Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: THE NEW DETECTIVE?

Chapter 2: The New Detective?

Maaga akong gumising ngayong araw. Bakit? Dahil tapos na ang Christmas break at balik skwela na naman. I really missed school. Nakaka-miss din pala ang kama ko sa dorm, ang mga guro at ang mga kung anu-anong ginagawa namin sa skwela.

Nang ihatid ako ng driver sa Bridle ay maaga pa kaya nakapag-ayos pa ako sa dorm. I cleaned my spot dahil may mga alikabok sanhi ng ilang araw na walang tao roon. Nang matapos akong maglinis ay nagbihis na ako ng uniform at pumasok sa classroom namin. Panay kwento ang mga classmate namin tungkol sa christmas break nila kaya hindi nila ako pinansin nang pumasok ako. I sat on my chair, beside Jeremy who was reading a book.

"Good morning seatmate!" masiglang bati nito sa akin. I gave him a smile but I paused for a while nang mapansin ko na baligtad ang ginagawa nitong paglipat ng pahina ng libro. When I looked at the book ay nagulat ako nang mapagtanto ko kung ano ang binabasa nito. It's a Detective Conan Manga!

"Jeremy, what's up with you?" tanong ko sa kanya. Kailan pa ito nahilig sa pagbabasa ng mga manga? At bakit mukhang masigla yata ito ngayon?

"What?"

"Why are you reading a manga?" gulat kong tanong sa kanya. It's very unusual to see him reading such things!

"Why? What's wrong with reading a manga?" tanong niya. Ano nga ba? Wala naman but kapag si Jeremy ang nagbabasa?! Unbelievable!

"Nothing! It's just too unusual for you to read such thing," wika ko sa kanya. I can't imagine Jeremy reading about murders and other stuff.

Ngumiti ito ng matamis at saka ko lang napansin na wala na itong suot na braces! Wait! Where did his braces go? Bakit hindi na nito suot iyon? See! Lumelevel up na nga si Jeremy!

"I'm done with Sherlock Holmes so I'm into Detective Conan now," wika niya. Oh no! Sinapian ba ng espiritu si Jeremy? What's with the sudden shift of book choice? Dati ay puro educational books lang naman ang binabasa nito ah!

"Where's your braces?!"

"My dentist removed it. I've been wearing it for a long time! And I already undergone adjustments and he said I don't have to wear retainers," wika niya at muling ngumiti. Uh, I'm not used in seeing him without his braces! Hindi rin ito nagsusuot ng retainers!

"Hi Amber! Hindi pa rin ba papasok si Marion?" singit ni Lorie sa usapan namin ni Jeremy. No one knows about what really happened. Pinili naming itago ang lahat ng nangyari. Marion's parents already talked to the school. She didn't go to school after that incident at mukhang wala na talaga itong balak pumasok since she's abroad for psychological treatment.

Hindi pumasok sa mga natitirang araw bago ang christmas break si Gray dahil nasa ICU ito noong mga panahong iyon. Ako naman ay umabsent ng dalawang araw at si Jeremy lang ang hindi.

Our classmates have been bugging us about Marion's whereabouts ngunit sinabi ni Ma'am Mendez na naunang magbakasyon si Marion. Ngayon naman ay panay pa rin ang pagtatanong nila tungkol dito.

"Hindi na siya papasok. Bumalik na daw ulit sila sa London," wika ng kadarating lang na si Gray. Bagong gupit ito and he looked so fresh. Uh, ilang araw nga ba kaming hindi nagkita?

"Ganoon ba? Mami-miss ko si Marion! Ang bait pa naman niya kahit possessive siya kay Gray," wika ni Lorie at nagkatinginan lamang kami ni Jeremy. Umalis na ito roon at naupo naman si Gray sa upuan niya. Uh, he doesn't have a seatmate anymore. Kawawa naman ito, tabihan ko kaya? De! Joke lang!

"Hi Gray! Cool hairstyle!" bati ni Jeremy. Kill me now! Kailan pa natutong bumati sa iba si Jeremy maliban sa akin na seatmate niya?

"What hairstyle? I didn't have new hairstyle, I just got a haircut," wika ni Gray. Pansin ko rin. Bagong gupit lang ito at walang bagong hairstyle.

"Well you look handsome today kaya akala ko nagbago ka ng hairstyle. Long time no see nga pala BRO!" he said na mas lalong ikinagulat ko. BRO? Aba! Saan naman ito natuto ng ganoon?

Bumaling ako ng tingin kay Gray. "Tell me, is this his new year's resolution? An overall make over?"

Napaisip naman sandali si Gray. "I have a different thought. I guess it's a hangover from the previous holidays and events."

"I'll agree on that."

"Please stop talking about me on my front. Not that I like it if you do it on my back," wika nito. "How about a logic question from me?"

"Go ahead. I guess that's included in your total make over," wika ko sa kanya. He smiled widely at tumikhim.

"Here it is. May tatay, nanay at anak. They're in a boat. As they sailed, the father sang a song pero nahulog siya kaya kumanta ang nanay para sa kanya. Nang kumanta ang nanay ay ito naman ang nahulog kaya kumanta ang anak. Nang ang anak naman ang kumanta ay ito naman ang nahulog. The question is: SINO ANG KUMANTA SA ANAK?"

"None. Wala ng natira sa bangka," sagot ni Gray.

"No."

"Uh, ang bangka?" I asked and I received deadly glares from both of them.

"Kailan pa natutong kumanta ang bangka?!" wika ni Gray. Sorry na! Malay ko ba!

"You're so stupid Amber!" Jeremy said at siya naman ang binigyan ko ng matalim na tingin.

"Shoot Jeremy."

"Hindi ninyo talaga alam?" he asked again and Gray and I both shrugged our shoulders.

"The answer is FREDDIE AGUILAR! Siya ang kumanta ng anak! Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng mga magulang mo at ang kamay nila'y iyong ilaw! Teneneneneng! Teneneneneng! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" he laughed so hard hanggang sa napaubo ito.

Uh, I should have known! His puns will never change! Oh Jeremy! My poor Jeremy. Tsk!

Hindi na kami muling nag-usap pa dahil dumating na si Ma'am Mendez and just as I expected, pinasulat kami ng essay about our most precious moment during our christmas break.
Well my precious moment? Maliban sa nakasama ko sina Mommy at Daddy ay noong nagdate kami. Marahil ay wala iyong kahulugan kay Gray but for me it's a precious moment kahit pa isang friendly date lamang iyon.

I wrote everything in my essay maging ang tungkol sa date namin ni Gray ngunit syempre ay hindi ko inilagay ang pangalan niya! There's no way I'll be naming him! Nilagay ko lang doon kung ano ang nangyari. Nagulat na lang ako nang bigla na lang kinuha ni Jeremy ang papel ko at binasa iyon ng malakas.

"It's a precious moment when you spend time with someone in an unimaginable setting, a crime scene and in a —"

"Akin na!" I shrieked at agad kong hinila ang papel bago pa niya mabasa lahat iyon! Aaaaargh! Makakapatay ako! Ayoko pa naman dahil pwede na akong makulong! Sinulyapan ko si Gray na napatigil sa pagsusulat at napatingin sa aming dalawa ni Jeremy.

"Mind your own paper okay!" wika ko at inirapan ito. I'm sure Gray heard it! Ang lakas kaya ng boses ni Jeremy at isa pa ay tenga ng detective ang meron kay Gray! He can hear even a whisper! Aaaaaaargh! Ipa-ambush ko kaya si Jeremy?

Buong umaga ako nainis kay Jeremy. He keeps on pissing me by asking what happened in that crime scene. Ikuwento ko kaya yung luminol at chemiluminescence sa kanya at nang tumahimik?! Duh!

Wala masyadong pasok sa hapon dahil mukhang hindi pa nakaka-get over mula sa christmas break maging ang mga guro.

"Where's that weird?" Gray asked at inilibot ang paningin sa classroom. Galing kami ng cafeteria at bumili ng meryenda. I bought some pizza slice and a coke in can.

"Weird?" I asked at inilapag ko ang nakabukas na coke sa mesa.

"You know, Jeremy."

"I thought he's a nerd," wika ko and Gray nodded.

"Well, he used to be pero ngayon, he's weird," Gray said. Yeah, Jeremy is really weird.

Bigla na lamang may lumapit sa aming estudyante. I guess she was a Grade 7 student, mula pa sa junior high department.

"Excuse me po, kayo po ba si Amber?" tanong nito nang lumapit ito sa akin.

"Ako nga. Bakit?" I asked at inabot niya sa akin ang isang kapirasong papel.

"May nagpapabigay po," wika niya at akmang umalis.

"Teka, sandali! Sino ang nagpapabigay?"

The girl shrugged her shoulders. "Hindi ko po kilala eh. Sige po, mauna na ako." Agad kong binuksan ang papel na binigay nito.

"What's that?" tanong ni Gray.

"Ewan," wika ko at binuklat iyon. Tumingin din doon si Gray mula sa tabi ko. The last time I received a something like this was a bad one. Galing iyon kay X which was Marion.

Cowards die many times before their deaths; The valiant never taste of death but once.

18-15-15-6-20-15-16

- JRMY.

P.S. Don't let the detective brat on your back help you. Decode the message and find me. I need your help.


Nakataas ang kilay ko matapos basahin iyon. Kung kailangan niya ng tulong, pwede naman niyang sabihin ng direkta! Hindi na niya kailangang gumawa pa ng cipheredtext!

"See? He's really weird. Siya na nga ang nangangailangan ng tulong, kailangan mo pang mag-isip upang mahanap siya at ikaw pa mismo ang pupunta sa kanya," Gray said. "So? What will you do?"


Inilapag ko ang papel sa mesa at napaupo. "Bahala siya sa buhay niya," sagot ko. Anong pakialam ko sa kanya at kaartehan niya? Ayokong pahirapan ang sarili ko.

"What if he really needs your help?" he asked at napabuntong-hininga ako.

"Fine. I'll try dec— oh!" bigla na lamang akong napatayo at kinuha ang mga gamit ko nang masagi ko ang coke in can na inilagay ko sa mesa. It spilled on the table at nabasa ang papel na galing kay Jeremy! Oh no! Mukhang hindi ko na talaga ito matutulungan!

"Uh, it's wet at hindi na mababasa ang mga nakasulat", wika ko nang pinulot ko ang papel. It was soaked with cola. "Mukhang hindi ko na matutulungan si Jeremy."

Kumuha ako ng tissue mula sa bag ko at agad na pinunasan ang mesa. Napalingon na lamang ako kay Gray ng magsalita ito.

"You can still find him. I remember every lines," seryosong wika niya.

"Hindi nga?"

"I told you I'm gifted with photographic memory. It goes like, Cowards die many times before their deaths; The valiant never taste of death but once. The numbers are 18-15-15-6-20-15-16. Pagkatapos ay ang pangalan niya, without the vowels. The P.S. goes like you must not ask help from a detective on your back," wika ni Gray.

"It says Detective brat,"wika ko.

"It must be referring to me. And I'm not a brat, damn that weird guy," he said at natawa naman ako. I let him repeat what the codes habang isinusulat ko naman iyon.

"Paano ba to?" I asked and Gray shrugged his shoulders.

"He said don't ask help from me", wika niya habang hindi man lamang ako sinusulyapan. He's busy scrolling on his cellphone.

"Fine! I'll do this on my own!" Hinarap ko ang sinulatang papel. What's with the poetic line? Bakit parang nabasa ko na ang linyang iyon?


"I really admire the play that the two of us portrayed the main cast," wika nito. Hindi pa rin ito nakatingin sa akin. Uh, why is he reminiscing such play? Of course ang ganda kaya ng mga akda ni William Shakespeare at —

Wait. William Shakespeare? I got it! The poetic line was from William Shakespeare! Ngunit ano ba ang naiambag ni William Shakespeare sa cryptography?

And did he asks such question on purpose? Sinadya ba niya iyon upang magkaroon ako ng ideya? Inisip kong mabuti kung saang libro ni Shakespeare ang linyang iyon. I'm 100% sure that it wasn't from Romeo and Juliet. Hindi rin iyon galing sa Merchant of Venice.

Saan nga ba? I think harder and that's when I remembered Julius Ceasar! That's it! Julius Ceasar!

Ano ang naiambag ni Julius Ceasar sa cryptography? Ah! Anong silbi ng cellphone ko? I can just type it and with one click google will display everything.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag and started typing ngunit bigla na lamang hinablot ni Gray ang cellphone ko.

"That's cheating," wika niya. Cheating? Bakit, exam ba ito? O kaya ay relasyon? Duh!

"Eh ano ngayon? Give me back ny phone," wika ko ngunit inilagay niya iyon sa kanyang bulsa.

"Not unless you do it on your own. I will give you a hint. Julius Caesar uses a cipher called Caesar's shift. He usually used a left shift of three. That's all I will say," wika niya at muling bumaling sa cellphone niya. Ano ba kasi ang ginagawa niya?

Yumuko naman ako sa papel. Mukhang tama ang hula ko na galing ang linyang iyon sa Julius Caesar and it's a clue sa sinasabi ni Gray na Caesar's whatsoever and hell-I-care shift.

Left shift of three. From what? From the Alphabet? Pero bakit numero ang mga narito?

"Hoy Abo, tulong!" wika ko sa kanya. I tried making my voice sweet ngunit mukhang wala talaga itong balak tulungan ako. I love mysterious but it doesn't mean I love all codes.

"Do it on your own Amber," he said.

"Hindi mo ba talaga ako tutulungan?" tanong ko ulit and he shook his head.

"Ayaw ko."

Muling akong yumuko at inatupag ang papel. Left shift of three? Masubukan ko nga ang alphabet. I wrote the alphabet and shifted it thrice to the left so I started with X.

XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW and that shift is equivalent to —

Napatigil ako sa pagsusulat nang mapansin kong may ilaw. It wasn't a light from the ceiling but it seems like a camera's flash. Napatingin ako kay Gray who was holding his phone.

"Are you taking photos of me?" I asked.

"Why should I?"

"Ewan ko sayo kung bakit. I'm sure it's a flash from your cellphone. Let me see," wika ko at akmang kukunin ang cellphone niya ngunit agad niyang nailayo iyon.

"What are you doing? I'm not taking photos of you kaya harapin mo na lang yang ginagawa mo," he said and frowned at me. Napasimangot na lang din ako at muling hinarap ang papel.

XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW is equivalent to X as 1, Y as 2 Z as 3 and so on. Ibig sabihin, the numbers 18-15-15-6-20-15-16 is equal to the letters O-L-L-C-Q-L-M. It's not comprehensible so I tried substituting it with the exact alphabet sequence after aligning the shifted one to the original one.

XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW. ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ.

Ibig sabihin, O=R

L=O, repeating it twice,

C=F

Q=T,

L=O

and M=P.

ROOFTOP! He's in the rooftop? Tiningnan ko si Gray at sinabi sa kanya na nasa rooftop si Jeremy.

"Thanks God, nasagutan mo rin!" wika niya. Uh, well sorry kung natagalan! I'm not a freak like him!

"Alam mo ang sagot doon?"

"Piece of cake. All you have to do is use Caesar's cipher. Isang tingin ko pa lang ay alam ko na Caesar's cipher ang gagamitin," he said with a proud face.

Inirapan ko siya at unang naglakad. "Edi ikaw na ang matalino," wika ko.

Natatawang sinundan naman niya ako at ginulo ang buhok. "Let's find him."

We went to the rooftop at gaya ng inaasahan ko ay nandoon nga si Jeremy. Nakangiti ito nang makita kami.

"You're earlier than expected. I hope Gray did not lend you a hand," Jeremy said.

"What's this all about Jeremy?"

Mas lalo pa itong ngumiti. "I'm trying to be a detective like Gray and I'm testing you too. Looks like the three of us make a good team,"wika niya na ikinagulat ko.

A team? The three of us? Ano na naman ba ang pumasok sa kukote ni Jeremy? Sana pala ay hindi ko ito pinahiram ng libro na Sherlock Holmes dati! This is not Jeremy!

Bigla na lamang kaming nakarinig ng sigaw. Agad kaming tumakbo at tiningnan ang pinanggalingan  niyon. Isang kumpol ng estudyante mula sa baba ang naroon. May nakabulagta ring katawan ng lalaki sa lupa at hindi namin masyadong naaninag ang iba pang detalye dahil nasa rooftop kami mula sa kabilang building but one thing is for sure. That someone could either be pushed from the rooftop or he committed suicide.

"Well, I guess this is an initiation rites for me to test if I can really be a detective," Jeremy said habang pababa kami ng hagdan upang pumunta kung nasaan ang katawan ng lalaki.

Pagdating namin doon ay mas lalo pang dumami ang mga nagkumpol na estudyante doon. They already called the police at hinihintay na ang mga ito.

The victim was a Grade 10 student named Daryl Sindo. Ayon sa mga kaklase at kaibigan nito ay ilang araw na itong tila may dinadalang mabigat na problema. He was also worried everytime at wala itong ganang kumain. He doesn't talk to anyone. Ang dating masayahin na si Daryl ay naging malungkutin noong mga nagdaang araw.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga pulis. Inimbestigahan nila ang kaso at dahil nga kilala na si Gray ng mga pulis ay hinayaan nila ito na tumulong sa pag-iimbestiga.

Tatlo ang naroon malapit sa rooftop kung saan nahulog ang katawan ng biktima kaya agad silang kinausap ng mga pulis.

Una ay ang babae na si Marice Randal. Ayon sa kanya ay galing siya sa rooftop kung saan mahilig siyang tumambay kapag gusto niyang mapag-isa. Classmate din siya ni Daryl.

Ang sumunod naman ay si Chester Delgado. He was a member of the varsity at kasalukuyang tinatakbo ang mga hagdan upang mapatibay ang mga binti. He said that it was a good exercise sa mga player na tulad niya kaya siya naroon. Hindi rin niya kilala ang biktima ayon sa kanya.

The last one was Algene Romano. He was Daryl's roommate sa dorm at kaya ito nandoon ay madalas itong pumupunta sa rooftop upang matulog.

"It's a suicide," deklara ni Jeremy kaya agad kaming napatingin ni Gray sa kanya.

"Paano mo naman nasabi?"

"If we take account of his classmates' statements, ilang araw na itong may dinaramdam. It could be a family problem or what. Another ground to consider this as a suicide is the victim's position. Nakadapa siya nang mahulog. Ibig sabihin ay siya mismo ang tumalon mula sa rooftop."

"But how do you explain his open uniform? Bakit niya pinunit ang kanyang uniform at natanggal ang mga butones ng damit niya?" I asked. Ang nakadapang bangkay kasi ay punit ang damit at nagkalat din sa ibaba ang mga butones ng suot nitong uniform. The victim was also gripping tightly on a button.

"Well, ibig sabihin ay sa galit niya sa sarili ay pinunit niya ang kanyang kasuotan. That's what some people do if they're really frustrated over something. Minsan nga ay sinasabunutan natin ang ating mga sarili. That explains the button on his hands. Dahil iyon sa nadarama niyang frustration," wika nito.

"I'm sorry to say this but I don't really think that you could be a detective Jeremy," Gray said arrogantly.

"Why? I got a wrong deduction? Oh! Sinasabi ko na nga ba! Magbabasa pa ako ng maraming mystery novels!" laglag ang balikat na wika nito. Uh, he's not really sure with his deduction a while ago huh?

"May ideya ka ba sa nangyaring ito?" tanong ng isang pulis at matalim na tiningnan ito ni Gray. Isang tango ang sinagot ng huli.

"Is it a murder or a suicide?"

Gray flashed his arrogant face. "It's  clearly murder done by the varsity guy,"  buo ang boses na wika nito. Napatingin naman kaming lahat kay Chester.

"The fuck! You're accusing me?" he hissed. Galit na galit ito sa ginawang pagturo ni Gray.

"There's a clear evidence. The button that the victim is holding belongs to you. He also ripped his uniform to give us hint. He showed us his chest as a clue that Chester pushed him. The button that he is holding belongs to you. As you see, tatlong butones ang natanggal sa damit niya and the police recovered the buttons hindi kalayuan sa binagsakan ng kanyang katawan. Now look ay your sleeve's button, it's missing," wika ni Gray at natigilan naman si Chester. Unti-unti niyang inangat ang suot ang sleeve ng kanyang coat na bahagi ng uniform ng Bridle at gaya ng sabi ni Gray, one button was missing.

"See? It's you. Isa pa ay gasgas ang alibi mo. You can't run onstairs on your uniform. Dapat ay suot mo ang jersey mo kung gusto mo palang mag-ehersisyo," Gray said and he's still very sure of his every word.

Chester sighed heavily. "Yes, I pushed him because he threatened me to expose that I'm using weeds. Humihingi siya ng pera at palagi niya iyong ginagawa. That's when I decided to pushed him down."

The police got Chester upang masailalim sa pagtatanong ng mga pulis. He's not a minor anymore kaya pagbabayaran nito ang ginawa kay Daryl.

"You're amazing Gray! Mukhang hindi talaga ako magiging detective katulad niyo ni Amber," wika ni Jeremy.

"Gusto kitang sapakin. You said I'm a detective brat," wika ni Gray at tumawa naman si Jeremy.

"Sorry about that!" he said. "But I'm surprised to know that Chester is using dope. Oh my God, I hate drugs."

Nagkatinginan kami ni Gray. What did Jeremy just say? Uh, he is really something!

#

ShinichiLaaaabs.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro