Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

I'm still improving pa po kaya sorry po agad sa mga wrong grammar and typo errors. Hindi rin po ito gaanong malinis kaya don't expect too much po. Thankies

__________________


SIMULA. . .

       "Mayumi, siguraduhin mong ikaw ang top 1, ah? Nakakahiya sa pamilya ng chichi mo kapag pangalawa ka lang." Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa sinabi ni Mama. "Dapat palagi kang number one, maliwanag ba?"

Tumango ako bago tumayo. "Alis na ako, Ma."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na agad. Nakakainis si Mama, palagi siyang pabor kay Papa. Palaging kami ang nag-a-adjust. Ang martyr niyang babae.

I'm Mayumi Astrel Yamaguchi. 19 years old. Senior high school. Half Japanese ako at hindi ako proud na may dugong hapon ako. Hindi ko rin tanggap na nakakabit sa pangalan ko ang apelyido ng Tatay kong collector ng babae. HUMSS Student ako, gusto kasi nila Mama na mag-pulis ako kahit ang gusto ko ay mag-TVL. Syempre, wala akong magagawa dahil sasabihin na naman ni Mama na sumunod na lang.

Wala rin akong kaibigan kahit isa dahil masyado raw akong gloomy. Sa tuwing may nakikipag-kaibigan sa 'kin ay agad rin akong cina-cut off dahil masyado raw akong tahimik at palaging bawal gumala.

Taong bahay lang ako dahil nagagalit si Mama kapag gumagala ako. Tumambay nga lang ako sa labas ng bahay, galit agad siya, eh. Baka raw mabuntis ako nang maaga at talikuran kami ni Papa. Kaya naman naming dalawa, takot lang siyang mawalan ng source of income.

"Mayumi, may assignment ka sa Gen Bio?" tanong agad ng vice president namin pagkaupo ko sa upuan ko. "Pakopya naman."

Tumango lang ako bago kuhanin ang notebook at iabot sa kaniya. "Yung one and two ay sariling sagot. Ibahin mo na lang."

"Thank you," nakangiting sagot nito.

Ganito sila palagi sa 'kin, kakausapin nila ako kapag may kailangan sila. Ayos lang naman sa 'kin dahil sanay na ako. Ganito rin kasi ang treatment sa 'kin sa bahay ni Mama. Busy kasi siyang makipag-video call sa Tatay kong nasa Japan.

"COLE!" Bahagya akong nagulat nang may sumigaw.

Lumingon ako sa pinto at nakita ko ang isang lalaking matangkad, sa tingin ko ay mga nasa 6'0 ito. Naka-fringe cut ito na bumagay rito. Mukha ring nag-e-exercise ito dahil sa built ng katawan nito.

Palagi itong nandito pero ngayon ko lang ito napagmasdan nang maayos. Ang pagkakaalam ko ay GAS student ito. Madalas ito sa room namin dahil kaibigan niya ang Escort ng room namin na super weird. Hindi lang pala ako ang gloomy sa room, pati si Cole ay gloomy. Weird na gloomy. Ayon sa naririnig ko, may third eye raw si Cole kaya madalas kausap nito ang hangin–

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa lalaking maingay na pumasok dahil tumingin ito sa 'kin. Bigla akong nakaramdam ng ilang sa hindi malamang kadahilanan.

"Ito na yung notebook mo," sabi ng Vice President namin. "Thank you."

Agad itong umalis at lumapit sa pwesto nila Cole. Mukhang kilala niya yung kaibigan ni Cole dahil kinakausap niya ito.

"Rycher, pwede mo akong ayaing mag-date," sabi ni Jona sa lalaki. "Wala na akong boyfriend ngayon."

"Pakielam ko," hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinagot ng lalaki.

Napatakip naman agad ako sa bibig ko nang tumingin sila sa 'kin. Masama ang tingin ni Jona sa 'kin kaya umiwas ako ng tingin. 'Yan, ganiyan siya pagkatapos mangopya.

"Nililigawan mo ako dati, 'di ba?" Pasimple ulit akong tumingin sa kanila nang muling nagsalita si Jona. "Sorry na kung binasted kita noon."

"Huy, 'wag kang nagkakalat ng fake news. Hindi kita niligawan," malakas na sabi ni Rycher. "Hindi nga kita kilalang babae ka, eh. Masyado kang feelingera."

Pakiramdam ko ay matatawa na naman ako kaya yumuko ako. Hindi ko kinaya ang pagiging straightforward niya. Yung mga kaklase ko kasi ay tsaka magsasalita kung kailan wala na yung kinaiinisan nila. Kumbaga, backstabber, gano'n.

"Mr. Carson, nandito ka na naman." Napaangat ako ng tingin at napaayos ng upo nang makita ang Teacher namin. "Mamaya ka na mangulit dito, bumaba ka na."

"Yes, ma'am!" Sumaludo ito sa Teacher namin bago maglakad palabas.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita kong tumingin sa gawi ko yung lalaki at kumindat. Nangunot lamang ang noo ko dahil imposibleng ako 'yon.


Nang mawala ito sa paningin ko ay bumaling na ako sa Teacher ko. Nagpa-surprise ito nang one to thirty. Mabuti na lamang ay nag-review ako sa lesson niya kagabi.

Habang nagsasagot ay tumitingin sa 'kin ang mga kaklase ko pero hindi ako nagpakopya. Hanggang activities at assignments lang ang kaya kong ipakopya. Kapag mga quiz at exam na, madamot ako. Natatakot kasi akong mahuli at baka ipatawag si Mama.

Halos lahat sila ay masasama ang tingin sa 'kin habang nagpapasa kami ng papel. Wala naman akong pakielam dahil hindi ko na kasalanan 'yon.

"Paki-lecture ang sinend ko sa gc niyo," sabi ng Teacher namin. "I-che-check ko lang itong papers niyo."

Tahimik lang akong nagsusulat. Nararamdaman kong may bumabato sa 'kin ng papel pero hindi ko na pinapansin. Kapag pinansin kasi sila ay lalo silang mang-aasar.

"Si Mayumi lang ang naka-perfect at siya lang ang pasado," sabi ni Ma'am. "Bawi na lang kayo next time."

Kaniya-kaniyang angil naman ang mga kaklase ko.

Sumapit ang breaktime at nag-umpisa agad magparinig ang mga classmates ko. Pinangungunahan iyon ni Jona.

"Gusto palaging siya ang magaling," parinig ni Jona. "Ang arte arte pa, palagi namang papansin."

"Mahilig manghila pababa," parinig naman ni Rosie–President namin.

"Mukha kasi kayong impyerno." Nabigla sila nang sumulpot ang kaibigan ni Cole. Kung hindi ako nagkakamali, Rycher ang name niya. "Mag-aral kasi kayo para hindi kayo bumagsak."

Umirap lang ang dalawa at agad lumabas ng classroom. Mahina naman akong napatawa habang kinukuha ang baon kong sandwich. Ayoko kasing magpunta sa canteen dahil medyo masikip doon.

"Yown, tumawa ka ulit." Natigilan ako nang may huminto sa tapat ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa 'kin si Rycher. "Mas maganda ka kapag nakangiti."

"H-ha?" Napakurap kurap ako.

Nakangiting umiling lang ito bago lapitan si Cole na nakatingin sa 'min.  Umiwas naman ako ng tingin at pasimpleng napangiti na lamang

__________

HELLO, IF YOU WANT ADVANCE UPDATE. PWEDE KAYONG MAG-AVAIL SA VIP GROUP KO.

JUST CONTACT THESE ACCOUNTS:

FB: KwinDimown WP / Kwindaymown WP

FB PAGE: KwinDimown

IG: kwndmwn








PARANG GANITO PO ANG HAIRSTYLE NI RYCHER. CRDTS KAY PINTEREST

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro