CHAPTER 15: TEACHER ENEMY
Chapter 15: Teacher Enemy
Maaga akong gumising at pumasok sa klase pero mas maaga pa pala kaysa sa akin si Gray. He was sitting on his chair at nakasubsob ang mukha sa mesa. Oh, tinatamad ba ito ngayong araw?
Pumasok ako at tumabi sa kanya. His arms covered his face kaya hindi ko matiyak kung tulog nga ba ito o nagtutulog-tulogan lamang. Just then, bigla na lamang humangin ng napakalakas—
De. Joke lang.
Biglang dumating si Math at bumeso sa akin. "Good morning Amber!", bati niya.
Yumuko siya bahagya kay Gray at akmang bebeso din sana ng bigla na lamang dumating si Jeremy. "Heeeeep! Trespassing ka."
Naguguluhang nag-angat naman ng tingin si Math sa kanya. "What?"
"Bawal.humalik.sa.pisngi.ni.Gray. Ganun. Private property kasi", wika niya. Math pouted at him.
"No one owns Gray", wika niya at lumapit kay Jeremy upang bumeso. "Well good morning Jeremy", she said ngunit bago pa man dumampi ang labi niya sa pisngi ni Je ay naiharang na ni Jeremy ang kanyang palad.
"Hep hep hep! Ayoko ng halik ni Judas kaya don't you dare. Mas lalong exclusive property ito", wika niya at natawa na lamang si Math bago pumwesto sa upuan niya. I don't know what's wrong with Gray pero nakasalampak pa rin ang mukha nito sa mesa.
"Ano ba ang madalas ginagawa sa Bridle kapag second day of classes?", tanong ni Math kay Jeremy. Marami-rami na rin ang nga kaklase naming nandoon.
"Maliban sa paglalaro ng mga getting to know you games at student council candidacy filing ay nanununtok din kami ng mga mayayabang na estudyante kapag second day of classes", sagot ni Jeremy sa kanya. He hates Math, he's so obvious.
"What?! Bridle tolerates bullying and stuff like that? Oh my God, anong klaseng may-ari meron ang Bridle?", she asked in surprise. Luh, anong klaseng may-ari si Sir Arman?
Well, mabait. Mahilig sa mystery. Pilyo. Riddle king and everything.
"Hala. Tanungin mo si Amber at Gray, close sila eh", Jeremy said. I don't know if he knew about our London trip. Wala akong pinagsabihin but I don't know with Gray. Ibinida niya kasi dati yung nasa private island kami na pag-aari ni Sir Arman.
"Amber?", Math asked at nag-atubili akong sagutin siya. I don't want to talk about other people. Isa pa ay gusto kong i-maintain ang mysterious image na ipinapagilas ni Sir Arman.
"Hmmm. Okay naman siya", tipid kong sagot. Math rolled her eyes at tumayo.
"I'll ask Gray instead", wika niya and she pulled her chair towards Gray's left side. Kiniliti niya ang tenga nito. Buti sana kung tulog ito at magulat sa ginawa niya at nang masuntok ito! Paulit-ulit niya itong ginawa pero hindi man lamang gumalaw si Gray.
"Hoy Gray!", tawag niya ngunit hindi pa rin ito gumagalaw.
"Puyat?", Jeremy asked and I shrugged my shoulders. Bakit naman napuyat si Gray? Ano kaya ginawa niya noong nagdaang gabi?
"Gray", tawag ulit ni Math ngunit hindi pa rin ito tuminag. "Kapag di ka gumalaw hahawakan ko yang ano mo!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jeremy at nanlaki ang mata. Hahawakan daw ang ano? Ano ang ano????????
"Pagbilang ko ng tatlo. Isa", pagbibilang ni Math. "Dalawa." Halos hindi kami makahinga ni Jeremy! My God! Yung ANO baka mahawakan?!
"Tatlo!" Math reached for his crotch! No way! She really mean it when she said she will touch his "ANO!" Bago pa man iyon maabot ni Math ay bigla na lamang hinawakan ni Gray ang kamay ni Math at nag-angat ng tingin.
But to our surprise, it wasn't Gray!
"Khael?!!!", bulalas ko!
"Good morning Special A!", nakangiting bati niya. Naniningkit pa ang mga mata niya, halatang nakaidlip ito saglit. And what's surprising is that he's wearing BRIDLE'S UNIFORM!
"Hala kagwapo! Hoy kinsa ka?!", Math exclaimed. Whaaaaaat?
Nagtatakang tiningnan naman siya ni Khael. "Pardon? Who's this girl Special A?"
Just then, Gray came dashing from the door at agad na lumapit sa amin. He punched Khael on his gut at napangiti naman ang huli. Napasinghap naman ang ibang nakakita. Oh yeah, for everyone's information, that's how they tell each other their 'I miss you!'
"Oh my God Gray! Why did you do that?", Math asked at agad na lumapit kay Khael. Hinawakan niya ito sa bahaging sinuntok ni Gray. Ayos ka lang ba pogi? May masakit ba sayo?" I wanna roll my eyes ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko. Chancing ka Math! Wag kang humawak sa abs ni Khael!
"I'm fine", lumayo siya kay Math at lumapit sa akin and to my surprise ay niyakap niya ako ng mahigpit. "I miss you Special A!"
"Oh. You're dead", bulong ni Jeremy.
I free myself from his hug. "Uh, what are you doing here Khael? Nag-transfer ka?"
"Oh no! Uyab nimo ng gwapo Amber?", Math asked. I gave her a questioning look and she smiled. "Sabi ko, boyfriend mo ba yang poging yan."
"Her future boyfriend", Khael said with a grin at napatiim-bagang lamang si Gray.
"Oh, you're double dead. Say your prayers", bulong ni Jeremy. Uh? Ano ba ang mga pinagbubulong nito?
"Teka. Wala ka kahapon, absent ka?", she asked Khael ngunit si Gray ang sumagot sa kanya.
"He's not from Bridle. He's from Athena. How dare you stole my spare uniform on my cabinet", wika ni Gray. Khael just stole his uniform? I thought nag-transfer siya!
Khael let out his boyish smile. "Ang tagal mo kasing lumabas ng banyo eh. Mabuti na lang at pinapasok ako ng roommate mo and I got bored waiting so I ransacked your cabinet and got this extra uniform. Bagay ba sa akin ang uniform ng Bridle?", he said while grinning at mahinang hinampas siya ni Gray.
"You bastard!", he said at napatawa lang si Khael.
"Teka wait. Nalibog nako! You're from Athena but nandito ka. Gray came punching you around ngunit parang wala lang iyon sa iyo. Sino ka ba talaga and what are you doing here?", Math asked in confusion. What?! Nalilibugan siya kay Khael?! What the?!
"Ano?!" sabay na bulalas namin.
"I mean naguguluhan ako," wika ni Math.
"Okay. I'm Silvan's best buddy and again, Amber's future boyfriend", sagot ni Khael at inabot ako upang akbayan.
"Oh no. Doom's day. I'll pray for your soul dude", bulong ulit ni Jeremy. "Hey dude, how do you know it's Gray's seat?"
He smiled at us. "Elementary deduction dude. As Silvan's best buddy, I know his likes and dislikes. He always wants a left side seat at the end of the first row."
"But I personally picked that seat for him", wika ni Jeremy.
"I'm his bestfriend so I know it. He will never accept such seat unless he likes it too", sagot niya. "After all, I'm a detective. I can tell by the chair's scent—"
"Stop talking nonsense Alonzo", putol sa kanya ni Gray. "What are you doing here? I'm sure abala rin kayo sa Athena para sa SC elections ninyo."
"I called Special A yesterday and I decided to come here today when she said she had some troubles with mat—"
Agad kong itinakip ang kamay ko sa bibig niya. No way! Don't he dare to mention my rants about Math!
"Troubles with ma-self!", tiningnan ko siya at nginitian bago binitawan ang kanyang bibig. "Diba Khael?"
"Ah yes. Plano ko sanang magsit-in dito. Bored ako sa Athena at ayaw kong lumahok sa SC activities so I decided to went here instead. Who's this girl who talks alien by the way?", he asked at bahagyang sinulyapan si Math. Ngumiti naman ang huli at lumapit sa bahagya kay Khael.
"Hi, my name is Math Corazon, a transferee. I'm from—", we prepared ourselves for her looooooong introduction about herself ngunit dumating na si Ma'am Saderna. Oh, yeah. Saved by the bell. Hindi na niya kailangan pang magbuhat ng kung anu-anong furniture niya.
"Good morning class! Today's the last filing for SC candidacy at mamaya ay ang meeting de avance. So baka magbago pa ang isip ninyo, I'll give you time to decide", wika ni Ma'am Saderna at nagpaalam na. Nagsilabasan na din ang iba naming mga kaklase.
"Great! Just like Athena, wala din kayong pasok kaya itatakas ko muna si Special A", wika niya at hinila ako sa wrist palabas ng classroom ngunit nahawakan ni Gray ang kabilang kamay ko.
"Sorry but hindi pwede Alonzo", wika niya and then he pulled me towards him. "Our teacher said that we should allocate our time in deciding about the candidacy at para na rin maging handa para sa meeting de avance mamaya. I just can't let you take Amber anywhere", he said in a very serious tone.
"Oh no. Ito na ang hula ni Nostradamus na may dalawang magkaibigan na mawawasak", bulong ulit ni Jeremy.
Masamang tingin ang ipinukol ni Gray sa kanya. "Shut up Puns.Kanina ka pa may binubulong dyan."
"Speaking of puns, I have questions for the four of you", wika niya at sinamaan ko siya ng tingin. Oh no, I know his quiz and puns. They're all the same. Puros walang kwenta. Tanging si Khael at Math lamang ang nagpakita ng interes sa kanya.
"Shoot Dude", Khael said.
"Ano ang tawag sa kalabaw na marunong umakyat ng puno?", Jeremy asked.
"I thought you're going to ask sensible questions", Khael said with a frown.
"How would I know? I've never heard carabao like those", sagot naman ni Math. "Ikaw Gray, alam mo ba ang sagot?"
"Yeah but I wouldn't dare spill it. Oh, I can't spill it, it's too downgrading", wika niya na ikinasimangot ni Jeremy. Yeah, puns.
"Anong sagot?", I asked them.
"Edi magaling! HAHAHAHA!", wika ni Jeremy and he started laughing again. Now I understand why Gray wouln't say it. It's really uh- downgrading.
"Yeah. Next question please", Khael said with a pokerface. Na-iimune na siguro kami ni Gray sa mga puns ni Jeremy! Araw-araw namin siyang kasama at ginagawa na niyang isa sa mga basic needs namin ang nga puns niya!
"Eh ano naman ang tawag sa kalabaw na nakakalipad?", he asked again.
"Magaling din", wika ni Math.
"Eeeenk! Edi mas magaling! HAHAHAHAHAHA", Jeremy said and Math frowned at her.
"Eto na talaga", he said. "Bakit kailangang lagyan ng gulong ang rocking chair ni Lola?"
"Para maging wheel chair?", Khael asked.
"Eeeeenk! Mali na naman."
"Para hindi siya mahirapan?", Math asked.
"Ang slow ninyo! Para makapagrock n' roll siya! Wohoo rock and roll to the world!" Jeremy laughed hard as he positioned his fingers into the famous rock and roll sign ngunit natigil iyon ng may lumapit sa aming estudyante. She had a worried facial expression.
"Uhmm, excuse me. Can I talk to you Gray and Amber?", wika niya at bahagyang ngumiti sa amin. "Gusto ko sanang idulog sa inyo ang problema ko and I need your detective skills to identify who's blackmailing me."
"You don't have to worry because Bridle got another best snoop and that's me, Math Corazon. We can surely help you in your situation", Math said at ngumiti sa babae kasabay ng paglahad nito.
"Ah, si Jollibee na pala ang may-ari ng furniture shop, pabida masyado eh", bulong ni Jeremy but it's loud enough for everyone to hear.
"May sinasabi ka ba Jeremy?", Math asked at malapad na ngiti ang iginanti nito.
"Sabi ko nakakamiss ang chickenjoy ng Jollibee", he said.
"Okay, ilibre ko kayo mamaya pagkatapos nating matulungan ang problema ni—", Math said at hinarap ang babae. "What's your name?"
"Abbey. Abbey Luciano", sagot ng babae.
"Hmm, Abbey. What can we do for you?", Gray asked at sumingit naman si Khael.
"Math's a detective? Oh well, that's great. Hi Abbey, I'm Khael and I'm a guest detective from Athena High School", wika niya sa babae. Hindi naman nagpatalo si Jeremy. Lumapit din siya sa babae at nagpakilala.
"Hi Abbey! My name is Jeremy Martinez, the newest and kind member of Detective Triumvirate which is made up of Gray on the base, Amber on the middle and me on the apex!", he said while smiling. I just rolled my eyes. Ipinakilala niya ang isang non-existing detective group. Oh, it exists but only in his mind.
"Good to know that there are five detectives to help me. At ang problemang kinakaharap ko ngayon ay tungkol sa isang blackmailer ko. Nakakahiya mang aminin pero that blackmailer got a video and photos of me with my boyfriend", panimula ni Abbey. "In that video, we're kissing at sabi niya na ikakalat niya iyon sa internet kapag hindi ako sumunod sa mga gusto niya. He also asked for some considerable amount in exchange of the photos."
"Teka kailan ba kayo nag-kiss nung boyfriend mo?", Jeremy asked at namula si Abbey! Kailangan pa bang itanong iyon?! Sabay namin siyang tiningnan ng masama but he just smiled awkwardly.
"Why are you giving me such look? Tinanong ko lang naman iyon para malaman natin ang iba pang mga detalye", wika niya.
"Uhmm, yung video na pinakita niya sa akin ay kahapon", she said. "He sent it on my facebook account using a dummy account. I'm from a respectable clan of politicians at kapag kinalat iyon ay madudungisan ang mga Luciano. Please help me retreive those photos and videos. Please?"
"Kilala mo ba kung sino ang namba-blackmail sayo?", I asked and she shook her head.
"That's my problem. Hindi ko kilala kung sino iyon but I have 4 people on my mind and both of them are teachers", wika niya.
"What? You think that a teacher is trying to blackmail you? Bakit naman sila ang naging suspect mo?", Khael asked.
"Sila lamang ang nakita ko sa area kung saan kami nag- uhmm— nag-kiss nung boyfriend ko", nakayukong wika ni Abbey.
"What? Teka, paano ba kayo nag-kiss?", Jeremy asked at muli kaming napatingin sa kanya ng masama! My God! Di nga siya pwedeng maging isang interrogator! His question is so private! I don't think it's necessary to ask that!
"Ah, uhmm. Ano lang naman—"
"Paano?!"
"Ahh, eh. Ano lang naman eh."
Bigla na lamang nagsalita si Math. "Ganito ba?", she asked and to our surprise ay bigla na lamang niyang hinila si Gray. Bahagya siyang tumingkayad and then she grabbed Gray's neck at inilapat ang mga labi nila.
OH NO! SHE KISSED GRAY!
ON THE LIPS.
It only lasted for few seconds but still their lips touched! Kahit smack lang ay kiss pa rin iyon!
"Why did you do that?", gulat na tanong ni Gray. Bahagya siyang sumulyap sa akin, with a worried face. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko but I just ignored it. Should I feel jealous about it? And to answer my question, I don't think I have the right. Gray and I are just friends. No more, no less.
"Demonstration", Math said at humarap kay Abbey. "So, ganoon ba?"
"A little bolder", sagot ni Abbey. "Basta ganun. Those four teachers are Sir Leo Ruando, the computer laboratory incharge,Sir Ram Delgado, an english teacher and his wife Ma'am Amethyst Delgado, the school paper adviser at si Sir Mint Roxas, science teacher."
Napagkasunduan namin na tulungan si Abbey and we decided to investigate the four teachers. Math will observe Maam Amethyst, Gray for Sir Leo, kami ni Jeremy para kay Sir Ram at si Khael naman for Sir Mint.
"Wait, I'm not familiar with Bridle, maybe I should go with Amber while this dude observe alone", protesta ni Khael. "Please dude", wika niya kay Jeremy.
"Fine, kayo na lang ni Amber but you have to answer this quiz first", nakangiting wika ni Jeremy.
"Oh, is it the only way upang magpalit tayo?", he asked at tumango si Jeremy. "Fine then."
"Bakit kailangang hindi ka mag-ingay kapag malapit ka sa medicine kit?"
"Kailangan ba yun?", Math asked.
"Oo nga, hindi naman ah", Khael seconded. Jeremy sighed bago sinabi ang sagot.
"Oo! Para hindi magising ang mga Sleeping Pills HAHAHAHAHAHAHAHA", he laughed hard. Oh God, kailan ba ito matutoto? "Hindi mo nasagutan pero dahil mabait ako, sige na nga. Kayo ni Amber ang magsasama."
"Yes!", bulalas ni Khael at agad na kaming naghiwa-hiwalay para sa mga gagawin namin. We headed towards the science department faculty office kung saan naroon ang cubicle ni Sir Mint.
"Amber", tawag niya at bahagya ko siyang nilingon. "I guess I really have to kill Math just like what you said yesterday."
I took a deep breath. Now he knew that I'm referring to Math, the girl and not the subject. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya. "Wag mo yung seryosohin, ano ka ba. Okay ka lang ba?"
"I'm fine Khael", wika ko sa kanya. Ayos lang naman talaga ako.
"I wish I can do something to ease your pain. If you want to find love then look right infront of you. Just open your eyes", wika niya at napatitig ako ng seryoso sa kanya. "Oh, natulala ka dyan, hali ka na nga", wika niya at pumasok na kami sa faculty office. We looked for Sir Mint ngunit wala ito roon. Inilibot na namin ang buong science department faculty office ngunit wala talaga ito doon.
Tumunog ang cellphone ni Khael at agad naman niya itong sinagot. "Silvan." Saglit siyang tumahimik at nagpalaam matapos patayin ang tawag.
"Ano raw sabi?"
"We can't find that Sir Mint here dahil patay na ito", wika niya.
"What? Patay na si Sir Mint? Paano nangyari iyon?", I asked. Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Maybe we'll find out kapag pumunta tayo sa crime scene",he said at niyaya na ako paalis doon. "Ayon kay Silvan ay may mga maaring clue na iniwan ang biktima bago siya tuluyang bawian ng buhay."
Agad kaming nagtungo sa extension ng science laboratory. Bakit ba andaming namamatay dito sa Science Lab? Dito rin pinatay ni Marion si Ma'am Sera ngunit sa kabilang wing ng laboratory nga lamang iyon. On this side are the science instruments, charts and other visual aids used by science teachers in science discussion.
Wala masyadong nandoon. Maybe Bridle keep it from the public, para na rin sa kaayosan ng skwelahan. Math, Gray and Jeremy were there kasama ang ilang mga guro at pulis. Pagdating namin ay kasalukuyang kinakausap ng mga pulis Sir Ram, Sir Leo and Maam Amethyst. Sila daw ang huling nakausap ng biktima bago ito natagpuang patay.
"Don't you think it's odd? The last people that the victim talked are the same persons na sinabi ni Abbey sa atin", wika ni Gray.
"Maybe this is about the blackmailing issue. I guess the formatted laptop said at all", wika naman ni Math.
Ang mga pulis na nandoon ay hindi ko kakilala but Khael recognized them kaya pinayagan nila kaming makapasok doon. Nakaupo ang bangkay ni Sir Mint at may nakasaksak na kutsilyo sa puso nito. There was a formatted laptop in front of him and a notepad.
Nang tingnan namin ang laman ng notepad ay nakakapagtaka ang mga nakasulat doon.
May 6, 20** Bacolod trip with her
May 24, 20** She and 0321-0419 - Boracay Island
May 30, 20** She and 0321-0419 anniversary
June 2, 20** Meet her at RORY'S CAFE
June 5, 20** 0722-0821, deposit 5000 at Eastwest Bank account #1036105016
June 13, 20** Meet 0321-0419 at Max's Resto, 7 PM
Napatigil ako sa pagbabasa. Last night? Sir Mint met 0321-0419 last night ngunit sino si 0321-0419? Sino ang tinutukoy nito sa "She/her" ? Is it his wife? Ngunit wala lang asawa si Sir Mint! And who's 0722-0821?
When I glanced at the laptop ay may mga bakas ng dugo ang ilang bahagi ng keyboard doon na marahil ay mula sa duguang kamay ng biktima. He might have touched the keyboard intentionally bago siya bawian ng buhay.
The keys that have blood marks were B, F and E. It must be the clue to whoever was his killer.
***
Matapos kausapin ni Khael ang mga pulis ay pumayag ang mga ito na manatili kami sa crime scene.
"This guy is so weird. He used codes in writing for his schedules and others", komento ni Khael habang maiging tinitingnan ang mga nakasulat sa memopad.
"Numbers? Do you think it's a formula? No. He's not a math teacher so there's a little probablility that it's an equation", wika naman ni Gray.
"How about we'll take a look at the periodic table? He's a science teacher and he's murdered in a lab. It could be an atomic mass, combination of atomic numbers or even number of isotopes or what", Jeremy said.
"I don't think so. He's murdered in the Science Lab B extension and not in the other wing kung saan naroon ang lahat concerning the periodic table. Isa pa ay hindi chemistry teacher si Sir Mint. General science at biology ang kanyang itinuturo", wika ko habang tinitingnan ang mga bakas ng dugo sa keyboard ng laptop.
According to the police, the laptop belongs to Sir Mint and there's a possibility that his killer is the one who formatted the laptop.
"I wish Inspector Dean's here so that we can lay our fingers more on the crime scene. Those police are not my friends. Kapag nakialam na naman ako ay isusumbong na naman nila ako kay Dad", maktol ni Khael. We're inside the crime scene ngunit kapag tinangka naming imbestigahan ang iba pang anggulo ng kaso ay napapagalitan kami.
"Anak ka ba ng police Khael?", tanong ni Math at tumango naman si Khael.
"Yeah."
"At hindi ka nila papayagang mag-imbestiga kahit anak ka ng pulis?"
Tumango si Khael. "Ganoon nga." Pinapayagan lang siya kung kaibigan niya ang pulis.
"Let me handle this, then", Math said at inangat ang suot niyang palda, making it a bit shorter. She flipped her hair as she walked towards the nearest police officer.
"Hi Mr. Police Officer!", bati niya sa pulis at sinabayan iyon ng matamis na ngiti.
"Yes? Hindi ba sinabi kong doon lang kayo? Dahil kayo ang nakakita sa biktima ay kailangan din namin kayong kausapin", sagot ng pulis but Math just gave him a sweet smile.
"I don't think it's necessary lalo na at alam ko na ang lahat tungkol sa kaso mula sa mga kahulugan ng mga nasa memopad hanggang sa pangalan ng killer", she said in full confidence. I wasn't surprise when she said those. She's a good detective, according to her.
"Alam mo na? Ngunit hindi pa dumarating ang police cryptographer. Paano mo naman nalaman ang lahat?", the police asked.
"It's because I'm Math Corazon, the best detective the world can have. Why don't you listen to my deduction? Paminawon lang ko ninyo, mahuman na dayon ta diri para maka-Jollibee na dayon mi", she said at napakunot ang noo ng pulis, maging ang tatlong guro na naroon. Uh, yeah. On her alien langguage, Jollibee lang yata ang naintindihan ko.
"Ano?"
"Amg sabi ko po, pakinggan ninyo ako. By that, we can save time, energy and everything. Sige kayo, anong oras na, malalaman to ng ibang mga estudyante, masisira ang pangalan ng Bridle at aalis ang mga estudyante! Sige po kayo! Nakasalalay sa kamay ninyo ang lahat", Math said at napabuntong-hininga ang pulis.
"Oh sige. So? Sino sa kanilang tatlo?", he asked at bahagyang sinulyapan sina Maam Amethyst, Sir Ram at Sir Leo.
"Let's start with the clues in the memopad. 0321-0419 is Sir Ram. If we base it on astrology. It's the zodiac symbol for Ares which is represented by a ram which is from March 21 to April 19, the 0321-0419 . The late teacher was a biology and general science teacher so he must be familiar with those in astrology. 0722-0821 is Sir Leo, the zodiac sign for the dates July 22 to August 21. Ibig sabihin ay malaki nga ang tsansang nasa kanila ang killer and Sir Mint said it himself through the clue he gave in the keyboard. B, F and E." Bahagyang tumigil si Math at tiningnan ang laptop.
"If we arrange those letters, it will become FEB. Short for February and february's birthstone is Amethyst. Ibig sabihin, the killer is Ma'am Amethyst", she said at biglang napatayo si Ma'am Amethyst.
"I didn't! Ano ba ang basehan ninyo?", she asked and this time ay si Khael na ang ngsalita.
"It's pretty obvious, Ma'am. Eventhough you're married to Sir Ram ay may secret affair kayo ni Sir Mint. The memopad tells everything. Probably you wanted to break up with him pero ayaw niya. He threatened you that he will tell your husband so you decided to end his life without knowing na nagkita at nagkausap na sila kagabi", Khael said. "Right Sir Ram?"
Napayuko ang may-ari ng pangalang binigkas ni Khael. "Oo Amethyst. The murder is useless dahil nagkausap na kami kagabi. Sinabi na niya sa akin ang lahat. How could you do this to me Ame?", Sir Ram said at napaluha si Ma'am Amethyst.
"R-ram. I wanted to stop everything between me and Mint ngunit ayaw niya. He blackmailed me. Ram, please forgive me", she said at tinangkang hawakan si Sir Ram but he flinched.
"You shouldn't have done it on the first place. Don't go around doing things like those and asked for forgiveness as if it's not your choice! Sorry is a big word Ame! You don't have to say it if you don't really mean it!", galit na wika ni Sir Ram at napahagulhol naman ang kanyang asawa.
"So ikaw nga. Good job young lady", wika ng isa sa pulis. "Paano naman ang laptop? Bakit nakaformat iyon?"
"Sir Leo did it. Marahil ay ginawa niya iyon upang mawala lahat ng pictures at videos na ginagamit ng biktima sa pambablackmail. You've deposited 5000 on his account right? Para hindi ka niya i-blackmail", wika naman ni Gray at napatango si Sir Leo.
"Yes, I did. Isa kasi ako sa mga binlackmail niya", wika nito. Hinuli na ng mga police si Maam Amethyst ngunit pasimple lamang iyon. It was to prevent chaos in Bridle. Lumabas na rin kami ng laboratory at nakasalubong namin si Abbey.
"Uhm, hi. May nakuha na ba kayong impormasyon sa kung sino man ang namba-blackmail?", tanong niya.
"Yes. It's all settled Abbey. You have nothing to worry dahil nandito kami", wika ni Math at ikinatuwa iyon ni Abbey. She thank each one of us para sa naitulong namin bago ito nagpaalam.
"Abbey, just a piece of advice", wika ni Gray at napahinto ito at nagtatakang tiningnan si Gray.
"Don't display such passionate affection in public lalo na at prohibited ang relasyon ninyo ng boyfriend mo. Who knows, someone might get another videos or photos of you", matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito paalis. Abbey was white as paper nang magpaalam kami sa kanya.
"Silvan, ibig sabihin ay si Sir Leo ang boyfriend niya?", Khael asked at simpleng tango ang isinagot ni Gray.
"Sinasabi ko na nga ba! I was thinking of the same thing!", bulalas ni Jeremy.
#
-ShinichiLaaaabs.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro