Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III.


Isang buwan mula nang mangyari ang insidenteng 'yon ay naisipan kong mag-jogging sa subdivision kung saan nakatayo ang bahay namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin 'to. Mas madalas na nasa loob lang ako nang bahay at kung lalabas man ako ay padilim na o kaya gabi na talaga. Precautionary measure, in case na may nakakilala sa akin sa mga ginawa kong trabaho.

Halos isang oras na rin siguro akong paikot-ikot sa buong subdivision. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga taong nadadaanan ko. Akala siguro nang mga ito ay bagong lipat lang ako dito.

Sumilong muna ako sa lilim ng isang puno nang makaramdam na ako ng pagod. Iinom na sana ako sa hawak kong tumbler nang biglang may bumagsak sa likuran ko. Napamura ako, halos mapatalon ako sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko siyang muli, ang babaeng akala ko ay hindi ko na muling makikita. May kalong-kalong itong kulay puting pusa sa kanang kamay.

Napailing na lang ako nung una ay isang bata ang iniligtas nito, ngayon nama'y pusa. Ugali ba nitong ilagay ang sarili sa mga alanganing sitwasyon para lang makatulong?

Linapag ko muna ang hawak kong tumbler saka ako lumapit sa kanya para tulungan siyang tumayo. Liningon naman niya ako saka nginitian.

'Salamat . . .' Hinigit niya ang braso niyang hawak ko saka paika-ikang naglakad palayo.

Napakunot-noo ako. It seems that she doesn't remember me at all. Hindi ko alam kung anong espiritong pumasok sa katawan ko at hinabol ko siya. Walang pag-aalangang binuhat ko siya na parang bagong kasal. Rumehistro sa mukha niya ang gulat pero hindi naman ito nagpumiglas. Nagpasalamat pa nga ulit ito sa akin.

'Ano nga palang pangalan mo?' Nagulat ako sa tanong niya. Hindi kasi ako sanay na may nagtatanong ng pangalan ko.

'Ade . . .'

'Ang iksi naman ng pangalan mo.' Pakiramdam ko ay may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. 'Ako nga pala si Celestine, pero pwede mo kong tawaging Celes para hindi ka mahirapan.'

Tumango na lang ako bilang sagot. Ayoko nang mga mahahabang usapan, hindi ako sanay. Pakiramdam ko ay malalaman nila ang tunay kong katauhan.

Tinanong ko kung saan siya nakatira at nagulat ako nang malamang sa tapat lang ng tinitirhan ko siya nakatira. Balak ko sana siyang dalhin sa clinic na nasa labas lang ng subdivision pero tumanggi ang dalaga. May doctor naman daw sa bahay nila, kaya hindi na kailangan. Nagtataka man ay hindi na niya ipinilit.

Isang babaeng sa tantiya niya ay nasa edad forty pataas ang nagbukas ng gate. Akala ko nung una ay nanay niya ito pero napag-alaman kong katiwala pala nila. Alalang-alala ang ale kay Celes, mukhang hindi lang ito ang unang beses na umuwing may injury ang dalaga. Pasaway at tatanga-tanga nga talaga ang babaeng ito.

'Pasensya na sa abala, hijo. Sadyang matigas talaga ang ulo nitong si Mikaella.' Mikaella? Akala ko ba Celestine ang pangalan ng dalaga? Nagtataka man, hindi na ako nagtanong pa. Umalis na rin ako pagkatapos makapag-paalam.

Sana ito na ang huling pagkikita namin ng babae'ng ito. Ayaw ko siyang madamay sa magulo kong buhay. Ang katulad niya ay hindi dapat nakakasalamuha ang katulad ko.


🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro