Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV- BACKSTORY (Part 1)

IV— Backstory (Part 1)

Nagkalat sa paligid ang mga basag na piraso ng glass wall ng restaurant dahil sa nangyaring pamamaril sa loob nito. May isang namatay at tatlo naman ang sugatan. Nakadapa ang mga tao sa sahig at maingay ang paligid dahil sa sigawan at iyakan ng mga nakasaksi sa pangyayari. The culprit was caught at sinabi nitong inutusan lamang ito. The one who hired him was inside the restaurant too, ngunit hind niya alam kung sino. He said he just received instructions and payment. Sa labas ng restaurant ay maririnig ang ingay na dulot ng mga sirena ng police patrol cars na nahuli sa pagresponde. Agad na pumasok ang mga ito sa loob at sinimulan ang pag-iimbestiga.

"Paumanhin po pero kung maaari ay wala munang lalabas ng establisyementong ito," anunsyo nito sa mga naroon na takot na takot pa rin dahil sa nangyaring pamamaril sa loob.

"Walang kikilos!" sigaw ng mga pulis at pumasok sa loob. Gayon din ang ginawa ng ibang mga pulis at hinalughog ang paligid.

"Chief, ito pong tatlo ang kahina-hinala. Baka isa sa kanila ang kasabwat ng namaril kanina," wika ng isang pulis. May dala-dala itong isang lalaki at gayundin ang kasama nitong dalawang pulis.

Hinarap ng hepe ang tatlong lalaking kahina-hinala. "Sasailalim kayong tatlo sa pagtatanong ng mga pulis."

"Chief!"

Napalingon silang lahat sa boses ng babae na tumawag sa hepe. Isang babaeng nakasuot ng uniporme ang ngayon ay tumatakbong lumapit sa kanila. She wore her hair just below her shoulders at maamo ang kanyang mukha.

"Ivy, bakit ka nandito?" tanong ng hepe. Lumabi sa kanya ang babae at tiningnan ang tatlong lalaking hawak-hawak ng iba pang mga pulis.

"Good job, SPO1 Atienza! Ang galing-galing mo talaga. These three are also the people na pinaghihinalaan ko. By the way, I was sitting over there nang mangyari ang commotion," Ivy said. Napangiti at nahihiyang napakamot naman ng ulo si SPO1 Atienza.

"Chief, mana sa 'yo 'tong anak mo. Bolera din," wika nito sa hepe.

"Ivy, bakit ka nandito? Umuwi ka na dahil mag-iimbestiga pa kami," tanong ng hepe sa kanya. Iverone was the chief's only daughter.

"Kasama ko ang mga kaibigan ko, Pa. And if that's the case, I can help. Witness ako sa mga nangyari kanina at pinagdududahan ko rin ang tatlong ito." Sagot nito at napatingin sa tatlong lalaki na hawak-hawak ng tatlong pulis. Lumapit siya sa unang lalaki.

The guy was effeminate but has a bulky body. Tinali nito ang mahabang buhok at nakasuot ito ng kupasing maong na jacket.

"Ikaw. 'Yang get up mo pang holdaper goons talaga. Starter pack eh. Long hair, denim jacket at alerto na mapupulang mata, but of course that's not what made you suspicious."

"Ha? Eh ano pala?" tanong ng isang pulis. "Hinuli ko siya kasi parehas no'ng suot ng mga namaril kanina ang suot niya."

"Hindi 'yan pwede, officer. Do not rely on the appearance. Look on the variables. Kahina-hinala kasi ang ginagawa niyang manaka-nakang pagtayo, tingin sa labas at pagtingin sa relo," Ivy said.

"Ah! Hudyat para sa mga kasamahan niya!"

"It could be."

Pumalag naman ang lalaki. "Hindi ako kasabwat!"

"We'll see to it later," Ivy said at bumaling sa ikalawang lalaki. "Kahina-hinala rin ang isang ito. I saw him throwing glances at the victim. Hindi kaya ikaw ang nagpautos ng shoot out?"

Todo-iling naman ang ikalawang lalaki. "Hindi ako kasabwat ng mga namaril kanina!"

"And you're the most suspicious of all," wika niya sa pangatlong lalaki.

The guy smiled sweetly. "Me? Really, huh?"

Bahagyang napakislot si Ivy nang marinig ang boses nito. It was so manly that it compliments his looks. In fact he's very handsome ngunit gaya ng sabi niya kanina, do not base on the appearance.

"Yeah. I-ikaw." She's not easily attracted to men but this guy is making her uneasy.

Sa edad na disisyete ay hindi pa nararanasan ni Ivy na magka-boyfriend. She's too focus on her studies dahil pangarap niyang maging abogado balang araw. Nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo sa kursong Political Science. She's the perfect description of beauty and brain. Maganda ito at matalino, but not the beauty queen type. She's not afraid to break her nails or have her soft skin wounded.

Mahilig siya sa misteryo at kung anu-ano pang palaisipan. She's also a keen observer and a curious lady. Sa murang edad ay tumutulong siya sa paglutas ng mga kaso ng pulis. If her father would only allow, gusto rin niyang magpulis but her dad said police work is a dangerous line of work. But that doesn't mean she'd give up. Kahit hindi pumayag ang papa niya ay madalas siyang sumasama sa mga bust operations ng pulis.

"And your basis?" the guy asked.

Sunud-sunod ang ginawa niyang paglunok. This guy is too hot to ignore. He has the smile that shows a perfect set of white teeth. The kind of smile that would melt anyone. Matangos din ang ilong nito na napapagitnaan ng prominenteng pisngi nito. His lips look so soft and it made her wonder how a kiss would feel. Matangkad ito at maayos ang pananamit. He looks rich but he's really suspicious.

Ivy raised her chin to meet the guy's soulful eyes. "I saw you talked to some guy, hand then something at kinuha ang file case na ibinigay mo sa kasama mo kanina na hindi na mahagilap ngayon. See? Don't you think that's suspicious?"

"Tsk. I'm not one of them."

"Then prove it. Show us the case."

"I can't."

"Loser. You can't prove it, don't you?"

"If I can, you'll go out with me?"

"You wish."

Natahimik lang silang dalawa nang tumikhim ang hepe. "Ivy, doon ka na lang sa tabi," wika nito at tinapunan ng masamang tingin ang lalaki.

Ivy sat on the side at pinanuod na lamang ang mga pulis sa nangyaring interrogation. The victim of the shootout was a business man. May inauguration ito sa susunod na linggo para sa panibagong negosyo but unfortunately, he was killed today.

Napag-alamang ang tatlong lalaki ay pawang kakilala ang biktima. The effeminate man, Gregor Llido was an old college friend of the victim. Dati pang may alitan ang mga ito at hindi pa rin nagkakaayos kahit na tumanda na sila. The second guy, was someone that the victim played poker once. The game was fair enough at ayon dito ay wala siyang motibo para patayin ang biktima. The third guy who was the youngest among the three was Cool Vander. Kasosyo ng ama nito ang biktimang si Ernesto Tan. Their partnership ended three months ago.

The victim was shoot directly on the forehead and caused his immediate death. Sa ngayon ay wala pang makitang dahilan ang mga pulis para i-detain ang mga ito kaya matapos ang pagtatanong ay umalis na ang tatlo.

"Hoy, ano 'yang binabasa mo Ivy?" tanong ng kaibigan niyang si Emerald. Nasa library sila at nagre-research but she noticed that Ivy was reading some papers but not books from the library. Nakakunot din ang noo nito habang nagbabasa.

"Case files sa nangyaring shootout noong isang araw", Ivy answered but her eyes were still focused in the papers.

"Case files? Ninakaw mo na naman 'yang trabaho ng tatay mo. Lagot ka, alam mo bang confidential 'yang—"

"Oo, alam ko, alam ko. It's just that something is bothering me with this case."

"Kunwari ka pa. Ang sabihin mo tungkol ito roon sa sinabi mong mayabang, eh" Emerald said and she started teasing her.

"Hindi ah!"

"Sus!"

"Hindi sabi, eh!"

"Okay, sabi mo eh. So ano na ang nakalap mo?" she asked.

"The victim has no personal thing to do with those three. I mean, mayroon but I don't think those aren't enough to kill the victim," she said, still puzzled with the case.

"Ano bang alam mo sa iniisip nila? Duh, Ivy. Iba ang mga tao ngayon. They would kill for small stuff."

"But look Emerald, it's like this— dating kaalitan sa college, kalaro sa poker at kasosyo dati sa negosyo— those are the connections of the three to the victim. If you're likely to choose who among them did it, who do you think?" Ivy asked

"Uhmmm, the one with the motive is the college friend–"

Ivy cut her off. "Motive. That's right! Kailangan ng motibo. What is their motive of doing so!?"

"Money?"

"It could be."

"You don't seem convinced", pansin ni Emerald.

"There's no such motive in these files," Ivy said. Just then narinig nila ang sirena ng pulis. Ivy rose from her seat at agad na lumabas ng library.

"Hoy, Ivy!"

The librarian threw her a glare and she shut her mouth at tinanaw na lamang ang paglabas ng kaibigan na sigurado niyang susugod kung saang dako ang tunog ng sirena na narinig nito.

Nang lumabas si Ivy sa gate ay nasa kabilang kanto lamang ang mga pulis. Maraming tao ang nakiusyoso roon so she squeezed herself towards the crowd. Lumapit siya sa isang pulis na kakilala niya.

"Psst, SPO1 Atienza, ano pong nangyari dito?" she asked at matamis na ngumiti. Kaibigan niya ang mga nasasakupan ng ama kaya madalas siyang tumutulong sa trabaho ng mga pulis.

"May pinatay. Binaril sa noo," sagot nito.

Binaril sa noo? Just like the previous victim the other day? Hindi ba't sa noo rin binaril ang naunang biktima?

"Ivy! Ikaw na naman?" the chief asked when he saw his daughter. Gumanti lang ito sa kanya ng ngiti.

"Pa, nakakalimutan mo bang nasa kabilang kanto lamang ang paaralan ko? Kaya ng marinig ko ang sirena–"

"Bumalik ka na roon."

"Pa–"

"Chief! Nakita ulit namin itong mga lalaking ito sa paligid," singit ng isang pulis sa usapan nila.

"Isa na namang pamamaril." Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Ivy nang makita ang bangkay. May tama ito na nakasentro sa noo. "This case is exactly the same pattern with the previous shootout." She looked around at napakunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na pigura. Nagpaalam siya sa ama at kaibigang pulis bago nagtungo sa dako kung nasaan ang ilang pulis at kinakausap ang mga nasa pinangyarihan ng insidente.

"Now tell me you're not connected with these cases," wika ni Ivy na siyang dahilan kung bakit napatingin ito sa kanya at ang mga kausap nito. Her eyes were directly boring into that guy's face while her mind wander about things like how dangerous he could be given his dangerously handsome looks.

The guy, Cool Vander gave him a smile. It was neither a casual nor a sweet smile. It was something that spells trouble. No, it should be TROUBLE, in full capital and bold letters.

"Hello, Ivy." His voice compliments his look. She wondered if anything about him isn't dangerous.

Ivy swallowed hard and she avoided Cool's dark eyes. Takot siyang salubungin ang mga tinging iyon dahil baka makulong siya sa kakaibang dimensyon na tanging ang mga mata lamang niya ang may kakayahang gawin iyon. "Officer, this guy is also present during the first shootout."

Tinitigan ng pulis si Cool. "Hala, oo! Tama ka nga, Ivy!"

"Huwag n'yo siyang iwala sa paningin ninyo—" Pinutol ni Cool ang sasabihin niya.

"Our deal is still binding. Keep that in mind," wika ni Cool, resting his fingers on his pocket. His name suits him. Whatever he does, he looks cool.

"Deal? What deal?"

"You," he said pointing out on her, "going out with me if I'm not responsible of this crap deal."

"Hindi ko maalalang nakipag-deal ako sa 'yo tungkol diyan!" Protesta ni Ivy. For her, his looks could be a double check or even triple but his attitude? Negative point. She hated cocky and bossy guy.

"I don't remember you disagreeing either," sagot ni Cool. Ivy felt her blood rise to her head but she composed herself. For sure this guy will enjoy pissing the hell out of her.

"But—"

Sunod-sunod na mga putok ang narinig nila at nanggaling iyon sa lalaking naka-motor at ang target nito ay si Cool. Bigla na lamang siyang tumalon patungo sa direksyon ng lalaki at tinulak ito sa lupa. They both fell on the ground and waited for the surrounding to clear. Hinabol ng mga pulis ang shooter samantalang halos hindi naman makahinga si Ivy sa sobrang kaba.

She was too scared to move. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng ganito but she always hated the idea of death. Her breathing became fast and doubled.

Doubled?

Nang tumingin siya sa harapan niya ay saka lang niya naintindihan kung bakit tila doble ang paghinga niya. The second doesn't belong to her but to the guy beneath her. Cool Vander.

Her eyes widened when she realized her position. She's straddling on top of him, with their faces so close to each other. Cool has this scent, it was a mixture of mint and manly scent. It was something that was exhilarating and so addictive. It could probably give her the paralyzing effect dahil natagpuan na lamang niya ang sarili na hindi makagalaw. Naglakbay ang paningin niya sa kabuoan ng mukha nito— snob and mysterious looks, dark piercing eyes, pointed nose and lips that she didn't bother to stare more dahil baka tuluyan na siyang mawala sa kanyang katinuan. She keep her eyes on his ears and his black stud. He surely is an epitome of the description of bad guy. A dangerously handsome bad guy. She couldn't settle without adding the adjective dangerously handsome to him.

"Enjoying the view?" Cool asked with a sexy smile. Nanlaki ang mga mata ni Ivy at hindi kaagad nakagalaw. Just then, Cool moved his head near her ears and whispered. "Love, I really like this position but I prefer this to be done privately. How about getting a room?"

Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Ivy ang sarili. Dumapo ang palad niya sa pisngi ng lalaki at agad na tumayo.

"You, manwhore!" She said with a lot of emotions. She hated how Cool said it yet the scent of him still lingers on her nostrils and makes her forgot how lewd and perverted he was when he whispered.

Tumayo si Cool at nagkibit-balikat. Kahit nakatanggap siya ng malutong na sampal ay tila baliw ito na nakangisi. Siya namang paglapit ng hepe at agad na kinausap si Cool at ang ibang mga naroon.

"Maaaring tama ang una naming imbestigasyon. Ang tunay na pakay ng salarin ay si Ginoong Cool Vander," pahayag ng hepe.

Agad na nagtaas ng kilay si Ivy. "Papa? Sa tingin ko kasabwat ang lalaking—"

"Ivy, umuwi ka na," wika ng kanyang ama. "Pasensya na, Ginoong Vander."

"Pero, Papa! Bakit naman siya ang magiging target? Kung ganoon ay mas kahina-hinala siya! Kung siya ang target ibig sabihin ay baka sangkot siya sa mga illegal na gawain!" apela ni Ivy.

Sumabat si SPO1 Atienza. Lumapit siya kay Ivy at bumulong. "Target kasi mayaman 'yan. Alam mo ba 'yong eskwelahan na gusto mong pasukan noong high school?"

"Athena High?" she asked.

"Oo, iyan nga. Siya ang tagapagmana ng eskwelahang iyan. Alam mo ba ang Athena University? Tagapagmana rin siya niyon! Alam mo bang nabili na nila ang pinakamalaking cement company rito? Yung ospital—"

Itinaas ni Ivy ang isang kamay. "Okay na po, tama na." Ayaw na niyang marinig pa ang iba pang mga pag-aari ng mga Vander. The name Vander is one of the top names in the business and elite world.

"Kukunin namin ang pahayag mo, Ginoong Vander." Lumapit ang isang pulis at tinanong siya ng kung anu-ano.

"Hindi ito ang unang beses na pinagtangkaan ang buhay ko... namin. Alam kong alam n'yo ang tungkol sa bombing sa isang warehouse namin. The bomb threat at Athena University and other matters. Naglabas na rin kami ng pahayag kung sino ang mga nakaalitan namin sa negosyo. I'm sure alam ninyong hindi lamang kami ang nakakaranas ng ganito. Do you really need to ask me again about all those stuffs?" Malamig ang boses na wika ni Cool. Gone was the playful guy a while ago. Habang nakatingin si Ivy sa lalaki ay hindi niya maiwasang isipin na agad itong nagpalit ng maskara. Ang paraan ng pagsasalita nito ay sapat na upang mabahag ang buntot ng mga pulis at pinili na lamang na huwag nang aksayahin ang oras sa pagtatanong sa kanya. Anyway, the guy has a point. Hindi lamang sila ang nakakaranas ng ganoon. Last week ay maugong ang balita tungkol sa bombing incident sa isang pharmaceutical laboratory. May mga nangyayari ring insider trading sa ibang kompanya. For businessmen, threats like these are just normal.

"K-kung ganoon ay hindi na lamang kami magtatanong pa..."

Cool clicked his tongue. "Kung nababahala kayo sa kaligtasan ko, I will hire personal bodyguards then."

Ivy made a face when he emphasizes the word bodyguards. Ang epekto niyon sa kanya ay tila nagyayabang ang lalaki. Bago pa man tuluyang masira ang araw niya ay tumalikod na siya at nagpaalam sa ama at bumalik na sa eskwelahan. She refused to take a glance at Cool who she knew was intently looking at her with an annoying smirk on his face.

"How's the case?" tanong ng kaibigan niyang si Emerald nang pauwi na sila ng hapon. "Iniwan mo ako kanina at hindi ka pumasok sa isang klase natin!"

"Boring case. Isa lang palang pamamaril na ang target ay taong mataas sa lipunan," sagot ni Ivy.

"Boring nga. Ano bang bago? Buti na lang hindi tayo sobrang yaman, ano? Sayang nga eh, sobrang yaman ng crush ko kaya malabong mapansin ako no'n," malungkot na wika ni Emerald.

"Ayon ang crush mo, oh!" Ininguso ni Ivy ang labi sa direksyon ng isang puting kotse. Pumasok doon ang tila bugnot na mukha na lalaki.

Biglang nagningning ang mata ni Emerald. "Ang gwapo talaga ni Zacharias Deltran."

"Too old."

"Anong too old? Sa 'yo too old kasi seventeen ka pa lang. Paano kaya kung mag-shift na lang ako ng Business Ad para parehas na kami ng kurso?"

Sinagot siya ni Ivy ng nakasimangot. "Why do you have a fetish for older men? Seriously, wala ka ba talagang planong gumradweyt? Bente ka na pero nasa second year pa rin."

Iwinasiwas ni Emerald ang kamay sa harap ng kaibigan. "Hep hep! Education isn't about the age, okay? At saka hindi ko pa talaga alam kung ano ang gusto ko."

"Lahat na yata ng kurso, pinagdaanan mo na. Mula education, nursing, engineering, ngayon naman Political Science. At malakas ang kutob kong hindi ka pa settled dito sa PolSci."

"Ganito kasi 'yon. Iyong hilig kong gawin, ayaw kong pag-aralan, gets mo ba ako?" tanong ni Emerald. Mas matanda siya kaysa kay Ivy pero hindi siya tinatawag na ate ng huli sa kadahilanang mas matanda pa mag-isip si Ivy kumpara sa kanya.

"Ano bang hilig mo?"

Inakbayan ni Emerald si Ivy at saka bumulong. "Hacking."

"Edi mag-IT ka!"

"Ayaw."

"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo. Siya nga pala, ayos na ba kayo no'ng half sister mo?"

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ni Emerald. "Si Amethyst? Ayon, hindi pa rin niya lubusang matanggap na may kapatid siya sa ibang ina."

Isang pulang kotse ang huminto sa tapat nila. Natigilan silang dalawa at nang bumaba ang bintana ng sasakyan ay napasimangot si Ivy nang makita ang mukha ni Cool.

"Hello, love."

Ilang beses na napakurap si Emerald at pinaglipat-lipat ang tingin sa lalaki at sa kaibigan. "Ivy, magtapat ka nga sa akin? Iverone Love ba ang pangalan mo o love as in endearment ang sinasabi ng gwapong lalaking iyan?"

She rolled her eyes and ignored the two. Hinila niya ang kaibigan palayo ngunit umatras ang kotse at sinundan pa rin sila.

"The deal love, remember?"

"Love talaga ang naririnig ko eh," pabulong na wika ni Emerald. Sinulyapan niya ang kaibigang nakatingin nang masama sa lalaki. "Uh, I think may gagawin pa ako. Ay oo! May gagawin nga ako! Bye, Ivy!" Bago pa man makasagot ang kaibigan ay agad na siyang tumakbo palayo.

Bagsak ang balikat na tinanaw na lamang ni Ivy ang papalayong kaibigan. Nang mapagtantong malabong balikan pa siya nito ay binaling niya ang tingin sa lalaki. Sa pagkakataong ito ay nanlilisik ang mga mata niya.

"Ano bang kailangan mo?"

Bumaba si Cool mula sa kotse at sumandal na nakaharap sa kanya. "You."

"Ano?"

"The deal."

"Look Vander, walang deal—"

"Then let's have a deal now. You go out with me and I'll go out with you. How about that?" His smile was seductive but his words were full of sincerity.

"Ano bang trip mo sa buhay? Gamitin mo 'yang pera mo para ipambili mo ng bagay na makakaaliw sa sarili mo, hindi 'yong tao ang ginagamit na pang-aliw sa pagiging bored ninyo. Palibhasa, kayong mayayaman binabaliktad n'yo."

He frowned. "Cut the prejudice, love. 'Yan ang common misconception ninyo sa mga mayayaman. We value people a lot that's why we work hard to produce money for the people we love."

Hindi sumagot si Ivy at pahalukipkip na iniiwas ang tingin sa kausap. Tahimik na nagdasal siya na sana may dumating na na taxi at nang makalayo na siya sa lalaki. Nagulat na lamang siya nang tila may hinigit ang lalaki mula sa buhok niya. When he showed her his hands, he was holding two movie tickets.

"Movies?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Try again, Vander. Kahit na anong panlilinlang pa ang gawin mo riyan, hindi ako sasama sa 'yo sa sinehan! Madilim doon at—"

"I see. So, sasama ka kapag hindi sa sinehan? I'll think of another. And by the way, hindi iyon panlilinlang, it's called a magic trick. I'm a wizard, love," he said with a smile, showing a perfect set of teeth.

"Magic?" She let out a fake laugh. "Really? Sorry but I don't believe in anything that defies logic."

"As expected. So, let's go somewhere other than the movies?" He asked, opening the car door and motioned his hand inside.

"Hindi ba busy ka? Bakit ka ba nag-aaksaya ng panahon dito?"

"I can always spare time for the people worth spending for. At tama ka, I'm a busy man. I don't chase people who says no to my first offer. And now I'll ask you for the third time, go out with me."

Kung ibang pagkakataon ay baka nangisay na sa labis na kilig si Ivy. She's used to guys asking her out but she always turn them down. Naniniwala siya sa sinabi ng isa sa kilala niyang fictional detective na si Sherlock Holmes na: "Emotional qualities are antagonistic to the logical mind."

"Bakit mo ba ako pinag-aakasayahan ng oras?"

"Just go out with me. Kahit ngayon lang and then you can decide if you will continue going out with me or not but I'm telling you, you will," he said.

"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Kapag ayaw ko, titigilan mo na ako?"

"Right."

"Fine," Ivy said at pumasok sa pinto ng kotse na binuksan ni Cool.

Nang makaupo siya ay nagulat siya nang lumapit ang mukha ng lalaki sa kanya. Iniabot pala nito ang seatbelt at kinabit iyon sa kanya. "But don't say I didn't warn you." Sinabayan pa niya iyon ng kindat na halos makapugto sa hininga niya bago ito umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan at nakangiting pumasok.

Dinala siya ni Cool sa baybayin kung saan natatanaw nila ang papalubog na araw. Tuwang-tuwa na bumaba si Ivy at manghang-mangha na tinitigan ang papalubog na araw.

"Wow! Ang ganda!" bulalas niya. Hindi niya napansin ang paggalaw ni Cool sa tabi niya. "I always love sunset! Hindi ka makakakita ng ano mang mas maganda pa rito!"

Cool smiled sweetly. "Actually, I can. I'm looking at her right now."

Mula sa pagkakatingin sa papalubog na araw ay ibinaba si Ivy ang paningin at sinalubong ang titig sa kanya ni Cool. "Hindi ako madadala sa pambobola mo."

Mas lalo lamang itong ngumiti ng matamis. "Hindi ako nambobola, love. You really are beautiful."

Sanay nang masabihan ng maganda si Ivy but hearing it from him feels different. She wondered if whatever power he has to make her feel emotions she never felt before.

"Stop calling me love. Are you flirting with me? Because I'm telling you, Vander, I'm too young for this," wika niya. "I'm just seventeen."

"Who cares? Does this have an age requirement? Age ceiling and age floor? Hindi ka mukhang seventeen."

Napasimangot siya. "I'll be eighteen few months from now. Sandali, you mean I look older than my age?"

Cool laughed like it was really funny. "No. I'll say you think older than your age."

Tila nabunutan ng tinik si Ivy. She's glad to know that it's not about her looks. Marami nga ang nagsasabing mas matanda siya mag-isip. Teens at her age worries about makeup, dating and other stuff samantalang world peace, justice at equality naman ang iniisip niya. Nakikisali siya sa trabaho ng ama at kaya niya piniling mag-aral ng Political Science ay dahil balak niyang kumuha ng kursong Law balang araw. Nakatingin siya sa mata ni Cool na tila tuwang-tuwa sa pag-uusap nila.

Binawi ni Ivy ang kanyang tingin. "How old are you?"

"Twenty five."

Muntikan nang mapaubo si Ivy. Kanina lang ay kinutya niya ang kaibigan sa pagkakagusto sa lalaking higit bente na yet here she is, a freaking teen and highly attracted to a twenty five years old man.

"Hindi halata."

Mas lalong tumawa si Cool. "Of course, they say I think younger than my age. You'll be surprised to know how childish I am." She wants to add that he looks younger ngunit baka lumaki lang ang ulo nito kaya nanahimik na lamang siya.

Hindi niya alam kung bakit ang pag-uusap nilang iyon ay tila naging dahilan pa ng matinding atraksyon niya sa lalaki. She's attracted to him, no doubt about that. Nakatitig lang siya sa mga mata nito at naramdaman niyang unti-unting lumalapit ang mukha nila sa isa't isa. She has no intention of breaking the spell but it was broken by a sudden sound of a ringing phone.

"Wait, love," wika ni Cool at hinigit ang cellphone sa bulsa. Bahagya itong lumayo sa kanya ngunit naririnig pa rin niya ang boses nito. "Hello, Sweet?"

Tila nabuhusan si Ivy ng malamig na tubig. He called someone sweet, while he calls her love. And right now, she's wondering what other endearment does he calls his other girls. Sweetie? Tart? Darling? Baby? Mahal? Oh, she could write a book about how many endearments are there in the world and she's positive he had one girl for each endearment. Or was it love 1, love 2, sweet 1, sweet 2 and so on? She sulked on the side at inaliw ang sarili upang hindi marinig ang sinasabi ni Cool sa kausap ngunit hindi pa rin nakatakas sa pandinig niya ang huling sinabi nito bago muling lumapit sa kanya.

"I'll be there, Sweet. Mag-iingat ka. I love you."

Bahagyang napatigil si Cool nang makita ang madilim na ekspresyon ng kanyang mukha.

"Uuwi na ako, hinahanap ka na ng Sweet mo," she said, trying to maintain a straight face but failing big time. Bago pa iyon mahalata ng kanyang kausap ay tumalikod na siya.

Unknown to her, Cool strode his way towards her and stand at her back. She felt his arms encircled around her waist and his breath was on her neck. She felt a tickling sensation but it felt so good that she didn't dare to move. She would have slap this guy right now for hugging her but she couldn't bring herself to do so.

"Love, you will meet her tomorrow."

She froze on her track when she felt him tilted his head to the side and that his lips were touching her neck. Kung ibang pagkakataon ay baka isipin pa niyang bampira si Cool kaya sa bahaging iyon ng leeg niya ang puntirya nito. Then she felt something wet and warm and she realized it was his tongue, gently rubbing a little part of her neck while planting a kiss. Sa isipan niya ay dapat isa na namang sampal ang iginawad niya sa lalaki ngunit hindi niya magawang gumalaw.

"B-bakit naman ako makikipagkita sa babae mo?" She finally found herself saying something but it was a wrong move. She spoke like she was a freaking jealous wife.

"What's wrong with making you meet the most precious woman in my life? I'll pick you up after your class tomorrow," wika ni Cool at sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang ilayo ang sarili sa lalaki.

"I'm not going to meet you tomorrow! May pasok ako at—"

"Your class ends at 3 in the afternoon," sagot ni Cool at hinila siya. Her eyes widened! Alam nito ang schedule niya! He was leaning on the car's hood at napasubsob siya sa dibdib nito. "I'll meet you tomorrow, love." Then he took a quick peck on her lips. It was too quick that she wasn't aware of it.

"H-hindi na ako sasama s-sa 'yo! You said I could decide to continue going out with you or not and I decided not to!"

"Really?" he said with a mocking smile. She felt his lips on her and she was dumbfounded. Naramdaman niyang ngumiti ang mga labi ni Cool sa labi niya. It was just mere touching of their lips but before he pulled away, he bit her lower lip. "Because if you really decided not to, you would have slapped me four times in a row now." Again, he took another peck on her lips. "Susunduin kita bukas?"

And she found herself nodding like she was under his spell.

#

A/N: Cool x Iverone Backstory is supposed to be a special chapter of File 2. I wrote this last November 15, 2016 but I don't know why I didn't post this. So basically, this is a one year and 5 days draft Lol.

P.S. Part 2 will be posted soon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro