Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 46: VICTORIA'S SECRET

Chapter 46: Victoria's Secret


Napakabilis ng mga pangyayari. Kung kanina ay naghihilahan pa lamang kami, ngayon ay isinugod na si Math sa ospital. She was hit in the leg and the one who fired the gun was one of the police officer. Kahit ilang beses ko nang pinatay sa isipan ko si Math, I cannot think of it to happen for real.

Fine, magyabang na siya hanggang sa abot ng kanyag makakaya. Mas kakayanin ko pang makita na ipangalandakan niya sa buong mundo ang lahat ng angking talino niya kaysa makita siya na nakahiga at walang malay. The bullet in her leg wasn't fatal pero ayaw ko pa ring maranasan niya ang madaplisan ng bala. The whole hostage taking was a mess and I tried to forget its details at mas inisip na muna si Math.

Nakaupo ako sa labas ng ER at naghihintay ng balita kay Math. I wiped my palm to my face to calm myself. Pilit kong sinasabi sa sarili na hindi ko iyon kasalanan. Math always do this heroic stunt at ngayon ay umabot na iyon sa sukdulan.

I felt someone sat beside me at hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino iyon.

"Bestie, Math will be fine," Jeremy said. It was a simple statement yet it was reassuring. Hindi ko maiwasang ngumiti kahit na nakayuko. "Nasa presinto pa si Gray at tinutulungan ang hostage taker na maabswelto sa murder na hindi niya ginawa. Sa ngayon ay ang ginawang panghohostage na lamang ang kailangan niyang harapin."

"Who killed the man?"

"Inspector Marjun did. Ayon kay Gray, his alibi checks out but he found a hole. Bumalik pala siya doon upang patayin ang biktima at itago lahat ng ebidensya sa kanya. He also kept the cup at the garage pero nabasag iyon at hindi niya namalayang may naiwan doon. For now, he's charged for what he did."

"Mabuti naman kung ganon", komento ko.

Bigla na lamang bumukas ang pinto ng ER at iniluwa doon ang doktor. Tumayo ako at agad na sinalubong ito.

"Dok, kumusta na po ang kaklase namin?"

"She's fine. Maya-maya ay ililipat na natin siya sa private room para sa further test. For now you can cast all your worries dahil malayo na siya sa kapahamakan."

Nagpasalamat kami sa doktor at agad itong umalis. Lumabas muna kami ni Jeremy upang bumili ng prutas. Nang makabalik kami ay nailipat na si Math sa private room niya. Nagkamalay na siya nakahiga lamang sa kama. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi nang makita kami ni Jeremy.

"How's the case?" tanong niya. Sa halip na sagutin iyon ay mas pinili kong tanungin din siya.

"How are you?"

"Alive. Who did it?"

I pulled a chair near the bed samantalang naupo naman si Jeremy sa kama.

"What you did was not right."

"Amber, I know you will do the same if you were in my situation. So now tell me how's the case."

Bigla na lamang sumingit si Jeremy. "Hindi no. Pababayaan ka lamang ni Bestie at-" he stopped when Math and I both threw a glare at him.

"It's being handled now. Nandoon pa si Gray, trying to clear the name of the hostage taker." I saw her smiled in assurance. "Pero Math, akala ko ba matalino ka? What you really did was suicide! The moment you volunteered yourself to be a hostage, isa na iyong pagpapatiwakal!"

She made a face pero hindi nagkomento sa sinabi ko. This time, it was Jeremy who was scolding him.

"Ang tanga-tanga mo!", he said at bahagyang kinatok ang ulo ni Math. "It was a dumb stunt o baka naman bet mong mamatay sa pinakatangang paraan? Edi sana pumili ka na lang sa dumb ways to die! You can set fire to your hair or poke a stick at a grizzly bear... Pero I highly recommend to use your private part as piranha bait- Aray!"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil binato ito ni Math ng orange sa mukha. They glared at each other at si Jeremy ang unang nagsalita.

"Babalatan kita diyan eh!"

"Edi balatan mo!"

"Babalatan kita ng orange para may makain ka! Kailangan mo ng vitamin C! Kaya pala ganyan na ang takbo ng utak mo dahil kulang ka sa vitamin C!"

"Excuse me, hindi -" bago pa man matapos ni Math ang sasabihin ay isinalampak na ni Jeremy ang orange sa bibig nito na may natitirang balat pa. I rolled my eyes in their childishness.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at nagpaalam sa kanila. "May tatawagan muna ako", wika ko ngunit walang ni isa man sa kanila na sumagot dahil abala sila sa pagbabatohan ng orange. Ang lalandi.

Lumabas ako ng silid ni Math at naglakad sa hallway. I was facing my phone to call Gray upang marinig ang full story sa nangyari ngunit agad akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Gray na tumatawa. He was walking towards my direction ngunit nasa kasabay nitong nurse ang kanyang atensyon. And looks like he's enjoying her company.

I looked scornfully at the nurse ngunit saglit lamang iyon. In my mind, I keep chanting lewd remarks to the nurse like cradle snatcher, pedophile, corrupting minors and the likes. I cleared my throat nang natapat na sila sa akin kaya napatingin si Gray sa direksyon ko.

"Amber!"

Pilit akong ngumiti at pinasadahan sila ng tingin. What's bad about me is when I do something that I don't like, I'm very obvious.

"Thank you so much Miss Stephanie. I think I know where I'm going. Narito na ang kasama ko. Maraming salamat talaga", wika ni Gray sa nurse.

"Walang anuman. Mauna na ako", the nurse replied at ngumiti sa amin. Hindi na ako nag-abalang sagutin ang ngiti niya at tinanaw na lamang ang papalayong pigura niya. She's tall and sexy at bagay na bagay sa kanya ang nurse uniform. When she entered the room next to Math's room ay saka ko lamang ibinaling ang tingin kay Gray na nakatingin lamang habang nakangiti sa pintong pinasukan ng nurse.

I made a face at sakto namang napangiwi ako nang ibinaba niya ang paningin sa akin. Biglang nawala ang matamis niyang ngiti kanina habang tinitingnan ang nurse at ngayon ay napalitan ng pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi, trying to suppress the shyness that he felt.

"Ganda ng nurse no?" komento ko.

"Are you mad?", biglang tanong niya kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Ako? Galit? Hello, bakit naman ako magagalit?

"Hindi!"

"Bakit mataas ang boses mo?"

"Hindi no!"

"Are you..." he stopped na para bang nag-aalanganin kung itutuloy ba ang sasabihin.

"What?"

"Are... you..."

"Ano sabi eh!"

"Wag na lang!"

Sa lahat ng ayaw ko ay yung may sasabihin na hindi itinutuloy. Minsan ko nang nasapak ang pinsan ko dati nang magkwento siya sa akin. She started her story and end up saying BASTA o kaya naman ay WAG NALANG on the part where I became very curious. At ngayon ay tila gusto ko ulit na manapak!

"Ano nga kasi!"

"Wag na nga! Magagalit ka lang!" he said and looked away. Argh! I hate this! Ayaw ko ng binibitin ako! Sino nga ba ang gustong mabitin?

"Gray Ivan Silvan! Isa!"

"I said never mind!"

I stomped my foot out of frustration. "Arrrrgh! Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin kanina!" napalakas yata ang boses ko at nag-echo iyon sa hallway ng ospital.

"Kapag natanong ko ito, wag na wag kang magagalit!"

"OO!"

"Are you JEALOUS?!"

"Are me... am I ... err - a.. Jea-lous. WHAT?!" My eyes grew wide as they met Gray's stare. Saglit na nagkatinginan kami at ako ang unang nagbawi ng tingin. I can win in a staring contest but not with Gray! Nakagat ko ang labi upang pigilan ang pagbugso ng galit at pagkapahiya.

"See? I told you, wag kang magagalit! And you don't have to answer it" he said while smirking. "I think I know the answer."

He knows the answer? What?! And what the hell with that smirk?! It's something that tells I know what's going on and I hate it.

"Hind-" bigla na lamang niyang itinakip ang palad niya sa bibig ko. My denial speech was ready ngunit nakatakip ang kamay niya sa bibig ko while his other hand held my shoulders.

"Wag mo na kasing sagutin", wika niya. I pushed away his hands from my mouth. Ew, baka kung saan pa niya iyon ipinanghawak, edi nagkaroon na ako ng indirect contact dun! Masama ang tingin na iginawad ko sa kanya ngunit sinagot niya iyon ng matamis na ngiti.

"How's Math?" he asked at hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay. Fine, alam kong si Math ang nabaril so it's reasonable of he would ask how she's doing pero hello... Let me remind him that I was held as a hostage too at kung hindi pa umepal si Math edi ako sana ang nabaril ngayon. Damn, I'm being a brat again.

"Alive and kicking. Kasama niya ngayon si Je sa silid niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang siya at-"

The next thing I knew is that I was pulled by him and he slammed me on his body. Napasubsob ako sa dibdib niya samantalang pumaikot naman sa beywang ko ang isang kamay niya while the other caressed my hair.

This is called a hug, right? A tight hug from him.

"I was so worried about you. Alam mo bang halos hindi ako makatulog nang ilang gabi dahil sa'yo?" he asked and I felt his hug becomes tighter.

"Kung maninisi ka lang din naman edi-"

"Shut up Amber, I'm not done yet."

Parang batang masunurin na sinunod ko ang utos niya. I should be talking back but I don't know what power does he have to make me follow his command. Komportableng isinandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib niya.

"I know things are not right between us lately. I'm sorry for being a half jerk. I missed you... I missed this. And I will tell you the reason why I am being a jerk lately. Inaya ko ng inuman si Alonzo. Well that's what he always want to do kahit noon. Gusto niyang malasing so I granted his request and that bastard! Nang lasing na lasing na siya ay ikinuwento niya ang pinakamagamdang regalo na natanggap niya mula sa iyo and that was your kiss-"

WHAT THE HELL?! Bahagyang itinulak ko si Gray upang malayo ito ng konti but his arms still support my back.

"I'm gonna kill your best buddy for being a kiss-and-tell type!" Alam kong namumula ako dahil sa hiya. I swear I will beat the hell out of Khael kapag nagkita kami!

He pulled me again at ibinalik ang posisyon namin kanina. "I was je... damn. This is so gay but I was jealous."

I lifted my hands at hinawakan ang Tshirt niya mula sa likod. I want to hug him back but there were so many pairs of eyes around. Aaminin ko na namiss ko din si Gray. He's been tailing Math lately which reminded me...

"Pumunta ka na doon kay Math", labas sa ilong na wika ko.

"Let Puns stay with her. We can go there later" wika niya. I awkwardly smile and pulled him away a little.

"What?" he mouthed.

"Maraming tao."

He looked around at the hallway ngunit hindi nabago ang ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan niya ako sa kamay at iginiya ako papasok sa elevator.

"Hey, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang wala siyang balak na bitawan iyon.

"Sa rooftop."

"Anong gagawin natin sa rooftop?"

"To continue what we're doing", sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "What are we doing?" Geez, why does it sounds like it is something out of the norms?

"Talking?" he asked.

Right. We're talking. Just talking. Nang makarating kami sa rooftop ay tinanaw ko ang kabuoan ng siyudad. The night sky was magnificent. The surrounding looks like a black blanket adorned with precious stones of different colors dahil sa mga ilaw ng nagtataasang building at kung anu-anong ilaw. The clouds were full of stars at napakagandang tingnan niyon.

Naupo ako sa bench na naroon at tumabi sa akin si Gray.

"I'm sorry for what happened lately. At sana ay hindi mo iniisip na kasalanan mo ang mga nangyari. Biktima lang din tayo ni Tross" wika niya at napayuko. Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya. It must have been hard for him before he fully accepted how things turned. Aside from Khael, alam kong kaibigan din ang turing niya kay Detective Tross- only to find out that he was not someone who he thought he knows well.

"How are you coping with it Gray?" tanong ko sa kanya. Sa lahat ng mga nangyari, hindi lamang ako ang apektado. I lost a father and he lost a friend. Parehas na may impact sa amin ang mga nangyari. The only difference is that how we handled it. I changed. A lot. Samantalang siya, nanatiling malakas.

"You mean other than eating ice cream most of the time?"

"Yeah, other than that."

A smile escaped from his lips as he move closer to me. "I can cope with it easily because I have a talisman."

"T-talisman?"

"Yeah. It's inside my body and I can share it with you if you want to," he said in a sexy voice. Hell, where did he get that?

"You can share it? H-how?" I don't know why I'm trembling.

"Alam mo ba kung paano ipinapasa ng mga aswang ang pagiging aswang nila?"

"Paano?" Okay, this is getting nonsense. Paano nasali ang aswang dito?

"They pass something to someone. Yung parang may bato iniluluwa sila at pinapakain iyon sa kapamilya nila upang mapasa iyon. The sharing process is the same as my talisman."

"Yuck. That's gross!"

"Yeah, I know so I am not spitting it in my hand so that you can swallow it", unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko pero hindi ako gumawa ng paraan upang lumayo. "I can put it directly in your mouth," he said with a lopsided smile.

Oh come one. This is past the century of ghost, potions and others. I know where this is going and what exactly does he wants to do.

"I'm about to pass it", he said as he bit his lower lip. Ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. He mad a naughty smile on his lips as his nose touches mine. Kinagat ko din ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagkakapahiya ko. I was also trying to suppress my smile by biting my lower lip. Man, I'm such a flirt, I know.

I closed my eyes as I felt his head turned on another angle to met my lips with his. Just as when it was about to touch, tumunog ang cellphone naming dalawa.

Tumuwid ako ng upo at inilabas ang cellphone mula sa bulsa. He did the same after he wiped his face with his palm. I pouted when Jeremy's name registered on his name. Napalabi din si Gray nang makita ang kanyang cellphone so I gave him a "who's that look."

"It's Math", wika niya at iniharap ang cellphone sa akin. He also gave me a "who's that" look so I showed him my phone.

"It's Jeremy."

Just the perfect timing. Yeah, so perfect that I wanna roll my eyes. Tssk.

"S-sasagutin ko m-muna", nagkandautal-utal na wika ko. Tumayo ako upang lumayo ng konti kay Gray.

"Ako rin", wika niya at bahagyang lumayo din.

I walked on the other side to answer Jeremy's call.

"Je?"

"Bestie, nasaan ka?"

"N-nasa... tabi-tabi lang." Knowing Jeremy, I cannot tell him that I am in the rooftop with Gray.

"Kailangan mo nang bumalik dito, there's a burglary incident on the next room and it's time for the Detective Triumvirate Plus One to shine." I rolled my eyes on his dream about this nonexisting group

"Fine. I'm on my way."

"Anong I'm? We're Bestie. We're. Bring Gray along with you."

Eh? Bakit alam niya na magkasama kami ni Gray? May lahi ba siyang manghuhula?

"I am not with him", deny ko.

"Oh come on!" Base sa tono niya ay talo na ako so I decided to cut the call.

"Oo na. Bye." Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil agad kong pinatay ang tawag. Siya ding pagpatay ni Gray sa cellphone niya.

"What was it about?" tanong niya sa akin.

"May nagnakaw daw sa katabing kwarto ni Math", wika ko. Hindi ko na isasali ang iba pang sinabi ni Jeremy.

"Same reason why Math called."

"Halika na", wika ko at nagmamadaling tinungo ang pinto pabalik sa loob ng ospital. Naramdaman ko ang pagsunod ni Gray sa likuran ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang magsalita si Gray.

"We need to hurry but I think I still need to do this," he said at nang akmang lilingunin ko siya ay hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. He planted a quick smack on my forehead, then on my nose and lastly on my lips. It was so fast that when I blinked he was already smiling at me.

"Let's go", he said at tuluyang binuksan ang pinto sabay hila sa akin papasok.

***

Pagdating namin sa kwarto ni Math ay wala sila doon kaya dumeretso na kami sa katabing kwarto. Just like what I expected, naroon nga si Jeremy na tulak-tulak si Math habang lulan ng wheelchair, isang guard, isang doktor at ang pasyente.

"Bestie! Gray! Sir Frank, sila po ang mga kaibigan namin. Baka makatulong po kami", Jeremy said.

Bahagyang lumapit si Gray sa pasyente. "Ano po ba ang nangyari?"

"Ninakaw ng isang nurse ang relo ko!" galit na wika ng lalaki.

"Sir, sinabi na po naman na walang nurse dito na gaya ng description ninyo" sagot ng doktor sa kanya.

"Kahit na! Kasalanan niyo pa rin kung bakit nawala ang relo ko! Anong klaseng ospital ba ito?"

Kahit ang guard ay tila naubusan na ng pasensya. "Sir, saan niyo po ba kasi inilagay ang relo ninyo?"

"Dito", wika niya at iniangat ang wrist. "In my wrist."

"Edi kung ganoon ay responsibilidad niyo na yun!"

Inilibot ni Gray ang paningin sa paligid. "There's a CCTV camera. Maybe we can see the footage. By any chance, is this nurse is the one have a long straight hair and sexy body with a red lipstick?"

"Exactly."

Wait. Hindi ba't iyon ang nurse na nakasabay ni Gray kanina? If that's the case... Ang nakasabay niya kanina ay si... Napatingin ako kay Jeremy at mukhang wala itong ideya kung sino ang tinutukoy dito.

"Sa tingin niyo ay paano niya nanakaw ang relong suot-suot niyo lang?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Nakatayo lang siya sa tabi ko pagkatapos ay nagpaalam na siya. Ni wala nga akong nakita na may bitbit siyang kahit ano" sagot ng lalaki.

Bumaling naman ako sa doktor. "Sigurado po ba kayo na wala kayong nurse na gaya ng description nila?"

"Wala nga. Kakauwi lang din ni Nurse Chavez na siyang naka-assign dito at mamaya pa darating ang papalit sa kanya" the doctor replied.

Kung kanina pa iyon nangyari, Victoria must be laughing right now with the watch in her hand.

"Kailangan ninyong mahuli ang magnanakaw na iyon!" galit na wika ng pasyente. Alam niyo bang gaano kamahal ang relo kong iyon?"

"How much?", tanong ni Math.

"It bought it in an auction for 3 million!" nangagalaiting wika nito.

"3 million? Sinong tanga ang bibili ng relo na 3 million, sa auction pa?", Jeremy blurted at pagkatapos ay bumulong. "Ah, siya. Siya pala ang tanga na iyon."

"Kid, hindi lamang iyon basta relo. It's a celestial timepiece with a fine opaline front dial, in slate-colored grey and touches of blue! Tatlong modes ng oras ang makikita sa relong iyon- standard clock time, solar time, and sidereal time, which measures the rotation of the earth in relation to other stars rather than the sun! Buti nga 3 million lamang ang halaga niyon sa auction, for sure mas mahal iyon kapag pina-appraise ko!"

"Kung gayon ay tingnan na natin ang footage. Jeremy, bring Math on her room, pati na rin si Amber", Gray said at nagpaalam sa amin. The guard and the doctor went with Gray kaya naiwan kami doon.

"Je, bring Math to her room. Kailangan pa niyang magpahinga." I decided to stay upang makausap pa ang may-ari. Math and Je were about to protest ngunit hindi na nila iyon itinuloy dahil inirapan ko sila. Jeremy pushed the wheelchair towards the door at saktong pumasok naman ang isang nurse na nakasuot ng eyeglasses at may dalang maliit na cart na may mga tray- probably mga pinagkainan ng mga pasyente. Her lips were covered with bloody red lipstick. Nang tuluyan nang makalabas sina Jeremy ay ngumiti siya sa pasyente.

"Kukunin ko lang ang pinagkainan niyo Sir," nakangiting wika nito at agad na kinuha ang tray at baso ng pasyente, maging ang mga kahon ng gamot na walang laman. Agad itong nagpaalam at lumabas.

Something's not right. Nurse ba ang nakatokang kumuha ng mga pinagkainan ng mga pasyente? Nagmamadaling sumunod ako sa kanya at lumingon siya sa akin. She smiled at me bago binuksan ang pinto ng kwarto ni Math. Saka ko lamang nasulyapan ang suot niyang nameplate! It says that her name is S. Chavez! Hindi ba't sabi ng doktor kanina ay tapos na ang shift ni Nurse Chavez?!

I waited for her outside ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi agad ito lumabas. Nagmamadaling sinundan ko siya papasok sa silid ni Math ngunit hindi ko agad siya kinompronta. Not with Jeremy around.

Pagpasok ko doon ay hinawakan siya ni Math sa braso samantalang nasa kama naman si Jeremy at walang malay.

"Amber! She's the thief!" sigaw ni Math nang makita ako. My eyes grew wide and it was focused on Je but Math spoke again. "Don't mind Jeremy for now, sedative lang yan. Sa ngayon ay hulihin mo muna siya! Look at her nameplate, hindi ba kakasabi lamang ng doktor kanina na umuwi na si Nurse Chavez?!"

So Math noticed that too! I saw Victoria smiled.

"Come on Victoria, spare the old man for now. That watch is worth 3 million at alam kong mabangong-mabango iyan sa iyo, given its value. But it's over now kay kung ayaw mong masaktan ay sumuko ka ng maayos" wika ko sa kanya. So the watch never left the room. Maaring nasa baso lamang iyon o kaya ay nasa mga box ng gamot na kinuha niya kanina.

Tinanggal niya ang suot na eyeglass at maging ang suot na wig. She displayed her pretty face and long curly hair.

"Kilala mo siya?", hindi makapaniwalang tanong ni Math at bahagya akong tumango. Hindi pa rin niya binitawan ang braso ni Victoria kahit na nasa wheelchair siya.

"Akin na ang relo Victoria!"

"3 million? Pakisabi sa matandang manyak na iyon na higit pa sa tatlong million ang halaga ng relong ito sa akin. Pag-ibig at pagkakaibigan ang halaga ng relong ito. Ako ang may-ari- ang ibig kong sabihin ay ako ang sunod na may-ari nito mula nang kinuha ko ito sa isang batang lalaki," she said and I saw a glint of sadness in her eyes. Bahagya din niyang sinulyapan ang walang malay na si Jeremy sa kama.

"Wala mey labot! Ibalik mo na ang relong iyan sa bagong may ari! You cannot get that back from the new owner! He got it from auction!" sigaw ni Math sa kanya.

"Alam mo ba ang sinasabi ng babaeng ito Amber? Uh, ayaw ko sa kanya," Victoria said to me. Yeah, she doesn't like her even the first time she saw her. It was hate at first sight.

"Amber?" Math said unbelievably. "At first name basis pa kayong dalawa?! Close kayo?!"

We chose to ignore her at humakbang lang ako palapit sa kanya. "I don't care if it's yours. Kailangan mong ibalik iyan."

I saw her glance at the vent on the roof which was enough for her to pass through! Doon siya dadaan! Napakabilis ng mga pangyayari. I pulled the cart na maaring gamitin niya upang makaakyat siya patungo sa nakabukas na vent sa kisame na sigurado akong binuksan na niya nang pinagplanuhan pa lamang ito.

Desidido si Math na huwag siyang bitawan ngunit ngumiti si Victoria sa kanya. "Hindi ko pagsisisihan 'to. Para talaga 'to sa iyo," she said at hinawakan ang nakacast na sugat ni Math.

Nabitawan siya ng huli at panay ang pagsigaw nito.

"Agaaaaaay! Pisti kang bayhana ka! Buy-i akong samad kay sakit kaayo! Arrgh! Makabalos gani ko nimo imumo ta gyud kang buanga ka!"

Pareho kaming walang naintindihan ni Victoria sa sinabi ni Math. Just then, bigla na lamang niyang sinipa nang malakas ang wheelchair ni Math kaya nagmamadaling tumakbo ako bago pa matumba si Math o kaya ay mabangga sa dingding. That gave Victoria an opportunity to escaped. Pumatong siya sa kama at sumampa sa nakabukas na vent but then she stopped. Bumaba siya at ginawaran ng halik sa pisngi si Jeremy. Bumakat pa ang lipstick sa pisngi nito samantalang mas lalo namang nainis si Math.


"Hoy kulot! Nganung gihalukan man nimo si Jeremy! Kinsa man kang bayhana ka! Naog diri kay opawan tikang kulota ka!" Math said angrily. Ngayon ko lang yata siya nakita na sobrang galit to the point na nawala ang poise niya.

Napansin marahil nito na pareho kaming naguguluhan ni Victoria sa mga pinagsasabi niya. "Sino ka ba?"

"Ako si Victoria!"

"Kilala mo ba si Jeremy?"

"Kilala ko si Calvin."

"Bakit mo siya hinalikan?" Math asked again. "May gusto ka ba sa kanya?"

Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa amin.

"Secret!", she said bago tuluyang nawala sa paningin namin, leaving Jeremy with a kiss mark, me with regrets that I wasn't able to catch her and Math. And Math who's about to burst in anger and jealousy? Yeah. I think so.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro