Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2


       "Mayumi," napalingon ako sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon. Si Mama. "Anong ginagawa mo, Anak?"

"Assignment po," sagot ko bago muling bumaling sa sinasagutan ko. "Bakit po?"

"Aayain sana kitang maglinis ng bahay dahil uuwi ang chichi mo," tugon nito. Agad kong nahimigan ang saya sa boses nito. "Uuwi na ang chichi mo, Anak, siguro isasama niya na tayo sa Japan."

"Ayoko po sa Japan," walang ganang sabi ko.

Ngayon pa nga lang nasa Pilipinas kami ay echapwera na kami, paano pa kaya kapag sumama kami sa kaniya sa Japan?

"Anak, mas gaganda ang buhay natin si Japan." Hinawakan ni Mama ang magkabilang balikat ko. "Siguradong magiging masaya rin ang mga Lola mo kapag nakita ka."

"Mama, hanggang kailan mo ba iintindihin si chichi?" lakas loob kong tanong sa kaniya. "Hanggang kailan ka ba papayag na maging libangan niya? Kaya lang naman siguro siya uuwi rito dahil kailangan ka niya bilang pampalipas oras."

"Mayumi, 'wag kang magsalita nang ganiyan," galit na sabi nito. "Hindi ganiyan ang papa mo!"

Hindi na ako kumibo at nagpatuloy na lamang sa pagsagot ng assignment ko. Narinig ko ang pagbagsak ng pinto kaya napahinga ako nang malalim.

Gusto kong umalis bukas dahil ayokong makita siya. Ayokong makipag-plastikan sa kagaya niya. Alam ko namang uuwi lang siya dahil bored na siya mambabae sa Japan. Uuwi lang naman siya rito para paasahin na naman si Mama. Palagi namang ganito ang set-up niya sa 'min ni Mama. Kami ang palaging huling priority niya.

Tinapos ko ang assignments ko bago tumayo. Nag-unat unat ako bago kuhanin ang hoodie at wallet ko. Lumabas ako ng kwarto, nadatnan ko si Mama na naglilinis.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama.

"May bibilhin lang po," tugon ko. "May ipabibili ka?"

"Yung palagi kong binibili na pampabango ng bahay," sabi nito. "Bumalik ka agad, Mayumi, maliwanag ba?"

Tumango lamang ako bago lumabas ng bahay. Walking distance lang naman ang convenience store sa bahay namin kaya maglalakad na lamang ako.

Minsanan lang ako lumabas ng bahay dahil gusto ni Mama na palagi akong nakakulong. Ayaw ako nitong palabasahin dahil baka raw may mangyaring masama sa 'kin. Dahil palagi akong nakakulong, kahit isa ay wala akong kaibigan. Walang gustong makipag-kaibigan sa kagaya kong weird.

Hindi ko man lang maranasan maging malaya. Hindi ko man lang maranasan ang mga nagagawa ng mga kaedaran ko. Hindi ko man lang maranasan magkaroon ng kaibigan.

Nang makarating sa convenience store ay agad akong kumuha ng basket at nagsimulang kuhanin ang mga gusto ko.

Hindi naman kami pinababayaan ni Papa pagdating sa pera, pero galit pa rin ako sa kaniya. Hindi lang naman kasi pera ang kailangan namin ni Mama, kailangan din namin siya. Kailangan ko ng Ama.

Kukuhanin ko na sana ang natitirang magic chips pero naunahan ako. Napalingon ako sa kumuha no'n at natigilan ako nang makita si Rycher.

"Favourite ko 'to," nakangiting sabi nito bago ilagay ang magic chips sa basket ko. "Pero sa 'yo na lang, gentleman naman kasi ako, eh."

"Hindi na," tanggi ko bago iyon ilagay sa basket niya. "May stocks pa naman ako sa bahay kaya sa 'yo na lang."

"Sa 'yo na nga," ibinalik niyo iyon sa basket ko. "Masaya akong ibigay sa 'yo 'yan."

"Sa 'kin na lang kung ayaw niyo," sabad ng isang binatang lalaking nasa gilid ni Rycher at kahawig niya. Hindi ko ito napansin.

"Manahimik ka diyan," sita ni Rycher sa lalaki. "Doon ka nga, dumidiskarte ang Kuya mo, sinisira mo naman."

Ngumisi lang ang lalaki bago umatras palayo. Nagtaka naman ako sa ikinilos nito pero hindi ko na lang pinansin.


"Mabalik tayo sa magic chips," sabi ni Rycher at muli akong nilingon.  "Sa 'yo na lang 'to-"


"-Hindi na." Hindi ko na siya hinintay makapagsalita at agad nang tumalikod.


Kumuha ako nang pinabibili ni Mama bago ako dumiretso sa counter para magbayad. Nadatnan  kong nakapila doon si Rycher  kaya sumunod ako sa pila  niya.


"Mauna ka na," sabi ni Rycher.


"Hindi na," tanggi ko. "Hindi naman ako nagmamadali."


Nakangiting tumango lamang ito.


"Ate,  ikaw ba yung nililigawan ng Kuya ko?" tanong ng kasama ni Rycher. Kapatid niya pala ito. "Kung gano'n, ate na kita? Yes, magkakaroon din ng babaeng kapatid."


"Ayer, manahimik ka!" Hinila ni Rycher ang tainga ng kapatid. "Mayumi, pasensiya ka na sa kapatid ko, ah? Hindi kasi ito nakainom ng zonrox."


Bahagya naman akong napatawa bago tumango. 


Hindi na nakapagreklamo ang kapatid ni Rycher dahil sila na ang sunod na magbabayad. Tahimik lang akong naghintay hanggang sa ako na ang sunod na magbabayad.


"Una na kami," paalam ni Rycher.


Tumango lang ako. Lumabas naman ito ng convenience store, hila-hila ang kaniyang kapatid na mukhang may gusto pa ring sabihin sa 'kin.


"Three hundred two po, Ma'am," sabi ng lalaki sa cashier.


Nagbayad naman  ako at kinuha ang pinamili ko bago lumabas. Naglakad ako pabalik sa bahay namin. Nadatnan  ko si Mama na masayang naglilinis kaya napailing na lamang ako.


"Ito po yung pinabili mo."  Ibinaba ko yung pinabili niya sa upuan bago ako bumalik sa kwarto ko. Ibinaba ko ang paper bag sa kama na naglalaman ng mga pinamili ko tsaka isa-isang tinanggal ang mga laman no'n.


Natigilan ako nang makita sa paper bag ko yung magic chips na pinagpapasahan namin ni Rycher kanina. Hindi ko naman binili 'to, baka nagkamali ng lagay ang  lalaki sa cashier. Napakunot noo ako at akmang ibabalik ito sa paper bago pero natigilan ako nang may nakita akong sticky note sa likod ng magic chips.


Kinuha ko naman iyon at binasa.


"Palagi kang  ngumiti  para mas maganda ka lalo."


Rycher Carson

Ps: Add mo ako sa fb


Natawa naman ako at napailing iling. Kakaiba ang trip ng lalaking 'yon sa buhay. Itinago ko yung sticky note sa drawer ko bago kuhanin ang laptop ko at i-search ang pangalan ni  Rycher sa facebook.


Natigilan pa ako dahil naka-add friend na siya sa 'kin. Hindi ko alam kung i-a-accept ko siya dahil nabubuksan ni Mama ang F.B ko. Wala akong privacy kahit sa social media dahil ayaw ni Mama na nakikipag-chat daw ako sa kung sino-sinong lalaki.


Napahinga ako nang malalim at hindi na lang pinansin  ang friend request niya. Sinarado ko ang laptop ko bago nahiga sa kama ko. Masaya na ako kanina pero nawalan na naman ako ng gana nang maalala ang set-up ng buhay ko.


Sana kahit minsan ay makalaya ako dahil gusto ko ng kaibigan. At ang unang gusto kong maging kaibigan ay ang isang Rycher Carson.


___________________


hello, madlang genggeng! i decided na mag-open ng monthly for my advance update vip group. naka-post po sa group ang advance update ng mga ongoing ko, pero free pa rin ang story sa wattpad. nauna lang po ang update sa vip, ganern. yung mga gusto lang po ng update at ayaw mabitin ang pwedeng mag-join, pwede naman pong hindi mag-join dahil mai-po-post pa rin naman ang chapter sa wattpad. as of now, 9 stories ang nasa vip pero 7 pa lang ang ginagalaw ko para sa update. if you want to join just pm me lang po.


30 pesos monthly for students50 pesos monthly for not students200 pesos naman po ang lifetime (mga ayaw nang mag-monthly)that's all. thank youuu


FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP

FB PAGE: KwinDimown

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro