II.
Palabas ako sa isang coffee shop nang una ko siyang makita. My first impression about her . . . she's stupid.
Sino ba namang nilalang ang nasa tamang pag-iisip, ang tatakbo sa gitna ng kalsada para sagipin ang isang batang patawid? At sino ba namang tangang magulang ang hahayaang tumawid ang kanilang anak na mukhang walang sampung taong gulang?
Napailing na lang ako sa katangahang taglay ng mga tao sa mundong 'to. But who really cares? Pare-pareho lang naman tayo ng babagsakan, at 'yon ay sa teritoryo ni kamatayan.
Pero hindi ko alam kung anong kahibangan ang pumasok sa akin at tumakbo ako papunta sa direksyon ng babae at bata. Pareho ko silang hinila pabalik ng sidewalk. Napairit ako nang pareho silang napadagan sa akin.
'Isa ka pang tanga, Ade.'
Agad na nakabawi ang babae at inalalayan ang bata. Narinig ko pa ang pagtanong nito sa bata kung ayos lang ba ito at kung hindi ba ito nasaktan. Tsk. 'Yong bata pa talaga ang inuna kaysa sa akin.
Pinagpagan ko ang nadumihang damit ko, may konting gasgas din ako sa siko. Aalis na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ang babae'ng nakangiti sa akin. Wala na sa tabi nito ang bata, nakabalik na siguro sa nanay.
'Salamat . . .'
Pakiramdam ko ay biglang nag-slo mo ang paligid. Ngayon ko lang ulit narinig ang katagang 'yan. Napatitig ako sa babaeng nasa harap ko at napagtanto kong nakangiti pa rin siya sa akin. Maganda ang babae. Napakainosente ng mukha nito, 'yong tinatawag nilang mala-anghel. Itim na itim ang kulay ng mga mata nito at kitang-kita ko rin ang mahabang pilik mata niya. Matangos ang ilong at kulay rosas ang mga labi nito.
Nakarinig ako ng mahinang pagtikhim dahilan para matauhan ako. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
'Sabi ko, salamat.' Nakangiting sabi ulit ng dalaga sa akin.
'Hindi ako tumatanggap ng salamat lang.'
Nakita ko ang pagkunot ng noo ng dalaga.
'An—' Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad siyang hinalikan sa labi. Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ko nang makita ko ang gulat na mukha ng dalaga.
Iniwan ko siyang gulat at parang hindimakapaniwala sa nangyari. Akala ko ay 'yon ang una at huli naming pagkikita. But again I was wrong.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro