CHAPTER 47: ONE MURDER, FOUR KILLERS (Part 1)
Chapter 47: One Murder, Four Killers (Part 1)
I was trying to read the situation right now. Gising na si Jeremy samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Math mula pa kanina nang umalis si Victoria. Gray was standing on the door at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlo. Like me, he is also trying to read the situation here.
"Math?" tawag ni Gray sa pangalan nito ngunit isang matalim na tingin lamang ang isinukli ni Math sa kanya.
He looked at me as he tried to get some explanation about Math's attitude but I
only shrugged my shoulders. Hindi ko alam kung bakit tila ganoon ka inis si Math. Naiinis ba siya dahil nakatakas ang magnanakaw o dahil pinisil ni Victoria ang sugat niya?
Biglang tumayo si Jeremy at kinusot ang kanyang mga mata. "Nakatulog ba ako?"
"What happened to your face puns?" Gray asked at tinuro ang kanyang pisngi. Napakunot ang noo ni Jeremy at napahawak sa kanyang pisngi. When he felt nothing, he rushed towards the restroom at ilang segundo ang lumipas ay lumabas ako na nakabusangot ang mukha.
"Sino sa inyong dalawa ang gumawa nito?" tanong niya nang makalabas siya at tinuro ang marka sa mukha niya na galing sa lipstick na suot ni Victoria. "Maya! Ikaw ba?"
Isang matalim na irap ang natanggap niyang sagot mula kay Math. Mukhang wala nga ito sa mood kaya hindi namin makausap nang maayos. Jeremy pouted and looked at me. "Ikaw Bestie?"
"You wish! Tsaka hello? May suot ba akong pulang lipstick?" sagot ko.
"Kung gayon ay..." he stopped and covered his mouth. Saglit na nagdilim ang anyo nito bago muling nagsalita. "Abo! You did this? Oh my-"
Isang lumilipad na piraso ng grapes ang nagpatigil dito. He glared at Gray na siyang nambato. Buti nga hindi mansanas o kaya ay peras ang ibinato nito!
"Nakakadiri ang iniisip mo Puns."
"Then who did this?" Inis na kumuha ng tissue si Je. "Alam niyo bang ang marka ng lips ay parang fingerprints lang din? Each one is unique so if I run a test malalaman at malalaman ko kung sino sa inyong tatlo ang pangahas."
Sasagot na sana ako nang naunang magsalita si Math. "Umalis na nga kayo dito. Gabi na kaya umalis na kayo dito- lalo ka na. Umalis ka nga diyan sa kama ko. Kanina pa nangangawit ang katawan ko dito sa wheelchair!" singhal ni Math kay Jeremy.
Kahit nagtataka ay tumayo si Jeremy at tinulak ang wheelchair ni Math patungo sa kama. Math is definitely in the mood kaya mas mabuting magpahinga na muna ito. The doctor said that she will be discharged tomorrow.
"Maya, pakiabot nga nung cellphone, nandiyan sa unan," pakiusap ni Jeremy ngunit gaya ng kanina pa niya natatanggap, isang irap ulit ang ibinigay ni Math sa kanya.
"Kuhaa diha. Manugo pa jud ka nako! Ikaw diay, pungkol ka?" she mouthed at nagkatinginan kaming tatlo. Anong sabi niya?
Maybe it will take us forever to wait for her to hand Je the phone kaya si Jereny na mismo ang nag-abot niyon. Nagpaalam na lamang kami sa kanya- but still wondering why she acted that way. Bakit nga kaya?
***
Days passed and Math was recovering. Sa mga nagdaang araw ay walang nangyari na nagpataas sa imaginary wall sa pagitan namin ni Math. As the acting SC president, Math always stays at the Student council office and we always tag along.
Kasalukuyang may ginagawa sa mesa niya si Math samantalang naglalaro naman ng chess si Gray at Jeremy. I walked back and forth the office at hindi mapakali.
"Matatalo ako nito Bestie dahil ako ang nahihilo sa'yo," wika ni Jeremy sa akin. "Anong problema mo?"
I shot a glared at him. Even if I stay still, he will lose. Gray is so good in chess while he just learned to play it the other day dahil tinuruan siya ni Gray. He shouldn't make it sound like he plays too well.
"Oo nga Amber, anong problema mo?" tanong naman ni Math. Nakasulyap silang tatlo sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
Huminga ako nang malalim bago sila sinagot. "Attorney Rose is coming to discuss some things with me."
"What?" bulalas ni Jeremy. "Ibig sabihin ay..." Sinadya niyang putulin ang kanyang sinabi at agad na tinakpan ang bibig gamit ang kanyang kamay. Kapagkuway sumulyap siya kay Gray at tinapik ito sa balikat. "Condolence sa mamamatay mong puso bro- ugh." He stopped when Gray twisted his arm. Isang matalim na tingin ang iginawad niya dito bago bitawan ang kamay nito.
"Bakit daw Bestie?"
I took a deep sigh. Sasagot na sana ako nang naunang tumunog ang cellphone ko at rumehistro doon ang pangalan ni Attorney Rose. Agad ko iyong sinagot at sinabi niya na nasa Bridle na siya at hihintayin niya ako sa cafeteria. Nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko at bago umalis ay nilingon ko ang tatlo na nakatunghay sa akin.
"Wag na wag kayong susunod sa akin," banta ko sa kanila. Math and Gray nodded except Jeremy na saka lamang tumango nang siniko ito ni Gray.
Habang tinatahak ang daan ay hindi ko maiwasang kabahan. Ang sabi niya sa akin ay nakita na niya ang mga dokumento ng iniwan ni Daddy including the condition that I was supposed to get married.
I have no idea how crazy Dad was until he put me in this situation. With shaking hands, I opened the cafeteria's door and entered. I found her sitting on the table near the counter. Bawat hakbang ko ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"Hello Amber," bati niya sa akin. Her face was light like the first time I saw her.
"Pwede po bang dumeretso na tayo sa pakay ninyo? I felt so uneasy," pag-amin ko sa kanya. Para akong kriminal na nasa death row.
She laughed a little on my reaction. "You don't have to worry that much. You're Dad always wants the best for you."
"Yeah, that if he will let me marry those pretty boys of Korea," I said lazily. I can never get the rationale how choosing a guy for your daughter a best move.
"No. None of those Korean boys names are written here. It's blank."
Hinding-hindi ako magiging maligaya sa taong pinili ng- what? It's blank? Nanlalaki ang mga mata na hinablot ko mula sa abogado ang papel. Gaya ng sinabi niya, walang nakasulat doon na pangalan ng kung sino man. Bahagyang napabuka ang bibig ko at tiningnan siya na may pagtataka sa mga mata.
"Is the will void? Ibig sabihin-"
"No. It's not void. It is still effective at gaya ng nakasaad sa kondisyon, makukuha mo lamang ang kalahati ng iyong mana kapag nag-asawa ka na."
"What if I choose to be a nun instead?" Malabong mag-madre ako dahil wala naman iyon sa hinagap ko. "O kaya ay matandang dalaga?"
"The law is very clear. If the condition will not be complied, that means that his estates... I mean half of it will go to his chosen charities."
My Dad is still the coolest Dad. He really wants to give me the best kaya hindi siya naglagay ng kung sino man sa kanyang kodisyon. Pero iyon lang ang ipinunta ni Attorney Rose dito? Pwede namang sinabi na lamang niya iyon sa telepono.
"You went all the way here just because of that?"
Sumeryoso ang mukha nito. "No. I have to give you something." Binuksan niya ang dalang shoulder at iniabot sa akin ang isang sobre. "I got that from the things that your Dad sent me."
Kahit nagtataka ay inabot ko iyon. It was lighter than I expected it to be. Nakakunot ang noong binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang susi.
"Susi?" I faked a laugh. "Is this the key to my new house or a car maybe?"
"No, hindi iyan susi na gaya ng mga iniisip mo."
Sinipat ko iyon nang maayos. It wasn't really looks like the key that I used to open the door or my locker. Mas malaki iyon kaysa sa mga ordinaryong susi at may nakaukit na numero doon. 97.
"97? Baka naman susi ito sa isang condominium unit. The one with the number 97," I joked.
"Hindi rin. I saw keys similar to that before. Susi iyon ng mga safe deposit box."
"Safe deposit box?"
Hininaan no Attorney Rose ang boses niya. "Oo. Marahil iyan ang susi ng sinasabi mong mahalagang bagay na iniwan sa iyo ni Rovan."
Hindi ko maiwasang mapangiti. If basing from the little information that I read in Phobie's notebook, marahil ay ito na nga ang susi ng safe deposit box na pinaglagyan ni Daddy ng bagay na magpapabagsak sa Genesis.
"Saan ko makikita ang safe deposit box na ito?" excited kong tanong. God! I already have a vision of how peaceful my life would be without the Genesis.
Napasimangot si Attorney Rose. "That's the problem. Hindi ko alam kung saang bangko o anumang financial institution ang susing iyan. I checked his bank accounts and none of it keep safe deposit boxes. I will try other Swiss banks. Sa ngayon, ipapaubaya ko sa'yo ang susing iyan. Keep that."
"I will." Hinding-hindi ako makakapayag na mawala ito gaya na lamang ng notebook ni Phobie. I will never be careless this time.
Nagpaalam na si Attorney Rose at nagpasalamat ako sa kanya. Inihatid ko siya sa parking lot ng Bridle kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Bumalik ako sa office ng Student Council kung saan iniwan ko ang tatlo.
Nang makarating ako doon ay abala sila sa tinitingnan nilang mga folders kaya hindi nila namalayan ang pagdating ko. I cleared my throat to get their attention ngunit mukhang nagulat silang tatlo at nagmamadaling kinuha ang laman ng folder. Natatarantang itinago agad ni Math sa loob ng drawer ang folder. Eh? What's wrong with them?
"K-kanina ka pa ba diyan Amber?" tanong ni Gray sa akin. I shook my head to reply.
"Kadarating ko lang. What was that?"
"A-ano Bestie- ah-" Jeremy stuttered so he must be lying.
"SC plans," sabat ni Math. "Those were files for the upcoming plans ng student council under my administration. Those were confidential files so I keep them."
"Confidential? Yet you showed it to them?" nagtatakang tanong ko.
"S-she thinks that maybe we can have some suggestions for improvements," wika ni Jeremy. His nose twitches a little when he said it, one indication that he is lying.
"Right. Tama si Jeremy. I am open for suggestions," Math said.
"Then show it to me, baka may masuggest din ako."
"NO!" Magkasabay na wika nilang tatlo. They said it in chorus so something must be going on here. Isa-isa ko silang tiningnan at wala sa kanila ang kayang salubungin ang tingin ko. I know that there is something that they are up to. Maybe they're hiding something from me. Ano ba ang itinatago nila?
"Kumusta naman ang pag-uusap ninyo ni Attorney Bestie?" pag-iiba ni Jeremy sa usapan. "So, who's the lucky guy?"
Hinintay nilang tatlo ang sagot ko. I know they are just trying to dodge the previous topic that we had. I took a deep sigh at naupo sa isa sa mga upuan na naroon.
"None."
"None as in wala o none as in none of the conditions there will you follow", Je asked.
"None as in wala. The condition is blank."
Bigla na lamang napatalon sa tuwa si Jeremy. "Yeees! Ibig sabihin.." he stopped and looked at Gray but the latter glared at him. "Ibig sabihin ay magpapa-pizza si Gray! Tara!"
Magpapa-pizza? Bakit naman magpapa-pizza si Gray? I don't really get Jeremy at times. He pulled Gray and Math towards the door ngunit nang bubuksan na niya ang pinto ay biglang bumukas iyon at iniluwa ang humihingal na lalalking naksuot ng eyeglasses. I guess he is one of the student council senators.
"Miss Pres!"
"Norman, bakit tila nagmamadali ka? Anong nangyari?"
"One of the guards..." the guy that Math called Norman stopped as he catch his breath.
"Why, what happened to the guard?"
"One of the guards was dead!"
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro