Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV


The Color of Red
I

Destry

Pagkatapos ng birthdeyan ng kapitbahay ay agad na akong umalis papasok sa opisina. Nawala na lang ang ngiti ko nang makitang iisa lang kami ng office ni Triangulo. Sa rami-rami ng office 'yung office ko pa talaga? Napaka raming bakante! Ano bang problema ng Elliot na 'yon? Parang nanadya talaga siya!

Pagkarating naman ni Triangle at agad na niyang napuna ang suot ko. Sa nakikita ko parang hindi niya gusto ang suot ko kaya nagpalit na lang 'rin ako. Ano bang meron sa red? Parang ang sama nang tingin niya sa akin kanina.

"Sir, baka gusto niyong kape?" I asked sarcastically dahil nagmumukha akong guard niya dito, lalo na't naka Pulis akong damit. "Sure. Just make sure it's black." Nawala ang ngiti ko nang patulan niya ang tanong ko. Putangna, hindi ba nito alam ang sarcastic? I end up making him a coffee, dahil magkakape 'rin ako. Isipin ko na lang na pampabawi sa pagka late ko kanina.

"You attend to neighbor's birthday earlier, but it's kids party." Napasimangot ako sa sinabi niya, close ko 'rin kasi ang mga kapitbahay namin doon lalo na ang mga bata. "The fuck? It's too sweet!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Triangle, kita ko ang pagkairita sa mukha niya habang nakatingin sa kape na ginawa ko. Napatigil ako nang kunin niya sa kamay ko ang ininuman kong kape, he drink my coffee! Putangna.

"Damn, much better. Next time don't add too much sugar." Wala ako sa sariling napatango habang nakatingin sa kape na nainuman ko na. Inis akong napairap nang maramdman ang pagiinit ng pisnge ko, lalo na nang makita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang ininom ang kape ko, putangna talaga.

"What a ugly view, stop blushing you look like sick tomato." Nawala ang nararamdaman kong pagiinit ng pisnge at napalitan ng pagiinit ng ulo. "Ah, I see. You believe in indirect kiss? I also believe in that, don't worry." He said boredly at uminom ulit. Nawala na ang konting kilig na nararamdman ko, parang na badtrip lang ako.

"Damn. I started to hate being a Public detective." Napatingin ako kay Triangle sinabi niya, saktong pagbuntong hininga ay ang pagpasok ng dalawang tao.

"T-tulungan niyo ako." Napatigil ako nang makita ang isang babae na walang tigil kakaiyak. Agad naman akong tumingin kay Triangle para manghingi ng tulong, pero ang putangna inirapan lang ako. 

"Ako nga pala si Shan Mendoza. And she's my cousin Rain Mendoza." Tinulungan ko si Shan na maiupo sa bangko ang hinang-hina na si Rain. "What? Shanaya?" Napatingin ako sa kaniya at sinabing Rain ang pangalan ng kliyente namin. Makikitang stress si Taon dahil sa makapal niyang eye bags, kita ko 'rin na hindi mapakali ang mata niya parang takot na baka may mangyari sa kaniya.

"Ano bang nangyari?"Nag aalala kong tanong pagkatapos bigyan ng tubig si Miss Rain. "Someone stalk me. Lagi niya akong sinusundan, lagi siyang nakabantay." Napakagat ako sa labi ko nang makitang magsimula na namang umiyak si Miss Rain. Kung ganoon grabe ang dulot sa kaniya nito.

Binigay sa akin ni Miss Rain ang mga pulang envelope na sinasabing galing sa stalker niya. Meron 'rin itong mga pulang rosas na kasama 'daw nung letter 'nung binigay. Meron 'ring threatening na nagaganap dahil  meron ang stalker na video habang naliligo siya, at nagtatalik sila ng boyfriend niyang pinagalanan niyang Arthur Cruz.

"Meron po ba kayong posibleng suspect?"Pagtatanong ko, agad naman nagkatingnan ang dalawang magpinsan na tila nagiisip kung sino. "H-hindi ko alam. Pero malapit siya sa akin alam ko." Agad akong tumango sa sinabi ni Miss Rain at sinabing pupunta kami sa bahay niya bukas para ma interview 'rin ang mga kasama niya.

"Right. Base sa mga picture malapit lang sa kaniya ang may gawa. Maybe it's your cousin." Napangiwi ako nang sabihin ni Triangle 'yon, agad naman akong napahingi ng tawad kay Shan. Tangna talaga nitong abno na 'to.

"I understand, pero hindi ko kayang gawin kay Rain 'yon." Nakita ko naman na close talaga silang dalawa ni Shan. Sana oll may pinsan. "Si Coulter Ferxes isa siya sa baliw na baliw noon kay Rain." Agad na sumangayon si Rain, mukhang ngayon lang niya naisip si Coulter. Hindi ko alam kung ngingiwi ba ako o ngingiti, si Coulter Ferzes isang stalker? Parang hindi naman.

"Sure ba kayo?" Pagtatanong ko dahil isang artista si Coulter malabo naman sigurong stalk niya si Miss Rain, sobrang busy naman yata ng schedule no'n para mang stalk.

"When we our college. Patay na patay siya kay Rain." Ngumiti na lang ako at pinakinggan sila. Lagi 'daw nagiiwan ng bulaklak si  Coulter sa locker niya, pulang bulaklak at pulang envelope 'daw 'yon sakto sa nagbibigay sa kaniya ngayon. Madalas 'din 'daw siyang sundan nito noon, at minsan na siyang sinubukang halikan. Eh?

"We will investigate Coulter Ferzes. Pero maghahanap pa kami ng posibleng suspect." Wika ko at saka hinatid na sila palabas. "Thank you, miss detective." Para akong kinikiliti sa tyan nang marinig ang tinawag nila sa akin. Ngiting-ngiti akong bumalik sa office kasama si Triangle.

"You are happy with that detective thingy?"Napatingin ako kay Triangle sa sinabi niya. Agad naman akong tumango dahil isang big archievement sa akin ang pagtawag ng detective. All my life isa lang akong pulis na sinasabi ng mga tao na taga habol lang ng magnanakaw o 'di kaya'y tambay lang sa station.

"Oo naman! Kesa noong Pulis ako panakot lang ako sa batang ayaw kumain!" Pagrereklamo ko habang naalala ko tuwing dadaan ako sa isang kalsada, may bata at bata talaga na ayaw sumunod sa mga nanay nila. Mga nanay naman makikita ako sasabihin ngangain o nangunguha ako ng bata. "Parang kasalanan ko pa na suwail ang anak nila!" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Triangle. Atleast nakita ko siyang tumawa.

"Pero, bakit ba ayaw mong kunin 'tong case? First case 'rin na'tin 'to." Pangungumbisi ko sa kaniya. Halatang ayaw na ayaw niya ang kaso parang gusto na ngang itapon sa labas kanina ang mga kliyente namin. "That's too childish. The stalker just want to play. It's waste a time." Agad niyang kinuha ang isa sa binigay sa aming ebidensya ni Miss Rain. Pinakita niya ang mga litrato ni Miss Rain na binigay ng stalker. Merong naka drawing na heart at meron 'ring naka drawing na private part ng lalaki.

"Mukha namang seryoso ang kaso." Pagtutukoy ko, siguro ay may hidden desire ang stalker ni Miss Rain. Dahil karamihan sa litrato na pinapadala niya ang ang ari niya o 'di kaya ang nakahubad na larawan ng biktima. Binabasa ko 'rin isa-isa ang mga sulat na pinadala ng stalker, puro pagbabanta lang naman.

"Tsk, even it's serious I will not handle that. My field is about murder, I investigate her case if the stalker murder her." Napanganga na lang ako sa sinabi ni Triangle. Siya ang murderen ko? Saka pa lang kikilos pag patay na ang biktima, psh! "Teka! May letter pa?" Agad kong kinuha ang isang sulat na may date, date na ngayon lang binigay sa kaniya ng stalker. Napakunot ang noo ko habang binabasa ang sulat, isang tula ito.

"On Hellespont, guilty of true-love's blood,

In view and opposite two cities stood,

Sea-borders, disjoined by Neptune's might

The one Abydos, the other Sestos hight."

Nakita ko ang pagtigil ni Triangle habang binabasa ang tula. Bakit naka bilog ng pulang marka ang salitang Neptune? Saka anong ibig sabihin ng tula? Parang sa pagkakaintindi ko ay tungkol sa pagmamahalan.

"Okay. We should investigate the case." Napatalon ako sa tuwa nang sabihin ni Triangle 'yon. "It's not simple stalking case. The killer wants to kill the victim." Sabi na nga ba! Pero, bakit? Akala ko gusto niya si Miss Rain?

"The poem is about Hero and Launder. It's also about killing someone." Nakinig lang ako kay Triangle tungkol sa Hero and Launder. Ayon sa kaniya si Hero at Launder 'daw ay galing sa greek mythology kung saan nabuo ang pagmamahal nila during war between gods and titan. Ang isa sa kanila ay pinatay, sumunod ang isa pa dahil ang pagmamahal nila ay matibay.

"Kung gano'n kung hindi sa kaniya mapupunta si Miss Rain edi papatayin na lang niya?" Pagtatanong ko pero hindi siya sumagot at mukhang may iniisip. "Do you think the stalker love his victim?" Tumango ako sa tanong niya. Mukha namang mahal niya si Miss Rain, kaso nasobrahan siya sa obsession niya, to the point na nanakot na siya.

"Oo naman, sa pulang mga letter pa lang na 'to saka mga bulaklak." I said and point the letter and flowers na binigay ng stalker. Nahalata ko na halos lahat puro pula.

"So? What do you mean about that?"

"Red means love."

Sigurado ako 'don.


___


"Why do we need to go to her house?" Nakita ko ang pagkainis ni Triangle habang tinatahak namin ang papuntang bahay nila Miss Rain. "Para mag hanap pa ng suspect?" Nakita ko naman na umiling lang siya. Nang makarating kami sa bahay ni Miss Rain ay grabe ang pagkamangha ko. Mayaman pala sila! Sobrang laki ng bahay nila, I mean parang hacienda.

"I see, that's why everything looks familiar." Napatingin ako kay Triangle nang mariin siyang nakatingin sa bahay. "Ikaw na lang ang pumasok." Agad na napataas ang kilay ko. Ano na namang karmartehan 'to? Jusko naman!


"Hoy! Putangna ka!" Inis kong wika nang sumakay siya sa sasakyan at ni lock ang pinto. Wow! Ang sarap niyang sakalin. Ilang oras kaming bumayahe papuntang Bulacan tapos aayaw lang siya?

"Detective Destry!" Pumunta na ako sa loob nang makita si Rain, nakangiti niya akong sinalubong at pinaupo sa sofa nila. Sana oll rich kid. Maya-maya ay dumating na ang ilang kamag anak ni Rain, at mukhang hindi ako na inform na may birthdeyan pala. Pota, sana 'man lang nag dress ako.

Nakita ko naman ang text ni Triangle at sinabing mag masid 'daw ako sa paligid. Edi magmasid. "Rain, ang laki muna ah." Napatingin ako sa isang lalaki, nakaupo silang dalawa ni Rain sa isang sofa. Nakita ko ang pagbaba ng kamay ng lalaki sa hita niya. Aba, putangna nito!

"Tito Arnold, si Detective Destry po pala." Agad kong tinaliman ang tingin ko nang makitang lumingon sa akin ang Tito pala niya. Nakita ko naman na napalunok ang Tito niya. "Tungkol pa'rin ba sa sinasabi mong stalker, hija? Mukha namang hija na hindi seryoso 'yan." Wika ng Tito niya at muli na namang gumapang ang kamay nito sa hita ni Rain. Nakikita kong hindi na kumportable si Rain, tatayo na sana ako para posasan siya nang dumating si Triangle kasama ang boyfriend ni Rain. Akala ko ba ayaw niya?

"Stop making scene. I saw you on CCTV." Wika niya at pinakita sa akin ang cellphone niya kung saan naka konekta sa CCTV ng bahay. "Hoy, makakasuhan tayo niyan! Paano mo nakuha 'yan?"

"They didn't change the password for last thirteen years." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?

"Si Arthur nga pala, ito 'yung sinasabi kong boyfriend ko." Ngumiti lang ako kay Arthur ay pinaupo siya sa tabi ko. "May pinadalang sulat ang stalker sa condo ko kahapon. Sa tingin ko ay dapat kay Rain ito." Wika niya at binigay sa akin ang isang puting envelope. Sabi niya ay Alas singko 'daw kahapon nang makita niyang merong sulat sa harap ng pintuan niya. Nang tanungin 'daw niya ang staff wala itong nakita, kahit CCTV na chiheck nila ay wala 'rin.

"May iba bang tao sa condo mo?"Pagtatanong ko agad naman siyang tumango at sinabing birthday niya kahapon kaya't maraming bisita. Kung ganoon posibleng nandoon sa party niya ang stalker, at nilagay sa labas ang envelope para magmukhang hindi siya imbitado sa party. 

"Tula ulit." Pagtutukoy ko sa sulat, agad naman na tiningnan ni Triangle at sinabing tula nga ulit.

"This is a feeling that I have never felt before,

A warm fuzzy feeling when your name flashes on my phone.

The comfort sone we share is so pure and so strong,

Life with by you itself feels like this besutiful song."

Nakatinginan kami ni Triangle habang binabasa ang tula. Confession ba ang sinasabi sa tula? Mukhang nag co confess siya kay Rain kung ganoon. 

"I think—"Naputol ang pagsasalita niya nang biglang may tumawag sa kaniya. "Ikaw ba iyan Arvelo?" Isang matandang lalaki ang lumapit sa amin at pinakilala ni Rain na lolo niya. "Yeah, it's good to see you Mr Mendoza." Kung ganoon ay kilala pala niya ang lolo ni Rain.

"It's been a long time, hijo. Tara muna sa aking opisina, mag tsaa tayo doon." Nakita ko naman ang pagtigil ni Triangle na mukhang hindi gusto ang sinabi ng matanda. "What office? In Second floor?" Pagtatanong niya, agad namang tumango ang matanda dahilan para mandilim ang mata niya. Ano bang nangyayari?


"I need to go." Agad na tumayo si Triangle upang umalis. Napailing na lang ang matanda at umupo sa harap ko.

"Hindi pa'rin siya nagbabago. Hindi pa'rin niya nakakalimutan lahat." Umiiling na wika ng matanda, dahil sa kuryosidad ay napatanong ako sa matanda. Ngumiti sa akin ang matanda at hinawakan ang kamay ko.

"Hija, lagi mong hawakan ang kamay niya  tuwing nararamdaman mong kailangan niya ng tulong." Kunot noo akong tumango kahit na hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng matanda.

"Ang pamilya niya ang may ari ng pamamahay na ito bago ang aming pamilya. Dito pinatay ang nanay niya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda. Muli niyang hinigit ang kamay ko at hinawakan. Marahan niya akong tiningnan at binigyan ng matamlay na ngiti.


"Protektahan mo siya sa kulay pula."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro