CHAPTER 33: MASQUERADE DEJA VU
Chapter 33: Masquerade Deja Vu
Alas nuebe nang umaga nang magising ako kinabukasan. My body has been aching for few days dahil sa walang hanggang pag-eensayo para sa play. It's worth all the body pains dahil nga nanalo kami and acquired the accreditation. The last events this morning ay ang mga championship sa ilang sports event at literary.
"May isusuot na ba kayo para sa masquerade ball mamayang gabi?", tanong ni Res. Sabay kaming umiling ni Andi. I have dresses on my closet ngunit hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko para sa ball mamaya.
"Let's go shopping!", suhestiyon ni Andi!
"I'll pass", wika ko but I received deadly glares from both of them kaya pumayag na lang ako. Do I have a choice?
It was almost lunch ng makahanda kami kaya kumain muna kami sa cafeteria bago umalis. Matapos kaming makapili ng damit para mamayang gabi ay umalis na kami doon at nagpunta sa isang jewelry shop. Andi wanted to choose some glamorous jewels na maaring bumagay sa kanyang damit. It was a big jewel shop at hindi gaano karami ang tao roon.
"Wow, look at this one. Ang ganda!", Res said at itinuro ang isang silver choker. Kumikinang ang napakaraming dyamanteng disenyo nito. I moved on the other side of the shop at tumingin-tingin sa mga nakadisplay na singsing. I'm not really fond of jewelry but I enjoy looking at them.
I saw a man talking on his phone suspiciously. Panay ang lingon nito sa paligid at mahina ang boses nito habang may kausap sa cellphone. Ano kaya ang ginagawa niya doon sa tabi? And why is he whispering over his phone?
Nilagpasan ko lamang ito at lumapit sa mga nakadisplay na singsing.
"You like that one honey?", wika ng isang lalaki, di kalayuan sa akin. He was with a lady. Marahil ay girlfriend niya iyon.
"Yes hon, that one", the girl said at itinuro ang isang singsing na may diamond sa gitna. Oh, an engagement ring. Tinawag nito ang isang saleslady upang matingnan ang singsing na itinuro ng kasama niyang babae.
It was a very beautiful ring. Bumagay iyon sa kamay ng kanyang kasama. The guy keeps on telling her cheesy lines kaya lumayo na ako doon at lumapit kina Andi na namimili pa rin ng kwentas.
Lumapit si Therese sa amin at bumulong. "Hey, kanina ko pa napapansin yang lalaki doon sa tabi. He's looking over the watches while wearing a headset. He keeps on singing at malakas ang boses niya", wika ni Therese at tiningnan ko naman ang itinuro nito. "So annoying!" The guy was really wearing headset and he's banging his head while singing. Hindi ba niya alam na lumalakas ang boses niya?
"That's normal. Ganyan ka din naman kapag nakaheadset ka ah. You keep on singing in a loud voice", wika ni Andi and Res frowned.
"Atleast not in the public", she said at muling ibinalik ang tingin sa mga alahas.
I also noticed a guy in his glasses. Nerdy ito kung manamit and he was looking at the watches too. May lalaki rin doon na kumakain ng lollipop while looking at the brooches. Weird, matanda na ito ngunit kumakain pa rin ng lollipop. He's not really old but you'll seldom see a guy eating lollipop.
"Hey, look at that guy. He's eating a lollipop, so childish", wika ni Andi. Mukhang nakatingin din pala ito sa lalaking tinitingnan ko. The guy looked at our way. Napalakas yata ang boses ni Andi at narinig iyon ng lalaki kaya lumapit ito sa amin.
"Ah, ito bang pagkain ng lollipop ang ipinagtataka niyo? Nagsimula akong kumain ng lollipop ng mapagpasyahan kong itigil ang paninigarilyo", he said ng makalapit ito sa amin.
"Pasensya na po. We didn't mean to talk about you and your lollipop", paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
He smiled at us at tumango. "Ayo slang. Marami ang nagtataka dahil nga matanda na ako para sa lollipop kaya I madalas kong pinapaliwanag sa kanila", wika nito at nagpaalam.
Nang makalayo na ito ay hinarap ni Therese si Andi. "Ayan narinig tayo, buti na lang at mabait. Nako Andi 'yang kadaldalan mo!"
Therese is really strict sometimes. Paminsan-minsan rin ay parang matanda ito dahil ito ang madalas na nagsasabi sa amin ng dapat at hindi dapat gawin. Nagulat na lamang kami nang makarinig kami ng malakas na tunog ng pagkabasag. One glass case was hit with a baseball bat by a man in bonnet and it was broken!
"Holdap!", he shouted at itinuon ang hawak na baril sa amin. May kasama din itong lalaki na nakaasuot din ng bonnet at may dala-dala ring baril.
They ordered the guard to pull down the shutters at wala namang nagawa ang guard kundi sumunod. Nang masara na ang shutters ng shop ay ibinigay ng isa sa mga holdaper ang isang malaking bag sa isang saleslady.
"Ilagay mo diyan lahat ng alahas at ang pera!", he shouted while pointing the gun at her, kaya kahit nanginginig sa takot ay sumunod ang babae. Pinatabi naman kami ng isa pang holdaper. He ordered us to stay at one side. There were eight of us there. Kaming tatlo nina Andi at Therese, the suspicious guy that I found on the corner, the couple who were looking for a ring, the guy in his headset at ang lalaking may kinakain na lollipop.
The guard was knocked out after the shutters were closed. Nagtangka ang lalaking kumakain ng lolliop na lumaban ngunit nauna itong hampasin ng lalaki ng baril nito. The guys head was bleeding at napasigaw ang lahat.
"Sinabi ng 'wag kayong gagawa ng kung ano man! Kapag may nagtangka pang gumalaw ay babarilin ko!", he said.
Napasandal na lamang sa tabi ang lalaki at hinawakan ang dumudugong ulo. Pumwesto ang isang holdaper sa harap namin upang masigurado na walang gagawa ng kahit ano habang inuutusan pa ng isa ang manager ng shop na buksan ang vault.
The manager was shaking habang ginagawa ang utos ng holdaper. May pinindot sa relo nito ang lalaking may kasamang babae. Looks like it was a phone watch! Tamang-tama! We could ask for help by using that phone watch.
Napasigaw ulit kaming lahat nang bigla na lamang itong barilin ng isa sa mga holdaper!
"Sinabi ko na diba!", galit nitong wika at kinuha ang relo. The guy was shot in the shoulders kaya hindi masyadong malala iyon. Wala kaming ibang magawa kundi ang sumunod na lang sa kanila. But I was wondering kung paano ito napansin ng holdaper, the guy just simply held his watch at isa pa ay malayo ito. He cannot simply see the little movement of that guy unless...
Napalingon ako sa paligid. Hindi kaya may kasabwat ang mga ito na nagkunwaring isa sa mga simpleng customer lamang? Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama namin. First was the guy that I've noticed talking on one corner with someone on his phone. Kahina-hinala ito dahil panay ang tingin nito kanina sa paligid habang mahina ang boses na nakikipag-usap sa telepono. Hindi kaya ang mga holdaper ang kausap nito and he was the one who signalled them to enter?
The other guy was the nerd one, unlike the first one, hindi ito kahina-hinala. It isn't unusual for a nerd to be in a jewelry shop. He was looking at the watches kanina kaya marahil ay nais nitong bumili ng relo. The other was the guy in his headset. Ito naman ay kahina-hinala. What if he was communicating with the holdapers using that headset? When I glanced at the holdapers, there were none of them wearing a headset kaya imposibleng nakikipag-usap ang lalaki gamit ang headset.
Naroon din ang babae na kasama ng lalaking binaril at ang lalaking kumakain ng lollipop. They were both victims of the holdapers kaya malabong sila ang kasabwat.
I have to do something! Hindi ko iyon magagawa dito dahil baka mayroon ngang kasabwat ang mga holdapers at mahuli ako bago ko pa man magawa ang binabalak ko.
"Excuse me po kuyang holdaper", wika ko at nanlalaki ang mga mata nina Andi at Therese na tumingin sa akin. I am taking a risk ngunit walang mangyayari kung hindi ko iyon susubukan.
"Ano?!"
"Naiihi po kasi ako!", I said and acted like I really wanted to pee.
"Wala akong pakialam! Umihi ka dyan kung gusto mo!", he hissed at me. Mukhang mahirap ito kausap. I tried again and put on my best acting.
"Sige na po! I can use the employee's CR. Hindi ko na po talaga kaya, kung gusto niyo po samahan niyo ako!", I said at him. Gosh, I just hope that this scheme will work.
"Hoy sige na, samahan mo na lang doon sa CR", wika ng isang lalaki.
Sinamahan ako ng lalaki sa CR. "Bilisan mo!", he ordered at nang makapasok kami sa CR ay hindi agad ako nag-aksaya ng panahon, I kicked him at nabitawan nito ang baril. I punch him hard on his stomach and kicked him again in his head causing him to lose consciousness. Kinuha ko ang baril niya and hid it on my side. Gosh, mukhang nasasanay na ako ngayon sa baril dahil hindi na ako tulad ng dati na hindi halos makagalaw kapag nakakakita ng baril.
Dahan-dahan akong lumabas ng CR at tinawag ang isa pang holdaper.
Napansin niyang wala ang isa niyang kasama kaya lumapit siya sa akin habang nakatuon pa rin ang baril sa akin. "Nasaan ang kasama ko?", he shouted at me.
"Mukhang siya yata ang nais gumamit ng CR eh", I told him. Ayaw kong paputukin ang baril kaya ang ginawa ko ang ibinato iyon sa kamay niya. Nabitawan niya ang kanyang baril at agad iyong kinuha ni Therese.
"Get him Amber!", she said at tumulong naman ang iba pa sa pagbukas ng shutter upang makahingi kami ng tulong.
"Sa tingin mo kaya mo ako!", he said at kinuha ang tinatagong kutsilyo. He grabbed me ngunit dumating na ang mga mabuksan ang mga pulis na naghihintay na pala sa labas.
They arrested one of the holdaper's accomplice na naghanda ng get away vehicle ng mga ito. Hinuli na sila ng mga pulis at napag-alamang mga kilalang holdapers pala ang mga ito na nakatakas mula sa kulungan. The police thanked me at maging ang iba pang mga customer na naroon sa shop.
"Hihingin namin ang mga statement ninyo mamaya", wika ng pulis sa amin. We waited for a while hanggang sa matapos sila sa pagtatanong.
Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa nangyari ay hinanap ko agad ang lalaking iyon. He was about to leave the shop kaya sinundan ko siya. Pasakay na siya sa kotse niya nang maabutan ko siya.
"Iiwan mo lang ba ang mga kasamahan mo?", wika ko sa kanya.
Huminto siya sa ginawang paghakabang at nilingon ako. "Ano ba ang ibig mong sabihin?", tanong niya sa akin at kinuha ang lollipop mula sa bibig. Yep, it was the guy with the lollipop.
"You don't have to play dumb, I've read the situation well", wika ko sa kanya. "You were one of the holdapers who dressed in civilian to serve as the lookout. Marahil nga ikaw ang mastermind."
He laughed in an evil way. "Paano mo naman nasabi na ako nga ang kasabwat nila? Mastermind?"
I smiled at him. "Muntikan mo na kaming maloko nang nagkunwari kang biktima, but when I noticed na kapag may mga simpleng galaw na gagawin, the other holdappers who cannot see enough knows and that's when I thought that there must be a an accomplice. Kapag may gumalaw sa kanan mo, you moved your lollipop stick on that side. Kapag sa kaliwa naman, you move it on that side. It's a signal to the holdappers kaya nalalaman nila na may nagtatangkang gumawa ng hindi nila gusto. Am I right?"
"Mukhang matalino ka nga ngunit hindi mo ako mapipigilan", wika niya. Inilabas niya ang baril at itinapat iyon sa akin. He opened the car's door at nagtangkang sumakay sa kotse.
"Nope, you can't escape", I told him at lumabas naman ang mga pulis na matimbrehan ko kanina tungkol sa kasabwat ng mga holdappers. Agad nilang nahuli ang lalaki at isinakay iyon sa police car. Natapos na ang imbestigasyon ng mga pulis at umuwi na rin kami.
***
I was facing the big mirror at our room. I was wearing a red long gown which shows my bare neck and back. But why does it have to be red? Bloody eh? Does it mean that I'll have a bloody masquerade party again?
Iwinaksi ko iyon sa isip ko at isinuot na ang sapatos ko. Simple lang ang make up na inilagay sa akin ni Andi. She curled the tips of my hair and pinned it on one side and displayed my slender neck. My silver mask was covered in precious ruby stones at halos takpan nito ang kalahati ng mukha ko. Nakabihis na rin sina Andi at Therese on their long gown. Andi wore a cream long gown while Res wore a pale yellow long gown.
"I'm so jealous! Ang ganda-ganda ni Amber!", Andi ranted.
"Hurry up Red riding hood, you're prince is already downstairs", paalala ni Therese.
Oo nga pala! Gray texted me na susunduin niya ako ngayon. He texted me again to inform me na naghihintay na siya sa baba.
"I'm not Red Riding Hood and he's not a prince", wika ko sa kanila at nagpaalam. Ayaw kong paghintayin si Gray ng matagal kaya bumaba na agad ako.
"Go princess!", wika nila bago ko sila iniwan. Nadatnan ko si Gray sa sala ng dorm. Marami ding mga lalaki ang naghihintay doon since they're not allowed upstairs.
He was sitting near the door. Napakakisig nitong tingnan sa suot na tuxedo with a red polo inside. Hawak-hawak nito ang kulay silver na maskra. Red? Our attires matched? It was just a coincident right? He glanced at my direction nang mapansin niya ako at agad akong sinalubong.
"Mahal na prinsesa", he said naughtily and smiled. There he goes again with that 'mahal na prinsesa' thing!
"Shut up Gray", wika ko and he chuckled. Bumalik na naman ang pagiging naughty nito. I wish he's always like this. Hindi iyong minsan ay hindi mo mawari kung ano ang iniisip niya.
He offered his arms to me. "Shall we?"
Nakangiting tinanggap ko naman iyon at lumabas na kami ng dorm. Mabuti na lang ang mataas ang suot kong sapatos, hindi na nagkakalayo ang height namin. Naalala ko ang huling pag-uusap namin kagabi. He said he's falling. Falling where?
Wala naman siya sa mataas na lugar kagabi. Why would he fall? He's weird sometimes. Hindi ko na lang siya tinanong kagabi kung ano ang ibig niyang sabihin. Maybe I'll ask him later. Papunta kami sa function hall na pagdadaraosan ng masquerade ball.
"I haven't seen you around kanina. Ryu keeps on looking for you too. Pinopormahan ka ba niya?", he asked. Mabuti na lang at nakakapit ako sa braso niya dahil kung hindi ay malamang natapilok na ako!
My goodness, si Ryu, pumoporma sa akin? No! Hindi! Negative! No way! Eeeenk! Impossible!
"Hindi no! We're not even friends! Kaya imposible 'yang pinagsasabi mo", sagot ko.
He smiled at me. "Mabuti naman." He was somewhat relieved ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ano ang ibig nitong sabihin? At baka nakakalimutan nito na si Marion ang nililigawan ni Ryu at hindi ako.
Dumating na kami sa loob ng function hall. Halos nagpapagandahan ang bawat isa sa kani-kanilang long gowns. Sumama ang pakiramdam ko nang makita ang paligid. A Deja vu! It was the time na ayaw ko ng isipin pang muli. I messed up with a mafia. A very dangerous mafia. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Gray ng maalala ko ang lahat ng iyon.
A masquerade ball. An illegal transaction. A gun pointed at me. A great mansion. A kind host in the person of Zeus. God! Remembering those things bring chills to my spine. It was a bad memory that keeps on haunting me.
"Ayos ka lang ba Amber?", tanong ni Gray ng mapansin ang pagtigil ko. I faked a smile and nodded at him.
Nang may dumaan na waiter sa harap ko ay agad akong kumuha ng isang wine glass at sinaid ang laman niyon. I didn't even bother to check if it was wine or not. Hindi ko na rin pinansin ang init at pait na dumaan sa lalamunan ko.
"Hey you're not really okay. Anong problema?", tanong niya ulit. I just shook my head.
Maraming tao sa loob ng function hall. Naalala ko na may mga outsiders din pala doon since each student are allowed to bring atleast one outsider. Kailangan lamang na may suot itong badge ng Bridle.
Gray offered me a sit at agad akong naupo doon. The alcohol was starting to heat up my body. I looked around at halos mapugto ang hininga ko nang makita kung sino ang mga parating. It's the devil Ryu. Kasama nito si Marion. Nang nakita ko si Ryu na nakamaskara ay mas sumariwa ang lahat ng alaala sa akin. They walked towards us and I saw his familiar evil smirk.
"Good to see you again Amber", sarkastikong wika ni Ryu. I don't know of it's the alcohol or Ryu who caused this burning sensation in me.
"Well it's not good to see you", sagot ko. I can't let this devil toy with me. Kaya ko rin siyang batuhin ng mga maaanghang na salita.
"You look good in that red dress. Reminds me of a bloody masquerade", he said. Shit, why does he have to say it?
"The night's good. Ryu, can you dance with Amber for a while samantalang kakausapin ko muna si Gray sandali?", Marion said. She was wearing a silver gown with her reddish hair.
"Yeah sure, I'd love too", wika ni Ryu at inalalayan akong tumayo. I glanced at Gray as if I'm asking for help ngunit hinila na rin ito ni Marion palabas kaya wala akong nagawa kundi ang makipagsayaw kay Ryu.
He held my waist at humawak din ako sa leeg niya. If I'm not dancing with this devil ay malamang iisipin ko na ang ganda ng pagkakataon. I'm in a ball gown dancing with one of my favorite song.
"I can't believe that I'm dancing with you", wika niya. "I'm not supposed to dance with someone who'll be dead sooner."
Me neither! Sa hinagap ay hindi ko naisip na makasayaw ko ito! "The feeling's mutual devil. I want to kill you right this very moment but then I realized that I don't want to be a killer like you", sagot ko. Sino ba ang gusto makipagsayaw dito? I feel like I'm dancing with death!
"If I would describe you, I would say that you're a pain in the neck. Alam mo ba kung ilang milyon ang nawala sa amin dahil sa pangingialam mo dati?"
I raised my brow at him. "Alam mo ba ang salitang move on!? That was long time ago, get over it. At isa pa, it's not my fault. It's yours; you're the transactor after all. You should have been extra careful not to let anyone witnessed that oh so precious transaction."
I saw anger glittered in his eyes. Nasaktan ba ito sa sinabi ko na he's not a good transactor?!
"I'm over it but you still affect us. Zeus would cancel immediately transactions kung saan nasa malapit ka. You see? You're not doing anything but your existence affect us", wika niya sa akin. Ipinapa-cancel? Why would that Zeus do that?
"It's not my fault devil! Maybe you should tell that cousin of yours to forget about my existence at nang sa ganoon ay hindi mo na isisi ang lahat sa akin!", I hissed at him.
"I guess the only way for that is to get rid of you through your death", wika nito. Kaya pala parang palagi itong kating-kati na paslangin ako.
Nagulat ako ng may kamay na humawak sa beywang ko at hinila ako palayo kay Ryu. "Sorry bro. My turn, Marion is over there", he said at itinuro si Marion. Umalis naman si Ryu doon at saka lamang ako nakahinga ng maayos.
"Hey, you're always talking about death with Ryu", wika niya at mahina akong sinasayaw.
"He's a jerk, don't mind him", wika ko. Tama si Gray, walang araw na hindi sinasabi sa akin ni Ryu na gusto niya akong patayin.
"Okay as you wish. Uhmm, y-you remember my words last night?", tanong niya at tumango ako.
"Yeah. You said you were falling. Bakit? Nasaan ka ba? Bakit ka mahuhulog? Or was it failing, not falling?" I doubt if it's failing dahil malinaw ang pagkakarinig ko na it was falling and not failing.
I saw him frowned for a while at pinitik niya ang ilong. "You're so slow and dense Mahal na prinsesa", he said. Bakit ba kasi? Bakit pakiramdam ko ay may nais siyang sabihin? We continued to dance at pakiramdam ko ay humigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko.
When the song ended ay bumalik kami ni Gray sa upuan. "Can I stay outside for a while? I need fresh air", wika ko sa kanya at pumayag naman ito. He walked with me outside.
Nang naglalakad kami sa school grounds ay naramdaman ko ang malamig na hangin. It was really full moon tonight at maraming bituin. "In five minutes ay ila-launch na nila ang grand fireworks display", Gray said. Napansin ko na maraming mga nakamaskra sa paligid. It's pretty normal, it's masquerade ball after all.
After few minutes ay nagsimula na ang fieworks display at lumabas na ang mga tao sa function hall. All were amazed and dazzled by the beautiful fireworks display ngunit pakiramdam ko ay may naririnig akong iba. A different sound na sumasabay sa putok ng mga fireworks. Napansin ko rin na panay ang lingon ni Gray sa paligid. He might have also heard thaf different sound.
Was it some gunshots?!
"Amber, just stay here okay? I'll just have to check something", wika niya at nagmamadaling umalis doon. He was heading towards the boys' dorm. Kinakabahan ako sa maaring mangyari sa kanya! What if those sounds were really gunshots then he would be in danger!
Kahit na ibinilin niya na manatili ako doon ay sumunod pa rin ako sa kanya. Hindi ko na siya naabutan, sa halip ay ilang mga lalaki na nakasuot ng maskara ang nakita ko. They were wearing the Bridle badge kaya marahil ay mga outsiders sila. They were putting some boxes in their cars. Did I just witness another transaction? I saw a guy lying dead on the ground!
Shit, he was mostly covered in blood kaya marahil mga putok nga ng baril ang narinig ko kanina na kasabay ng fireworks. I felt a hand held my shoulders and I almost scream out of surprise.
"Amber, I already told you not to stick your ass to something dangerous, especially when it comes into the mafia", he said. Nasa tabi niya si Ryu who keeps on giving me dagger stares.
Damn! It's him again! Zeus!! This time, he wasn't wearing a mask na tumatakip sa buong mukha niya, instead it only covers half of his face and I was surprised nang makilala kung sino iyon.
Damn! Siya si Zeus? Why? Why him?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro