IX.
Stage III Pancreatic Cancer ang sakit ni Celeste, ayon sa doctor na nakausap ko. Ang lubos na nakapag-pahina sa akin ay nang sabihin nito na hindi na raw tatagal pa ang dalaga. Tatlong buwan, 'yan ang taning na sinabi sa akin ng doctor. Napaka-unfair. Bakit si Celeste pa? Bakit hindi na lang ako? Kung sino pa ang walang ginawa sa buhay kundi ang maging mabuti sa kapwa ay siya pang mas inuunang kunin ng Diyos.
Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Celeste ay araw-araw ko siyang dinadalaw sa hospital. Inalok ko rin siya na sa ibang bansa na lang magpagamot pero tumanggi ito. Magsa-sayang lang daw ako ng pera dahil alam na raw niyang hindi na siya tatagal.
'Mas gugustuhin ko pa kung ipapasyal mo na lang ako s iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas, Ade. Isipin mo na lang na ito ang huli kong kahilingan.'
Masakit man sa akin ay pumayag ako. Tanggap na talaga ni Celeste na hindi na siya magtatagal sa mundong ito. Kaya naman para pagbigyan ang kanyang hiling ay kinausap ko ang doctor na may hawak sa kanya. Pinayagan niya ako sa gusto ko pero sa oras na makita kong lumubha ang kalagayan ni Celeste ay agad ko itong isusugod sa pinakamalapit na hospital, kahit pa nasaan kaming lumpalop ng Pilipinas.
Isang linggo pang nanatili sa ospital si Celeste bago tuluyang pumayag ang doctor niya na mailabas siya. Nagpaalam kaagad kami sa papa niya na kung pwede kaming mag-out of town ni Celeste. Nung una ay parang ayaw nito, pero ng si Celeste na ang kumausap dito at ipinaliwanag kung para saan nga pa ang trip na 'to ay pumayag na rin ang papa niya.
Tinanong ko si Celeste kung saan ang una niyang gusting puntahan at nagulat ako ng sabihin niyang gusto niyang makita ang pamosong Baguio Cathedral. Medyo nag-alangan ako dahil malayo ang biyahe at baka mapagod siya pero likas na makulit si Celeste kaya wala akong nagawa kung sundin ang gusto niya. Tatlong araw din ang linagi namin sa Baguio bago kami pumuntang Ilocos Norte para sa sikat na Pagudpod Beach nila, dumaan na rin kami ng Vigan para tikman ang sikat na empanada at longganisa nila doon.
Pinagpatuloy pa namin ang pama-masyal sa ibang lugar tulad ng Zambales, Bataan, Batangas, Quezon at Bicol. Dinalaw namin lahat ng sikat na tourist destination sa mga lugar na pinuntahan namin. Nakakapagod pero sa tuwing makikita ko ang saya sa mukha ni Celeste ay napapawi rin agad 'to. Pero tulad nga ng sabi nila, 'all good things come to an end'...
Pag-lapag pa lang ng eroplanong sinasakyan namin sa airport ng Puerto Prinsesa ay bigla na lang sumuka ng dugo si Celeste. Labis-labis ang pag-aalala ko habang sakay kami ng ambulansya papunta sa pinakamalapit na ospital. Nang makarating kami ay sinabi ng doctor na wala silang sapat na pasilidad para sa kalagayan ni Celeste kaya naman nang mabigyan siya ng first aid ay agad siyang isinakay sa naghi-hintay na chopper para i-transfer sa Maynila.
Sising-sisi ako habang nakatitig sa nakahiga at walang malay na si Celeste. Sana ay 'di na lang ako pumayag sa gusto niya. Sana ipinagpilitan ko na lang na magpahinga siya para gumaling siya. Pero nang magising ang dalaga ay isang ngiti agad ang isinalubong niya sa akin. Halos maiyak ako nang sabihin niyang wala akong kasalanan at h'wag ko raw sisihin ang sarili ko. Dahil kung hindi sakin ay hindi niya mapupuntahan ang mga lugar na 'yon. Lubos siyang nag-pasalamat sa akin, dahilan para mas lalo akong umiyak. Sa buong buhay ko ngayon lang ulit ako umiyak nang ganito.
'Shh, tahan na, Ade.' Umangat ang tingin ko kay Celeste nang sabihin niya 'yon. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. 'Halika, may sasabihin ako.'
Pinahid ko ang mga luhang nasa mukha ko gamit ang likod ng kamay ko. Saka ko inalalayang umupo si Celeste. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.
'Ade, mahal kita. Salamat.' Nagulat ako nang bigla akong halikan sa labi ni Celeste. Hindi agad ako nakatugon pero nang mahimasmasan ay agad ko rin sinagot ang halik niya.
Sobrang saya ko. Mahal rin niya ako. Mahal rin ako ng taong mahal ko.
Pero lingid sa kaalaman ko ay 'yon na pala ang huling araw na makikita at makakasama ko si Celeste.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro