CHAPTER 39: GAME OF DEATH (Part 1)
Chapter 39: Game of Death (Part 1)
Ano nga ba ang ginagawa namin ni Jeremy dito sa plaza? Kanina pa kami nakatayo dito, naghihintay sa wala. Actually we are waiting for someone but that someone keep us waiting for a long time. Kung hindi lamang para sa ongoing na kaso ay hindi ako maghihintay dito ng halos mag-iisang oras na. After few efforts, nalaman namin na maari naming makita si Jimmy Bardoquillo dito sa plaza. Ayon sa mga tindera sa tabi-tabi, palagi daw na nakatambay si Jimmy dito but it looks like today is not on of it.
"Bestie, I read some articles about S&M", wika ni Jeremy habang pinaglalaruan ng paa ang maliit na bato sa paanan. We are still in our Bridle uniform at umaga pa lamang. Yep, as usual, we ditch classes to lay our hands in this case. Curious pa rin ako kung bakit mag-eemail sa akin ang biktima gayong hindi naman kami magkakilala. Maybe digging in this case will give me answers.
S&M? Ano raw? Yung tsokolate?
"What?", nagtatakang tanong ko kay Jeremy.
"S&M as in sadomasochism. You know just how you like to give and receive pleasure in acts which involves pain infliction. BDSM."
What the hell?!
"Je nakakadiri ka talaga! Ilang beses ba naming ipapaliwanag sa iyo na aksidenteng naposasan kaming dalawa?", I said. We never mentioned Victoria to him dahil nung huling beses na sinabi ko ang tungkol sa kanya, Jeremy became indifferent. Maybe remembering an old friend makes him sad.
"Kapag naniwala ako sa sinabi mo, para na rin akong naniniwala na may ginto nga sa dulo ng bahaghari", he replied and naughtily looked at me. Argh! Bakit ang hirap niyang paintindihin?
"Fine! I will tell you the truth!", wika ko. Bahala na siya kung ano ang mararamdaman niya kapag pag-uusapan namin si Victoria. "Someone handcuffed us and guess who it is?"
His eyes were wide at nakatingin sa banda ko. "Jimmy Bardoquilo?!"
"No, not him."
"No! Jimmy Bardoquillo!", he said again.
"Hindi sabi eh!" Hello? Nandito nga kami para makita namin si Jimmy tapos sasabihin niyang si Jimmy ang nagposas sa amin?! Duh.
"No, I mean it's Jimmy Bardoquillo!", wika niya at saka ko lamang napansin na sa likuran ko pala siya nakatingin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at agad na tumakbo patungo sa direksyon ng isang lalaki na patungo din sana sa direksyon namin. I looked at my back at nang magtama ang mga mata namin ni Jimmy ay tila nagulat ito at agad na nagtangkang tumakbo palayo but Jeremy got him before he can run away. Saglit itong nanlaban kaya tumakbo na rin ako sa gawi nila at tinulungan si Jeremy. We pinned Jimmy's hand on his back at panay ang pagmumura nito.
"P*tangina, anong kailangan ninyo sa akin?", inis na wika nito. Magkasingtangkad lang sila ni Jeremy ngunit kung lakas ang pag-uusapan ay mukhang may lakas pa si Jeremy kaysa sa kanya. He looked haggard and weary na para bang ilang araw itong hindi natulog. I grabbed him on his elbow at agad siyang napaaray.
"Dahan-dahan! Masakit ang katawan ko! Ano ba ang kailangan ninyo sa akin?"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Bakit mo pinatay si Jessie Colance?"
"Hindi ko kilala ang sinasabi mo!", he said and looked away. Geez, I knew that reaction.
"Alam kong pumunta ka sa Bridle kung saan nagtalo kayong dalawa."
Hindi ito nagsalita at tumingin sa kung saan-saan na para bang sinasabi sa akin na wala siyang balak na sagutin ang mga katanungan ko. And that irritates me a lot. Ayoko ay yung hindi nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Jimmy Bardoquillo, murder is a serious offense. Alam mo na hindi magandang manirahan sa selda", Jeremy said and it worked. Jimmy looked at him at bahagyang sumimangot.
"Wala akong pinatay!"
"Pero kilala mo si Jessie?", tanong ko at hindi niya ulit ako sinagot. God, I am losing my temper!
"Dalhin na lang natin to sa presinto Bestie", Jeremy taunted and again, it worked.
"Wag! Wag! Oo na. Kilala ko si Jessie pero hindi masyado. May inihatid lang ako sa kanya na bagay at nang kulang ang bayad niya ay nagkainitan na kami ng ulo", sagot ni Jimmy.
"At ano naman ang bagay na iyon?", I asked but Jimmy only looked at me and keep his mouth sealed. I pulled my hair to control my temper dahil kapag ako hindi nakapagtantya, dadapo ang kamao ko samukha niya, I swear.
"Sumagot ka", Jeremy shouted at bahagyang hinigpitan ang hawak sa braso niya sa likuran. Jimmy made a face because of the pain but still didn't say a word. "Ayaw mong sumagot ha! Magbibilang ako!"
Tila hindi naman iyon narinig ni Jimmy at nanatiling tahimik.
"Isa!"
I looked at Jimmy, studying every reaction in his face ngunit wala kong nababasa doon maliban sa pagkabahala at pagod.
"Square root of 4!", Je said at sabay kaming napatingin ng masama ni Jimmy sa kanya. "Hanggang lima lang to kaya umayos ka Jimmy. Square root of 9!"
Anong pinagsasabi mo?", Jimmy asked na bahagyang nakakunot ang noo.
"Tanga ka ba? Nagbibilang ako!"
Oh yeah, he really is but he made it complicated. Square roots huh?
"Eh bakit, squalakongpake yang pinagsasabi mo?", Jimmy mumbled.
"Ayy tanga. Ang square root kasi ng 4 ay 2. Tapos sa 9 ay 3! At wag mo akong inaaliw, alam ko yang istilo mo! Nagbibilang pa rin ako! Square root of 16!", Jeremy said ngunit umiwas lamang ng tingin si Jimmy. "Square root of 25! Ayaw mo talaga ha!"
Jeremy twisted his arm on his back at namilipit naman sa sakit si Jimmy. "Ah-ray! Ano ba .. ah! Oo na, oo na! sasabihin ko na!"
"Sasabihin mo din pala, pa hard to get ka pa ha!"
"May binili kasi si Jessie sa akin", panimula ni Jimmy.
"And what is that?"
He sighed at tila nag-alangan pa na sumagot but in the end, he decided to. "Drugs."
My brows furrowed when he said drugs. Bahagi ba siya ng Genesis? Did the organization penetrate Bridle?
"By any chance, ang drugs ba na sinasabi mo ay kulay asul?", I asked. Hindi maiwasang hindi bumangon ang poot sa dibdib ko kapag naaalala ang organisasyon. Evil people. Evil STX2. Damn, they caused all my miseries. Ilang tao na ba ang namatay dahil sa pinaggagawa nila?!
"Asul? Hindi no. Damo yun", Jimmy said and I almost sighed. Damo at hindi STX?
"Pero bakit bigla ka na lang tumakbo nang makita si Bestie?", Je asked. "Unless, may alam ka sa pagkamatay ni Jessie at-"
"Teka, seryoso ba talaga kayo na patay na si Jessie?", tanong nito na tila ba hindi makapaniwala sa balitang dala namin sa kanya. It could be that he is acting. Malaki ang posibilidad na siya ang pumatay dito and this innocent act is scripted even though he doesn't look guilty at all.
Before my mind could build up any theory regarding this matter, my phone rang. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa at sinagot nang rumehistro ang pangalan ni Zywon doon.
"Just Amber."
"Did you find anything?", I asked. Pagkatapos naming maghiwalay sa auction, he texted me few times kung nasaan ako. Unfortunately, Victoria got me drugged kaya nawalan ako ng malay. When I read his messages, itinext ko na lamang siya na nakauwi na ako ng ligtas kahit na ang totoo ay naghilahan pa kami ni Gray. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang kulay violet na marka sa wrist ko dahil sa posas.
"The mail is sent through an anonymous server other than maillanator and other common disposable mails", panimula niya. I want to roll my eyes. Man, I'm just a low tech peer so I don't know what those maillanators are. Maybe a combination of mail and alienators? Just maybe.
"Which means?"
"Which means it is impossible to trace it", wika niya. I scoffed because of what he said. Ganun lang naman pala ang ibig sabihin, ginamitan pa ako ng anonymous server at maillanator!
"Which means wala kang naitulong?", I asked. I hate to say it but I guess it is the simplest form to describe it.
"You ungrateful witch", he hissed on the other line. "I didn't trace the sent mail but atleast I know where those emails went."
"Really?"
"Yeah, and guess where?"
"Uh, no time for guessing", I said lazily at sinamaan ng tingin si Jeremy at Jimmy na nakatunghay sa akin.
"It went to the secured database of the organization", he said and I froze a little bit. I am right; the organization has something to do with it. Nagpaalam na ako kay Zywon matapos magpasalamat sa kanya at hinarap si Jimmy. I stared at him at pilit na binabasa kung may koneksyon ba siya sa Genesis. "Why did you run after you saw me?"
"Ilang beses na akong nagpunta sa Bridle sa iilang beses na iyon ay palagi kitang nakikitang kausap yung mayabang na police detective", Jimmy answer. "Si Adler yata yun."
The hell? Baka iniisip itong si Jimmy na best friends kami ni Detective Adler! No! Never. Feeling close lang talaga ang kumag na iyon, palibhasa, ginagamit niya ako upang mapalapit sa mafia na pangarap niyang puksain. Geez, he had no idea how his eyes shine every time he talks about the fall of the Vander mafia. Sa katunayan ay mas interesado pa siya sa Vander mafia kaysa sa Genesis.
"At bakit ka naman matatakot kay Adler?"
"Bago pa man siya naging detective ay mainit na ang dugo niya sa aming mga gumagamit ng damo", nakayukong wika ni Jimmy. "Lalo na sa mga gumagamit ng bato."
"Let him go Je", wika ko kay Jeremy.
"Sigurado ka?", he asked and I nodded. Guys like Jimmy are not pawns of the Genesis. They would probably use rich kids like Zywon o kaya ay yung may impluwensiya, hindi yung mga adik na nakakalat lamang sa paligid. Nang binitawan ni Jeremy si Jimmy aya agad na tumakbo palayo sa amin ang huli, ni hindi man lamang ito lumingon sa amin.
"We're back to zero", wika ni Jeremy. "Sana ay hindi mo muna pinapakawalan si Jimmy. Marami pa tayong pwedeng itanong sa kanya."
"No, he doesn't have anything to do with this", wika ko. "This is a plot of the Genesis. I'm sure that they already infiltrated Bridle High School right now at ginagawa ulit nilang kuta ang skwelahan."
Bumalik kami ni Jeremy sa Bridle na walang ano mang napala sa pakikipag-usap kay Jimmy. Yep, they argued but it was all about weeds and probably got nothing to do with his death. Pagdating namin sa Bridle ay naabutan namin sina Math at Gray na seryosong nakatingin sa mga papel na nasa mesa ng cafeteria.
"Yow", bati ni Jeremy. "Jimmy's a dead end. Ang tanga pa, hindi ba naman alam ang square root ng 4? Tsk!" he laughed it off at umupo sa kaharap na upuan ni Math. He picked up some papers at binasa ang laman niyon. "Police files?"
"Sssh!", sabay na wika ni Math at Gray sa kanya. Jeremy covered his mouth using his palm at pagkatapos ay umakto na tila izinipper ang kanyang bibig.
"Pero serysoso, bakit meron kayo nito? Hindi ba confidential ito?", he asked in a low voice.
"Connections", Math replied and winked. Tsk! Tusukin ko kaya ng hawak niyang lapis ang mata niya?! She looked at me nang papaupo ako at bigla na lamang napako ang mata niya sa pasa sa wrist ko na dulot ng paghihilahan naming ni Gray. "Am I missing something here? Bakit may mga marks kayo ni Gray sa wrist ninyo?", she asked and grabbed Jeremy's hand at sinuri iyon. "Wala namang sa iyo, I thought that is some sort of mark as being part of the Detective Triumvirate Plus One?"
"You have no idea where they got that", Je said crazily at sabay kaming tumingin ng masama sa kanya ni Gray. He covered his mouth again at umaktong izinipper iyon. His lock picking skill really worked. Pagkalipas ng ilang minuto na pangungulikot niya sa suot naming posas, he was able to free us from that crazy little thing.
"Forget about these marks and let's focus on the case. What do we get here?", tanong ko sa kanila at pumulot ng mga papel. I acted like I was reading it even though the truth is I am not comfortable right now.
"Nothing. Masyadong malinis tumrabaho ang killer. No clues left behind, God I want to treat this as an isolated case kung hindi nga lamang kapakanan ng Bridle and iniisip ko", mayabang na wika ni Math. Tsk, why does she sounds like a superhero who got no other choice but to save Bridle because she has to?
"That is because ang Genesis ang may pakana nito", wika ko at napatingin silang lahat sa akin.
"Genesis? You mean yung organisasyon ng Daddy mo- oopps, sorry, silly mouth", she said and laughed like she just said some joke.
"Math", serysong saway ni Gray at Jeremy sa kanya. I sighed heavily and controlled the remaining patience in me. Any moment by now, the beast in me might come out and eat her whole. Hangga't may natitira pa akong pasensya ay hindi ko na lamang siya papatulan, I will be cheap if I will be caught up in another cat fight now.
"What, totoo naman ah? She said it herself, she even loathed her father before", wika pa rin ni Math. I started forming my knuckles into a fist at tinatantya pa rin ang natitirang pasensya sa katawan ko.
"Math", saway ni Jeremy. Gone was his playful aura at napalitan iyon ng pagkaseryoso habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Math. He bit his lower lip, probably reading the current situation.
"Amber is so pitiful that time. Ah, kahit ako din naman kung malalaman ko na ganoon pala ang Daddy ko, baka pa nga nagpakamatay na ako. Nothing's worse than man who feeds his family from an illicit job", Math said and chuckled.
"Math", this time, Gray's voice was full of conviction. Saka ko lamang din napansin na nanginginig na ang mga kamay ko. The paper I was holding was crumpled at napunit pa ang mga edges nito.
"Math kayo nang Math, yeah that's my name", Math said. "We're talking about Amber's Dad and the organization that he used to belong only that they decided to get him out of the picture-"
Ibinagsak ko ang mga kamay ko sa mesa at masamang tiningnan si Math. "Listen Math Corazon, you and your opinion is least of my concern now at bago pa man masagad ang pasensya ko ay pigilan mo na yang bunganga mo before I cannot stop myself from hitting you because I'm telling you, you will not like it."
Right now I am really holding back my anger. It's not everyday that I need to manage my anger, sometimes people have to manage their stupidity.
"Sa ngayon ay mas iniisip ko pa ang Genesis, Jessie's death and everything", wika ko sa kanya.
Gone was her sweet look, sa halip ay napalitan iyon ng madilim na aura. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. Yun pa nga lang ay hindi niya na nagustuhan, ano na lang kaya kung hindi ako nagpipigil ngayon?
The tension between us was broken by Gray's ringing phone. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. Napakunot ang noo niya nang tiningnan ang cellphone bago niya sinagot ang tawag.
"Hello? Who's this?"
Mas lalo lamang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Gray. His eyes grew dark at napatingin sa akin. He handed me the phone at kahit nagtataka ay tinanggap ko iyon.
"Hello?"
"Amber."
Kahit hindi ko masyadong nakilala ang boses, the anger that aroused in my chest told me that it is that person!
"How do you like my gift for you?", tanong sa akin ng nasa kabilang linya. "Poor student, he hanged himself right?" Humalakhak ito sa paraang nakakarindi. I felt my free hand formed a fist at nabalot ako ng galit.
"Tross Delano, listen. Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito, you got what you want and you killed Dad. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Why are you doing this?!"
"Come on Amber, alam kong may iniwan si Copper sa iyo. Don't play me for a fool. Give me that thing", sagot nito.
Thing? What thing? Wala akong naaalalang bagay na iniwan ni Daddy sa akin! What is he talking about?!
"Walang anumang bagay ang nasa akin at kung meron man, I will never ever give it to you!"
Muli siyang tumawa ng mahina. "Ah, I already figured out that you would say that thing so I have a contingency plan on how to compel you. Do you want another Jessie case?"
I felt my blood rushed towards my head. So he's really behind this! At handa pang pumatay ng bagong estudyante kapag hindi niya makukuha ang bagay na hinihingi niya sa akin.
"I will alert the guards about you. Hinding-hindi ka makakatuntong dito sa Bridle!", I shouted to him. I can hear his chuckle and it's really pissing me off!
"Sinong may sabi na ako ang gagawa? I have eyes and ears there Amber. Nasa tabi-tabi mo lang. And if you really think that you can stop me, let's see to that. I'll be fair and I will give you a leverage in this game. You can stop me before I can even strike."
"I will never let you have that thing!", I gritted through my teeth at pinatay ang tawag. Whatever that thing is, it must really be important to the organization. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya ng matagal. Nanggagalaiti ako!
Naiinis na inilapag ko ang cellphone ni Gray sa mesa. Mukhang naintindihan naman nilang tatlo ang nararamdaman ko ngayon kaya walang nagsalita sa kanila at kasalukuyang binabasa ang sitwasyon. Just then the cafeteria door jerked open at iniluwa doon ang humihingal na si Therese. She looked around the area at nang mahagip ako ng paningin niya ay nagmamadaling lumapit siya sa mesa namin.
"Amber!", she said in between her heavy breaths. Mukhang galing siya sa pagtakbo.
"Rese?"
"Andi saw this on our door. Akala namin ay invitation, we got curious and opened it but that's what we saw. Maybe it's something important." She showed me a black envelope at iniabot iyon sa akin.
"Nasaan si Andi?"
"Dumaan lang saglit sa CR.".
Sinuri ko ang iniabot niyang envelope na may nakasulat na Amber sa likod. It looks like a small invitation card, only that it contains incomprehensible letters inside. Mukhang ito na ang sinabi ni Tross. Damn! He really acts ahead of his notice!
Printed on the card was:
AMBER
SHDOLI VSNNRE ETTCEN AEEUPD TUCIST
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro