VI.
Ninamnam ko muna ang relasyong meron kami. Itinago ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahirap pero tiniis ko kasi ayaw kong masira ang samahan namin. Pero dumating din ako sa puntong gusto kong masagot ang mga katanungan sa isip ko.
Paano kung pareho pala kami ng nararamdaman?
Paano kung biglang may dumating at maunahan ako?
Maraming pang paano ang nasa isip ko at hindi masasagot ang mga ito kung ipagpapatuloy ko ang pagiging duwag. Akalain mo 'yon isa akong bayarang mamamatay tao pero takot ako na i-reject ng isang babae.
Pathetic, ika nga ng iba.
Kaya naman nang inaya niya muli akong magsimba ay napagpasyahan kong ipagtapat na sa kanya ang nararamdaman ko. Kabadong-kabado ako sa buong misa. Huli ko 'tong naramdaman nang makita ko ang nangyari sa kapatid ko. Nagtatalo tuloy ang isip at puso ko, kung dapat ko pa bang ituloy ang pag-amin.
Sa huli, nanaig ang kagustuhan kong masabi kay Celeste ang nararamdaman ko.
'Celeste . . .' Hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siya sa pagpasok sa bahay nila.
Nakangiting liningon niya ako dahilan para magsimula na naman ang parang kinikiliting pakiramdam sa sikmura ko.
'May gusto sana akong sabihin sa'yo.'
Tumitig ako sa mga mata niya at pakiramdam ko ay unti-unti akong natutunaw sa mga titig niya. Nakangiti pa rin siya sa akin at para bang nangu-ngusap ang tingin niya sa akin.
'Gusto kita, Celeste. Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman pero gusto talaga kita. Gustong-gusto.' Nakita ko ang rumehistrong gulat sa mukha niya at halos panghinaan ako sa sinagot niya sa akin.
'Hindi pwedeng magkaroon ng tayo, Ade.' Naiiling na sagot niya sa akin. 'Pasensya ka na pero hanggang pagiging kaibigan lang ang pwede kong maibigay sa'yo.'
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit at kung may iba na bang nagma-may ari sa puso niya. Pero tinalikuran na niya ako at pinagsarhan ng gate.
Masakit palang ma-reject. Lalo na at umasa ako na kahit pa-paano ay pareho kami ng nararamdaman. Mali pala. Maling-mali.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro