Chapter 9
Cailey Point Of View
Bweset naman oh. Di ako komportable sa katabi ko. Tatlong oras pala ang klase namin dito at kung saan ka umupo doon na ang upuan mo hanggang matapos ang school year. Bweset edi katabi ko ang lalakeng ito hanggang end ng school year.
"Business is one of the major works in the world. If we dont have business what work we do have. All of the works is based in the business" saad pa ni ma'am na hindi ko magets medyo sumasakit ulo ko sa kanya.
Tapos may katabi pa aking bweset. Asar naman oh. Yung mga kaibigan ko nakikipag landian na sa mga katabi nila. Asar lagot talaga tong mga to sa akin pag uwi.
"Ms. Cailey ? Are you with us?" nagulat ako sa sinabi ni Ma'am kaya tumayo ako and i apologize from what my behavior.
"Asar naman kasi" bulong ko pa. Nabwebweset ako sa katabi ko at sa mga ginagawang kalandian ng mga kaibigan ko.
"Attention to all students. The President is just arrived now. Please proceed in Auditorium" saad ng speaker.
"Once again please proceed to the auditorium. Students" pahabol pa ng speaker. Nag sitayuan naman ang mga estudyante kaya tumayo narin ako.
Kinuha ko ang bag ko. Sinabit ko ang bag ko sa balikat ko. Sasabay na dapat ako sa kanila ng makita ko na nakakabit sa mga balikat ng mga lalakeng ito ang mga kaibigan ko. Ano? May boyfriend na sila agad. Kalandian talaga oh.
"Deil una na kami ng Girlfriend ko" sabi ng lalakeng kasama ni Syndra sa lalakeng nasa likod ko. So Deil pala ang pangalan ng leader nila.
"Kami rin gusto ko muna masolo ang baby ko" sabat naman ng isa pa habang pinisil ang pisnge ni Adriana. Kinurot naman sya ni Adriana sa bewang. Buti nga kinurot mo kasi yung pisnge nya.
"Kami rin" sabat pa ng isa habang naka akbay kay Mia. Nako naman mga bf na nila yung mga myembro ng Rank 2 ang bibilis talaga ng mga ito.
"Hey Deil. Please assist Cailey okay?" sabat ni Adriana habang itinuturo ako. Nag lakad na sila palabas ng room. Napa nganga nalang ako sa kagagahan at kalandian nila.
"Lagot kayo sa akin sa bahay"inis na bulong ko.
"Bilisan mo naman Devil ang bagal mo!" saad sa akin nung Deil at iniwan ako sa room kaya sa sibrang asar ko ay padabog ako na nag lakad palabas ng room para habulin sya.
Sa inis ko sa mga kaibigan ko at nadag dagan ng inis ko sa kanya ay sinipa ko ang likod nya. Napalakas yata ang sipa ko dahil napa subsob sya sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
"Hala sinipa nya si King"
"Hala sana hindi pahirapan ni King si Miss ang ganda pa naman"
"Oo nga"
"Sana Good Mood si King"
Bulungan ng mga tao sa paligid na naka kita sa nangyare. Bakit ako matatakot sa kanya. Sa Devil Ground ng pangalawa lang sya sa akin. Kayang-kaya ko itong lalakeng ito.
Bumangon naman si Deil. Parang pang push up ang ginawa nya at bumangon. Liningon nya ako masama ang tingin nya sa akin kaya sinamaan ko rin sya ng tingin.
"You!" asar na saad nya sa akin. Hindi ako naka pag react agad nang lapitan nya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun nasa isip ko baka sapakin nya ko
Kaya hinarang ko ang mga kamay ko sa mukha ko.
Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila. Mabilis ang lakad nya kaya medyo natatapilok ako. Oo magaling ako makipaglaban pero mas matangkad sa akin ang lalakeng humuhila sa akin kaya kapag nagkamali lang talaga matatapilok ako.
"Deil!" sigaw ko at hinila ang kamay ko sa kanya. Ngalang sabay ng paghila ko ng kamay ko ay ang paghila nya rin nito. Hindi sinasadyang napasubsob ako sa dibdib nya.
Dug...Dug...Dug
Rinig kong tibok ng puso ko. Bakit ang bilis? May sakit na ba ako sa puso hindi pwede yun mag hihiganti pa ako kay Amara at sa tatay ko. Pati narin kay Kuya.
"Shit!" saad ko at tinulak sya. Napa atras naman sya. Ilang hakbang na ang pagitan naming dalawa. Inilibot ko ang mga mata ko para malaman kong asaan kami.
Nasa tabi kami ng Auditorium na aalala ko pinapatawag nga pala kami. Aalis na dapat ako para pumasok sa loob ng hilain na naman ako ni Deil. Bweset namumuro na sa akin ito. Kanina pa nya ko hinihila.
Saktong pag harap ko ng hilain nya ako ay hindi ko napigilan ang pag dapo ng kamao ko sa mukha nya.
Bugsh
Bigla nalang syang natumba hindi parin nya ako binibitawan kaya napasama ako sa pag tumba nya. Napa ibabaw ako sa kanya at ang hindi inaasahang pag dikit ng aking labi sa kanya.
Ilang segundo ako nakatulala. Mulat na mulat ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ganon rin syang nakatingin sa akin. Agad agad akong tumayo pinagpag ko ang pantalon at t-shirt ko. Dinampot ko rin ang bag kung nahulog ng matumba kami.
"Ahhh" usal nito at hinawakan ang pisnge nya kung saan dumapo ang kamao ko para sapakin sya. Bweset kasi ayaw ako bitawan. Syempre naasar ako kaya ayon nasapak ko.
Tapos nung natumba kami nakiss ko pa sya. Tapos ilang segundo kami sa ganong posisiyon. Teka nag kiss kami? Teka... YUNG FIRST KISS KO!!!
Tumingin ako sa kanya na nakaupo parin sa damuhan at hinawakan ang kanyang pisnge. Nilapitan ko sya at piningot ang tenga nya.
"Ahhh! Ano ba Cailey! Masakit!" usal nito at hinahawakan ang aking kamay na pumipingot sa tenga nya.
"Aray! Ikaw na nga sumapak sa akin eh!" saad nito habang hinahawakan ang kamay ko. Tinatangka nya na tanggalin ang kamay ko pero mas piningot ko lang sya.
Binitawan ko rin ito. Pulang-pula ito at hinihimas himas nya iyon. Kita ko sa mukha nya ang inis sa ginawa ko pero naroon parin ang sakig dahil sa pag sapak ko sa kanya.
"Gago ka kasi dapat binitawan mo na ako nung natumba ka edi dapat hindi nawala yung first kiss ko!" inis na saad ko sa kanya. Bigla naman itong tumingin sa akin.
"First Kiss mo yun?" ngising saad sa akin nito. Ano? May sinabi ba akong first kiss ko yun.
"Huh? May sinabi ba ako?" saad ko at umiwas nang tingin sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo sya.
Kinuha nya rin ang bag nya na nahigaan nya kanina. Puwesto sya sa harapan ko. Tinitignan nya ang mata ko pero iniwas ko parin ito.
"Sorry" saad nito sa akin. "Halikana halos lahat na ng estudyante nasa loob na ng Auditorium" saad nito at hahawakan dapat ang kamay ko para hilain ulit. Ayan na naman sya.
Iniwas ko ang kamay ko ng tangka nya ulit itong hilain. Mahilig ba talaga syang hilain ako? Nag lakad nalang ako papasok sa loob ng Auditorium ramdam ko naman na nakasunod sya sa akin.
++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Please support this guys. Hintayin nyo po lalabas napo ang ibang karakter. Please Vote and Comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro