago sa bulsa ng hoodie niya.

Napalingon naman sa 'kin ang Ginang. Ngumiti ito nang matamis sa 'kin bago katukan ang kaniyang Anak.

"May girlfriend ka na tapos burara ka pa rin!" sabi ng Ginang kay Rycher.

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ng Nanay ni Rycher. Girlfriend.

"Nay, hindi ko siya girlfriend . . . " sabi ni Rycher. ". . . sa ngayon. . ."

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at pigil ang ngiting napayuko na lamang.

Ito ba yung kilig?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro