CHAPTER 43: PUNISHED
Chapter 43: Punished
Pagdating ko sa OSA at nagtaka ako nang makita doon ang may pasang mukha ni Math. What? She got here first? Pinatawag din pala siya?
Sinadya kong magkaroon nang ingay ang pagsara ko ng pinto upang makuha ang atensyon nila. The guidance counselor nodded at me at tinuro ang upuang katapat ng upuan ni Math.
"Maupo ka Miss Sison."
Wait, why do I have a bad feeling for this?
"Alam mo ba kung bakit ka pinatawag dito Miss Sison?," tanong ng guidance counselor sa akin. My bitchy side wanted to raise my brow at pilosopohin ito ngunit alam kong ang pamimilosopo ang huling bagay na dapat kong gawin ngayon.
"No".
"It's about your offenses."
Offenses. Plural. Ibig sabihin ay more than one ang offense na nagawa ko. What did I do other than punching Math?
"Offenses?"
"Yes."
"What did I do?"
Tumingin siya kay Math at saglit na sinulyapan ko din ito. What now? Yun lang ba dahil sinuntok ko si Math, offenses na agad?
"Alam mong ipinagbabawal ang pananakit sa kapwa estudyante Miss Sison."
"She hurt me first," walang emosyong wika ko. Tsk, nagsumbong si Math? Tsk, coward.
"I didn't!," apela nito.
"Wala akong nakikitang ebidensya na makakapagpatunay sa sinasabi mo Miss Sison."
"Maybe you should try to make corresponding offenses for those who hurt people emotionally," sagot ko sa kanya.
"Kinukwestiyon mo ba ang pamamalakad ng skwelahan?"
"Am I?" God, this is a waste of time. Tiyak na si Math naman talaga ang papanigan nila dahil maliban sa pagiging ubod ng pampam at pabida nito, paborito rin ito ng bayan. Kami lang yata ni Jeremy ang hindi masyadong gusto siya.
"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo Miss Sison," wika nito. I still want to talk back ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili ko bago pa man madagdagan ang offense ko na tinukoy kanina ng guidance counselor na "offenses".
"You said offenses. Ano ang ginawa ko maliban sa nangyari kay Math?"
"Hindi mo alam ang mga ginawa mo?" Nais kong taasan ulit ng kilay ang guidance counselor. Tanga ba siya? Itatanong ko ba kung alam ko? Duh. Sa halip na sumagot ay umiling na lamang ako. Kinuha niya ang isang papel at binasa iyon.
"Breaking the school's rules and regulations, multiple counts. Alam namin na may daan ka na nilalabasan sa Bridle kapag nais mong magcutting. Lagpas curfew time na umuuwi ng dormitory. Nananakit ng estudyante- previously is Honey De Mesa at ngayon ay si Miss Corazon. What's even worst is that you hurt a student council officer."
Marami pa itong sinabi at pinalampas ko lamang ang lahat ng iyon sa tenga ko. Nagsasayang lang talaga sila ng oraa. What's the point of enumerating all of those?
"Do you know what does it mean?"
"Hindi ako ga-graduate."
"It could be," sagot nito. It's not surprising. Knowing Bridle as school of moral and value, they will really do something. Kadalasan sa mga matitigas ang ulo na estudyante ay nagtitino kapag nasa ganitong grade na. In my case, baliktad.
"It could be but we know you better than that. Alam din namin na nagluluksa ka pa sa pagkamatay ng iyong ama. So we come up with another option."
I secretly scowled at the guidance counselor. What now? Is this the part where I will be asked to write I WILL NOT DO IT AGAIN one hundred times?
"Community service."
Ah, better than writing. Hindi ako nagsalita at naghintay na lamang na idi-dismiss niya ako. Mukhang naramdaman naman nito ang pagkabagot ko kaya muli itong nagsalita.
"Nandito si Miss Corazon upang sabihin sa'yo ang mga maari mong gawin. You have to follow her order since siya ang pumalit sa pwesto ni Mary since she's the student council VP. We are always watching you Miss Sison so be careful with your deeds."
I nodded my head at agad na tumayo kasunod nang pagtayo ni Math. Nagpaalam na siya guidance counselor at tinahak ang daan patungo sa student council office na hindi naman kalayuan mula doon. I don't want to add punishments for my offenses kaya kahit labag sa loob ay sumunod ako kay Math.
"Hindi ko alam na sumbungera ka pala." Wika ko habang naglalakad. Tsk, hindi ko inaasahang magsusumbong ito.
"I didn't."
"Try to sound convincing some other time."
"Hindi ako nagsumbong. Nakita lamang nila na may pasa ako kaya nang tinanong ako tungkol dito ay hindi na ako nagsinungaling pa!"
I've known her as cocky but never a liar. O baka hindi ko lamang alam. But as far as I know about Mathilde Corazon, she's honest even if she sounds so bragging most of the time.
"Masyado akong abala sa kaiisip sa nangyari kay Miss Pres kaya wala akong panahon na magsumbong. If you're wondering what happened to her, nilason siya sa pamamagitan ng lason na inihalo sa inumin niya. I don't know what kind of poison, hindi ako nakahingi ng detalye mula sa mga pulis."
Nagkunwari akong hindi interesado sa sinabi niya at nanatiling tahimik kahit ang dami kong gustong itanong sa kanya.
"If you're thinking that I will take back all I said yesterday, you're wrong. I meant what I said. Gusto ko lamang ng sa kaayosan dito sa skwelahan." pagpapatuloy niya.
"If you're thinking I will apologize after what I did, you're wrong too," wika ko sa kanya. Hinding-hindi ko hihingi ng pasensyasa ginawa ko. In fact she deserve more of it.
"Let's clear things between us Amber. Alam kong pareho tayong may atraso sa isa't-isa. Pero para sa kaayusan ng Bridle at kaligtasan nang bawat isa, we have to act accordingly no matter how much we love to wring each other's neck."
Nanahimik lamang ako hanggang sa marating namin ang SC office. Since Math will take over, malaki ang posibilidad na madalas na ito dito sa office at madalang na lamang kung sumama sa amin. Iginala ko ang paningin sa loob ng opisina. It was a huge room na may na extension door papasok sa isang conference room kung saan ginaganap ang student council meetings.
Umupo siya sa mesa at may hinugot na drawer. She picked up a folder and gave me a community service form. I can't believe that I am doing this community service. Detention room is better than community service. Mabuti pa doon, nakaupo ka lamang samantalang mapapagod ka naman sa community service.
Halos nanlaki ang mga mata ko nang mabasa kung ano ang mga gagawin ko. Lahat yata ng trabaho ng janitor ay mapapasa sa akin. Mula sa paglilinis sa mga convenient shed hanggang sa pagdidilig ng mga halaman ay nakatoka sa akin. What's worst is that I was tasked to clean all the public CR within Bridle. See? Detention room is better.
"Gagawin ko lahat 'to?" I hardly believe it! Malaki ang Bridle. Ibig sabihin ay halos lahat ng natitirang oras ko sa araw na ito ay igugogul ko sa paglilinis!
"Kung iyon ang nabasa mo diyan, then it's a yes."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. I know behind her serious face ay ang kanyang pagdiriwang na magiging alipin ako. I'm sure siya ang nagsumbong lalo sa ibang offenses ko especially the one about using the backdoor. Siya lang naman ang posibleng magsumbong sa akin tungkol doon eh!
Nagsukatan kami ng tingin ngunit ako ang unang bumawi. I should get going kung ayaw kong ma-extend hanggang bukas ang community service ko. Pumunta ako sa supply and maintenance office upang kumuha ng mga gamit na panlinis. Pagkatapos iyon ay hilahila ko ang cleaning cart na may laman na mga gamit panglinis. Pinili kong magdilig muna ng mga halaman. I was still in my uniform at hindi na nag-abala pang magbihis nang magsimula akong magdilig.
May mga estudyante na nakakita sa akin at panay ang bulongan. Mukhang napalakas yata ang pagbubulungan nila to the point na naririnig ko sila.
"Hindi ba't si Amber Sison 'yan? Ano kaya ang ginawa niya bakit pinag-community service siya?"
"Oo nga, siya nga."
"Balita ko sinuntok niya raw si Math."
"Si Math? 'Yung papalit kay Miss Pres?"
"Ang bait kaya ni Math, bakit niya sinaktan?!"
"Ewan. Hindi lang naman si Math ang una niyang nakaaway eh! Hindi ba't may kasabunutan siya dati?"
"Masama daw talaga ang ugali niya!"
Now that's it! Paano ba nila nakakayang mag-usap tungkol sa taong naririnig lamang sila?! With a brow raised ay hinarap ko sila.
"Ang ganda sigurong mandilig ng mga chismosa ngayon ano?," I said in a loud voice enough for them to hear. Hinila ko pa ang dala kong hose ngunit bago ko pa iyon maitapat sa kanila ay nagsitakbuhan na ang mga ito.
Kung ako sa kanila ay gumawa na lamang sila ng makabuluhang bagay kaysa sa pag-usapan ako!
Habang nagdidilig ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari. Hindi nagbibiro si Tross nang sinabi niya na hindi siya magdadalawang isip na magsakripisyo ng mga buhay para lamang makuha niya ang nais mula sa akin.
I admit about my mistake yesterday. Nagpadalus-dalos ako sa ginawa ko. I really believed that it was Doreen Apdian ang puntirya nila gayong si Mary Claire Consolacion naman pala. Despite the clue that he has given me-
Wait.
The clue! He has given me a clue dahil ayon sa kanya, he "heard" na nahihirapan ako. Ngunit mula kanino niya narinig na nahihirapan ako? Malaki ang posibilidad na mula iyon sa taong nasa malapit lamang at nagmamasid. He said he has "eyes and ears" within Bridle! Kung gagamitan ng process of elimination ang mga taong malapit lamang sa akin at nakakahalubilo ko araw-araw...
Hindi si Gray, of course. He hated himself for trusting him before and then he happened to be someone that he doesn't know at all. Alam kong nasa panig ng kabutihan si Gray at hinding-hindi ito gagawa ng masamang bagay, even being Tross's informant.
It can't neither be Andi nor Therese dahil hindi naman nila kilala si Tross, they just knew how wicked he is. Whenever something happens at may kinalaman ang Genesis, hindi ko dinidetalye ang pagkukuwento. They're just my innocent roommates who loves to dress up or stalk their crushes. Sila din ang labis na nag-aalala para sa akin kapag may pinasok akong kapahamakan.
As of Reo... Come to think of it, bumalik siya sa kasagsagan nang business operation ng Genesis. Siya din ang pumili ng bar na pupuntahan namin kung saan pinatay si Mary Claire at hinabol si Ryu ng isang taga-Genesis. He was all of a sudden "into me". Posible bang may iba siyang motibo sa pakikipaglapit sa akin?
Of course, eliminated na si Khael, Ryu at Cooler. It can't be them. Just like Gray, Khael will never do something illicit gaya nang pagpanig sa Genesis. Cooler and Ryu? They're loyal to the Vander Mafia at kalaban nila ang Genesis. Si Zywon naman... Yes he is their anonymous Trojan ngunit hindi din niya magagawang pumanig sa kanila nang lubusan. He loathed them!
Then there's Jeremy... Si Jeremy ang nagyaya na pumunta sa bar although si Reo ang pumili ng bar na pupuntahan. Ilang beses ko na siyang pinagduduhan but every time I do, he always made me feel guilty. Hindi kaya defense mechanism niya iyon upang hindi ako maghinala sa kanya? Most bad guys disguised as someone unsuspicious upang hindi paghinalaan. He could be disguising as a nerd before at kalahating baliw ngayon just to pose as a friend. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ginagawa niya sa floor na iyon ng boys' dorm when he was framed for murder. Kahit napatunayan na si Marcus who was Plumbite ang gumawa niyon, hindi ko pa maiwasang isipin na kasabwat niya si Jeremy. And yesterday... Nawala siya saglit dahil may tinawagan and when he returned, Tross called me to give me a clue. Nawala rin siya kagabi... No. Ayaw kong isipin!
Then there's Math. Given her ability, a tech geek, malaki ang posibilidad na kasabwat nga ito ng Genesis. Kunwari ay concern siya sa kaayusan ng Bridle but the truth is she's one of them. Gaya ni Jeremy ay hindi pa rin niya ipinapaliwanag ang tungkol sa footage sa boys' dorm kung saan naroon siya.
"Nalulunod na ang halaman dahil sa ginagawa mo."
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita si Jeremy na nakatayong nakapamulsa. I frowned a little when I saw him. Hindi ako nagkomento at nagpatuloy lamang sa ginagawa ko.
"Bestie, you missed Math class. Mahirap ang topic ngayon pero alam kong madali lang iyon sa'yo."
"Busy ako sa ginagawa ko kaya umalis na ka na," taboy ko sa kanya.
"Not unless sasagutan mo ang quiz namin kanina sa Math, orally", seryosong wika niya. Hello, anong akala niya sa akin, human calculator? Hindi ako katulad ni Gray na kapag ina-ambush ng tanong na may kinalaman sa Math ay nakakasagot agad. I usually write it down upang maintindihan ko.
"Go away Je."
"Just this one Bestie," wika niya at bahagyang nagpout. Kinuha niya ang isang maliit na papel mula sa bulsa at binuklat iyon upang basahin. I remained silent pero nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Eto ha. If X has 50,0000, tapos ininvest niya 'yun where it earned an interest of 12% semi-annually tapos kinuha niya ang principal amount at ideniposit iyon sa ibang banko, where it was compounded bi-monthly for 3%. He donated 20% of it to his son. His car was stolen so he received an insurance worth 80, 000 and he donated 20% of it to Red Cross. He has unpaid mortgage of 20, 000 at ang natitira ay hinati niya sa dalawang anak niya. Now the question... Hinga ka nang malalim Bestie."
Yeah, as if I'm 100% listening to him, well I'm not.
"Wag kang OA Je, umalis ka na nga."
"Sagutin mo kasi eh!"
"Je."
"Ito lang naman eh!"
"Fine! Ulitin mo."
Binasa niya ulit ang papel. "X has 50,0000, tapos ininvest niya 'yun where it earned an interest of 12% semiannually tapos kinuha niya ang principal amount at idiniposit iyon sa ibang banko, where it was compounded bimonthly for .3%. He donated 20% of it to his son. His car was stolen so he received an insurance worth 80, 000 and he donated 20% of it to Red Cross. He has unpaid mortgage of 20, 000 at ang natitira ay hinati niya sa dalawang anak niya."
"At ang tanong ay magkano ang share ng dalawang anak?"
"No. Ang tanong ay kumain ka na ba?" he said with a big grin. I rolled my eyes at him. See? Kalahating baliw.
"Go away Jeremy." Nagsasayang lang siya ng oras ko. Marami pa akong gagawin. Magbununot pa ako ng damo sa mga flower pot at maglilinis pa ako ng mga CR.
"I mean it. Kain tayo."
"Busog pa ako. Nasaan ba kasi si Gray? Siya na lang ang yayain mo."
"Nasa base siya ngayon."
Base? "What base?"
"Sa bagong base."
"And where is that?"
"Guess where?"
Diligan ko din kaya siya? Wala akong time para manghula. Tila naintindihan naman niya ang tingin kong iyon kaya siya na mismo ang nagsalita.
"Sa SC office. Nag-improve na ang Detective Triumvirate Plus One. Hindi na tayo sa cafeteria kundi sa SC office na. Isn't it amazing?"
Amazing? No it's not! Kung totoo nga na si Math ang "mata at tenga" ni Tross, mas magiging madali sa kanya kung doon kami sa SC Office. Hindi kaya't sinadya talaga ni Tross na si Mary Claire ang gawing biktima upang mapataas sa posisyon si Math since she was the SC vice-president? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang maisip kung paano niya nakuha ang boto ng nga estudyante gayong bago pa lamang siya dito.
"Jeremy, kumain ka na doon. Kailangan ko muna 'tong tapusin."
"Bestie..."
"Kapag hindi ka umalis ay didiligan kita," banta ko sa kanya. Nagpahalukipkip lang siya.
"Edi diligan mo." I was about to turn the hose to him but he raised his arms in surrender. "Joke lang Bestie! Eto naman, masyadong seryoso. Sige kitakits later!" wika niya at agad na tumakbo palayo.
I can't help but worry for other possible things. Maybe I need to talk to Attorney Rose upang malaman kung ano ang bagay na iniwan ni Daddy sa akin. Tinapos ko na ang pagdidilig ng halaman at sinunod na ang paglilinis ng mga CR. I pushed the cart with the cleaning tools at tinungo ang pinakamalapit na CR. Mabuti na lamang at class hours ngayon kaya hindi masyadong maraming estudyante ang gumagamit sa mga CR. Nagsimula na akong maglinis. I have all day long to clean Bridle.
Damn Math and this punishment!
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro