CHAPTER 13: THE STALKER CASE (The Case)
Chapter 13: The Stalker Case (Part 1: The Case)
"M-my stalker! He told me last night na hindi niya ako titigilan lalo na at pasukan na!", wika niya.
Kinuha ko ang mga larawan na nasa locker. Kinunan iyon mula sa iba't-ibang araw dahil iba-iba ang damit na suot ng babae. Maging si Jeremy ay napatingin din sa mga picture and he was surprised how eager the stalker was in following the girl.
"Persistent enough to follow dahil maging sa pagtulog mo. Your stalker took this photos from a close distance", Jeremy said habang tinitingnan ang larawan ng babae na natutulog at ang iba pa.
"Wait, your stalker broke into your house?", I asked her.
She shrugged her shoulders. "I don't know. Natutulog kasi ako na bukas ang bintana ng kwarto ko, maybe that's how he entered my room. Teka, hindi ba ikaw si Amber? Can you help me identify who's been stalking me lately?", the girl asked.
"Yes, I'm Amber and this is Jeremy at susubukan naming makatulong sa abot ng aming makakaya", sagot ko sa kanya. She looked around like she was looking for someone.
"Wait, where's Gray?", tanong niya. Of course, kilala niya sa Gray. Gray's famous not only because of his wits but as well as of his looks.
Jeremy stepped forward. "Wala si Gray, nagpa-part time siya ngayon sa isang furniture shop", wika niya na ikinakunot ng noo ng babae. Mahinang siniko ko naman si Jeremy. Uh, he really dislikes Math, eh?
"Ang ibig kong sabihin, Amber and I can handle this case, we're part of the Detective Triumvi—", hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"We will help kapag naikwento muna ang lahat sa amin. What's your name, by the way?", tanong ko sa babae.
"I'm Heidee Gonzales, ABM. Can we talk about it in the cafeteria? Okay lang ba sa inyo?", she asked at sumang-ayon naman kami ni Jeremy. She got all the photos and locked her locker. Sabay kaming tatlo na pumunta sa cafeteria. Pagdating namin doon ay um-order kami ng makakain. As usual, I ordered my favorite snack. Pizza and coke in can. Malamang nakabalik na sa classroom si Maam Saderna dahil ngayon at marahil ay nagsisimula na sila sa mga introductions. Iyon naman talaga ang madalas ginagawa kapag first day of class at pagkatapos ay election of officers.
"Teka, baka may pasok pa kayo", wika ni Heidee. She was munching her burger. Nasa gilid niya ang napakaraming litrato na galing sa stalker niya.
"Wag kang mag-alala, hindi pa naman proper lesson ngayon kaya okay lang. Maari mo na bang ikwento sa amin kung kailan nagsimula ang stalking case na ito?", wika ko sa kanya. Jeremy was busy licking his ice cream on my side ngunit nakikinig pa rin naman ito sa usapan namin.
"It started last month. Kakasimula lamang ng May iyon nang may isang ghost account ang panay floodlikes sa akin sa facebook", panimula ni Heidee.
"Ghost Account?", Jeremy asked.
"Yes, isang ghost account. The username was HeideeImYourStalker. Yung profile picture niya ay itim lang at wala siyang ibang friend kundi ako lang. Wala ring ibang information na nakalagay sa timeline niya", wika niya. See? Nakakatakot talaga ang mga ganoon!
"Tapos? Did you block him?", Jeremy asked. Seryoso ito sa pagtatanong, maybe he's really serious when he said he wants to be a detective too.
"I did but gumawa ulit siya ng bagong ghost account. I didn't accept his friend request pero panay pa rin ang pagmemessage niya. My profile profile pictures were public kaya nakakapagcomment at like siya doon", she said. Habang nagkukwento ito ay mababakas sa mukha niya ang takot.
"At panay pa rin ang stalk niya kung ganun?"
Tumango si Heidee sa amin. "Lahat ng pictures ko, nili-like niya, panay comment din siya ng mga creepy comments like I saw you, sinundan kita tapos icocomment niya isang stolen picture ko and then last night he told me na mas lalala daw ang pagsusunod niya sa akin lalo na at nasa dorm na ako", wika ni Heidee.
"Then he must be from Bridle too", Jeremy said.
"Probably."
Pinulot ko ang mga picture at tinitigan ang mga iyon. Heidee is surely a beauty kaya marahil ay may nagkakagusto sa kanya and that someone probably turned out to be so obsessive.
"Panay rin ang text at tawag niya sa akin kahit hindi ko siya sinasagot. Minsan ay iba-iba ang mga ginagamit niyang numero upang masagot ko ang tawag niya", kwento pa nito at natatakot na rin ako sa stalker niya. God! Kapag nagkataong may ganyan din ako, ewan ko na lang talaga!
"Have you tried changing your number?", tanong ko sa kanya. Marahil ay hindi na siya mako-contact ng stalker niya kapag ganoon.
"Sinubukan ko na rin ngunit nagkakaroon pa rin siya ng number ko", wika ni Heidee. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Kung ganoon ay malaki ang posibilidad na kilala niya ang stalker niya.
"Sandali, paano naman nangyari iyon? Nag-g-GM ka ba gamit ang bago mong number?", tanong ni Jeremy. Ang sunod niyang pinapapak ngayon ay ang chocolate bar. Gosh, ako ang nauumay sa mga kinakain niya.
Dahan-dahang tumango si Heidee. "Yes, pero sa nga kaklase at nga kakilala ko lang naman."
"Your stalker must be someone you know", wika ko sa kanya. She changed her number and she only informed her close friends and classmates kaya marahil ay isa sa kanila ang kanyang stalker.
"But I trust all of them, I'm sure wala sa kanila ang stalker ko", wika niya. Trust is a big word.
"You just can't trust anyone. Minsan ay yung kinikilala pa nating kaibigan, siya pa yung mismong nagtutulak sa atin sa bangin. I remember our so called 'red-haired friend'", wika ni Jeremy. Si Marion? Yes, somehow ay tinuring ko rin namang kaibigan si Marion. Kahit si Jeremy. I know he treated her like a real friend kahit na na-a-annoy si Marion sa kanya and vice versa.
"But I really do. Isa pa ay tatlo lamang sa contacts ko ang hindi ko pa masyadong kilala and they're my textmates na mula rin dito sa Bridle. I think isa sa kanilang tatlo ang stalker ko", she said.
From Bridle? Posible ngang isa sa tatlong iyon ang kanyang stalker. "Paano mo naman nasabi na isa nga sa kanilang tatlo ang stalker mo?"
"He told me na lage niya akong nakakausap bilang siya and not as the stalker", Heidee said.
"Anong ibig sabihin nun?", Jeremy asked. Kahit ako ay naguguluhan sa sinabi niya.
"Sinasabi niyang kausap niya ako kanina and as far as I can remember, ang tatlong textmate ko ang kausap ko bago ang stalker. Oh, hindi talaga kami nag-usap ng stalker. Itinitext niya iyon, kapag tumatawag siya ay ang paghinga niya lang ang naririnig ko", wika niya.
"Creepy!", komento ni Jeremy.
"Sobra! At isa pang basehan ko ay alam niya na takot ako sa palaka! There was a time when I received a box at pagbukas ko, God! There was a preserved frog inside. At sa naaalala ko, naikwento ko rin sa tatlong textmate ko ang tungkol sa takot ko sa palaka", Heidee said.
"No doubt. Your stalker is one of those three textmate of yours. Kilala mo ba sila?", tanong ni Jeremy. Panay pa rin ang kain niya sa kanyang chocolate bar.
"I know their names. And we're scheduled to meet today. Makikipag-meet ako sa kanila ng isa-isa today", sagot nito. As of the informations that I've got, it's quite obvious na maaring isa nga iyon sa tatlo. I think we also have to see those three. Maybe I can have some clues by merely looking at them.
Biglang tumayo si Heidee at may tinawag mula sa counter. "Cindy!"
Lumingon naman ang isang babae at ngumiti kay Heidee. Lumapit siya sa mesa namin at agad na bumeso kay Heidee. "Amber, Jeremy, bestfriend ko nga pala, si Cindy. Bes, si Amber at Jeremy."
Ngumiti sa amin si Cindy at nakipagkamay. Gaya ni Heidee ay maganda rin ito. They've got matching hairpins. Malamang it's a sign of their friendship. Matapos iyon ay umupo kami ulit.
"Kilala kita Amber. Ikaw yung dating nerd na hindi naman nerd na lageng kasama ni Gray at nung magandang babae na pula ang buhok", wika ni Marion.
"Yes, she's Marion", sagot ko.
"Ah, oo! Marion. Saan na ba yun? Hindi ko na siya nakita noong January ah?", tanong ulit nito.
"It's because nagtransfer na siya. Nag-accelerate siya eh. Kumuha siya ng Bachelor of Science Major in Psychotic Mi—", pinigilan ko na si Jeremy sa susunod pa niyang sasabihin. Uh, Jeremy's crazy!
"Bumalik na siya abroad", nakangiting wika ko matapos sipain si Jeremy mula sa ilalim ng mesa. Ayaw ko ng apakan ang paa nito dahil baka mamatay na ang kuko nito sa paa. Isa pa ay sayang ang bagong sapatos nito kung panay ang pag-apak ko.
"Ah, ganoon ba? Eh Bes, bakit mo sila kausap?", tanong ni Cindy kay Heidee. "Is it about your stalker problem?"
Heidee nodded her head. "Yes. May ipinadala kasi siyang mga pictures kanina Bes. Natatakot na talaga ako!", wika niya.
"Maari ba naming malaman ang pangalan ng nga textmate mo? Maybe we can take a better look at them", wika ko. Kinuha naman ni Heidee ang cellphone niya at pinakita ang mga larawan ng textmate niya sa amin. The first photo was a cute guy na medyo singkit ang mata.
"I got this photo from their facebook. This one is Jeron Eusebio", Heidee said. The next photo was a guy with thick dark brows. "Ito naman si Lawrence Vequizo and this is Cristopher Quintos."
The last photo that she showed was a familiar guy dahil batch pala iyon namin at madalas na nakakasama tuwing community service o kaya ay camping.
"Heidee's stalker is very creepy! Minsan nga ay kung anu-anong nga pictures ang sine-send niya sa messenger! God! Kapag ako ang may ganoon, ewan ko na lang kung hindi ako magfreak out", wika ni Cindy. Bigla na lamang tumunog ang bell tanda na breaktime na. Hindi ko namalayan na nagtagal na pala kami doon sa cafeteria. Oh, hindi naman siguro masyado. Matagal din kasing dumating ang mga guro kanina.
Dumating na ang mga estudyante sa cafeteria. Heidee asked for my number upang makapag-update siya sa akin if ever may mga gagawin pang iba ang kanyang stalker.
"Sige Heidee, mauna na kami sa inyo. Itext mo na lang ako", paalam ko sa kanila. "Cindy mauna na kami."
Tumayo na rin sila at nagpaalam sa amin ni Jeremy. Agad kaming lumabas ni Jeremy sa cafeteria dahil dumadagsa na ang mga estudyante doon. Paglabas namin ay nakasalubong namin sina Gray at Math.
"Amber! Jeremy! Saan kayo nanggaling? Wala kayo noong nag-getting to know each other game kami sa room", Math said.
"Sa cafeteria lang. We're trying to help someone with her sta—"
Bigla na lamang tinakpan ni Jeremy ang bibig ko gamit ang kamay niya. "We're going to help someone with her statistic assignment! Yes, that's it!"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Epic! First day of school kaya ngayon!
Napakunot naman ang noo ni Gray. "Assignment? May assignment agad sila?"
"Yep. Grabe nga eh! Ang hirap", Jeremy said at patuloy pa rin sa pagtakip ng bibig ko. I bit his palm kaya nabitawan na niya ko.
"I can help! I'm our school's mathematician of the year and statistics is just a piece of cake", Math said. Yeah, I want to roll my eyes. Magaling siya sa lahat. K!
"No need. Amber already helped her", wika ni Jeremy. Malamang ay nayayabangan na naman ito kay Math. "Kaya naman iyon ni Amber eh. Kahit nga tulungan ka pa niya sa pagbubuhat ng — Aww!", he stopped nang siniko ko siya sa kanyang sikmura.
"Nagsnack na ba kayo? Magmeryenda muna tayo", pagyaya ni Gray ngunit tumanggi ako.
"Tapos na kaming kumain."
"My treat", Math said. Aba! Anong akala sa amin, mukhang libre? Aba! May pera kami ano! I know Jeremy would think like I did at tatanggi rin but to my surprise ay hindi ito tumanggi.
"Malakas akong kumain at masyadong mapagbigay. Baka hindi mo kayang bayaran", Jeremy said and Math chuckled.
"I can surely afford it. Don't worry about it, foods are on me so tara?", she asked at agad akong hinila ni Jeremy.
"Okay", wika niya at lumapit siya sa counter. He ordered pizza, lasagna, shawarma, smooothies, burger, fries at kung anu-ano pa. Teka! Bakit ang dami?
"Ang dami yata Je", wika ko sa kanya. Math and Gray were on our side.
"I told you mapagbigay ako diba?", bumaling siya sa isang babae sa gilid. "Hi Miss! Dahil first day of class ngayon, may free food ka! Enjoy your day!" Ibinigay niya dito ang ibang mga pagkain. Tumawag din siya ng iba pa at gaya ng nauna ay binigyan niya rin ang mga ito ng pagkain. I gave Math an apologetic look.
"Pasensya ka na Math", wika ko sa kanya. Lagot na! Baka mamulubi ito!
She gave me a sweet smile. "I don't mind Amber. Um-order ka na din", wika niya.
"No thanks. Busog talaga ako", wika ko. I refused to glance at Gray na nasa tabi ni Math. Na-miss ko pa naman siya! For the rest of the vacation ay minsan lamang kami nag-uusap sa telepono. He also told me na nasa probinsya siya kung minsan.
Jeremy whispered on my ears. "Wag kang mag-alala. I'm not as harsh as Marion gaya ng ginawa niya sa akin dati. Di aabot ng seven thousand ang babayaran ni Maya. Mga five thousand lang, ganun." I scowled at him but he just giggled.
"Ikaw Gray, what do you want?", Math asked him. Hindi na ako nakinig sa sagot niya dahil biglang tumunog ang cellphone ko. When I checked the caller ID, it was Khael. I excused myself from them at agad na sinagot ang tawag.
"Yo, Special A!", bati niya. Gaya ni Gray ay minsan lang din kami nagkakausap ni Khael. I've heard that he went to Singapore with his mom for vacation.
"Oh, napatawag ka?"
"I wanna ask how's the first day of school", he asked. Nai-imagine ko ang pilyong mukha ni Khael. Minsan kapag tumatawag siya ay umaabot kami ng dalawang oras. Masyado kasi itong madaldal at hindi nawawalan ng topic.
How's the first day of school? Napasulyap ako kina Jeremy. He was still distributing foods at kumakain naman sina Gray at Math.
"Hey", wika ni Khael.
"Ayy. Sabi ko mabagyo ang first day of school ko", wika ko sa kanya. My gaze were still fixed on the table were Gray and Math are sitting. "First day of school Khael, I already hate Math."
"Nagklase na agad kayo? Hala, masyado ba talagang knowledge-oriented at grade conscious ang mga taga-Bridle dahil agad na nagka-klase sa first day of class?", he asked. Si Khael. Si Khael na walang malay. Math's not a subject but a woman.
"Yeah. That's why I really hate Math. I really really hate Math." Uh, there's no way I'll be admitting that Math's a girl, baka isipin nitong nagseselos ako dahil may gusto ako kay Gray. Nagseselos lang ako dahil ako yung kaibigang babae ni Gray. If his male best buddy is Khael, I'm the female counterpart.
I rolled ny eyes on such thought. Okay, masyado akong self-proclaim. Basta ganun na iyon.
"I thought you're a geek in Math. Silvan told me that you're excellent in Math", wika niya. "Hey, speaking of Silvan, where's that bastard?"
"He's busy with Math. He spends more time with Math", sagot ko. I'm referring to a girl yet Khael thinks of a subject. Bahala siyang ganoon ang isipin niya
"Really? He's a freak in math too. I'm surprised to know that he's taking too much time on math", natatawang wika ni Khael. Oh, Khael! You're so naive! "Baka kinakalawang na ang utak niya."
"I don't think so. He's enjoying with Math", I said at napataas ang kilay ko nang may pahampas-hampas pang nalalaman si Math habang natatawa.
"Oh. Ganoon ba? You want me to help you in Math?", tanong niya.
"Can you kill Math for me?" Bigla itong natawa mula sa kabilang linya.
"You're funny", wika niya habang natatawa. "Send me the equations or whatever it is. I'll kill that Math for you."
"Wag na lang. I can handle Math", wika ko sa kanya. "I have to hang up now. Bye Khael!" Agad kong pinatay ang tawag at lumapit sa mesa. Nakaupo doon si Jeremy habang nakabusangot ang mukha.
"Where have you been?", Jeremy asked ng makabalik ako sa mesa.
"Diyan lang sa gilid. Khael just called", sagot ko.
"He called you?", Gray asked at tumango ako.
"Yes, he always does", wika ko. Okay, not really. Pagseselosin ko lang siya ng maramdaman din niya ang pakiramdam ng maagawan ng best buddy.
"Who's Khael?", Math asked.
"He's a detective from Athena", sagot ni Gray at na-excite naman si Math.
"Really? I want to meet him too so that we can have a deduction showdown, what do you think?", she asked.
I bit my lower lip to prevent myself from giving her a frown. Why does she wants to have a showdown? If she wants to know whose deduction is superior, maybe I should remind him of what my favorite anime character, Kudo Shinichi said that "There is no deduction that is superior or inferior because there is only one truth."
Siniko ako ng mahina ni Jeremy kaya napalingon ako sa kanya. Ininguso niya ang kanyang labi sa isang direksyon. When I looked at where he pointed, I saw a familiar face. It was the guy that Heidee showed us. Jeron Eusebio. Lumingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Nang mapadako ang tingin nito sa mesa kung saan nakaupo si Heidee at Cindy ay umupo ito ngunit panay ang yuko nito na tila ba ayaw nitong makita nina Heidee.
"Isn't he suspicious?", bulong ni Jeremy. Yes, he's very suspicious. Bakit kailangan pa niyang magtago kung nagkasundo sila ni Heidee na magkikita? Maybe he will took some photos secretly upang may mapadala na naman siya bilang stalker.
Namataan ko naman ang isang lalaki sa tabi. It was Cristopher! He's very suspicous too dahil panay ang surf nito sa hawak na tablet but he was hiding it under his the table. Hindi kaya nagpapadala na naman siya ng mga messages at pictures kay Heidee gamit ang kanyang ghost account? But Jeron is suspicious too! Now I'm confused who could be the suspect among them.
"Bakit ka nakatitig sa lalaking iyon Amber, crush mo?", biglang tanong ni Math. Nagulat naman ako sa tanong niya at hindi agad nakasagot. "Hala! Tan-awa ra! Crush lage!" Uh, she's speaking alien again.
Gray looked at me but I can't read his facial expression. It's more like a pokerface. Sumingit naman si Jeremy nang hindi agad ako makasagot.
"Of course not. Hindi yan crush ni Amber. Yung crush niya, nasa furniture shop, nagpa-part time", wika niya. Oh Je! That's very helpful and I wanna roll my eyes. Tumunog na ang bell tanda na tapos na ang break. Bumalik na kami sa classroom namin para classroom officers election.
Math was elected as the class president at si Jeremy naman ang vice president. See? Masyado na talagang pinaparusahan si Jeremy. Una ay naging seatmate niya, ngayon naman ay naging VP siya nito. Gray was elected as the Prince Charming! Yes prince charming and guess what's my position?
Kung iniisip ninyong ako ang Muse,
Pwes, MALI KAYO! I'm the class beadle! My duties include following orders like distributing photocopies and keeping the class attendance! Ibig sabihin, ako ang katulong ng klase. Damn Math for electing me! And Damn my classmates for voting!
The morning schedule ended at dinismiss na kami for lunch. The four of us went to the cafeteria. I checked my phone nang tumunog ito and it was Heidee. Agad ko iyong sinagot matapos mag-excuse sa kanila at lumabas ng cafeteria.
"Amber! I've received another creepy object from my stalker! Three cockroaches! My God Amber, I really can't take this!", wika niya mula sa kabilang linya.
"Saan mo nakuha ang mga ipis?", tanong ko sa kanya.
"It's in my locker! I don't know he opened my locker but it's inside and then naka-lock pa rin. Walang ibang may duplicate ng susi ko, not even Cindy! My God, please help me Amber", she sounded so worried.
"Okay, listen. Let the three of them gather in the poolside mamayang alas singko. I think that's enough for me to identify who's behind this stalker case", wika ko sa kanya at sumang-ayon ito. Bibisitahin ko mamaya ang locker niya upang makakuha ako ng clue kung paano iyon nabuksan ng kanyang stalker.
"Stalker case? You're investigating a case?", Math asked. Nagulat ako dahil hindi ko namalayang nasa likuran ko pala ito.
"Ah, yes."
"Can I come with you? I'm sure I could be a great help", she said with a smile. Kahit ayoko ay pumayag pa rin ako. Tuwang-tuwa naman ito at inaya na akong kumain. We we're about to enter the cafeteria nang mabangga ako ng isang lalaki. Nagmamadali ito na tila ba ayaw nitong mahuli ng kung sino man. Inaayos niya ang suot na cap, as if he was hiding his face at humingi ng paumanhin sa akin. I was surprised to see who it was! The other suspect of the stalker case, Lawrence Vequizo! Now it's more complicated! All three were suspicious!
Agad itong umalis at iniwan kami. Kinalabit ako ni Math. "Hoy, natulala ka dyan. Is he one of your suspect?", she asked and I nodded.
She let out a mischievous smile na tila ba nagsasabing it's gonna be a victory for her. "Oh well, Sherlock Holmes said that the world is full of obvious things
which nobody by any chance ever observes. That was an obvious one but it's a capital mistake to theorize before we have enough data. This is interesting", she said as her eyes glow in excitement.
#
-ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro