IX
Death of the singing Falcon
I
Destry
"How's the operation?"
Napatalon ako sa gulat nang makita si Triangle sa loob ng condo ko. Anong ginagawa nito dito? Agad akong lumapit sa kaniya at tiningnan ang ginagawa niya, nagluluto ng pagkain si abno?
"Yeah, I'm bored. And your house have lot of groceries." Napangiwi na lang ako , wala bang pera 'to? Mas mayaman pa sa'kin 'to, pero sabagay walang laman ref nito puto fast food ang tangnang Prosecutor na 'to.
"Wala naman nangyari, na hostage lang naman ako." Wika ko at saktong pinalabas na sa TV ang nangyari. Naalala ko kanina in-a ssign ako sa isang operation kung saan ninakaw ang highest security Philippine bank. Kasama ko si Inspector Romualdez na nakipag negotiate sa mga magnanakaw, 'yun nga lang ay mukhang ayaw kumilos ni Inspector kahit may namatay ng hostage kanina.
"That means he's expecting someone nagagawa ng operation." Tumango ako sa sinabi ni Triangle. At mukhang 'yung lalaking bakla ang gumawa ng operation, hindi kasama ang mukha niya sa pinakitang mga magnanakaw sa bangko. Kung ganoon traydor talaga ang baklang 'yon, iniwan niya ang mga kasapi niya! "You should be grateful that he betrayed his group for the name of law." Ngumiwi na lang ako dahil parehas sila ng linya. Parehas sila ng ugali, mas nakakaira nga lang ang Illumati na ito.
"Do you see this advertisement? It's fucking ugly." Hinablot ko ang cellphone niya at tiningnan ang sinasabi niyang advertisement. It's about singing competition?
"Ikaw ba'y magaling kumanta? Kung ganoon ay sali na sa Singing Philippines!"
Napatawa ako nang makitang sinend sa kaniya, isang advertisement, inaaya ang Illumati na ito na sumali sa competition. "Tangna, ang judge si Welson Falcon!" Hindi ko mapigilan mamangha, nakasama ko na dati si Welson Falcon sa isang operation na kung saan sangkot siya, sobrang bait at maalaga! Sobrang approachable 'rin niya at sobrang bilis makipag cooperate during his interrogations. "Tsk, your eyes is fucking sparkling. It's iritating." Ngumuwi na lang ako sa kaniya at tingnan ang mga sinend na details sa kaniya. Malaki 'rin ang makukuhang premyo mga fifty thousand lang naman, aguy!
"Yeah, If ever I can buy lot of briefcases." Palihim akong napatawa sa sinabi niya, obsess sa brief case si Prosecutor! "Ako 'rin! Makakabili ako ng maraming posas!" Parehas kaming napatawa sa mga sinabi namin, ang mga gusto naming bilhin umuugnay talaga sa trabaho namin.
"Marunong ka ba namang kumanta?" Pagtatanong ko, nakita ko naman ang pagtigil niya sa paginom ng kape. "Yeah, but I hate singing."
"It's remind me of my past."
"Patay ang isang kilalang mangangakanta na si Welson Falcon. Natagpuan ang katawan nito sa kaniyang opisina bandang Alas singko ng madaling araw. Iinbestigahan pa ng Pulisya ang detalye."
Napatigil ako nang pagkagising ko palang iyon na ang maririnig ko. Galing ang ingay sa silid ni Triangle. "Pinaguusapan lang na'tin siya kahapon." Wika ko habang nakikinig pa'rin sa balita, narinig ko naman ang pagbutong hininga ni Triangle na mukhang hindi 'rin makapaniwala.
"Yeah, and for the one who send me that advertisement, he know something." Napakagat ako sa labi ko habang iniisip ang nangyari kahapon, ba't pinaghinalaan naman niya agad ang nag send sa kaniya ng advertisement? Pwede namang nagkataon lang 'yon kaya mahirap mag conclude. "Baka nagkataon lang." Kinatok niya ng mahina ang pader na ibig sabihin ay hindi siya naniniwalang nagkataon lang lahat.
"Nah. It's not. Why someone that I didn't know send me that advertisement, and he replied again yesterday." Napatayo ako sa kama at dali-daling pumunta sa kabila. Nakita ko naman ang gulat niya nang makitang nasa harap na agad niya ako. "Tsk, are you exited?" Ngumuso lang ako at hinablot ang phone niya, narinig ko na naman ang reklamo niya sa ginawa ko.
Binasa ko ang text at nagpasa ito ng link about sa advertisement. May reply 'rin itong "Para sayo 'yan Prosecutor, sa pagkakaalam ko magaling kang kumanta." At kasunod ang isang link ng isang kanta. "Hopelessly Devoted?" Nang buksan ko ang link iyon ang tumugtog. Ano naman ngayon? Hindi ko pa'rin siya ma gets. "What I mean is why that person know that song?"
"That was Welson Falcon compose song year February 1 1992." Kung ganoon pwedeng sabihin na may alam nga ang taong ito sa pagkamatay ni Mr Falcon. Teka, saktong February 1 'rin sinend ng sender ang link. Tingnan ko ang pangalan ng sender, and to my surprise siya pa'rin pala.
"Alexander the Great?"
Pumunta na kaming Falcon Academy kung saan dito natagpuan ang katawan ni Mr Falcon. Saktong ako ang in assign kaninang umaga ni Cheif para sa operation, syempre kasama si Triangle na nakikipagusap ngayon sa Chief of Prosecution na si Mr Ferdinand Berez.
"Don't you see? Your wasting my time, I'm here as detective not a Prosecutor." Agad naman akong napayuko nang mapatingin sa akin si Mr Berez. Tangna kasi nito nakakahiya! Nakita ko ang pag aayos ng neck tie ni Mr Berez na mukhang nawawalan na ng pasensya kay Triangle. "Naiintindihan ko. Pero may katungkulan ka pa'rin sa Filcon! Kaya ako nandito para i-assign ka sa kaso ni Welson Falcon." Kung ganoon siya pala ang gusto ng Prosecution maghawak ng kaso ni Mr Falcon. Dahil patay na si Mr Falcon hindi na niya kayang bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya kaya pumapasok ang Prosecutor para sila mag depensa sa mga taong hindi nabigyan ng katarungan, mga taong namatay o pinatay.
"Sa tingin ko kailangan mong tanggapin." Pagbubulong ko sa kaniya, dahil naka receive ako ng text galing kay Cheif na pinapalipat kami sa ibang operation. Kung tatangapin niya ang kaso pwede kaming mag inbestiga, iyon nga lang magiibestiga siya as Prosecutor samantalang ako saling pusa lang. "Fine, just give me the contract later in afternoon." Aniya saka na ako hinila papasok sa Falcon Academy. Kita ko naman ang pagkaurat niya nang sabihin kong pinalipat kami ng ibang operation. "Bayaan mo siya, mag inbestiga tayo." Nakita ko naman ang pag ngiwi niya. "Yeah, I forgot you're a rule breaker."
Nakakamangha 'rin pala ang laki ng Falcon Academy noong unang punta ko dito sa teenager pa lang ako. Mas gumanada ang architecture ng academy. Dito nag en-enroll ang mga gustong kumanta at magpaturo kay Mr Falcon. Naalala ko noon 'nung teenager ako ay sinubukan akong ie-enroll ni Papa dito, tumanggi ako dahil alam kong wala talaga akong pag asa pagdating sa pagkanta.
"Tsk, his office is on fourth floor." Napa bitaw naman agad ako sa botton ng elevator at pinindot ang fourth floor. Tangna, parang masamang magkamali magkasama ko 'tong abno na 'to. Pagbukas ng elevator ay saktong nadatnan namin ang mga Pulis na naglalagay na ng dilaw na linya.
"Detective?" Napatigil ako sa pagpasok sa crime scene nang makita ang isang Pulis na kasamahan ko. Mukhang alam na niya ang gagawin ko kaya't hinarangan niya ako, putangna epal! "Bawal ka dito, ah. Sumusuway ka na naman kay Chief." Puta talaga! Ngumiti lang ako sa kaniya at pasekreto g inabutan ng pera, nakita ko naman ang pagningning ng mata niya at umalis na dinadaan namin. "Aguy, 'wag mo akong tingnan ng gan'yan!" Wika ko kay Triangle at hinatak na siya sa loob.
Saktong ang mga Pulis ay nandito pa lang para sa pag li-litrato ng crime scene. Nandito pa'rin ang katawan ni Mr Falcon. Parehas naming sinuot ni Triangle ang gloves at tingnan ang katawan ni Mr Falcon. "Walang sign na pinatay siya." Pag oobserba ko habang tiningnan ang katawan niya kung may saksak ba ito o kung ano. "Ang base on his body, twenty four hours na siyang patay." Tumango ako, napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin kay Mr Falcon.
Tumayo ako para maghanap-hanap ng iba pang pwedeng magamit sa inbestigasyon. Mukhang wala na dahil mukhang nauna sa amin ang forensic na kumuha ng mga ebidensya. Tiningnan-tingnan ko ang ilalim ng lamesa ni Mr Falcon, dahil doon nakaharap ang direksyon ng ulo niya nang mamatay siya. Whaf if lang naman connected sila? If hindi edi don't.
Napatingin ako sa gilid ng lamesa nang makita kong may kumikinang. "Ano 'to?" Kinuha ko ito at tingnan, isang gamot 'to ah. Isang Oblong na kulay pink na gamot, merong nakaukit na FP sa magkabilang gilid ng gamot. Ngayon ko lang 'to nakita? Ano kayang gamot 'to?
"What are you doing?" Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang gamot, saktong natapakan ni Triangle ito kaya nadurog. Putangna naman! "What's this? A drug?" Wika niya habang nakatingin sa gamot na tinapakan niya, tangna niya.
"Anyways, we will see Forensic report later. Since, we can't conclude if this is kind of murder or suicide." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Bago ako umalis ay may nakita akong isang papel na nahulog galing sa kamay ni Mr Falcon. "Tsk, can you just walk faster?" Ngumiwi na lang ako at hindi na tinuloy ang pagbuklat ng sulat. Nakakainis! Laging nagmamadali ang Illumati na 'to!
"I think I head first to Forensic team. Magkita na lang tayo ulit dito pag nakuha ko na ang report." Tumango na lang ako kay Triangle at pinaalis na siya. Mas giginhawa buhay ko pag wala ang bwisit na 'yon!
"Alleluyaaa! Alleluyaaa! Alleluyaaaaa!!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang kumakanta sa first floor. Ang alam ko choir members 'don? Ba't may nakapasok na kambing? Balak ko sanang mag ikot-ikot sa buong Falcon Academy, hindi ko naman aasahan na naka talented ng isa nilang trainee, sa sobrang talented parang hindi ko na alam kung anong pinagkaiba nila ng torong bakla.
Sumilip ako sa loob at nakitang nandoon nga ang mga nag pra-practice na choir. Nakita ko ang isang lalaki na todo bigay effort sa pagkanta kahit wala na talagang chance. Nakita ko 'rin na parang gusto nang lumabas ng mga kasamahan niya sa loob, pero hindi makalabas dahil ang mukhang Prof nila ay patuloy sa pagtugtug ng piano, na mukhang nagagandahan pa sa kanta.
"Oh? Hello! Late ka 'rin?" Napatigil ako sa pagsilip nang makita ang isang babae. Nakangiti siya sa akin habang nakikisilip 'rin sa loob. "Oh? Kulay red pala uniform mo! Sorry! Senior ka pala namin!" Oh? Oo nga! Nakasuot pala ako ng uniforme ng Falcon Academy, para sana makapag inbestiga ako ng maayos dahil hindi ako papasukin kanina kung nalaman na Pulis ako, hindi nila ako papasukan specially iba ang head ng operation.
"Tara, senior! Pasok na tayo sa loob!" Mukha namang exited ang batang ito dahil hinila talaga ako sa loob. Nakita ko ang pagtigil nila nang madatnan kami, nakita ko 'rin ang matalim na tingin sa amin ng Prof nila. Tanga kasi nito, hila ng hila! "Sorry, Prof Mercadez. Late kaming pinalabas ni Prof Rendie." Tumango ang Prof sa excuse niya, samantalang ako ay parang lulubog na lupa sa sama ng tingin sa akin ng Prof. I guess ayaw niya ng late?
"Sorry po! Late 'rin pong magpalabas prof namin." Pilit kong ngiti. Gumaan ang aking paghinga nang tantanan na niya ako ng matalim niyang tingin
"Ikaw muna ang sasalang ngayon Miss Faviana Acacia." Nakita ko ang pagtango ng babae sa tabi ko, kung ganoon ang pangalan pala niya ay Faviana. Tumayo siya sa harap at kinanta ang Put your records on, pero mataas ang version niya, parang pang treatro ang boses niya. Napalakpak ako sa galing niyang kumanta, sana oll maganda boses!
"Ikaw na ang sasalang Miss?"Napatigil ako sa pagpalakpak at tila nawala ang kislap sa mata ko sa narinig ko. Haha? Ako kakanta? Putangna. Ano bang pinasok ko? "D-Destry Hami po."
"Sir! I think it's better kung duet sila ng bago na'tin." Pagwiwika ni Faviana sa tabi ko at tinuro ang isang lalaki. Nakita ko naman ang kasayahan ng mga tangnang 'to, hanggang sa sunod-sunod na silang um-agree sa gusto ni Faviana. Narinig ko naman ang halakhak ng lalaking gustong i-duet sa akin. Putangna! Ito 'yung boses kambing.
"Then, let's welcome this two special duo: Desty Hami and Ustine Verver."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro