CHAPTER 51: REFUGE
Chapter 51: Refuge
It was like watching everything torn down into pieces. Lahat ng alaala, mabuti man o masama ay tila naglahong lahat sa isipan ko. It was a battle— with me against everyone. Lahat na lamang sila ay hindi naniniwala sa akin. Everyone has turned their back on me. They refused to trust me and believed on what they wanted to believe. Hindi ko inaasahang lahat ng bagay ay mangyayari sa paraang gusto ko but I didn't expect it to turn this way either.
Sinubukan kong kurutin ang sarili ko at nang magising ako kung sakaling isang panaginip lamang ang lahat. I didn't even feel the pain of pinching myself ngunit nagkapasa na ako sa kakakurut ko sa sarili ko ay nasa ganitong sitwasyon pa rin ako. Mag-isa at naglalakad sa gitna ng daan. My tears continue to flow but it was all washed away by the rain. Kung maari lang... Kung maari lang sana na hugasan na lamang din ng ulan ang lahat ng hinanakit ko...
Unlike my tears, the pain despite being washed by the rain still remains. Kahit gaano pa kalakas ang ulan ay hindi nito kayang alisin ang lahat ng sakit sa damdamin ko. I want to keep myself strong kahit alam kong mag-isa na lamang ako but I really need someone. Someone who will believe me. Someone who trust me.
Muli akong napabuntong hininga at tiningnan ang isang tila abandonadong apartment. I've been there ngunit estranghero pa rin ako sa lugar na iyon. Unti-unti ko nang naramdaman ang lamig na dulot ng ulan kaya minabuti kong isilong ang sarili ko. I took the liberty to welcome myself in that old apartment. I didn't take the door but I took the other way. I tried lifting the manhole and luckily it was open. Madilim ang tila maliit na tunnel but it leads towards a door na bahagyang nakabukas. I welcome myself inside at inilibot ang paningin sa loob ngunit wala ang taong inaasahan ko na nandoon.
Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Maybe it was an effect of all I've been through at ang paglalakad sa ilalim ng ulan. The floor was wet because of the water that was dripping from my wet clothes. If the hostess of this humble abode would be back, she would know that a lost soaking soul have been here. Sa ngayon ay hindi ko muna iisipin ang magiging reaksyon ng may-ari ng bahay. I spotted the huge bed and didn't fight the urge to lay my body there hanggang sa tuluyan akong nawalan ng ulirat.
I wasn't feeling well ngunit ito na yata ang isa sa pinakakomportableng pagtulog ko. There was a throbbing pain in my head ngunit tila may naaamoy din akong mabango and that scent was enough to make me open my eyes.
Paggising ko ay isang magandang kulot na babae ang natanawan ko. She was holding a tray na may mangkok na umuusok pa ang laman.
"Gising ka na pala," wika niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o di kaya ay galit dahil walang kahit anong emosyon ang mukha niya. She put the tray on the table near the bed. "Kainin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot."
"Gamot?" Bakit ako iinom ng gamot?
She must have read my questioning look kaya kinuha niya ang isang thermometer mula sa kilikili ko at inihagis iyon sa akin. I flinched in surprise and scowled when I almost didn't catch it. Nang sinipat ko iyon, it says that my temperature was 42°C. What?!
"Gumagawa ka ba ng music video para sa kanta ng Aegis na Basang-basa sa ulan?" I frowned at her joke. I know it was a joke but it doesn't sound funny at all. Bigla ko na lamang naalala na basang-basa pala ang damit ko! I looked at my body under the blanket and —
"W-who changed my clothes?!"
She rolled her eyes at me. "Wala akong panahon na papuntahin pa dito si Gray upang—"
"Don't ever mention his name!" Bahagya siyang nagulat dahil sa reaksyon ko and I felt guilty somehow. Napayuko ako at agad na humingi ng paumanhin sa kanya.
"S-sorry... Y-your joke is somewhat green." God, sa tingin ba niya nakakatuwang joke na si Gray ang magbibihis sa akin?
"Hindi ako nagbibiro. Kung hindi lang malalim ang gabi, pinapunta ko na siya dito upang bihisan ka at iuwi."
"You're the worse!"
"Alam kong magiging big deal sa iyo na bihisan ka. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita kinunan ng litrato na nakahubad—"
"Argh! What the hell?!" Kahit na masama ang pakiramdam ko ay hindi ako magdadalawang-isip na makipagbuno sa kanya kung sakaling kumuha talaga siya ng litrato ko!
"Sa lahat ng may sakit, ikaw lamang ang tila handang sumalakay kahit na nanghihina." She pointed at the food on the side. May mainit na sabaw doon at mga gamot. "Kainin at inumin mo na iyan at nang makaalis ka na."
It was sweet of her to prepare food and medicine for me. "Kapag hindi ko ba iyan kakainin at iinumin, maari ba akong manatili muna dito?"
She opened her mouth to say something but no words come out from his mouth. She made a face at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa pagkain. Looks like she didn't like what I just say.
"I can pay for rent at—"
"Bakit dito?"
Bakit nga ba si Victoria ang tinakbuhan ko? We're not friends, not even close to that. Sa katunayan ay kalaban siya. She's a thief and thieves are not my friends.
"Hindi mo na kailangang sagutin ang tanong ko," wika niya. "At hindi ka rin maaring manatili dito."
"Bakit naman?"
"Dahil sinabi ko. Bilisan mo nang kumain dahil—" Hindi ko na narinig pa ang iba pa niyang sinabi dahil muli akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"Amber!" She pulled the soft blanket away from me but I held tightly. Dahil nakahiga ako ay nahirapan ako kaya nahila iyon ni Victoria mula sa katawan ko. Bago pa man niya tuluyang makuha ang kumot ay muli akong naupo at hinila ang kumot mula sa kanya. We look stupid while pulling the blanket like we're playing tug-of-war out of it.
"Hindi ka pwede dito! Lahat ng gamit dito ay mula sa nakaw o di naman ay binili gamit ang pera na galing sa pagnanakaw!"
"For a thief, you are so honest!" I did my best to pull back the blanket. "Wala akong pakialam! It's not me who stole them anyway!"
"Magnanakaw ako pero hindi sinungaling!" she hissed. She successfully pulled the blanket away from my body and then she reached for my foot and pulled me out of the bed ngunit nauna na akong kumapit sa headboard ng kama.
"Umalis ka diyan!"
"Ayaw!"
"Alis sabi eh!"
Bigla na lamang akong nakaisip ng ideya. "Aaaaah! My head hurts!" I tried all my best to look real at hindi ko naman kailangang mag-effort masyado dahil totoong masakit naman talaga ang ulo ko.
"Alam ko kung nagsisinungaling ang isang tao at kung totoo mang masakit ang ulo mo, wala na akong pakialam!" She continued pulling my foot but I held tightly. Ilang segundo din kaming naghilahan at tila walang ni isa man sa amin ang nais na sumuko. After a while, Victoria was the first one to give up on pulling my foot.
"No! I will stay here!" My voice was firm at naiinis na binitawan ni Victoria ang paa ko at padabog na ibinagsak iyon sa kama.
"Uhhhh!" she groaned in frustration. "Ngayong gabi lang!"
"No. For days or even weeks." Her approval made me somehow strong. Napangiti ako at inabot ang pagkaing inihanda niya. The soup seems delicious.
"Weeks? Nababaliw ka na ba? Malayo-layo ito sa paaralang pinapasukan mo kaya mahuhuli ka kung dito ka mananatili! Paano na ang dorm—"
"I'm not going to school anymore." I tasted the soup at gaya ng inaasahan ay masarap nga iyon.
"Ano? Pati ba laman ng utak mo ay nabasa ng ulan?" gulat na wika niya. Hindi ko siya pinansin at maganang kumain na lamang. "Hindi ako papayag!"
"Magbabayad ako kaya wag kang mag-alala. Just don't make it so expensive dahil ulila na akong lubos at kailangan kong magtipid sa ngayon hangga't hindi ko nakukuha ang mana ko."
I saw her slapped her own forehead out of frustration. "Hindi ba pwedeng maghotel ka na lang? At bakit ba hindi ka na papasok? Malapit na ang bakasyon, ngayon ka pa ba titigil?"
"I don't know that you're concerned about my future. At ayaw ko sa hotel, like I said I want to stay here." Napadighay ako matapos humigop ng sabaw. "Excuse me."
She raised her brow at nakapameywang na hinarap ako, watching every move of my spoon and fork. "Nasaan ba ang mga kaibigan mo? Si Calvin at yung— kasama ninyong alien?"
Hindi ko mapigilang malungkot nang maalala sila. They are the main reason why I was here in the first place. It took weeks or us to become this close and months to build the trust but it only took a mere suspicion to ruin our friendship. Real friends should look at you with no judgment in their eyes but... Naramdaman ko na naman ang panunubig ng mga mata ko. Inilapag ko ang mangkok na may sabaw at kinuha ang mga gamot at ininom iyon.
"Ah. Ibig sabihin ay nag-away kayo," she commented. I glared at her at piniling manahimik.
"Nag-away nga," wika niya sa sarili. "Hindi ka pwede rito."
"Argh! Hindi pa ba tayo tapos diyan? I thought we already agreed?!"
"Asa ka! Hindi ka pwede dito okay? Hindi ito hotel o apartment, bahay ito ng magnanakaw. At kung mananatili ka dito, hindi ka ba natatakot na baka patayin kita?"
I rolled my eyes at her. "You're a thief, not a killer."
"Hindi mo ako kilala", she said in a firm voice. "Mabuti pa maghanap ka na lamang ng ibang matutuluyan."
"I want to stay here," I insisted. I am using my "what Amber wants, Amber gets" voice. "Tsaka bakit ba ang arte-arte mo? Wala ka namang kasama dito!"
"Gusto kong mag-isa!"
"M-malungkot mag-isa." Yep, that is one of a reason why I was here. Malungkot mag-isa at sa ngayon, ito pa ang naiisip kong paraan upang punan ang kalungkutang iyon.
"Hindi ako malungkot."
"Fool yourself."
She stared at me for a minute or two na para bang binabasa ako. "Sabihin mo nga sa akin, anong nangyari?"
"Magnanakaw ka, hindi ka chismosa," wika ko at muling nahiga sa kama. I pulled the blanket up to my neck. I can hear her calming sigh bago siya muling nagsalita.
"Kung dito ka matutulog, wag ka diyan sa kama ko!"
"You will dare to let a sick person sleep on the couch?!"
"Argh! Alam mo bang nangangati na ang kamay kong takpan yang mukha mo ng unan?!"
"Magnanakaw ka, hindi ka pillow murderer," I replied and closed my eyes and turned to the side.
I heard her roar of frustration bago padabog na tinungo ang banyo. I was left lying on the bed. Kapag ganitong pagkakataon ay hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga nangyari. Despite everything that bothered me, I was able to sleep all the thoughts away.
***
I woke up feeling better the next day. Wala na roon si Victoria nang magising ako ngunit may nakahanda na pagkain sa mesa. Wow, she was so against of the idea of me staying here yet she prepared food for me. Mas gumaan ang pakiramdam ko kaysa kahapon. Hindi ko binuksan ang cellphone ko at sigurado akong puno na iyon ng mga nag-aalalang mensahe mula kina Andi at Rese.
Nagsimula akong kumain at inabala ang sarili ko. Victoria's shelter was cozy yet clean. Puno iyon ng mga magagandang painting at kung anu-ano pang mga mamahaling bagay. Sa katunayan ay nagmukha iyong mini-museum. Buong araw na hindi umuwi si Victoria at maging sa pagsapit ng gabi ay hindi pa rin ito umuuwi.
Halos maghahatinggabi na nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Victoria. Inilapag niya ang dalang backpack at naupo sa sofa. She almost leaped in surprise nang makita akong nakatingin sa kanya.
"Ayy kabayo ka!" Napahawak siya sa kanyang dibdib at masamang tiningnan ako. "Bakit ka ba nanggugulat?!"
"Am not. Nakaupo lang ako dito." Geez, why don't she just admit that she forget that she had a new housemate? "Saan ka galing?"
"Nag-aral."
"Nag-aaral ka?!"
"Kagulat-gulat ba?" Bahagya siyang napasimangot at tumingin sa ibang direksyon.
"H-hindi n-naman." Okay I admit, hindi iyon ang iniisip kong nilakad niya buong araw. I thought she'd gone stealing all day... Err, that's a stupid idea ngunit iyon talaga ang iniisip ko.
"Saan ka nag-aaral? Anong taon ka na?"
"Taon? Kailangan pa ba yun?" She looked at me with a puzzled expression in her face.
"Akala ko ba nag-aaral ka, edi ibig sabihin—"
"Hindi gaya ng pag-aaral na iniisip mo. Hindi ko kailangan iyan." She looked away and removed shoes in her feet.
"You need education."
"Walang yumaman sa pag-aaral. Mas mabuti pa ang magnakaw."
Natampal ko ang sariling noo dahil sa sinabi niya. God, anong klaseng logic ang meron siya?! "Darating ang panahon na mahuhuli ka ng mga pulis. If I were you, I will invest into education. Kung ayaw mong pumasok sa eskwelahan, hire a private tutor. Or if you want, I can give free tutorials sa abot ng aking makakaya."
"Edi tatakas ako. Basta ayaw kong mag-aral— ay sandali. May matutulong ka sa akin. Kailangan ko ang sinasabi mong free tutorials."
Great! This is just what I need! Something to kill my boredom. Kailangan kong abalahin ang sarili ko at nang hindi ko madalas na maalala ang lahat. Unworthy friends— I mean ex-friends, doubtful people and everything. I know I cannot escape reality ngunit sa ngayon ay kailangan kong takasan iyon kahit na sandali lamang.
"Anong gusto mong ituro ko sayo? English? Science? M-math." Meh, saying the word makes me sad. "Mathematics?"
"Law."
My shoulder dropped when she said law. Anong alam ko sa batas? "Nakakalimutan mo bang high school pa lamang ako? Kung may alam man akong batas— those were basics!"
Kinuha niya ang backpack at naglabas ng dalawang makapal na libro doon. Law books. "Hindi naman kailangang lahat. Mga basic lamang. Pwede ko namang basahin iyan ngunit dudugo ang ilong ko dahil sa lahat ng ingles diyan. Kailangan mo yang basahin at ipaliwanag mo sa akin."
I scanned the books for a while at agad na isinara ang mga iyon. "Wait, you're up for something with these books. What will you do?"
"Hindi mo na kailangang malaman. Turuan mo lang ako."
"I'm not teaching you if you will not tell me." Nagpahalukipkip ako at hinintay ang sagot niya nang biglang may pumasok sa isipan ko. "I knew it! Magkukunwari kang abogado para sa susunod mong nanakawan! No way! Baka maging accessory to the crime pa ako!"
Mukhang tama nga ang hinala ko dahil hindi siya nagsalita. She just glared at me bago kinuha ang mga libro at naupo sa study table. She started reading the books silently at panay din ang pagha-highlight na ginagawa niya. Watching her study was so boring hanggang sa muli akong nakatulog.
When I woke up the next day ay nakaalis na si Victoria. I was back to my routine yesterday. Eating, sleeping and staring at all the items in her home. Stolen items. Nagpasya akong bumalik ng Bridle upang kunin ang ilan sa mga importanteng gamit ko. I used Victoria's spare clothes and sneak my way into Bridle.
Dahil class hours, iilan lamang ang nasa dorm. Hindi rin nagroronda ang houseparent kaya malaya akong nakapasok papunta sa silid naman. I started packing some clothes and important things nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag at mga boses. I quickly hid myself inside my locker at sakto namang bumukas ang pinto.
"Miss President, hindi kami nagsisinungaling sa'yo. Hindi talaga umuuwi si Amber. Nag-aalala na rin kami sa kanya," wika ng boses ni Andi.
"Kahit na hanapin mo pa siya sa loob," I heard Therese said. "Ano ba kasi ang nangyari?"
"We had some misunderstanding," wika naman ng boses ni Math. "Kung sakaling umuwi man siya, tell her she have to speak to us. Salamat sa inyo, mauna na ako."
Nakarinig ako ng mga papalayong yabag at pagsara ng pinto.
"Nag-aalala na talaga ako kay Amber," Andi said. Her voice was so near. Marahil nasa malapit lamang siya, her locker which was beside mine.
"It must be a big misunderstanding," komento ni Therese. "Kilala natin si Amber. She will not disappear like this kung sakaling hindi man malaking bagay sa kanya ang hindi pagkakaintindihan nila."
"Exactly. Sa tingin ko nga ay hindi lamang iyon basta-basta. She even missed her class at hindi tayo kinontak. Alam niyang mag-aalala tayo sa kanya ngunit hindi man lamang siya nagtext o tumawag kung ayos lang ba siya." I can hear sadness in their voices at hindi ko maiwasang maguilty.
They're right. If I am into something, sila ang unang mag-aalala sa akin. Minsan nga ay hindi sila nakakatulog dahil sa sobrang pag-aalala. If I would be deleting friends, they are the ones who will remain.
"Hindi ko pa rin gusto si Math," Andi said. "Looks like something is on her sleeve."
"Sang-ayon ako sa'yo. Nagkagulo ang lahat nang dumating siya. It's either she's part of it or she's the jinx."
Tumawa silang dalawa. I'm glad to know na hindi lang pala si Victoria ang nakakaintindi sa nararamdaman ko towards Math, my roommates too. I heard a locker being closed.
"Tayo na Rese. Let's try calling Amber again later. My klase pa tayo."
Nang makalabas sila ay saka lang din ako lumabas sa pinagtataguan ko. Knowing that my roommates are worried about me, I cannot help but felt guilty. Maybe I will call them later and tell them that I'm fine. Agad kong tinapos ang ginagawa at nagmadaling lumabas ng Bridle.
#
—ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro