CHAPTER 4: 911 EMERGENCY
Chapter 4: 911 Emergency
Every first Wednesday of the month ay may community service kaming gagawin. Each community service is done by every year level sa Junior at Senior High School Department at Grade 11 ang naka-assign ngayon. And today, we're heading to a place called Sitio Pangas for our tree planting.
Maaga kaming gumising dahil aalis ang school bus ng alas singko ng umaga dahil medyo may kalayuan ang Sitio Pangas. Alas kwatro y media pa lang ay handa na ang mga estudyante sa quadrangle ng Bridle High. Nang sumapit ang alas singko ay umaandar na nga ang bus sa destinasyon namin. Kanya-kanyang tulog naman ang iba while others are chatting.
Pangdalawahan ang upuan ng bus kaya magkatabi si Andi at Therese at wala naman akong katabi. Tatlong bus ang inarkila ng Bridle para sa aming mga Grade 11. Dahil dalawang oras pa bago kami makakarating sa patutunguhan namin, napagpasyahan kong pumikit muna. I put on my headset at natulog saglit.
I don't know how long I have been sleeping, ngunit nang magising ako ay nakasandal pala ako sa balikat ng... ng isang lalaki?! Holy crap! Why on earth am I leaning on a man's shoulder?
And worse, it was Gray's!
Napatuwid agad ako ng upo. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. He smiled and greeted me good morning. I ignored his greetings at tiningnan siya ng matalim. "I said what are you doing here?"
"Uh, magte-tree planting," he said with sarcasm. Oh yeah, that's exactly why we're here.
"I mean anong ginagawa mo sa tabi ko?" tanong ko. May mga panahon talaga na gusto kong sakalin si Gray.
"Walang bakanteng upuan kaya dito ako naupo," wika naman niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin, at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tiningnan ng masama. Can't he just be killed with my death glares?
"Hey, stop that kind of look. You do not own this spot and you just slept on my shoulders, you should be thankful," he said. Uh, does he really have to remind me that I just slept on his shoulders?
"I didn't ask for it," wika ko sa kanya. I grabbed my headset na suot-suot pala niya and it was still connected to my phone na nasa bulsa ko. "Who told you to use my headset?"
Sumandal siya sa upuan. "Aside from being a detective, I'm a businessman. That's your payment for sleeping on my shoulder," he snapped at me. "You're into Bastille and Mayday Parade huh, interesting." He did listen to my music!
Hindi ko na siya sinagot dahil huminto na ang bus at pinababa na kami. Our teacher gave us instructions and safety precautions since aakyat kami ng bundok. When we're all set ay sumabay na ako kina Andi at Therese.
Nang dumating na kami sa destinasyon ay nagsimula na kami sa community service namin. Naging abala na ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawang pagtatanim. It was almost noon at matirik na ang sikat ng araw. Nang sumapit ang oras ng tanghalian ay pinatigil na ang lahat para kumain. Pumunta naman kami sa katabing sapa upang maghugas ng kamay bago kumain. Sa kabilang bahagi ng sapa ay may pangpang. Out of curiosity at nilapitan ko iyon.
"Amber, let's eat," sigaw ni Therese akin. I was thinking which way to go, to lunch or there?
"Susunod na lang ako Rese," sigaw ko sa kanya. When she turned to her heels upon hearing my answer, tinahak ko naman ang daan palapit sa may pangpang.
I look down at the cliff. Mataas iyon at mabato ang ibabang bahagi. Anyone who will fall there would surely meet his death. Babalik na sana ako nang mapansin ko ang isang pulang motorsiklo. Tinago iyon sa pamamagitan ng mga dahon but I managed to see it. Wala iyong plate number.
Bakit kaya iyon tinago doon?
Nang tingnan kong mabuti ang motorsiklo, I observed some bloodstains. Did someone carry a bleeding body in this motorcycle? Napansin ko rin na nahawi ang mga damo sa gilid. Looks like someone passed that way. Sinundan ko naman iyon. Maybe I will find something interesting there. Lunch can wait, saglit lang naman ako.
Sa halip na kumain ay tinahak ko ang daan kung saan ang mga damo ay nahawi. Nang marating ko ang dulo, there was a cave. It was covered with grass though, ngunit tila may dumaan doon. Kahit natatakot ay pinasok ko ang kweba. Tanging ang flashlight ng cellphone ko ang gamit ko upang lumiwanag ang daan. Napansin ko rin ang mga dugo na nasa daan. Someone who was bleeding badly must have gone here at mukhang bago pa lamang ang mga dugong iyon.. Kahit madilim ay nilibot ko ang paningin sa paligid. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang napasok ko, I just felt that something or someone must be inside.
Nang makarinig ako ng kaluskos ay agad kong sinundan ang pinanggalingan niyon.
"Sino yan?" tawag ko sa dilim. Then I heard someone said help in a very low voice. Itinapat ko ang cellphone ko sa gawing iyon at laking gulat ko nang may nakita akong babae roon! Nakahandusay ito sa lupa at nakahawak sa sugatang braso.
Tumakbo ako papunta sa kanya. "Miss, okay ka lang ba?"
Nakahawak ito sa dumudugong braso. "Tulungan mo a-ako! May gustong pumatay sa akin!" She looks so scared at nanginginig ito sa takot.
Inalalayan ko siyang tumayo. "Let's go out of this cave." I tried to dial Gray's number for help ngunit walang signal. "Walang signal, I guess we have to walk our way to the cave's entrance Miss," wika ko sa babae. She's a bit older than me, hinala ko ay nasa edad na 24 to 26 ito. She's pretty too.
Tinulungan ko ang babae sa paglalakad. Maliban sa sugat nito sa braso at ilang gasgas sa katawan ay wala na itong ibang pinsala. "Sino ang gustong pumatay sayo?" tanong ko sa kanya.
"Ang katrabaho ko! Nandito siya, siya ang nagdala sa akin dito, h-he tried to rape me!", sagot nito. Kung ganon ay sa katrabaho niya iyong motorsiklo sa labas at marahil dugo ng babae ang nandoon. She sounded so hysterical at naawa ako at natakot. Paano kung makita kami and the murderer end up killing the two of us? Oh no!
Natatakot ako but I want to help the girl. We need to go out of this cave as soon as possible bago pa man kami mahuli ng nais pumatay dito. Patuloy lang kami sa paglalakad towards the entrance. Maraming bakas ng dugo sa daan at takot na takot ako but I set aside my fear. Kailangan naming makalabas dito sa kweba.
The girl stopped. Napaupo ito sa lupa while holding her breath. "I can't make it. Masyadong masakit ang katawan ko. Please go and call for some help," wika niya. She gasps for air at nakahawak pa rin siya sa sugatang braso.
"Okay lang ba sayo na iwan kita dito?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Yes, please ask for help. Armado ang nais pumatay sa akin. He's psychotic at tiyak madadamay ka kapag nakita ka niya."
I was horrified too. Hindi ligtas na iwan ko siya doon dahil marahil nandoon pa ang salarin. And I can't carry her kaya wala akong nagawa kundi pumayag na humingi muna ng tulong.
"I'll be back soon Miss, please stay here, wag kang aalis dito," wika ko sa kanya bago umalis. I ran my way to ask for help. Dahil madilim ay nakalimutan ko kung saan ang daan since the cave has two other ways. Hindi ko maalala kung saan ako dumaan kanina kaya sinubukan ko ang daan sa kaliwa. Tinahak ko ang daan doon but it was dead end. Wala akong nagawa kundi bumalik sa pinanggalingan ko kanina.
Nagulat ako nang may maapakan akong bagay. Itinapat ko ang cellphone doon ag pinulot iyon. It was a male's watch. It wasn't functional though. Marahil ay pulse watch iyon kaya hindi pa umaandar. There were traces of blood there too.
Sino kaya ang may-ari nito? Tinago ko iyon sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad.
My phone is almost empty. Nagnotify iyon ng battery low bago nagshutdown. Uh, great. Just great. Naiwan ko pa naman sa bus ang power bank ko. But I was thinking, who owns the watch? Hindi kaya sa salarin iyon? Maybe he's just nearby! I shivered upon the thought. Binilisan ko ang paglalakad. The girl's life is in danger as well as mine at kailangan ko siyang tulungan.
Napatigil naman ako ng may narinig akong kaluskos. I keep my phone in my pocket and hide. Kahit medyo may kadiliman ay may naaaninag naman ako. I saw someone crawling! Maybe that was the person who wants to kill the girl!
Kahit nahihirapan ay dahan-dahan itong gumapang, and it was the guy! He opened his phone for a while at nasulyapan ko ang mukha niya bago niya iyon pinatay ulit. Naghintay naman ako na makalayo muna ito bago lumabas mula sa pinagtataguan ko upang makahingi ng tulong.
Tumakbo ako ng abot-tanaw ko na ang labasan ng kweba. I need to find help. Nang makalabas ako ay napatigil ako when I remembered something. Back there in the cave, there were scattered drops of blood. Ang ipinagtataka ko ay bakit maraming dugo sa daan when in fact the only wound that the girl have was a cut in her arm. Wala na itong ibang dumudugong sugat sa ibang bahagi ng katawan.
And the guy, I swear I saw the guy's face covered in blood. His blood was dripping down his face as if he was hit hard in the head. Why? Bakit siya maraming pinsala samantalang ang babae, who claims to be the victim, ay konti lang? She seems to be so weak at hindi na kayang maglakad pa and asked me to call for help instead of trying to escape the cave since alam nitong nandoon pa ang nais pumatay dito. Hindi kaya .....
Hindi kaya nagsinungaling siya sa akin at siya naman talaga ang gustong pumatay sa lalaki and not the other way around? Of course that could be possible! Kinuha ko ang relo sa bulsa ko. Tiningnan ko ang mga kamay niyon. It has 3 hands na malamang ay para sa oras, minuto at segundo. I stared for a while at it and Shit!
Its hands were stopped at 9, 1 and 1, probably set by the victim! 911? 911 means....
EMERGENCY!!!!
I made a wrong conclusion! The girl is the murderer and not the guy! Why didn't I realize it kanina pa? Kahina-hinala na ang mga dugo na nasa kweba but I believed in that girl's lie! At malamang ngayon ay nanganganib na ang buhay ng lalaking iyon!
Muli akong tumakbo papasok, I need to hurry dahil baka makita siya ng babae! Kahit madilim ay tumakbo pa rin ako. I turned right ng may marinig akong sigaw.
The girl was about to stab the guy! May kadiliman sa kweba ngunit dahil sa nakabukas na cellphone sa gilid ng biktima ay agad ko silang nakita. Tumakbo ako at tumalon sa babae. I winced in pain nang tumama ang paa ko sa isang bato. Hindi pa masyadong magaling iyon noong natapilok ako at ngayon ay muli na namang sumakit iyon. Nabitawan naman ng babae ang hawak na hunter's knife. I kicked her in the stomach at namilipit naman ito sa sakit. I helped the guy to stand upang mapalayo doon ngunit nahawakan ako ng babae. She grabbed my hair and I almost cried in pain. Ayaw na ayaw ko pa namang masabunutan.
"Run!" I shouted to the guy. Takang napatingin sa akin ang lalaki.
"Ngunit-"
"Just run! Call for help!" muli kong sigaw sa kanya. What did I just say? Run? Oh, it was too late when I realized what I just said. Run? Am I planning myself to let myself be killed? What a lousy plan and strategy! Wala namang nagawa ang lalaki at kahit hinang-hina na ito, he slowly made his way away from that area.
"Ohh, umaasta kang bayani, hah?!" sinuntok ako ng babae sa sikmura. She stood up at hinabol ang lalaki. Hinampas niya ito ng bato nang maabutan niya. He's almost passing out kanina dahil marami ng dugo ang nawala dito and when he was hit, he was knocked out! Kinuha ng babae ang kutsilyo at bago pa man iyon bumaon sa katawan ng lalaki ay hinablot ko ito sa sugatang braso, dahilan upang mabitawan nito ang kutsilyo. I kicked the knife away at galit na galit naman ang babae.
"Pakialamera!" sigaw niya sa akin and tried to hit me with a stone ngunit naiwasan ko iyon. I kicked her hard at natumba naman siya. She landed near the knife. Kinuha niya iyon at sumugod sa akin. I managed to move away ngunit hindi pa rin ako nakaligtas sa pagkasugat. I almost cried nang maramdaman kong nasugatan ang braso ko. Good thing it wasn't deep.
"Para yan sa pagiging pakialamera mo!" wika ng babae at muling hinila ang buhok ko. She dragged me closer to her at sinampal ako. Nahilo naman ako sa sampal na iyon. I've never been slapped before and I didn't know how it feels until today!
She picked up a medium-size rock at inihampas iyon sa ulo ko. My sight starts to become blurry and I can feel the blood running down my face. Napahiga ako sa lupa, she sat beside me and held my neck. Hinang-hina na ako at wala ng lakas para manlaban.
"If you just stayed at home at hindi nakialam dito, you can live your life a little longer," she said. Sinugatan niya ang kabilang braso ko and I wanted to shout ngunit hindi ko nagawa.
"W-why do you want to kill the guy?" nanghihina kong tanong. As much as possible, kailangan ko siyang libangin at nang makaipon ako ng lakas at makaisip ng paraan para makaligtas.
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Oh, well para hindi naman masayang ang tulong mo sa lalaking iyon sasabihin ko na lang sayo tutal mamamatay ka rin naman," she said at hinigpitan ang hawak sa leeg ko ngunit nakakahinga pa rin naman ako.
"Naging mabuti akong katrabaho. I did well on my job, lahat ginawa ko para tumaas ang posisyon ko. I want to be the team leader sa call center na pinagtatrabahuhan ko! I'm always the top agent every week. Naging usap-usapan na ang magiging bagong team leader ay ako, but then that guy came! At lahat ng hirap ko ay nawalan ng halaga!" wika ng babae. She was crying as she told me the reason why she wanted to kill the guy.
"Kahit bago lang siya ay siya ang naging team leader! You know how does it feel?! Nagpakahirap ako tapos sa isang iglap ay mawawala sa akin lahat ng pinaghirapan ko! Kaya niyaya ko siya sa apartment ko! At sumama naman ang tanga! May gusto pala siya sa akin! How disgusting! Hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking umagaw ng lahat sa akin!"
Unti-unti ng lumilinaw ang paningin ko. I still have to distract her. Please, just more minutes.
"I hit his head with a vase nung nasa apartment kami, dahilan upang mawalan ito ng malay dahil sa sugat nito sa ulo," she started laughing like a psycho. "I don't know what to do kaya dinala ko siya dito upang ihulog doon sa bangin but that bastard woke up before I could throw him off the cliff! Hinampas ko siya ulit gamit ang helmet but he managed to run towards here so I followed him. And I thought that this cave is the perfect place to do my plan. Kapag nawala siya, sa akin na mapupunta ang posisyon niya. But that perfect plan was destroyed! Sinira ng isang pakialamera!" sigaw niya at diniinan ang pagkakahawak sa leeg ko. Both my arms are aching dahil sa mga sugat at maging ang ulo ko.
"There's no such thing as perfect plan! Mali pa rin ang ginawa mo!" wika ko sa kanya. Damn, masyadong mahapdi ang mga sugat at ang paa ko.
"Hindi ko kailangan ang opinyon mo! Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ko!" wika ng babae. She raised her hand and she tried to stab me. Too late, I'm still dizzy kaya wala akong maisip na paraan upang makaligtas. I was thinking that it will be my end kaya napapikit nalang ako.
I've waited for a while ngunit wala akong naramdamang kutsilyo na bumaon sa katawan ko. Nang nagmulat ako, I saw the girl lying on the ground at walang malay.
"Amber!"
I heard someone called my name at dahil madilim at hindi pa masyadong maayos ang paningin ko dahil sa paghampas ng babae ng bato sa ulo ko, I saw a blurry image. Not to mention that I want to pass out a while ago dahil sa takot.
"Amber!"
Lumapit siya sa akin at binuhat ako. It was Gray. Dahil nanghihina ay isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nito. May kasama siyang dalawang lalaki and they help the wounded guy samantalang binuhat naman ng isa ang babae.
"N-nice timing Gray, t-thanks," wika ko. My head hurts so much at nahihilo pa rin ako.
"It's not a nice timing! Look at you! Marami kang sugat! If I was just on time! Damn!" galit ang boses na wika niya.
"A-anong ginawa niyo doon sa babae?" tanong ko. The place was getting brighter at naisip ko na marahil ay malapit na kami sa entrance ng kweba. "Ayos lang ba siya?"
His brows met. "Why are you concerned about her? She almost killed you."
"G-gray." I called his name.
"Don't worry, I just kicked her at nawalan lang siya ng malay," wika niya at napanatag naman ako.
Kahit na muntik na niya akong pinatay kanina, it's not right to kill her. I'm not the law to put her fate in my hands. At kapag hinayaan ko lang siyang mamatay o patayin ng iba, I'm no different to her at all.
"Mabuti naman," wika ko at tuluyan nang lumiwanag ang paligid, palatandaan na nakalabas na kami ng kweba.
"The cops are on their way. Tinawagan ko na sila bago pa kami pumasok ng kweba," wika niya. He's still carrying me pabalik doon sa mga kasamahan namin.
I saw my blood on Gray's shirt and I hope he doesn't mind it. "Gray, your shirt is full of blood."
"Don't mind it Amber," wika niya. His strong arms are supporting my light body.
"But-"
"I said just don't mind it!" wika niya and he sounded angry. Natakot naman ako kay hindi ko na iyon pinagpilitan pa.
"H-how did you know I was there?" tanong ko. The stream was almost nearby kaya malamang ay malapit na rin kami doon sa ibang mga estudyante.
"I saw you walked near the cliff at nakita ko rin na you walked towards this direction. I just ignored it dahil baka out of curiousity mo lang kaya ka pumunta dito. But when lunch was over at hindi ka pa rin bumabalik, I made my way here at nakita ko ang duguang motorsiklo hidden behind the bushes and leaves. I suspected it was used for a crime kaya tumawag ako ng police. I also decided to find you at sumama sa akin sina Aaron at Marcus, we came to that cave and confirmed my suspicions when we found traces of blood," wika niya. Dinala ako ni Gray sa loob ng school bus at agad nilapag sa isa sa mga upuan. He ordered someone to get the first aid kit.
Agad na nakiusyoso ang ibang mga estudyante ng makitang duguan ako. Kinuha ng gurong kasama namin ang first aid kit at agad na nilapatan ako ng paunang lunas while Therese and Andi were crying on my side.
"Sana pala hindi kita iniwan kanina nung sinabi mong susunod ka," umiiyak na wika ni Therese. "Kasalanan ko to."
Inalo ko naman siya."It's not your fault Res. Please stop blaming yourself."
Matapos akong gamutin at kausapin ng mga pulis upang hingan ng statement ay pinasakay na lahat ng estudyante sa bus upang umuwi na at dahil na rin kailangan kong dalhin sa ospital.
Gray sat on my side nang umaandar na ang bus. His face is serious and his brows met. Galit ba ito? Naalala ko naman na hindi nga pala ako nakapagpasalamat dito. Maging kina Aaron at Marcus.
"Gray, thank you for saving me back there," wika ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako ng masama. What's his problem?
"Gray?"
"Don't do it again Amber," seryosong wika niya. What? Is he really angry? Seryosong-seryoso ang mukha nito.
"Gray, I'm really fine, I just wanted to help."
"Fine? You're almost killed in the process at ngayon sasabihin mong you're just fine? What the hell Amber!" sigaw niya sa akin. Great! He bursted out.
"G-gray."
"Don't act like a sick hero! Anong akala mo sa sarili mo? Bato? Hindi nasasaktan? Look at yourself! You're not as strong as you think you are! Those wounds are evidence! Evidence that you're vulnerable! So don't act like you're tough because you're not!" His face was red at malakas ang boses nito.
Natahimik naman ako. He's really angry. I was scared when I almost died kanina but Gray was even scarier. Galit na galit nito at ayaw kong sagutin ito dahil nakakatakot ang makitang galit ito.
"Bro, tama na," Aaron said at tinapik sa balikat si Gray. Saka lang namin napansin na nakatingin na pala lahat sa amin. Napayuko naman ako, maging si Gray. Yes, he's right. Ngunit gusto ko lang naman tumulong.
"I'm sorry. I'm just worried," wika niya sa mahinang boses. Napalingon ako sa kanya. His face is somewhat calm kumpara kanina.
"Sorry din," nakayuko kong wika. I almost lost my life but thanks to Gray for saving me.
"Just don't make me worry again," he said in a low voice but enough for me to hear. "Please don't."
#
-ShinichiLaaaabs.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro