Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

X.

Isang linggo makalipas isugod si Celeste sa ospital ay sinugod ako ng mga NBI sa bahay ko. Hindi ako nakapalag dahil may dala silang warrant of arrest para sa akin. Wala akong nagawa nang huliin nila ako at dinala sa Camp Crame. Habang nasa biyahe ay ipinapaliwanag sa akin ng mga pulis ang tungkol sa magiging proseso ng kaso ko. Binigyan rin nila ako ng abogado galing sa public attorney's office.

Ilang araw din ang lumipas, lagi kong nakakausap ang ibinigay sa akin na abogado. Sa kanya ko rin nalaman na dahil sa isang witness kaya nalaman nilang ako ang assassin sa likod ng alyas na 'The Devil'. Hindi muna raw nila ako hinuli agad at minan-manan muna, dahilan para maka-kalap sila ng maraming ebidensya laban sa akin. Unti-unti ko na ring natatanggap ang katotohanang hindi na ako maa-abswelto sa kasong 'to.

Sa buong oras na inilagi ko sa bilanguan ay isa lang ang hindi ko makalimutan. Si Celeste. Lagi kong iniisip kung kamusta na baa ng lagay niya. Kung mas bumuti ba ang lagay niya. Tinanong ko rin isang beses ang abogado ko kung possible bang mabisita ko siya kahit sa huling pagkakataon, magpa-paalam lang sana ako. Pero diniretsa niya ako na sa bigat ng mga kasong nakasampa sa akin ay malabong mangyari ang hiling ko.

Alam ko rin na na-feature sa media ang tungkol sa pagdakip sa akin. Masyado kasing madaldal ang mga pulis na nagbabantay sa akin. Bente-kwatro oras silang nakabantay sa akin na para bang anomang sandali ay tatakas ako at pagpa-patayin sila. Tsk. Hindi naman ako basta-basta pumapatay, kahit pa malaki ang ialok sa akin na bayad. Sinisigurado ko munang kinikilala ko ang mga magiging biktima ko.

Dumating ang araw na dininig ng Sumpreme Court ang kaso ko. Isa-isang nag-litawan ang mga ka-pamilya at kamag-anak ng mga naging biktima ko. At iisa lang ang hiling nila, ang parusahan ako ng death penalty. Dahil walang death penalty sa bansa sa mga panahong 'to, kaya naman pang-habang buhay na pagkakakulong na walang parole ang ibinigay sa aking sintensya. Pero wala na akong pakialam sa kung anoman ang mangyari sa akin. Ang tanging gusto kong mangyari sa mga sandaling 'yon ay ang masilayan muli si Celeste.

At parang dininig naman ang hiling ko, makalipas ang ilang araw pagkatapos mahatulan ay nagkaroon ako ng hindi inaasahang bisita. Ang papa ni Celeste. Halos maiyak ako sa tuwa nang marinig 'yon dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng balita tungkol kay Celeste. Kinutuban agad ako nang hindi maganda nang makita ang papa ni Celeste mula sa makapal na salaming naghihiwalay sa amin, pero hindi ko pinahalata 'yon.

Nagkamustahan kaming dalawa at dahil alam kong baka ito na ang huling pagkikita namin ay sinabi ko lahat ng totoo kay tito Bon. Hindi rin daw siya makapaniwala nang unang marinig ang balita. Hindi raw siya naniniwalang isa akong masamang tao. Dahil kung totoo man daw ang mga bintang sa akin, ay sana matagal ko na raw sila patay ni Celeste noon. Nagpasalamat ako kay tito Bon sa sinabi niya, at sinabi ko sa kanyang si Celeste ang dahilan kung bakit ako nagbago at nag-pasyang talikuran ang kaisa-isang bagay na alam kong gawin, ang pumatay.

Nag-aalangan akong tanungin kung anong lagay ni Celeste, kaya naman laking pasasalamat ko ng si tito Bon na mismo ang nagbukas sa paksang 'yon.

'Ade, andito talaga ako para sabihan ka tungkol kay Celeste.' Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Kita ko rin sa mukha ni Tito Bon na nahihirapan siyang sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin, na mas lalong nagpakaba sa akin. 'Ade, wala na si Celeste. Isang linggo na ang nakakalipas.'

'Wala na si Celeste'

'Wala na si Celeste'

'Wala na si Celeste'

'Wala na si Celeste'

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa sinabi ni tito Bon. Ni hindi ko man lang siya nakasama kahit sa mga huling sandali niya. Hindi ko na narinig pa na nag-paalam siya sa akin dahil tapos na ang oras ng pagdalaw. Pakiramdam ko ay nawalan ng tunog ang mundo ko. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak nang makabalik ako sa selda ko. Huling iyak ko nang ganito ay nang makita ko ang duguang katawan ng nakaba-batang kapatid ko. Napakasakit.

Simula nang malaman ko ang nangyari kay Celeste ay wala na akong gana pang kumain. Lahat ng pagkain at inuming binibigay ng mga nagbabantay sa akin ay hindi ko ginagalaw. Isang beses pa ay ginamitan na nila ako ng dahas para lang kumain. Akala ko pa naman hahayaan na nila akong mamatay, 'diba iyon naman ang gusto nila? Bakit hindi nila ako hayaang mamatay sa gutom? Ah oo, dahil mas maganda nga namang nakikita nilang naghihirap ako.

Isang araw, habang nasa labas ako at nakatingin sa langit ay biglang kong nakita ang imahe ni Celeste na para bang tinatawag ako. Gusto mo na ba akong sumunod, mahal ko? Sinubukan ko siyang abutin pero bigla ding naglaho ang imahe niya. Para na namang dam na nabuksan ang ragasa ng lungkot sa akin. Minabuti ko na lang bumalik sa selda ko at lunurin ang sarili ko sa mga luha ko.

Sa bawat araw na dumadaan, para na lang akong isang robot. Gumagalaw dahil kailangan. Kumakain at umiinom dahil 'yon ang sabi nila. Wala ng kabuluhan ang buhay ko. Lahat ng tao'ng minahal ko ay wala na. Ano pa nga bang silbing nabubuhay ako? Samantalang silang lahat ay nasa kabilang buhay na. Muli akong humiga sa higaan ko at nakipagtitigan sa kisame. Siguro ito ang tamang gawin, halos lahat naman ng tao'ng nasa paligid ko ngayon ay ito ang gustong mangyari. I'm beyond redemption, ika nga nila. Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, at sa huling pagkakataon man lang ay humingi ako ng tawad sa KANYA.

At buong pusong sinalubong ang kamatayan.

🌸 🌸 🌸

Psalm 143:1-2

O Lord, hear my prayer, listen to my cry for mercy; in your faithfulness and righteousness come to my relief, Do not bring your servant into judgement, for no one living is righteous before you.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro