Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VIII.

Halos panghinaan ako nang makita ang kalagayan ni Celeste sa hospital. Ang daming aparatong nakakabit sa kanya. Kung noon ay masasabing balingkinitan ang katawan ng dalaga, ngayon ay halos buto't-balat na siya. Nanlalalim rin ang dating punong-puno ng buhay na mga mata niya. Hindi ako makapaniwalang ang kasama ko ilang buwan lang ang nakakalipas ay nakaratay ngayon sa isang kama at halos nag-aagawa buhay na.

Napaka-unfair talaga ng mundo, kung sino pa ang may mabuting kalooban siya pa ang nakakaranas ng ganitong pasakit. Gusto kong isigaw na sana ako na lang. Ako na lang ang nasa kalagayan niya tutal wala naman akong ginawang mabuti sa buong buhay ko.

Lumuhod ako sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Celeste. Napakalamig ng kamay ng dalaga, halos kasing lamig na nito ang yelo. Habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga ay may biglan akong naisip. Isang bagay na napakatagal ko ng hindi nagagawa. Isang bagay na simula nang mamatay ang nakababatang kapatid ko ay hindi ko na ginawa. Nagdasal ako. Nagdasal para humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko.

Napaangat ako ng ulo nang maramdaman ang marahang dampi ng isang kamay dito. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang makita ang nakangiting mukha ni Celeste. Kahit nahihirapan na siya ay nagagawa pa rin nitong ngumiti.

'Ade, andito ka...' Mahinang sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya naman tumango na lang ako saka hinaplos ang mukha niya.

Napapikit siya nang dumampi ang kamay ko sa mukha niya. Kaya naman agad ko itong binawi, dahilan para mapamulat si Celeste at tumawa ng marahan. Kung dati ay halos mabingi ako sa lakas ng tawa niya, ngayon ay halos hindi ko na ito marinig. Dinig na dinig ko rin ang bawat paghugot niya ng hininga na para bang kahit dito ay nahihirapan siya. Ano bang kasalanan ni Celeste at kailangan niya itong danasin?

'Ade... sorry.' Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Dapat nga ay ako gumagawa nito dahil napakarami kong kasalanan sa kanya.

'Sorry kung nasaktan kita.' Unti-unting dumaloy ang mga luha sa mga pisngi niya. 'Rineject kita kasi ayaw kong maiwan kang mag-isa sa buhay. Noon pa man alam kong hindi na ako magtatagal sa mundong ito. Mahal din kita, Ade. Mahal na mahal.'

Naiyak ako sa narinig mula kay Celeste. Pareho kami ng nararamdaman, mahal din niya ako. Hinalikan ko ang noo ni Celeste at ibinulong sa kanyang mahal na mahal ko rin siya. 

Dapat ay maging masaya ako dahil ngayon, sigurado na akong pareho kami ng nararamdaman ni Celeste. Pero bakit ganoon, mas nalungkot ako? Parang pinipiga ang puso ko, parang may isang taong gustong alisin ito mula sa katawan ko? 

Bakit?

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro