I.
Ako si Ade, Gasparde Catalnuevo, mas kilala sa tawag na "The Devil". Bakit? Because I am an assassin. My job is obviously to kill people. An assassin you can hire online. Dahil gusto kong manatiling anonymous ang pagkatao ko at mas less ang hassle sa pakikipagkita sa mga future clients ko. Idagdag pa na nasa 21st century na tayo kung saan halos lahat ng tao kahit mga batang di pa marunong maglakad ng tuwid ay nakakagamit na ng internet.
Kung iniisip niyo na basta-basta na lang akong kumikitil ng buhay ay nagkakamali kayo. Kinikilala ko muna ang mga nagiging kliyente ko pati na rin ang mga magiging biktima ko. Gumagawa ako ng background check bago makipagtransaksyon sa mga kliyente ko. Sa panahon ngayon, mas mabuti ng kilalanin mo muna ang isang tao dahil hindi mo alam kung ano o kailan ka niya pwedeng baligtarin.
Kapag nasettle na ang transaksyon ay idedeposit ng kliyente ang kalahati ng bayad sa gamit kong bank account. I use dummy accounts to protect my identity. Minsan ay bawat kliyente ay ibang dummy account ang gamit ko. Kapag maayos kong natapos ang isang misyon ay saka lamang idedeposit ang natitirang kalahati sa account ko.
Siguro ay napapaisip kayo kung bakit ito ang trabaho ko, simple lang, dahil ito ang ipinamulat sa akin ng mga magulang ko. Parehong assassin ang mga magulang ko at nang tumuntong lamang ako ng high school saka ko nalaman ang tungkol dito. Isa sa mga kamag-anak nang naging biktima ni Daddy ang nagsabi sa akin. Noong una ay ayaw ko maniwala, dahil ang alam kong trabaho ng mga magulang ko ay nagmamay-ari sila ng isang manpower agency. Pero isang araw pag-uwi ko mula eskwelahan ay nakita ko ang bunso kong kapatid na nakasabit sa terrace ng bahay namin. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano naputol ang taling nagsisilbing lifeline ng kapatid ko. Sinubukan ko pang tumakbo at saluhin siya pero huli na ang lahat, bumagsak ang kapatid ko sa konkretong pavement ng driveway namin.
Kasunod nun ay ang pagtawa ng malakas ng taong pumutol sa lubid. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ng taong gumawa nun sa kapatid ko.
"Sinabi ko naman sa inyo gaganti ako sa pamilya mo Catallnuevo pero di ka nakinig. Iisa-isahin ko kayo hanggang sa maubos ang lahi niyo."
Hindi ko na matandaan ang sumunod na mga nangyari, naabutan na lang ako ng mga magulang ko na duguan at umiiyak. They apologized to me that night then told me all I know right now. I was 14 years old that time, and I asked them if they could teach all about assassination. Of course, just like any parents, they were hesitant at first but eventually they gave in.
After 10 years, here I am. One of the most wanted people in the country. People feared me; even the government fears what I'm capable of. Isang hired killer na walang takot pumatay. Wala siyang pakialam sa pabuyang nakapatong sa ulo niya. After all, I know that I'm doomed to meet Satan in hell.
Nauna na si Dad doon 5 years ago samantalang si Mama naman ay kasalukuyan pang hinahabol ni kamatayan katulad ko. Namatay si Daddy dahil sa isang malubhang sakit. Kahit pa kaya naming tustusan ang gastusin para mapagamot siya ay wala pa rin itong nagawa.
I thought life would always be like this, killing people for money; Killing people for the sake of revenge; Killing people because it's the only thing I know. My life has always been focused in killing but I never thought that the time will come that everything will change, just because I met her.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro