Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

2nd Day

Cailey Point Of View
Nalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang nga mata ko. Babangon na dapat ako ng may maramdaman akong kamay na nakapulupot sa akin.

Tinignan ko kung kanino ito at doon ko nakita ang mahimbing na mukha ni Deil. Nakasandal sya sa isang puno at nakahiga ako sa lap nya habang ang isang kamay nya ay nakapulupot sa akin.

Pinag masdan ko ang mukha nya. Wala akong masabing mali tungkol sa kanya. He's perfect. Ang salitang sumagi sa isip ko.

“Now the 2nd Game will start in 10 minutes" rinig namin na nagmula sa speaker. Napatayo naman ako dahil dun.

Sa pag katayo ko ng biglaan ay syang pagmulat ni Deil ng kanyang mga mata mukhang nagulat sya sa pabangon ko.

“Deil gumising kana kailangan na nating mag handa" saad ko sa kanya at tinignan ang pwesto ng mga kasamahan namin ngunit wala sila sa pwesto na iyon.

”Asan sila?" gulat na tanong nya sa akin ng wala syang makitang estudyante sa parteng tinitignan ko. Umiling ako para masabi sa kanya na hindi ko rin alam kung nasaan sila. Parehas lang kaming bagong gising.

“Cailey! Deil!" rinig naming tawag sa amin ni Deil. Napalingon kami at nakita namin si Haidee na hingal na hingal na tumatakbo palapit sa aming dalawa.

“Bakit ka tumatakbo Haidee? Asan ang mga kasamahan natin?" tanong ko sa kanya. Huminga muna sya bago nya sagutin ang tanong ko.

Napalingon ako kay Deil. Isa-isa nyang pinulot ang mga armas namin. Kinuha nya ang dalawang baril, limang kutsilyo at isang katana. Lumapit sya sa akin at inabot ang aking sandata ang aking katana.

“Nasa labas na sila. Hinihintay nalang namin kayong magising pero sampung minuto nalang at mag sisimula na ang ikalawang laro kaya tumakbo na ako papunta dito upang gisingin kayo." mahabang saad nya sa akin.

Tumango kami ni Deil. Sabay-sabay kaming nag lakad palabas dito sa pwestong pinag taguan namin kagabi. Ikalawang araw na nang devil week. Hanggang ngayon hindi parin naminnakikita nila Deil ang mga kaibigan namin.

Sana maayos lang sila at nag liligtas ng buhay ng iba. Mahigpit kong hinawakan ang aking katana. Nang makita kami ng mga estudyanteng kasama namin ay nag bigay sila ng daan para makadaan kami ng maayos ni Deil.

“Handa na ba kayo?" tanong ni Deil sa kanila. Walang boses akong narinig na sumagot kay Deil. Pero tumango sila.

“The 2nd Game was..." narinig namin na syang nakapag bago ng mga emosyon namin. Bigla nalang akong kinabahan dahil sa ibang tonong pananalita ng tao sa likod nito.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito hindi ko mapaliwanag pero sana walang mapahamak. Malalampasan namin ito ng buo kami at hindi mababawasan kahit isa. Hindi ko kakayanin kapag may nawala sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Deil na seryoso lang na nakatingin sa kawalan. Mas lalong hindi ko kakayanin kong mawala ka sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Simula ng dumating ka sa buhay ko.

Maraming nabago sa akin. Unang beses na nag pigil ako ng galit ko. Ikaw ang unang taong nag pagula ng isipan ko pati ang puso ko. Ikaw ang unang lalakeng nangahas na pasukin ang puso ko.

Hinding-hindi ko kakayanin na mawala ka pa. Mahal na nga yata kita. Pero sa lugar na ito hindi pa pwedeng mag pakita ng pag mamahal dahil magiging kahinaan lang namin iyon.

Hindi pa ito ang oras para mag tapat ng nararamdaman. Kailangan ko pang matapos ang misyon namin na mapalaya ang D.U sa kawalanghiyaan ng ama nya at mapabagsak ito hindi lang ang ama nya kasama narin ang ama ko.

Pinapangako ko sa oras na makalabas ako ng eskwelahang ito isusunod kong papabagsakin ang ama kong syang dahilan kung bakit nawalan ako ng nag iisang kakampi... Nang isang ina na aalalay sa tabi ko.

Kinuha nya iyon. Pinatay nya ang nag iisang kaligayahan ko at ngayon na may isang taong nag paparamdam sa akin nun hinding-hindi ako papayag na pati sya kunin mo sa akin. Ako ang haharap sayo ako ang magiging dahilan ng pag bagsak mo itaga mo yan sa bato dagil yan ang pangakong hinding-hindi mapapako.

“The game was named as Color Game. Naalala nyo ba ng pumasok kayo dito ay may ibinigay sa inyo na papel doon nyo malalaman kung anong kulay kayo." saad sa speaker.

Napakapa naman ako sa bulsa ng suot ko at may papel nga ito. Hindi ko lang pinansin ito ng una pero kasama pala ito sa plano ng matandang iyon. Pati ang mga kasama namin ay tingnan narin ang papel na katulad sa akin.

“Ang mga kulay na iyan ay ang mga: Red, Black, Violet, and Gray apat na kulay lang. Lahat ng survivors ay pumunta sa pinakagitna ng field..."

Nag taka kami sa pinagagawa nya pero sinunod na lang namin ang gusto nya. Sana ayos lang sila. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko kung sino ito pero si Deil ang nakita.

He just smiled at me. Mag kahawak kamay kaming nag lakad papuntang field. Nang makarating kami sa Center ng field ay syang pag rating ng ibang estudyante na nag mula sa ibang dereksyon at ang namumuno sa kanila ay ang mga kaibigan namin.

Si Adriana na kasama si Andy may inaalalayan na lalake si Andy pero hindi ko naman sya kilala. Siguro isa sa mga nailigtas siguro nila. Nakita ko din na punit-punit na ang damit ni Adriana at may mga talsik narin sya ng dugo.

Napatingin ako sa lalakeng inaalalayanan ni Andy may nakapulupot na damit sa tagiliran nito. Mukhang alam ko na ang nangyare. Si Adriana siguro ang nag tanggal ng bala sa tagiliran nya at piraso ng damit nya ang ginamit nya upang tumigil ang pag dugo ng tagiliran ng lalake.

Napatingin naman ako sa iba at doon ko nakita si Mia na kasama naman si Clarex. Hingal-hingal silang nakatingin sa akin. Si Mia ay nakatingin sa akin. Nginitian nya ko na parang simasabing 'ayos lang ako' napangiti naman ako dahil dun.

Si Clarex naman ay nakatingin sa lalakeng kahawak kamay ko. Tinignan ko si Deil at nakatingin din sya kay Clarex at tinanguan nya naman ito. Sa kabilang banda naman ako tumingin at nakita ko si Syndra at Matthew.

Katulad ng dalawa kong kaibigan ay may mga talsik din sila ng dugo. May mga estudyante rin naman silang kasama. Salamat at ligtas sila. Naging panatag ang loob ko dahil kasama naman pala nila ang mga kaibigan ni Deil alam ko nang hindi naman sila papabayaan ng mga kaibigan ni Deil. May tiwala ako sa kanila at sa kakayahan ng mga kaibigan ko.

“Kailangan ko muna makasigurado. Ang Black in the west side ng field the Red in the east side. The Violet at the South side and the last the Gray at the North side. Go on your place" Napatingin ako sa papel na hawak ko.

“What is you're color?" tanong sa akin ni Deil nakahawak parin sya sa mga kamay ko. Nakita ko rin na nakatingin ang mga kaibigan namin sa mga kamay naming mag kahawak alam ko na kung ano ang tumatakbo sa mga isip nun.

“Black..." mahinang tugon ko sa kanya. Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha nya. Wala akong nakitang ekspresyon sa kanya mukhang mag kaiba ang kulay naming dalawa.

"Thanks God we have a same color" saad nya na ikinabigla ko. Mahigpit nyang hinawakan ang mga kamay ko. I will safe if he is in my side. Sabay kaming nag lakad ni Deil sa West Side ng Field. May mga nag punta naring estudyante sa amin.

Bilang lang kami. Kakaunti nalang ang mga survivors kahapon at ang nakakalungkot hindi na kami mag kasama ni Haidee bago sya pumunta sa kulah nya ay inabot nya sa akin ang poison na pinatago ko sa kanya.

Saktong nasa 20 katao kami kasama na kami ni Deil. Hindi namin nakasama ang mga kaibigan namin si Adriana at Andy ay magkasama parin sa Violet color nasa South Side sila ng field nasa 20 katao lang rin sila. Kasama parin pala nila yung lalakeng inaalalayanan ni Andy kanina.

Si Mia at Clarex ay mag kasama parin nasa Gray Color sila na nasa North side sila ng field nasa 20 katao rin sila. Si Syndra at Matthew ay nasa Red Color na nasa East Side ng field katulad namin ay nasa 20 katao rin sila. Kung bibilangin kami na nakaligtas kahapon.

80 nalang kaming natitira mula sa mahigat 20,000 na estudyante ng D.U. napatingin ako sa paligid hanggang ngayon nandyan parin ang nga bangkay sa paligid. Maraming namatay dahil sa larong ito. Napaka demonyo ng taong nasa pinakamataas na katungkulan ng D.U

“Kailangan nyong makaligtas sa mga taong nasa likuran nyo" napatingin naman kami lahat sa likod namin. May mga taong nakamaskara at ang mga maskara nila ay ang nga kulay na napili namin.

“Hindi kayo pwedeng pumatay ng ibang kulay na nakamaskara. Ang papatayin nyo lang ay ang mga naka assign sa inyong kulay. Kailangan nyo silang unahan na patayin kayo kung hindi baka ito na ang huling araw ng buhay nyo" saad ng na sa speaker.

Masama akong nakatingin sa mga lalakeng nakamaskara. Pero unti-unting napalitan ng gulat ang aking ekspresyon nang makilala ko kung sino ang namumuno sa mga itim na nakamaskara na kakalabanin namin. No... Hindi pwede... Hindi nya alam ang tungkol dito.

Hindi ito alam ni Dark... Habang gulat akong nakatingin sa kanya ay syang pag ngisi nya sa akin. Eto na ba ang panahon na mag hihiganti sya sa akin? Dahil sa mga pinag gagawa at pinag uutos ko sa kanya noon?

Pero lahat ng utos ko ay sinunod nya dahil sa kasamaang ginawa nya sa akin. Pinag babayaran nya lang ang mga kasalanan nya sa akin. Kung hindi nya gagawin ang mga iyon ikakasira nya at habang buhay syang guguluhin ng kosensya nya.

Sya ang lumapit sa akin at huminga ng permiso na maging isa sya sa generals ko sa DevilGround. Sya ang nag sabi na gusto nyang pag bayaran ang mga naging kasalanan nya sa akin.

Pero ngayon mukhang bumaliktad sya at mukhang gusto nya pa akong patayin. Sumobra na ba ako? Siguro ng sumobra na ako kaya mag hihiganti na sa akin si Dark. Sige Dark papayagan kitang nag higanti sa akin.

Ngalang kung matatalo mo ako...

“The game will stary in 5..."

“4..."

“3..."

“2..."

“1..."

“Game!"

Hinanda ko ang katana ko. Humiwalay narin ako sa mga kamay naming mag kahawak ni Deil. Unti- unti nang sumusugod sa pwesto namin ang mga kasamahan ni Dark.

+++++++++++++++++++++++++++

A/N: Please support until the end. 9 Chapters to go...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro