Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VII.

Simula ang pangyayaring 'yon ay iniwasan ko si Celeste. Hindi ko na siya muling kinausap. Pinutol ko ang lahat nang ugnayan namin. Hindi ko siya pinagbubuksan ng gate sa tuwing dadalhan niya ako ng ulam na luto ni Nana Caridad. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umaalis na bagsak ang mga balikat at malungkot.

Ang tanga ko lang, hindi ba?

Ilang buwan ring tumagal ang ganoong gawain ni Celeste hanggang sa tumigil na ito at tuluyan na naming hindi nakikita ang isa't-isa.

Nasabi ko na rin bang ipinagpatuloy ko ang dating trabaho ko? Oo, tumanggap akong muli ng mga transaction. Naipon ang mga ito simula nang tumigil ako pero karamihan sa mga ito ay hindi natutuloy. Pakiramdam ko ay tinubuan ako ng konsensya. Sa tuwing hahawakan ko ang baril ko ay bigla kong makikita ang nakangiting mukha ni Celeste. Ang inosente at napakagandang mukha niya. Iniisip ko nga ay nababaliw na ako. Pero ang totoo niyan ay sobrang nami-miss ko siya.

I miss everything about her. The way she laughs, how her forehead wrinkles everytime I tell her something and the she smiles everytime na tumitingin siya sa mga tao'ng nasa paligid niya.

Kamusta na kaya si Celeste?

Nagtatalo ang isip at puso ko. Ang gusto ng puso ko ay bisitahin ko siya para malaman kung anong lagay ng dalaga samantalang ang isip ko naman ay pinipigilan ko.

Pero sa huli nagwagi ang puso ko, kaya naman isang araw ay nakita ko ang sarili kong nakatayo sa harap ng gate nila. Gusto ko pang matawa dahil may hawak-hawak akong isang bouquet ng bulaklak. Ang kaso ay hindi ko magawang pindutin ang door bell nila. Oo na, ako na ang duwag. Sino ba naming hindi 'di ba? Pagkatapos ng ilang buwan ay narito ako at binibisita siya.

Hindi ko alam kung gaano ako nakatagal na nanatiling nakatayo sa tapat ng gate nila. Hanggang sa biglang buksan ng yaya ni Celeste ang gate par asana ay magtapon ng basura.

'Oh hijo, anong ginagawa mo dito?' Nagtatakang tanong ng matanda sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang sadya ko pero ng dumako ang tingin niya sa hawak kong bouquet at ang tipid na ngiting ginawad niya sa akin ay sinabi ko na rin.

'Andyan po ba si Celeste, manang?'

'Naku hijo, isang buwan nang naka-confine sa hospital ang alaga ko.'

Gulat ang una kong naramdaman pero ng tumagal ay pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko sa nalaman. Tinanong ko ang yaya niya kung saang hospital ito naka-confine at nagmamadaling umalis para puntahan si Celeste.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro