Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 3)

Chapter 49: One Murder, Four Killers (Part 3)

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito at mukhang hindi ito nagbibiro sa kanyang sinasabi. I lead her to the nearest bench. Pakiramdam ko kasi ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang sinabi niyang siya ang pumatay sa guard.

"Look, what's your name?"

"Rochelle. Rochelle Madrigal," sagot niya.

"Look Rochelle, alam mo ba ang ginagawa mo? You are admitting to a murder. Murder. That is a criminal case", wika ko sa kanya. She said it like she's saying ABC. Kahit na umiiyak siya ay napakadali pa rin sa kanya na aminin iyon.

"Alam ko... That's why I turned myself in. Hindi kaya ng konsensya ko ang ginawa ko kaya kailangan kong aminin ang kasalanan ko."

"Rochelle, if you really did it, bakit sa akin mo sinasabi? I mean, bakit hindi sa mga pulis?"

She took a deep sigh and wiped her tears. "Dahil natatakot ako. Natatakot ako na ikulong nila ako agad. Sa iyo ako lumapit dahil alam kong matutulungan mo ako."

Hindi ko maiwasang mapataas ang isang kilay. "Matutulungan? Saan?"

"Kaibigan mo ang mga pulis, diba? Maybe you can convince them to mitigate-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "I can't do anything like that. Pero kung totoo nga na ikaw ang pumatay sa guard, tell me what happened."

Rochelle could be lying or telling the truth. Pero kung nagsisinungaling siya, bakit naman niya gagawin iyon? Confessing to a murder is something serious at hindi naman siguro ito isang practical joke.

"I... was having a severe headache last night", panimula ni Rochelle at pilit na inalala ang mga nangyari. "Napakasakit ng ulo ko kaya nagpasya akong maglibot-libot sa Bridle. Then I saw the guard's quarter..."

"And?"

"Bahagyang nakabukas ang pinto at nasa loob ang isa sa mga guard at nagbibihis..." Rochelle's tears fell down again habang nagkukwento. "He put the gun on the table."

"What gun?"

"His gun. Pagkatapos ay dahan-dahan akong pumasok... Maingat at tahimik akong pumasok. I... I reached for the gun which was on the table. Tinitigan ko iyon. It was nice and heavy... Pagkatapos ay napalingon ang guard sa akin."

Rochelle's right. The gun may be nice but it's deadly. Ang baril ay isa sa mga bagay na pinakaayaw ko. It's the same thing that took my Dad's life.

"Tinanong niya ako. Anong ginagawa mo dito? Bakit hawak mo ang baril ko? Questions like those at nagulat ako kaya napaatras ako. He kept on telling me to put the gun away and his voice just makes my headache even worse so...."

"So?"

"So before I know it, I grabbed the pillow..."

Nagbibihis ang guard. Unan. These things were not disclosed to the public kaya imposibleng malaman iyon ni Rochelle unless she really did it.

"I grabbed the pillow and shot the guard," she said at impit na napaiyak. "I swear I didn't mean to do it. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon."

"Saan mo siya binaril?"

"Sa noo. Binaril ko siya sa noo kaya napabulagta siya sa sahig."

"How does he looks like when he was lying on the floor?"

"He was too shocked. Wala siyang damit at bahagya pang nakabukas ang buckle ng sinturon niya. Then I grabbed his shirt na nasa kama... I grabbed it and wiped the gun to erase my fingerprints. Pagkatapos ay itinapon ko sa sahig ang damit niya. I put the pillow and the gun on the table and flee. I... I killed the guard." Biglang hamagulhol si Rochelle at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Base sa pagkukuwento ni Rochelle, siya nga ang pumatay sa guard. The things she described is how exactly the case was. She even knew the small details of the case. But her reason for doing so is so lame! Why kill someone just because you're having a severe headache?!

"Come with me," wika ko sa kanya.

"Saan? Huwag mo akong dadalhin sa presinto! Natatakot ako..." Her face really looks like she's afraid. Napabuntong-hininga ako at nag-isip ng paraan. If she really confessed to her murder, kailangan niyang sabihin sa mga pulis ang sinabi niya sa akin.

"Fine. Hindi tayo pupunta sa presinto pero kailangan mong sabihin sa mga pulis ang sinabi mo sa akin. We will not go to the police. The police will go to us," wika ko sa kanya. Sinama ko siya papunta sa SC office. Maybe Math can call Detective Adler, for sure she had him on speed dial. Tsk.

Pagdating namin sa Student Council office ay naroon pa rin sina Math, Gray at Jeremy. Naroon din si Detective Adler at dalawang estudyante ng Bridle at isang maintenance staff ng Bridle. What's going on here?

I knocked on the door to announce our arrival. Iginiya ko papasok si Rochelle at nakatingin silang lahat sa amin. The three including the detective look puzzled. Mukha silang nalilito base sa ekspresyon ng mga mukha nila.

"Hi," bati ko sa kanila. "This is Rochelle. She-"

"Let me guess Bestie. She confessed about killing the guard?" Jeremy asked at napanganga ako saglit bago tumango. Good guess.

"Yeah, how did you know?"

Nagulat ako sa reaksyon nilang apat. Gray wiped his whole face using his palm. Math bite her lower lip worriedly, Jeremy had an expression like he's saying 'I know right' samantalang napataghoy naman si Detective Adler. Err? What's with all their reaction?

"What?" I mouthed.

Tiningnan ni Gray ang dalawang estudyante na kasama nila at isang staff. "They also confessed to the same murder."

"WHAT?!"

"We all had the same expression Amber," wika ni Detective Adler.

"What did she say Amber?" tanong ni Math. "Sinabi ba niya na dahil sa sobrang sakit ng ulo niya, she wandered around Bridle at nagawi sa guard's quarter kung saan nakabukas ang pinto at nagbibihis ang guard?"

My eyes grew wider at hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila at kay Rochelle at sa iba pang mga naroon. One murder yet four killers confessed? Napakaimposible!

"Rochelle's confession makes sense!" apela ko. Imposibleng silang apat nga ang pumatay kay Jordan Tejada, ang guard. One of them must be telling the truth while the three others are lying. Ngunit ano ang motibo nila sa pagsisinungaling?

"Sinabi ba niya na kinuha niya ang baril sa mesa at nakita siya ng guard? Pagkatapos ay tinadtad siya ng tanong ng guard and then she picked the pillow and pulled the trigger right in the victim's forehead? Then she wiped her fingerprints?" Gray asked.

"Yes! Wait... How did you know?"

Minasahe ni Detective Adler ang kanyang sintido. "Dahil iyan din ang sinabi ng tatlong ito."

"But that doesn't make any sense!"

"Exactly."

Bigla na lamang sumabat ang maintenace staff na naroon. "Ngunit ako ang pumatay kay Jordan!"

"No! It's me!" wika naman ng isang estudyante. Basing on her bow, she's a Grade 11 student.

"But..." Napatingin si Rochelle sa amin. "I did it. Ako ang pumatay sa guard."

"No it's me!"

Napahawak si Detective Adler sa buhok niya. "Mukhang mas mahirap pa ito sa imbestigasyon na walang supect. Ito ang unang beses na may apat na taong umamin sa iisang krimen." Biglang sumeryoso ang mukha nito. Tumayo siya at lumapit sa apat. "Anong trip ninyong apat? Are you trying to make a fool out of us? Sino sa inyong apat ang nakaisip ng ideyang ito?"

Napaatras si Rochelle at nagtago sa likuran ko. "Nagsasabi ako ng totoo! At hindi ko sila kakilala! I knew that staff dahil madalas ko siyang makita sa supply office pero hindi kami nagkausap kahit ilang beses!"

Nagkatinginan din ang dalawang estudyante. One was the Grade 11 girl and the other was a Grade 12 boy, probably from 10-C.

"Kuya Freddie," tawag ni Gray sa staff ng Bridle. "Kilala mo ba ang tatlong estudyanyeng ito?"

Kuya Freddie looked at the others. "Nakikita ko sila sa Bridle pero hindi ko sila kakilala."

"How about you Riza?"

The girl looked at the others. "Nakikita ko din sila sa Bridle. I know Rochelle dahil pareho kaming Grade 11 but we're not friends. Hindi pa kami nagkausap kahit isang beses."

"Jason?"

The guy sighed heavily. "Hindi ako nagsisinungaling sa inyo! I really did it! I killed the guard at hindi ko alam kung paano nalaman ng tatlong ito ang pagpatay ko! Pinagsisisihan ko ang ginawa ko kaya ako sumuko!"

"But I was the one who killed the guard!"

Muli silang nagkagulo. My knees got tired so I find a chair at naupo doon. If they didn't conspire to play a joke on us, how the hell did they know the exact details of the case?

"These things doesn't make any sense. Freddie Gaco confessed to Gray about his murder. Jason Sutana to Math, Riza to Jeremy and-" hindi natapos ni Detective Adler ang sasabihin dahil sumabat si Jeremy.

"Hep! Don't call me by my first name dahil hindi tayo close! Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa mo sa akin!"

"What did I do?"

"You accused me of murder!" Yep, Jeremy was talking about the time that someone was killed in the dormitory. Detective Adler was assigned to that case at dahil sa footage at iba pang mga ebidensya laban kay Jeremy, he detained him at the conference room. It's the same footage which left me wondering until now. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapaliwanag ni Je at kahit ni Math kung bakit nasa boy's dorm sila kung saan nangyari ang pagpatay.

"Move on Dude." Muling umupo si Detective Adler at bumaling sa apat na umaming salarin. "Bakit hindi muna kayo magpahinga? Baka masyado lang kayong kaya kung anu-ano ang mga pinag-iisip ninyo."

"Hindi mo ba ako huhulihin?" Rochelle asked and the other three asked the same. Nagsimula silang magtalo kung sino sa kanila ang tunay na gumawa niyon. It made me pressed my thumb on my temple. This is really confusing!

Matapos ang ilang pagpapaliwanag ay umalis na sila sa SC office. Nang isinara ni Math ang pinto ay napasandal siya doon at napatingin sa amin. "This is worse than any case I ever encounter."

"My previous theory is better," wika ni Jeremy. "I was waiting for a stripteaser to step forward and confessed the crime." He shut his mouth when four pairs of eyes glared at him.

"They all had the same story," wika ni Gray. "And that story is what exactly happened."

"Isa lamang ang sigurado ako. The real killer is smart enough not to leave any evidence behind. Not even a single print," wika ni Detective Adler.

"How was it possible?"

"Hindi iyon posible. Maybe they're paid or forced to confessed it. We are looking for some loopholes on this case. First thing first, find any connection between those four."

Tumayo si Detective Adler at tinungo ang pinto. "Mauna na ako sa inyo. We still had to check the footage on the nearby area, baka may makuha kaming makakatulong." When he went out the door ay hindi ko mapigilang mainis.

"What is he doing here?"

"I invited him," sagot ni Math. "I thought it's a serious confession so I called him. Hindi ko naman alam na may mga lumapit din kay Gray at Jeremy."

"Hindi ba kayo nagtataka? Apat na nagpakilalang killer ang lumapit sa atin."

"I find it suspicious," komento ni Gray.

"Wala akong maisip na posibleng rason kung bakit ginawa nila iyon. If they're being intimidated to confess, bakit naman nila mas pipiliing makulong kaysa humingi ng tulong sa autoridad."

Math's phone beeped at agad niyang binasa iyon. Her expression was changed ngunit saglit lamang iyon. Tinago niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tumayo. "It's getting late. Bakit hindi muna tayo umuwi? Let's continue this investigation tomorrow." Makahulugang tumingin siya kina Gray at Jeremy pagkatapos ay kinuha ang bag niya. "Why don't you walked us to our dorm?"

Pumayag naman ang dalawa at hinatid nila kami ni Math patungo sa dorm. Nang makarating kami sa dorm ay nagpaalam na kami ni Math kay Gray at Jeremy. We parted ways at agad akong nagtungo sa room namin at gayon din si Math.

Nang makarating ako sa kwarto namin ay wala doon ang mga roommate ko. Nahiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. Andi and Therese might be at the cafeteria for dinner. Oo nga pala, nagpaalam ako kanina upang pumunta sa SC office. I want to help them over the case that they are working. Wala akong nakitang board kanina na tungkol sa pagkamatay ng guard. Maybe it was about other case that they are working on.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Maybe that case is something related to me kaya hindi nila pinapaalam sa kanya. Gaya ng naisip ko, maybe it's about the Genesis. Ngayon ko lamang naisip na nag-aalala nga sila sa akin. I did so many things out of my impulsiveness and I appreciate their concern to me. Marahil ay tama sila. I was blinded by my anger at walang patutunguhan ang pagiging galit ko.

Maybe I should let go of my anger and start new. I owe Math a lot of apology. Yes, kahit napakayabang niya ay alam kong kaibigan pa rin ang turing niya sa akin. Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto nina Math. It took a courage to knock on the door. Sa isip ko ay binubuo ko ang mga salitang nais kong sabihin kay Math. Pagkatapos ng dalawang katok ay binuksan iyon ng kanyang roommate.

"Yes?"

"I'm looking for Math."

"Hindi pa siya umuuwi."

Hindi umuwi? Sabay kaming pumasok dito sa dorm. "Si Mathilde Corazon. Hindi ba't ito ang kwarto niya?"

Napakunot ang noo nito. "Yes pero hindi pa siya umuwi."

"Ngunit sabay kaming pumasok dito sa dorm!"

"Yeah, but she never went here," tila naiinis na wika ng roommate ni Math. She opened the door widely upang ipakita sa akin ang silid nila. "Believe me, ako lang mag-isa ang nandito."

Bahagya kong iginala ang paningin sa loob at gaya nga ng sinabi ng babae, wala nga roon si Math. Nagpasalamat ako sa kanya at umalis doon. Maybe she went back to the SC office dahil may naiwan siya. Nagmadaling umalis ako sa dorm at nagtungo sa SC office.

The door wasn't locked pero walang tao doon. Napansin ko rin ang cellphone ni Gray na nasa mesa katabi ng mga folder na naroon. Bakit nandito pa ang cellphone ni Gray? Bumalik ba sila dito?

Ah, baka naman pumunta sila sa cafeteria. Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang white board na nakatalikod. Andi said that they are working on the case of the white board. Maybe I can take a peek on that board. Lumapit ako doon at hinarap ang board at nagulat ako sa nakita.

Pictures. A lot of them. May larawan ni Tross, ni Marcus na kilala bilang Plumbite ng Genesis at ng mga biktima ng Genesis. May larawan din ng STX2 at... at larawan na mula sa CCTV footage ng boys' dorm. Isang babaeng nakatalikod.... The clip on the CCTV footage was the same on the footage where I caught Math and Jeremy.

Isang babaeng mahaba ang buhok. She was wearing a cap kaya hindi maaninag ang mukha nito. Ngunit kahit na nakatalikod ito, I recognized her physique and clothes. Base sa petsa na nasa larawan, it was taken at the time where a Bridle student at the boys' dormitory was killed at si Jeremy ang naging suspect. May nakasulat sa gilid ng larawan which says that the girl was with the Genesis.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang mga folder na nasa mesa. Iyon ang sinabi ni Math na SC plans na agad nilang tinago nang dumating ako. Agad kong binuksan ang mga iyon at mas lalo akong nagulat nang makita iyon.

It was ME.... All crimes which involves the Genesis was all linked to me. Not as a victim but as a suspect.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro