IV.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na hindi ko nakikita ang dalaga. Pero hindi ko maikakaila na may naging epekto ito sa pagkatao ko. Minsan ay nahuhuli ko ang sariling nasa terrace at nakatingin sa bahay nila. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring iyon.
Pero nagulat ako nang isang araw ay makita ko ang dalaga sa harapan ng bahay namin. Nakasilip siya sa bakod, ilang dipa lang ang layo sa gate. Pinagmasdan ko lang siya mula sa kinatatayuan ko. Akala mo ay isa itong magnanakaw kung makasilip. Kung hindi lang niya kilala ito ay baka kung ano na ang nagawa niya.
Nang magsawa ito ay akmang aalis na pero nagulat ang dalaga nang makita ako sa likuran niya. Akala mo ay isang batang nahuli na nangunguha ng candy sa tindahan ang itsura niya.
'Pasensya na, curious lang ako sa itsura nang bakuran mo.' Nakayukong dipensa niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong tumawa nang malakas. Dahil siguro sa nakakatawang mukha ng dalaga. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling tumawa ng ganito kalakas at katagal. Akala ko nga ay nakalimutan ko na ito pero simula nang makilala ko ang babaeng nasa harap ko ay nakaramdam ako nang pagbabago sa sarili ko.
'Pwede ba kitang ayain since andito ka na rin naman sa labas.' Nakangiting tanong niya sa akin.
Tatanggi sana ako kaso bigla niyang hinila ang isang kamay ko at kinaladkad ako. Gusto raw niya akong dalhin sa paborito niyang lugar. Iritado man ay hinayaan ko na lang siya. Pero nang mapagtanto ko kung saan kami pupunta ay napatigil ako. Nagtatakang napalingon naman siya sa akin.
Kailan ba ako huling pumasok sa tahanan ng Diyos? Ah, simula nang masaksihan ko ang pagpatay sa kapatid ko ay hindi na ako pumasok sa kahit saang simbahan.
'May problema ba?' Kunot-noo'ng tanong niya sa akin.
Sinabi kong sa ibang lugar na lang kami pumunta pero nagpumulit siya at hinila ako papasok ng simbahan. Kasalukuyang may misa nang pumasok kami, mukhang handa ang dalaga.
Sa pinakalikurang parte kami naupo. Gusto sana ng dalaga sa unahan pero nang nagpumilit akong dito na lang sa likod ay sinamahan niya ako.
Napilit man niya akong pumasok sa loob ng simbahan, hindi naman niya ako pinansin kahit hindi ako nakinig sa sermon ng pari. Ang totoo niyan ay halos makatulog ako pero lagi niya akong sinisiko kapag mahuhulog na ang ulo ko.
Pagkatapos ng misa ay pinagalitan niya ako. Bakit daw hindi ako nakinig sa sermon ng pari. Sa susunod raw ay dapat makinig na ako.
'Ito na ang huling tapak ko sa simbahan. Hindi nararapat ang katulad ko sa loob ng tahanan ng Diyos.' Sa isip-isip ko.
Tatalikuran ko na sana siya para umuwi pero bigla niya akong hinigit at hinila papuntang plaza. Kumain muna raw kami bago umuwi, gabi na rin kasi. Gustuhin ko mang mainis kay Celestine ay hindi ko magawa. Maliban sa pagiging lapitin nito sa disgrasya ay napakaamo pa ng mukha nito. Kung tatanungin man siya kung anong itsura ng isang anghel para sa kanya ay si Celestine ang isasagot niya.
Napadpad kami sa isang karinderya at mukhang kilala na siya ng mga tao doon. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga mapanuring tingin nila. Hindi na ako nagulat dahil alam kong hindi pa nila ako nakikita. Iniisip siguro nang mga ito ay isa akong dayo o bagong salta.
'Alam mo ba, gusto kitang maging kaibigan.' Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? Isang mamamatay tao, gusto niyang maging kaibigan? Natawa ako sa sinabi niya, dahilan para magtaka ang dalaga. 'Bakit ka natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?'
Umiling ako. 'Kumain na tayo. Gabi na baka hinahanap ka na sa inyo.'
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro