I
Who's the real theif?
Destry
"Hoy, Hami! 'Yung magnanakaw nakatakas na! Tangna!"
Napatigil ako sa pagkain nang makitang tumatakbo na nga ang binabantayan naming magnanakaw. Siya pala 'yung magnanakaw? Nakasabay ko lang kumain kanina 'yon. Pumasok na lang ako sa 7/11 para kumain pa. Nakakagutom magbantay ng sinasabing magnanakaw.
"Ate, may Cctv ba kayo?" Pagtatanong ko, agad namans siyang umiling dahilan para mapangiti ako. Sabi na eh, sira ang cctv ng 7/11 hindi ko malaman sa may ari kung bakit hindi kayang magpagawa tas ngayon ay magrereklamo kung bakit sila laging nanakawan.
"Hala! Anong secret mo? Ang payat mo kahit ang rami mong kinakain!" Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya nang bigla akong sumigaw. Nakita ko naman na niligpit niya ang mga pagkain na nagkalat sa lamesa niya.
"Chips, noodles, sausage at saka beer." Pagtutukoy ko sa mga kinain niya. "Pamilyar 'yan, 'yan kasi ang nire report ng may- ari na mga ninakaw." Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko. Halatang kinakabahan siya sa kung anong susunod kong sasabihin.
"Joke lang, ate! Pabili akong red horse." Mukhang nawala naman ang kaba niya sa sinabi ko. Agad naman siyang umalis sa counter para kunin ang alak sa bodega. Base sa pag gabi ang night shieft na cashier, hindi sila nagdi-display ng alak kaya kung may bibili ay kukunin pa nila sa bodega. My point is magandang opportunity para mag investiga.
"Putangna, Hami! Pagod na pagod na akong tumakbo!" Sabi ko naman kasi sa kaniya 'wag na niyang habulin. Pinindot ko ang botton sa radio ko at saka sumagot. "Ramill, papunta siyang West side abangan mo 'don." Agad ko nang pinatay ang radio bago pa madinig ulit ang pagrereklamo niya. Mga magnanakaw na 'yon ay laging naka tambay sa West side, good luck sa kanila sa kulungan.
Naglakad ako sa loob ng Cashier loob para makita ang loob. Kagaya ng nakita ko malakas talaga siyang kumain, ang apat na sinabi kong pagkain ang nakakalat sa lamesa niya. Agad kong tiningnan ang basurahan at puro soda at chips ang laman no'n. Naalala ko kahapon hindi niya ako pinayagan magtapon ng basurahan dito, sa labas pa niya ako pinagtapon ng basura. Hmm, bakit naman ayaw niya akong pagtapunin dito?
Agad na akong umalis sa cashier bago pa dumating si Ateng Cashier. Agad ko nang pinindot ang radio para kamustahin ang parthner kong si Ramill, palibasa ay matanda na kaya hirap ng tumakbo 'yon.
"Balik ka na dito, nakita—" Napatigil ako nang makitang wala na sa kamay ko ang radio. Hawak na ito ngayon ng isang lalaki at saka binulsa ang radio ko. Pinagnanakawan ba niya ang isang pulis?! Handa ko na sana siyang sigawan nang bigla siyang pumasok sa loob ng Cashier. Iba 'rin! Magnanakaw ba siya sa harap ng Pulis?!
"Base on the reports, the four food is always the missing food here. Chips, noodles, sausage and beer. Habang ang nasa basurahan is just chips and soda." Napangiwi ako nang makitang ino obserbahan niya ang loob ng cashier.
"Pakeelamero! Alis na! Trespassing 'yan!" Hinila ko na siya palabas ng Casheir area dahil baka parehas kaming makasuhan ng trespassing.
"Anyways, the owner report those food. Pero, nagkamali siya sa isang pagkain, and it's soda not beer." Wika niya at kinuha sa ref ang soda at isang beer na parehas ang kulay, halos parehas ang lata ng dalawang inumin. Okay? Anong pinapalabas niya?
"And you, the one of those stupid Police. You will report that woman? While, you know who's the real thief." Agad ko siyang sinamaan nang tingin nang sabihin niya 'yon. "Pakeelamero. Nagnakaw kaya 'yang si Ateng Cashier." Pagsasabi ko dahilan para tingnan niya ako ng matalim kasabay no'n ang paghila niya ng kung ano sa likod ko. Tangna.
"And this is the real theif. Hiding in one of the cabinets in Cashier area." Napailing na lang ako nang makitang hawak na niya ang batang lalaki. "You let this kid's brother to escape. And to do that, you use West side kung saan nandon ang ilang magnanakaw na walang kinalaman sa nanakawan dito. Hmm, brillant." Puta. Napakaraming alam nito! Kung magkapagsabi siya parang simula una pinapanood na niya ako. Baka siya ang totoo kong tatay ang rami niyang alam.
"I'll report this to your Cheif." Agad ko siyang hinawakan sa braso sa sinabi niya. "Oh, I forgot you know the kid's family that's why you let them rob. And seems like, you are pity them kaya hinayaan mo sila." Hindi pa ako nagsasalita pero mukhang alam na niya ang nasa isip ko. Tiningnan ko si Biboy na ngayon ay paiyak na. I wipe my tears while looking at this man's eye. "Don't, ako na ang magbabayad ng lahat ng ninakaw nila."
"And now you're being a hero. Let me tell you. If you let your emotion take you, your profession will be nonsense. Tsk, your not deserving." Naiwan akong nakatulala sa sinabi niya, napagtanto na tama siya. For years being a Police-detective wala akong ginawa kung hindi pairalin ang emosyon ko, kaya kahit isa wala akong nahuhuli. I let them escape, maybe I'm not really deserving.
__
"Destry Iona Hami! Ano naman 'to?!" Napayuko ako nang makita si Cheif Elliot Erchavez, masama ang tingin niya sa akin at hindi makapaniwala sa nababasa niyang report.
"Elliot, alam ko namang mali ako. Kaya sorry na 'wag ka na galit, uwu." Nakita ko lalo ang pagsama ng timpla sa mukha ni Chief nang marinig ang sagot lalo na sa pagtawag ko sa kaniya sa pangalan niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Alam mo bang pwede kang sampahan ng kaso? Tinulungan mo silang magnakaw, at ano? Ibibintang mo sa isang inosente ang krimen? Hindi ka nagtapos ng Pulisya para maging gagong Pulis." Napangiwi ako nang marinig 'yon. Alam ko namang mali ako, ano naman kung ibintang ko sa babae ang krimen?
"Base sa report ng night shieft cashier na si Nelly Santos laging may nawawalang mga pera noon sa casheir. Pinagbintangan si Moira Guambo at nakulong sa salang Robbery. Kahit ang totoong may sala ay si Rhea Villanueva." Nakita ko ang pagkagulat ni Cheif sa sinabi ko. Magkaibang report ang nangyari. Bago magkaroon ng nakawan ng pagkain may nakawan muna ng pera. Ang suspect ay ang dalawang cashier na pang umaga.
Agad kong binigay kay Chief ang isang folder na naglalaman ng evidensya at inbestigasyon sa nangyaring nakawan noon. Base sa binigay sa aking folder, June 2020 nang mangyari 'yon. Si Moira ang pinagbintangan at ang ginawang witness ay si Rhea na totoong magnanakaw.
"Iba ang isyu na'tin, Destry. Ang kasong 'yon ay sarado na, ang pinaguusapan na'tin dito ang pagtulong mo sa nga magnanakaw." Tinulungan ko sila dahil bukod sa naawa ako ay nanay 'rin ng bata si Moira Guambo, tanging ang nanay na lang ang inaasahan nila. Pero, dahil sa kagaguhan 'rin nang Rhea na 'yon nakulong ang inosente.
"Handa naman akong bayaran 'yung mga ninakaw nila." Pursigido kong sabi, dahil sa sinabi ko ay mukhang wala ng balak si Cheif na isuspende ako. "Ang bata ay hindi makukulong pero makukulong pa'rin ang kapatid ng bata." Tumango ako sa sinabi ni Cheif, wala akong magagawa sa Kuya ni Biboy, dahil ilang tindahan ang ninakawan niya.
"Paano 'yung kasong hinihingi ko sayo?" Parehas kaming nagseryoso nang banggitin ko ang kaso na matagal ko ng hinihingi. Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang kasong 'yon na ayaw niyang ibigay.
"Alam mong hindi pwede ang gusto mo, Destry." Madiin kong niyukom ang kamao sa sinabi niya. Tangna. Bakit ba ayaw pakeelam ng gobyerno ang kasong 'yon? Marami nang namamatay bakit nanatili silang walang ginagawa?! "Kailangan kong bigyan ng hustisya ang mga namatay. Bigyan ng hustisya si ate."
"Ano na bang napatunayan mo, Hami? Para ibigay ko sayo ang kaso na kahit ang presidente hindi malutas. Patunyan mo muna ang sarili mo, Hami." Napaupo na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya, ano bang napatunyan ko. Tangna. Sa tagal kong naging Pulis wala akong napatunayan. Elliot and I used to be friends and classmate, mas matalino pa nga ako d'yan noong HS. Pero ngayon, siya ang pinaka batang chief ng Crime department. Eh ako? Ano ako? Isang detective na taga habol lang ng magnanakaw.
"Seems like your conversation with your Cheif did not go well." Inis akong napatingin sa lalaking nabangga ko. Putangna, siya na naman? Kailan ba matatapos ang pagka epal niya?! Inis kong pinunasan ang luha ko siguro pagod at puno na ako ngayon.
"Lakas ng loob mo ah, hindi nga kita kilala." Inis kong unsad, tiningnan lang niya ako at umiling.
"You choose right choice. I expect your present on court. 8am sharp, don't be late." Napangiwi ako sa paguutos niya sa akin na akala niya close kami. Tiningnan ko na lang ang kopya ng binigay kong report kanina kah chief. Ito ang report kung saan umamin akong may kasalanan ako na hindi ko balak gawin. Tangna, naalala ko na naman ang usapan namin kanina.
"I will give you two choices. Confess your crime then Moira Guambo will free."
"Paano mo nalaman 'yan?"
"Or either, keep it then it's fun see you in jail with the kid's brother."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro