I- PAYMENT FOR SNEAKING OUT
I — Payment for Sneaking Out
The thought that Gray spent his birthday with Math really annoyed me! Siguro ay tuwang-tuwa siya habang kasama ito sa kaarawan niya with his family, samantalang kami ni Khael ay halos mamatay na sa kamay ni Lowie at ng mga bad breath niyang minions?! Nakakainis lang! Kabadtrip!
"Bestie?"
"What?!" Hindi ko napansin na naiinis pala ang ekspresyon ko habang nakatingin kay Je. He raised both his arms as if he surrendered. "Sorry." Argh! Ito! Ito ang epekto ng pag-iisip ko sa nangyari sa kaarawan ni Gray! Kung hindi lang talaga ako magkakasala ay malamang hiniling ko na na sana ay nalunod na lamang si Math!
But wait, kung sakaling malunod man ito, sigurado akong ililigtas siya ni Gray! And by that, kakapit sa kanya si Math at- no! No way! Worst, i-mouth to mouth siya- arrrgh! What the hell am I thinking?!
"Hoy, Bestie! Ang laki ng problema mo, ano?" Jeremy nudge me on my elbow at mabilis na kinuha ang pizza na nasa platito. "Akin na lang 'to, ha? Mukhang wala ka namang balak kumain eh."
"Je?"
"Yes, Bestie?"
"Ano'ng regalo mo kay Gray noong birthday niya?" tanong ko. Jeremy has a big mouth and I'm risking by asking. For sure he will spend the whole day teasing me about it. Siya kaya ang 'kapitan ng barko'. Meh, I don't even know what he means when he said that. What ship?
He motioned his fingers and pointed it on his temple. "Hmmm, since he lost in our deduction battle and we dated-"
"We didn't date!"
"Wag kang OA, Bestie, it's not the kind of date that you think of." Niyakap niya ang sarili niya na tila ba ano mang oras ay may gagawin ako sa katawan niya! Wow lang, ha!?
"Pero, Bestie, naisip ko lang, ha? What if bigyan natin ng isang malaking gift si Abo?" suhestiyon ni Je.
"Malaking gift like?"
"Have you been to a stag party?"
I frowned at him. "Je, stag party is restricted to men. Paano naman ako makakapunta sa stag party? Unless I'm a stripper."
"Exactly!"
"Exactly what? I'm not a stripper!" Pinigilan ko ang sarili kong ipakain sa kanya pati ang platitong nasa harapan niya. Could you believe it? Nilibre niya ako ng pagkain pero siya lang din pala ang kakain?!
"Alam ko, Bestie. Pero how do strippers appear in a stag party?" Tanong niya sa akin.
"Kung pagbabasehan ang mga napanuod ko sa mga palabas, strippers are usually dressed in a bunny or sexy bikinis and hide inside a big box na bubuksan ng soon-to-be groom for an element of surprise."
"Bingo!" bulalas ni Je. "And I think that's the best idea!"
"WHAT?! Reregaluhan mo ng stripteaser si Gray? What the hell are you thinking, you whore mind!" Napatayo ako sa upuan ko at napalakas ang boses. I looked around the cafeteria at napansin ang ilang nakatingin sa akin. Yeah, I never fail to attract attention.
"Who said I'll hire a stripteaser?" sagot niya at bahagyang sinulyapan ako. He even wriggled his brows in a silly and annoying way.
"Je, do you want to kiss my fist?" kalmadong wika ko. What now? He wants me to be a stripteaser? Una sa lahat, stripteasers need to be seductive. I think I am six meters below from being seductive. Second, stripteasers must be physically enticing thus proportionate in every aspect. Another six meters below the proportionate in every aspect- if you know what I mean. Pangatlo, guts. Stripteasers must have the guts. I have all the guts in dangerous situations but not this one! This is dangerous but to another level! Pang-apat- bakit ba ako nag-iisa-isa ng mga ito? Am I conceding to Jeremy's crazy and pervert idea?!
"Bestie, I hate to break it up to you but it's not what you think, okay? Pupusta ako na iniisip mong ikaw ang gagawin kong stripteaser," wika niya at ngumit ng nakakaloko! I felt my cheeks redden and hell! Jeremy just got me! But no matter what, hinding-hindi ako aamin na ganoon nga ang iniisip ko! Not even in million years! No! No way! Never!
"SHUT UP, PUNS!"
Tumawa siya ng malakas. A laughter just like he always does whenever he says his puns- his long and annoying laugh. "HAHAHAHAHAHAHA. Pero Bestie, I don't mean the stripteaser in a box!"
I scowled at him. "Then what?"
He smiled mischievously. "What I mean is the element of surprise."
Okay. So it's just me who had the perverty thoughts of stripteasing. Damn. "So?"
Lumingon siya sa paligid. "Matagal pa ba yung dalawa?" Tanong niya, referring to Math and Gray. Math talked to our adviser for the upcoming yuletide activities samantalang may binalikan naman si Gray sa dorm niya kaya kami lamang ni Je ang nandito sa cafeteria.
"Uh, I guess so."
He smiled widely at umisod palapit sa akin. He leaned towards me, put his hands on my ears and whispered his plan.
The afternoon class went smoothly at ngayon ay pauwi na kami ng dorm. Nakaugalian na nilang ihatid kami sa dorm tuwing uwian. Math and Gray walked ahead of us and I can't help but throw glares at their back. Nang makarating kami sa harap ng dorm ay nagsalita si Jeremy.
"Haaay, thank God it's Friday!"
I raised a brow. "So?"
"Let's party. How about clubbing?" suhestiyon ni Jeremy na agad kong sinalungatan. Clubbing is way too hassle at mas gugustuhin ko pang manatili na lamang sa dorm at magbasa.
"Pass," wika naman ni Gray. Mukhang gaya ko ay nababagot ito sa isiping aalis kami mamaya para pumunta sa club. If this is Jeremy's plan for Gray's post birthday celebration, sorry to burst his bubble but it isn't a great idea.
"How about a little adventure... like breaking Bridle's rules?", nakangising suhestiyon niya. His grin is so silly that he probably thought that his idea is brilliant eventhough it isn't.
Nagningning ang mga mata ni Math na para bang nagustuhan nito ang sinabi ni Jeremy. "Ano'ng adventure?"
Je shrugged his shoulders. "Who knows. Alam niyong papatayin ang power source ng buong Bridle at a certain point at sa tingin ko ay diyan magsisimula ang adventure natin."
I made a face when I remembered something similar that happened at Athena. Kasama ng mga kagrupo namin dati sa Noli Me Tangere ay nag-explore kami sa loob ng Athena wherein we unravel the truth about Athena's Seven Wonders. Meh, I don't think Bridle got seven wonders.
"What's to look forward in this adventure?", Gray asked. Nakapamulsa siya at tila nayayamot na napatingin kay Jeremy. "Nakakabagot itong mga huling araw."
I prevented myself from scowling. Nitong mga huling araw. Geez, he's with Math noong birthday niya diba? I'm sure he had a lot of fun with her. Tsk.
"How about... a little drink?", Jeremy said na siyang nagpagulat sa aming tatlo.
"Ano?" sabay naming bulalas. I'm sure that the drink that he is referring isn't water or cola.
"Sige na, ngayon lang naman. Tsaka dun tayo sa rooftop sa tapat ng admin building. Medyo malayo yun sa tanaw ng guard diba?" he plastered a confident smile on his face. "Drinks are on me. Huwag kayong mag-alala, konting tequila lang. Body shots tayo."
Body shots, uh, hindi ba masyadong mahalay iyon? O sadyang ako lang ang nag-iisip ng ganoon? Tatanggi na sana ako nang naunang magsalita si Gray.
"Sounds fun."
What?! Fun? Uh, I thought Gray is the most righteous and logical one among the four of us here. Tama ba ang narinig ko na sounds fun ang sinabi niya sa suhestiyon ni Jeremy? I turned to Math, I know she will object of such idea too-
"Body shots? Not bad!"
Have the world gone mad? Correct me if I got it wrong okay? Ang pagkakaintindi ko kasi sa sinabi ni Je ay lalabas kami despite the strict curfew implementation of the dorm; mag-iinuman pa ng "konti" sa rooftop.
"Teka," I objected. "Isn't it illegal?"
"Bestie, it's only illegal if we get caught."
"Game ako," wika ni Gray at tinapik ang balikat ni Je. "Puns, sasama ako sayo na bumili ng tequila sa labas-"
"Sorry Abo," tanggi ni Je at nagulat na lamang ako nang hinila niya ang braso ko palapit sa kanya. "Pero mas gusto kong kasama si Bestie."
I eyed him a surprise look. Ako ang isasama niyang bumili ng tequila? Hindi pa nga ako pumapayag sa plano niya! And what? We'll sneak back inside Bridle na dala-dala ang tequila?! Hello, are they out of their minds?
"Je-"
"Okay! Magbihis ka na Bestie, hihintayin kita dito. Hindi ka pwedeng bumili ng tequila na naka-uniform." Mahinang tinulak niya ako papasok sa gate ng dorm.
"Je, is this a part of the post birthday surprise that you plan for Gray? Dahil kung oo, drinking is not a good idea," I whispered to him.
"Bestie, what else can we do? Alangan namang buong gabi tayong magtinginan lang, 'di ba? Sige na, just this once."
"How about me?" Math asked. "Hindi niyo ba ako isasama?"
"Hindi, 'wag ka nang sumama, Maya. Samahan mo na lang si Gray na mag-set-up doon. Linisin niyo para hindi na tayo maglinis mamaya, okay?" sagot ni Je. For a moment, I hate him for pairing Math and Gray pero sa halip na batuhin pa siya ng masasamang tingin, pinili ko na lang pumasok sa dorm. Agad akong nagbihis at lumabas kung saan naghihintay roon si Jeremy. He's wearing a black shirt and black pants, not his slacks but a black jeans na pinatungan niya ng uniform kanina. His polo and coat must be inside his bag right now.
Nang lumabas kami ng Bridle ay agad kaming nagtungo sa grocery store. Gaya ng sinabi ni Je kanina, siya ang nagbayad ng mga pinamili namin. Well, it's just a big bottle of tequila at mga junkfoods at kung anu-ano pang pagkain na sinabi niyang magiging pulutan namin. Heck, we sounded like drunkards when he said those.
Pabalik na kami ng Bridle nang tinanong ko siya. "What exactly are you planning?"
"Hindi ba binulong ko sa 'yo kanina?" he said with a grin. Pinigilan ko ang sarili na samaan siya ng tingin but I failed.
"'WE NEED AN ELEMENT OF SURPRISE' lang naman ang binulong mo. You even said that before you whispered it to me," nakangiwing sagot ko sa kanya. How can I know the exact plan with that? Okay, I know we need an element of surprise, the question is what kind and how?
"Simple lang, Bestie. Magba-bodyshots tayo mamaya? We'll make Gray lick the drink on your navel-"
"What the hell?!" Nababaliw na ba si Jeremy?! "Where's the surprise there? Kahalayan lang yata ang iniisip mo!" I strongly disagree to such idea! Hindi ko kayang isipin! Si Gray? Sa pusod ko? Uh, no! I erased the picture I had in mind about it.
"The surprise lie in the fact na..."
"Na?"
"Na madumi pala ang pusod mo! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! I can't imagine his surprised look kapag nakita ang napakaduming pusod- Aray Bestie!" Binatukan ko siya nang malakas.
"Una sa lahat, hindi madumi ang pusod ko, I mean hindi gaya ng iniisip mo! And what the hell is that kind of surprise? Tatlong araw na ang lumipas mula nung birthday niya, I don't think pulling this surprise will move him."
And how can we do something like this? Hindi pa magaling ang sugat sa ulo ko na dulot ng paghampas ni Lowie ng baril sa akin noong kaarawan ni Khael.
"Bestie, bakit ba masyado kang nag-o-object sa plano ko? The last time I remember, ikaw ang mahilig gumawa ng mga bagay na illegal."
I frowned at him at pinaikot na lamang ang eyeballs habang tinutulungan siyang ipasok sa bag niya ang mga pinamili namin.
Nang sumapit ang gabi ay tinuloy nga nila ang plano! Alright, I know I have been to many sneak out operations but this one? Uh, what do I get in this? Mapupuksa ko ba ang Genesis dito? What are my benefits?
Napabuntong-hininga na lamang ako nang tumayo ako sa kinahihigaan ko. Sinulyapan ko sina Andi at Therese na mahimbing na natutulog sa kanilang mga kama. The clock on my phone says it's 11PM at malamang ay papatayin na ang power source. I jumped into my jeans, hoodie jacket at dahan-dahang lumapit sa shoe rack. I picked my tennis shoes just in case we will be caught at nang sa gayon ay madali lang tumakbo palayo. I walked towards the window at tinantya ang taas na kailangan kong daanan pababa. And just like a cat, I silently swayed my way down. When I jumped, my hands landed on the ground too at pinagpag ko iyon habang nililingon ang paligid kung may nagroronda ba na guard.
The surrounding was clear so I walked towards the building kung saan nila napagpasyahang mag-inuman. Uh, I really don't like the sound of it. Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko at panay ang text nila na ako na lamang ang kulang. Malapit na ako sa building nang mahagip ko ang dalawang pigura nasa dilim. Sinalakay ako ng kaba! What if it's the Genesis at gaya ng Athena ay tuluyan na pala nilang pinasok ang Bridle at nagkuta pa sa loob?! No! This can't be happening!
Nagkubli ako sa gilid ng building at hinintay ang dalawang pigura na lumabas sa dilim. They looked like they were also sneaking out kaya dumagdag iyon sa kabang nararamdaman ko. Nang medyo naaninag ko sila ay napangiwi ako.
It was a couple- they probably sneak out to have a date. Geez. Nagtungo sila sa kabilang direksyon ng paroroonan ko. Their back is facing me kaya tinitigan ko ang mga likod nila kung makikilala ko ba sila but I failed. Ang napansin ko lang ay matangkad ang lalaking naka-baseball cap at itim na T-shirt. Nakaakbay siya sa kasama niyang babae na mahaba ang buhok at nakasuot ng pink na damit. Nakapulupot sa beywang ng lalaki ang braso ng babae at unti-unting binaba niya ang kamay at pinisil ang pwet ng lalaki! What the hell?!
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ng babae! Napansin kong napaigtad ang lalaki dahil sa ginawa ng babae sa kanya. His head tilted towards the girl's ear and it looked like he whispered something. Hindi nagkakalayo ang height nilang dalawa. What the hell did he whisper? And why am I thinking something lewd here?!
Ipinilig ko ang ulo at tumalikod na. Bahala sila kung anong gusto nilang gawin. I was about to leave nang makita ko ang isang babae. Nakakuyom ang kamao nito habang nakatingin sa dalawang pigura na papalayo. Her long hair dangles down on her shoulders and some strands were covering her face. Ang dilim ng paligid ay nagdagdag pa sa kakaibang aura na meron siya ngayon. Eh? So what's this? A love triangle?
Sinundan ng babae ang dalawa but she maintained a considerable distance. Muli ay napangiwi ako but this time, it's for myself. Why do I have time to care for their affairs? Tumalikod na lamang ako at tumuloy sa rooftop ng building.
Pagdating ko roon ay naroon na silang tatlo. May malaking mesa roon, probably from the side kung saan may ilang nakatambak na mesa at mga old monobloc chairs na magagamit pa rin naman. I glanced at the table kung saan naroon ang tequila, asin at naka-slice na lemon. Naroon din ang mga junkfood at iba pang mga pagkain.
"Ang tagal mo naman, Bestie," salubong sa akin ni Jeremy. Really? Do I have to remind him na hindi naman talaga ako sang-ayon dito?
I shrugged my shoulders at lumapit sa railings upang tanawin ang ibaba. Limang palapag ang building kung nasaan kami. Tanging ang buwan at mga bituin ang nagsilbing tanglaw namin ngayong gabi. Ang ilaw lang din sa entrance ng Bridle at guard house ang nakabukas.
Sinulyapan ko ang inuming nasa mesa. "We'll be dead if the guards find out."
"But alive if they won't." Kinuha ni Math ang isang bottled water na nangangalahati pa lamang ang laman. "The night's still young, how about playing truth or dare? Kapag ayaw mong gawin ang dare mo, you will strip-"
"Pass!" Magkapanabay naming wika ni Gray. Napatingin siya sa akin. Alam kong parehas kami ng iniisip. The last time we played Dare Game na may consequence na paghuhubad ay hindi maganda ang nangyari. Kung iisa-isahin ang mga nangyari, I witnessed Artemis killed someone, gumulong lang naman ako sa elevated area pababa na T-shirt at pantyshorts lang ang suot, halos mamatay sa takot nang makita sina Apollo at Zeus na hindi ko pa kilala dati at labis kong kinatatakutan plus the fact that Ryu aka Apollo thought I was popping around the area that's why I don't have my pants with me. See? That game does no good.
Binalewala ni Math ang sinabi namin. "That game is fun."
"Mukhang masaya nga 'yan," Je said. He doesn't know that we played this game before with Marion dahil no'ng mga panahong iyon ay nerd pa ang pormahan niya. I think at the camp, noong naglalaro kami ay mahimbing siyang natutulog sa tent niya o 'di kaya ay abala siya sa kaka-toothbrush ng naka-braces niyang mga ngipin o kaya ay sa kakahati ng buhok niya.
"Puns, Amber have bad memories with that game. Let's play something else," wika ni Gray. "We played that game with Marion before."
"Talaga?!"
Biglang sumingit si Math. "Wait, I'm lost. Who's Marion again?"
Si Jeremy ang sumagot. "She's our classmate before. A transferee. Super ang first name niya."
"Super?"
"Yup, Super Marion HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Jeremy started laughing like crazy. Uh, it's not even funny. Not even a little.
"Jeremy!" Mahinang hinampas siya ni Math sa braso kaya napatigil siya sa pagtawa. "Hinaan mo 'yang boses mo dahil baka marinig tayo rito."
"Sorry. Pero seryoso, kaklase namin si Marion dati, yung sa party na pula ang buhok? Transferee. Mayaman, maganda at higit sa lahat..."
"Higit sa lahat?" Math asked, annoyed by how Jeremy cut his statement.
"At higit sa lahat baliw. Baliw kay Gray. Transferees are crazy- ops." Sinulyapan niya si Math nang sinabi niyang transferee.
"I'm a transferee!" Gray said.
"Crazy ka rin," wika ni Je sa kanya. "Iba na lang laruin natin, Maya, kung ayaw ni Bestie sa laro na 'yan."
"Fine, still truth or dare but the dare must be done by pairs," suhestiyon ni Math. Nagulat na lang ako nang kumapit si Je sa isang braso ko samantalang sa kabila naman si Gray.
"Partner kami ni Bestie."
"Partner kami Amber."
I scowled at the two nang sabay silang magsalita. Math frowned at hindi ko alam kung ako ba ang sinimangutan niya o kaya ay si Gray o Jeremy.
"Puns, back off. Mas nauna akong kumapit kay Amber." Eh?
"Anong mas nauna? All this time nakahawak lang ako kay Bestie kaya ikaw ang magback off, Abo." It was a lie. Hindi nakahawak si Jeremy sa akin kanina, in fact ay halos sabay lang din sila ni Gray.
Bigla na lamang hinila ni Math si Jeremy patungo sa direksyon niya. "Let's start!"
Jeremy groaned pero hindi na promotesta pa. Pumwesto kami sa sahig at doon naglaro. The first spin pointed on Jeremy at truth ang pinili niya.
"Okay, ako ang magtatanong," wika ni Math. "Kailan ang recent kiss mo?"
"May mas mahirap pa ba sa tanong na 'yan?"
"Just answer it."
Jeremy hesitated for a while at habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasang maisip si Victoria.
"E 'di recently. Recent kiss nga, 'di ba? Basic!"
Nahampas siya ni Math sa braso. "Umayos ka nga!"
"Fine! Kanina lang," he said with a sigh.
"What? Sino?"
Wait, why do Math sound like she's gone overboard with that reaction? So what if Jeremy kissed someone?
"Yung lamok! Kanina pa kinakagat ang lips ko!"
Nalaglag ang balikat ni Math. "Wala ka talagang kwentang kausap!"
We continued playing and we did a lot of dares by pair. Good thing Math isn't as crazy as Marion in giving dares!
Habang naglalaro kami ay napalingon ako sa rooftop ng kabilang building. I swear I saw some shadows moving there. Napatayo ako at tiningnan iyon ng mabuti.
"Bestie? Anong meron?"
"I think I saw some people there," sagot ko. Napatayo na rin sila at tiningnan ang kabilang building ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na namin makita ang mga anino. Uh, am I just seeing things?
"Wala naman ah," Math said. "Magpatuloy na nga tayo." She spin the bottle at tumapat iyon kay Gray. Sa halip na sumagot ay napatayo si Gray at lumapit sa railings at sinipat ang kabilang building. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin doon.
"Gray, anong problema?"
Biglang sumeryoso ang anyo niya. "Sa tingin ko ay tama si Amber. There were really people on the other rooftop."
Nanatili kaming nakatingin doon ng mahigit limang minuto ngunit hindi na namin nakita pa ang mga pigura ng tao roon. Bigla na lamang kumapit si Jeremy sa braso ko.
"Ano ba! 'Wag nga kayong manakot!"
"But I think I really saw someone there!" wika ko.
"I think you're seeing things, Amber." Math walked back to the floor where we sat and play. "Maglaro na nga tayo."
For a moment, I can't help but throw her dark glares. Bakit tila sinasabi niyang kung anu-ano na lamang ang nakikita ko? Sigurado ako sa nakita ko! Even Gray saw it!
Nanatili kami ni Gray doon ng ilang sandali pero muli ay hindi namin nakita ang pigura. Bumalik na lamang kami sa pwesto at nagpatuloy sa paglalaro ngunit muli kaming napatayo nang mapansin ang ilaw na nagmumula sa cellphone.
Then two figures came out. One was wearing a pink shirt samantalang nakasuot naman ng yellow ang isa. Natatanaw namin sila sa tulong ng liwanag ng buwan. Why do they seem familiar?
Then it hit me. The one in pink shirt was the girl na kasama ng lalaki na nakita ko kanina samantalang ang isa naman ay ang babaeng nakakuyom ang mga kamao na nakatingin sa kanila.
"Nakita ko sila kanina nang papunta ako rito. I have a bad feeling about them," wika ko habang pilit na inaayos ang paningin sa kanila. Nakita na rin sila nina Math at Jeremy. See? I wasn't seeing things!
Napatutop na lamang kami sa bibig namin nang bigla na lamang tinulak ng babaeng naka-yellow ang babaeng naka-pink!
"Shit!" I heard Gray mumbled a curse at agad na tumakbo sa entrance. Sumunod kami sa kanya at bumaba ng building.
I can't help but feel angry. See? Sabi ko na nga ba hindi maganda ang maidudulot ng paglabas namin ngayong gabi! We're supposed to be enjoying the night for Gray's post birthday celebration ngunit ngayon ay ganito pa ang nangyari.
Wala na kaming pakialam kung maingay ang mga hakbang namin pababa. Agad naming tinungo ang lugar kung saan bumagsak ang babae but to our surprise, walang nakabulagtang katawan doon.
"What the hell?" bulalas ko habang nakatingin sa paligid. Gulat na gulat din sina Math nang walang makitang katawan sa paligid.
"Jeremy, sabihin mo nga sa akin, nakainom na ba tayo?" She asked with her eyes wide open in surprise."I swear I saw someone fell from above."
Si Gray ang sumagot kay Math. He kneeled with one knee at may sinuri sa semento. "Nope, we haven't drink yet and I think what we saw is what it really is." He touched his pointer finger on the ground at nang itinaas niya iyon ay may pulang likido. "Blood." Saka lang namin napansin ang dugo na naroon dahil madilim ang paligid.
His serious face trailed somewhere on the ground at saka ko lamang napansin ang ilang patak ng dugo na naroon. The trail of blood was heading towards the building. Tumayo si Gray at sinundan ang mga patak ng dugo. "Whoever's blood is this, malamang ay may kumarga sa kanya at pinasok siya sa loob ng building." He looked up on the top of the building. "It's hard to survive on this rise."
Napansin ko ang paninigas ni Jeremy sa kanyang kinatatayuan. "Je? Ayos ka lang ba?"
"It's my idea to sneak out tonight ngunit ngayon ay ganito ang nangyari. We're suppose to enjoy the night ngunit ito ang nangyari? We witnessed a murder! Kasalanan ko 'to!"
Pareho kaming nagulat nang binatukan siya ni Math. "Tanga ka ba? Bakit mo naman kasalanan? Ikaw ba ang nanulak?"
"Pero-"
Pinutol ni Gray ang sasabihin niya. "Fix yourself, Puns. It's not your fault."
Math smiled. The smile that she always gives kapag may kaso kaming kinakaharap. "Let's just say that Detective Triumvirate Plus One needs to work now."
Sumunod siya kay Gray na pumasok sa loob ng building kung saan may mga patak ng dugo. Hinila ko naman si Jeremy na hanggang ngayon ay nanigas pa rin sa kinatatayuan niya.
"We ran down after seeing the victim fell. Sigurado akong nasa loob pa ng building ang salarin," wika ni Gray habang tinatanglawan ang daan gamit ang kanyang cellphone.
"But the body? The body is missing!"
Tama si Math! Bakit nawawala ang katawan? Sino ang- napatigil ako nang maalalang may kasamang lalaki ang babaeng naka-pink kanina.
"May kasamang lalaki ang babae kanina," wika ko na nagpatigil kay Gray.
"Then maybe that guy is an accomplice! Siya marahil ang nagligpit sa katawan. Let's go! Sigurado akong nandito pa sila!"
Mas lalo naman akong naguluhan. "Who's the one who fell?"
"Ang babaeng naka-suot ng pink."
"But she's the one with the guy samantalang ang babaeng nakasuot ng yellow naman ang nakita kong sumusunod sa kanila!"
Now it's getting complicated. Hindi kaya pinagplanuhan na talaga ito ng lalaki at ng babaeng naka-yellow? What if the guy deliberately led the girl in pink here upang patayin ng babaeng naka-yellow? The thought brings shiver down to my spine. Agad kaming tumakbo paakyat sa rooftop at nagulat kami nang makitang nakahandusay roon ang katawan ng babaeng naka-pink! Tama nga ang hinala namin! Someone carried her up here.
But what surprised us is the other bloody body of the girl in yellow. Nakahandusay ito sa tabi ng babaeng naka-pink! Shit does this mean the guy killed the two?!
Muling napamura si Gray at lumapit sa katawan ng babaeng naka-yellow. May nakasaksak na kutsilyo sa dibdib nito. "Damn, we had a killer on the loose." Gray touched the girl's pulse. "Buhay pa siya."
Lumapit naman ako sa babaeng naka-pink at hinawakan ang pulso nito. I know it's hard to survive dahil masyadong mataas ang building ngunit pinulsuhan ko pa rin ito.
Napakunot ang noo ko nang pinulsuhan ko ito. She's still alive!
"Peekaboo!"
Muntikan na akong mapatalon nang magsalita ang babae. Napasigaw na lamang ako nang bigla ring sinuntok ng babaeng naka-yellow sa mukha si Gray.
"What the hell?" He exclaimed as he watch the girl in yellow stood up at tinanggal ang buhok! What the?! It's a wig?
"ALONZO?"
"KHAEL?"
Napasulyap naman ako sa babaeng naka-pink na ngayon ay nakangisi sa akin. I gritted my teeth as I pulled her bloody hair at nakita ko ang mukha ni Cooler.
"What the hell?" How many times did I say what the hell just this night? Uh, I think I lost count. Kung gayon ay ang lalaki kanina ay si...
"Surprised, witch?"
Napasimangot ako nang makita ang naka-smirk na mukha ni Ryu. Sabay naman na sumigaw ng "surprise" sina Math at Jeremy. What?! So this is the surprise? I thought I was part of planning it for Gray?
"Sa dami ng nangyari ay hindi niyo na-enjoy ang mga birthday ninyo so here! We planned to give you this mystery-inspired surprise," nakangiting wika ni Jeremy sa amin.
Gray really looked surprise and until now he's still in awe. "Pinlano niyong gumawa ng murder case?" He asked in his calm voice.
"Yep, we know you two are deduction maniacs kaya ito ang naisip naming concept," sagot ni Math.
Tahimik na napatango naman si Gray na tila saka pa lamang nag-sink in sa utak niya ang surpresa nila para sa amin.
Napansin ni Khael ang saglit na pananahimik ni Gray. "Hey Silvan..."
"Gray..."
Tila nag-aalangang lumapit sa kanya si Jeremy. "H-hindi mo ba nagustuhan ang surpresa namin?"
"Do you know how my heart beats fast kapag may nangyayaring ganito? Murder is something that I don't want to happen. Sari-sari ang emosyon ko kapag may kinakaharap akong kaso. I was thrilled and worried at the same time..."
"Silvan..."
Galit ba si Gray dahil sa surpresa nila? Well, kung sabagay. I'm a little mad, too. We were worried. Death and murders are the last thing we need to witness.
"Have we gone overboard with our surprise?"
He looked straight at Jeremy and the latter swallowed alot. "Overboard?"
Napansin ko ang pananahimik nilang lahat. Cooler and Khael looked concerned, Math and Jeremy looked scared samantalang tila walang pakialam naman si Ryu.
"G-gray..." Nanginginig ang mga kamay ni Jeremy. He prepared himself for Gray's outburst. "I-it's my fault. Ako ang nakaisip nito. Kinuntsaba ko sina Math at Khael. And Math called the other two. Kahit si Bestie, hindi niya alam na kasali siya-"
Bigla na lamang siyang hinila ni Gray. "Puns!"
We all looked worried about what he might do with him ngunit nagulat na lamang kami nang bigla niyang niyakap si Jeremy.
"Puns! This is the best birthday surprise ever!"
Tila nakahinga naman kaming lahat. We really thought Gray's mad dahil pinaglaruan nila kami. They made us worried to a great extent!
"Belated happy birthday sa inyong dalawa!" wika ni Cooler and then he hugged me.
Sabay namang napatikhim sina Gray at Khael. Tinanggal ko ang braso niya na nakapulupot sa akin ngunit bigla na lang siyang napadaing nang hawakan ko ang braso niya.
"Ah-ah! Masakit!" reklamo ni Cooler. Eh? Ang OA niya, hindi naman malakas ang pagkakahawak ko sa kanya.
"'Wag kang OA, Cooler."
"My bones cracked!" Tila batang sumbong niya.
"What happened?" Tanong sa kanya ni Gray.
Cooler made a face and pouted his lips. "Bakit hindi mo itanong diyan sa pinsan mo?"
We all turned to Ryu who confidently stood there with a smirk on his face. "I've warned you, right? Kapag inulit mo pa ang pagpisil sa pwet ko ay habangbuhay ka nang magiging baldado."
I laughed on the thought! So that's what happened nang nakita kong pinisil ng naka-pink ang pwet ng lalaki which turned out to be Cooler and the guy was Ryu.
Bumalik kaming lahat sa kabilang building. Cooler brought a lot of food for us at napagpasyahan naman nilang mag-inuman.
Yup, sila lang. They prohibited Math and me from tasting alcohol.
"Yaks, don't tell me magba-body shots tayo?" Nanlalaki ang mga mata na wika ni Jeremy.
"Says who? Kadiri ka, Dude," Khael replied habang binubuksan ang inumin.
We all sat on the table at nag-umpisa silang mag-inuman. We keep our voices low upang hindi kami marinig ng guard.
"Thank you for pulling this surprise for me and Amber," wika ni Gray.
"Jeremy said that this is his post birthday gift for the two of you," nakangiting sagot ni Khael. "How do you like my acting, Special A?"
"Isa lang ang masasabi ko. Nice skirt!" I gave him a lopsided smile at tiningnan ang kabuoan niya.
They all looked at Khael. Suot pa rin niya ang yellow na T-shirt na may dugo at kutsilyo sa dibdib. The shirt is paired with a miniskirt. Natawa si Cooler sa sinabi ko, palibhasa ay nakabihis na ito.
"Pero sunud-sunod ang birthday nating tatlo, what did Jeremy give you?" tanong ko sa kanya.
Si Jeremy ang sumagot sa tanong ko. "He said he doesn't need any gift dahil natanggap na niya ang pinakamagandang regalo galing sa 'yo, Bestie."
Napatigil ang tangka kong pagsubo ng cake. Bigla rin akong napaubo nang sabay nilang tinanong si Khael.
"Anong binigay ni Amber sa 'yo?"
I almost choke when Khael gave them a meaningful look. "Secret!"
Uh, I just hope Khael will not spill the beans or else ay madadagdagan ang mga pasa niyang hindi pa naghihilom na bigay sa kanya ng mga bad breath na minion ni Lowie.
#
A/N:
Hello everyone! I know you all want File 4 but sad to say, hanggang doon na lang talaga yun. Haha! This is all I can give as a gift for DF avid readers. DFU contains scenes that weren't disclosed in File 1-3 but of the same timeline.
This is for everyone who supported DF 'till the end! Credits to Mamabear believebhem for the book cover! Happy Reading!
-ShinichiLaaaabs❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro