Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21: MATHEMATICAL EQUATION

Chapter 21: Mathematical Equation*

The fear of Rapunzel's nightmare vanished that day we identified the culprit behind it. Janine's conduct was really a selfish one. I've realized na hindi porket nawala ang isang bagay sa iyo ay may karapatan ka nang kunin ang mga bagay nawala sa iyo mula sa iba upang maging pantay kayo. Sa ngayon ay malinaw na ang Bridle. Wala ng mga nangyayaring kababalaghan o kung anu-ano pang mga bagay na pinagkakaguluhan ng mga estudyante at- bigla na lamang may bumangga sa akin dahilan upang mahulog ang mga dala kong art materials.

"Bilisan mo! Marami nang tao sa bulletin board," wika ng babaeng bumangga sa akin. She was talking to someone na nagmamadali rin at ni hindi man lamang nila ako tinulungan!

At binabawi ko na ang sinasabi kong walang pinagkakaguluhan sa Bridle dahil ang mukhang nagkakagulo yata sila ngayon papunta sa Bulletin board! Tsk! Hindi pa naman posting ng honor roll ah, bakit sila nagkakagulo roon? There might be an important announcement. Hindi na ako nakipagsiksikan pa sa ibang mga estudyante at dumiretso na lamang sa klase ko.

It's our art class at abala ang mga kaklase ko sa ginagawa nilang clay model. May mga gumagawa ng ibat-ibang hayop out from clay. Gray was making an elephant out from his clay. Sa row ko naman ay mosaic ang pinagawa sa amin. The first mosaic I made was out from a broken glass. Nabasag kasi kahapon ang transparent green vase ko and that's when I decided to make a mosaic out from that shattered pieces ngunit hindi iyon natuloy dahil nagkasugat-sugat ako. That's when I decided to make another from buttons. Puno pa tuloy ng band aid ang tatlong daliri ko sa dalawang kamay!

I sat down at binati si Jeremy. "Hi Jeremy!"

Tumango iti sa akin at patuloy lang sa ginagawa. He's making a mosaic from eggshells at dahan-dahan ito sa ginagawa.

Binati naman ako ni Marion. "Hi Amber. What happened to your hands?"

Itinaas ko ang puno ng band aid kong mga daliri. "Ah, this? Sinubukan kong gumawa ng mosaic mula sa nabasag na vase kahapon kaya nagkasugat-sugat ako."

I saw Gray glanced at my fingers at kumunot ang noo nito. "Mosaic from shattered glass? That's so stupid."
I mentally rolled my eyes. "It's being creative, idiot!"

"You should be extra careful. May 2-day camp pa naman tayo. You will not enjoy it if you get yourself injured," wika ni Marion. Sabay naman kaming napaangat ng tingin ni Gray. What did she just say? A 2-day camp?

"Hey. Why are you giving me such look? Don't tell me na hindi niyo alam ang tungkol doon?" tanong nito. Sabay din kaming umiling. "Hindi niyo alam yun? You're staying at the dorm right? Don't tell me na hindi niyo iyon nakita sa bulletin board?"

Sabay ulit kaming napailing ni Gray. "Ah! You're impossible." Marion exclaimed. Kung gayon ay iyon pala ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa bulletin board.

"Para sa mga STEM. Bukas na kasi since ang mga ABM ang susunod," wika niya.

"Saan naman pupunta?" tanong ko. Ayaw ko sa mga outdoor camps at activities na yan. Naalala ko tuloy ang community service namin dati. Ah, I'm almost killed back then!

Marion shrugged her shoulders. "I don't know."

Hindi na kami nakapagtanong pa kay Marion dahil pumasok na ang adviser namin na si Ma'am Mendez. She was holding some papers nang pumwesto siya sa harapan. She smiled as she waved the paper in the class. "I know you already knew about this dahil ipinaskil na ito sa bulletin board but let me tell you the details of this 2-day camp."

Nagkagulo ang mga kaklase ko. They were very excited about it. Nag-apir at fistbump pa ang mga lalaki sa tuwa samantalang pumalakpak naman ang mga babae.

"Okay, tahimik," Ma'am Mendez said. "This 2-day camp for STEM students ay gaganapin sa Olympus Camping Site."

Nang marinig iyon ng mga kaklase ko ay muling umingay ang paligid. Olympus camping site is a famous one! It was a very huge campsite in mountain sides, six hours drive away from Bridle.

"But class you know Olympus. Hindi lamang tayo ang nandooon since it's a huge campsite and open to the public kaya maaring may mga ibang campers din doon. I hope you would behave. Am I clear?"

Masiglang sumagot ang mga kaklase ko. "Yes Ma'am!"

We're dismissed after the announcement. The remaining hours of the day were allocated for our preparations since bukas ng alas tres ng umaga ang alis ng school bus. We're told to bring tent and other necessary things for our camp. Umuwi ako sa dorm pagkatapos niyon. Pagdating ko ay naroon na si Andi at Therese. They were putting their stuff in their luggage.

Pabagsak na tinungo ko ang kama. I'm not into this camp at all. Napabuntonghininga na lang ako sa isiping iyon.

"What's with the sigh? Dalawang beses ka ng bumuntong-hininga simula nang pumasok ka rito," wika ni Therese.

"Ah, I know it! Ayaw mo sa camp ano?" tanong ni Andi.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag-indian sit. "Tell me, what should I look forward into this camp?"

Nag-isip naman silang dalawa. "Adventure! Ang saya kayang mag-camping." Therese said.

I shook my head. "I'd rather read books. Andami kayang adventure sa books."

"You should look forward into boys since it's an open campsite! Maybe there would be bachelors there na nagca-camping. I guess you like bachelors than students dahil mukhang wala ka namang bet mula dito sa Bridle," wika ni Andi.

I rolled my eyes at her. She's so unbelievable. "I'd rather read MORE books."

I saw their faces twitched. "As expected." Halos magkasabay nilang wika. "Hey let's go out. Bili tayo ng tent, I want to buy a new one.," Therese said.

Sumang-ayon dito si Andi samantalang muli akong humiga at ipinikit ang mga mata ko. "I'll pass."

"No, sasama ka," Andi said. She was standing beside my bed habang nakahawak sa beywang niya samantalang tinatapik ang kanang paa sa sahig.

"Fine!" sambit ko at tumayo mula sa pamamaluktot sa kama. Nang makapagbihis ay lumabas na kami ng Bridle at nagpunta sa mall. We bought foods at kung ano pang maaring magamit sa camping at maging tent. Hindi namin namalayan na ilang oras na pala kami roon. Pagtingin ko sa relo ay alas tres na ng hapon and we haven't eaten our lunch!

"I noticed a pizza house sa dinaanan nating shortcut kanina. Gutom na talaga ako. Let's eat pizza for the mean time," Therese suggested.

Nang makalabas kami ng mall ay dumeretso kami sinabing pizza house ni Therese. It was small yet cozy place. Wala masyadong tao roon. Pagbukas namin ng pinto ay dalawang tao lamang nang naroon maliban sa staff ng pizza house. Kinuha ko ang menu at tiningnan iyon. They also serve lasagna at kung ano pang mga snacks.

Pizza Loca. That was the name of the pizza house. Ayon sa menu, it's a delicious homemade pizza that you'll die for. There were madcow pizza, Hawaiian pizza, double meat and other flavors. Habang binabasa ko ang mga iyon ay bigla akong naglalaway.

"Their pizzas look so mouth-tempting and very delicious. Kaya lang ay nakakatakot ang tag line nila. The Pizza you'll die for! Isn't it creepy?" Andi said.

Creepy nga! At bakit ba ako natatakot sa pizza na yan? I've faced death few times; I don't think this pizza might kill me. I paused for a while, bakit ba big deal sa akin ang tagline nila? It's just their way of enticing people anyway. I rolled my eyes mentally in such foolish thought. Damn those guys in their Greek mythology codenames! Napaparanoid na ako at nababaliw dahil sa kanila.

Natawa naman si Therese dito. "Yeah, their pizza is really good. You'll really crave till death. I've tried eating here once."

Uh, what's with them? Why associate death with food? Muli kong tiningnan ang menu. We decided to have pizza with a barbeque flavor and their specialty. When we decided what to eat ay tumayo ako at pumunta sa counter.

Tatlong babae ang nagbabantay doon. Lumapit sa akin ang isa at mukhang magkaedad lang kami or she's older. She smiled at me. "What's your order Ma'am? We have our specialty, the one called Satan's Pizza," masiglang bati nito.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Yeah, I've read that their specialty is the one called Satan's Pizza. Masyado naman yatang demonic ang pagkakapangalan nito sa pizza. It was actually a thin-crusted pizza na tatlong flavour ang naroon. May double meat, Filipino style barbeque at Hawaiian. It seems delicious kaya lang ay hindi ko gusto ang pangalan.

"Uh, why do you name your specialty like that?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. She's good in entertaining customers. "Dahil iyon sa tatlong flavor nito na nasa iisang pizza."

Hindi ko pa rin makuha kung ano ang koneksyon niyon kay Satan. "Whatever, I still don't get it."

"Gusto niyo bang subukan Ma'am?" tanong niya at tumango ako.

"Yeah. And a barbeque flavor please," wika ko.

"Aye-aye Ma'am!" wika niya at sinabi sa isang staff ang order ko. Siya pala ang kumukuha sa mga orders samantalang ang dalawa naman ang naghahanda niyon. I guess the old fat woman was the one who makes it.

Tiningnan ko ang paligid. It was just a small place. It was designed like an antique house kahit na naka-aircon iyon. The tables were made of woods at gayundin ang mga upuan. Kumuha ako ng isang magazine na nasa counter bago bumalik sa mesa kung saan nakapwesto sina Andi at Therese.

"I'm really looking forward for tomorrow! Sana naman ay mapansin na ako ni Jeff!" Andi said. Yep, Jeff is also a STEM student and I also remembered, he was Gray's roommate.

Andi and Therese talked about their crushes. Kaya hindi ako sumasali sa usapan dahil hindi ako nakakarelate. Ayon sa kanila, normal daw ang magkaroon ng crush. But I don't have a crush, so am I abnormal? Iwinaksi ko na lang iyon sa utak ko at binuklat ang magazine na kinuha ko sa counter. I start reading samantalang nag-uusap pa rin sina Rese at Andi. Malapit sa pinto ang pwesto namin kaya nakikita namin kung sino man ang papasok. Tumunog ang bell na nasa pinto, tanda na may pumasok.

Tiningnan ko ang bagong dating. He was a guy in his formal attire. He was around 30 years old at kagalang-galang ang pananamit nito. May dala itong suitcase, and he was always looking on his watch. Umorder ito ng pizza roll.

Hindi nagtagal ay may pumasok na naman, it was a woman na nakasuot ng pormal din na damit. She was looking around the area at kapagkuway may tinawagan. Nang sulyapan nito ang naunang lalaki na nakapwesto sa counter, there was some anger in her eyes. Saglit lang iyon at naupo ito malapit sa amin at umorder na din. Something was up. That's what I'm feeling at iba kasi ang pakiramdam ko sa dalawang bagong dating.

"Here's the barbeque flavor pizza and Satan's Pizza. Enjoy your meal," wika ng naglapag ng pizza sa mesa namin.

Ngumiti kami nang ilapag niya iyon. I picked up one slice of Satan's and took a bite. Goodness! It was really delicious! Iba iyon sa mga natikman ko dati na multiflavor pizza. This one's really good!

"Hmmmm! This is heaven!" wika ni Andi. Ngumunguya ito ng Satan's pizza.

Tumawa si Therese. "You should say it's hell since it's Satan's. No doubt, this is the best!" Rese said and I smiled at them.

Masigla naman kaming kumain. The crust is thin at iyon ang gusto kong pizza, yung hindi masyadong makapal ang crust. Babalik ako dito sa susunod. I looked for tissues ngunit mukhang ubos na ang nasa mesa namin kaya tumayo ako at pumunta sa counter upang kumuha ng table napkins. Nasa bahagi iyon ng counter kung saan naupo ang lalaking dumating.

"Excuse me Sir, maari po bang iabot niyo sa akin ang mga table napkin?" tanong ko sa lalaki.

He was holding his smartphone at napansin kong may tumatawag doon but he didn't answer it. A name Robert was on the caller ID.

"Mister, someone's calling you," wika ko sa kanya. He scowled at me at inabot ang lalagyan ng tissue. Uh, so rude!

"Mind your own business," wika nito at napaatras ako. Humingi ako ng dispensa bago nagpasalamat. Bago ako umalis ay napansin kong ini-reject niya ang tawag.

"He's rude! Mag-aabot lang naman ng tissue eh," Andi commented nang makabalik ako sa mesa.

"Hinaan mo nga yang boses mo, baka marinig tayo," wika ko sa kanya at sinulyapan ang lalaki.

Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain at matapos iyon ay napagpasyahan na naming umuwi. Nandoon pa rin ang dalawa at kumakain. We went to the taxi alley upang magpahatid na sa Bridle. I look back at the distant pizza house. Namataan kong magkasunod na lumabas ang babae at ang lalaki.

Where are they going?

"You go ahead," wika ko habang nakalingon sa lalaki at babae na papunta sa kabilang direksyon. Malayo-layo din ang distansya ng pizza house sa alley ng taxi but I'm positive na sila iyon.

"Bakit? May bibilhin ka pa ba? Sasamahan ka na namin," Res said ngunit umiling lang ako.

"Nope, may titingnan lang ako," wika ko at nagpaalam na sa kanila. Saka lang ako umalis nang umandar na ang taxi na sinasakyan nila. I immediately run towards the direction where the woman and the man headed. Nang makalampas ako sa pizza house ay may dalawang daan doon and I wonder where did they go. I choose to go in the right side first at naglakad-lakad doon. May mga iilang tao sa gilid at nag-iinuman sa may tindahan. Mayroon ring mga bata na naglalaro sa gilid ng daan. Nang namataan ko ang isang babae ay agad akong nagtanong.

"Hi. Pwede bang magtanong? May nakita ka bang babae na nakasuot ng black blazer at lalaking may dalang suitcase?" tanong ko dito. She thought for a while bago sumagot.

"Aah, oo! Kanina!" nandoon sila sa kabilang kanto. She said at tinuro ang kabilang daan. I thanked her at agad na tumakbo doon. Pagdating ko ay walang tao roon. Malinaw ang paligid at walang mga nagpakalatkalat na mga bata sa daan. Sabagay, it wasn't a residential area unlike the other one. Mukhang may itatayo doon na gusali dahil may malaking tarpaulin doon.

But something seems odd about the place at hindi ko alam kung ano. Kakaiba ang pakiramdam ko. Masyado iyong tahimik as if there's something going on. Naglilibot ako roon nang bigla akong makarinig ng sigaw. I ran immediately where the shout came from. Pagdating ko sa dakong iyon ay may babaeng nakaupo sa lupa at takot na takot ito nang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa lupa na may saksak sa bandang puso.

"Anong nangyari?" tanong ko sa babae.

"I just saw him here," nanginginig nitong wika.

"Tumawag ka ng pulis!" wika ko sa babae at hinawakan ang pulso ng lalaki. Wala na itong buhay. Nang dumating ang mga pulis ay pinapunta rin nila ang mga nasa malapit upang mapagtanungan sa mga nangyari.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ng isang pulis. "Wala ka bang nakita kung sino mang gumawa niyan?"

"Hindi ko po alam. Nandito lang ako dahil hinahanap ko ang alaga kong tuta. Taga kabilang kanto po ako. Nagulat na lang ako nang ito ang makita ko dito," sagot ng babae.

Tumingin naman sa akin ang pulis. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Napasugod lang po ako dito nang marinig ko ang sigaw niya," wika ko. It was half-truth. Hinahanap ko ang babae at lalaki kanina kaya ako napadpad dito.

Dumating ang dalawa pang pulis na naghanap ng mga tao na nasa malapit lang. They got 3 people at kasama na roon ang lalaki at babae na sinusundan ko. The third one was a young guy. Mukhang nasa kolehiyo na ito.

The victim was Robert Deguero, a university math professor. He was killed by a blow near the heart but the weapon was nowhere to find. It wasn't robbery dahil naroon pa ang wallet at cellphone nito.

Robert? Isn't it the name that was registered on the caller ID ng lalaki sa pizza house kanina?

"Chief, ito ang tatlong tao na nasa malapit lang ng pinangyarihan," wika ng isang pulis. Wait, it was Inspector Dean! Yung kasama ni Detective Tross dati!

"Kwestuyunin silang tatlo, maging itong dalawang babae," wika ng pulis na tinawag ni Inspector Dean na chief.

"Ah, kilala ko 'to," wika niya nang makita ako. "Amber, right? Grays girl," nakangiting wika ni Inspector Dean. Inirapan ko siya.

"I told you, I'm not his girl. Good to see you again Inspector Dean," bati ko sa kanya.

"Yeah, likewise," he smiled at me bago bumaling sa tatlo. "So, sisimulan ko na ang pagtatanong." Una niyang tinanong ang babae na nasa pizza house din kanina. "Ano'ng pangalan m at ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?"

"I'm Imelda Lopez, a businesswoman. I was supposed to meet someone here kaya nandito ako," sagot nito. Bumaling si Inspector Dean sa lalaki at tinanong ang parehang tanong.

"I'm Euler Trinidad, isa akong abogado. I'm supposed to meet Robert here dahil may pag-uusapan kami ngunit mukhang hindi na kami magkakausap pa," wika niya.

The last one was the guy na mukhang estudyante. Napansin kong madumi ang kamay nito.

"I'm Carlos Paternas. I'm a Business Ad student in the same university kung saan propesor ang biktima. He's my professor and he failed me sa isa kong subject kaya hindi ako makakagraduate sa sem na ito," sagot nito sa pasaway na tono. Hindi ba siya takot sa mga pulis?

"Anu-ano ang mga kailangan ninyo sa biktima?"

Si Euler ang unang sumagot sa kanya. "I'm his lawyer. He was asking me about his rights on his share in his investments. He hired me dahil hina-harass na siya kay Imelda, his co-shareholder na nagpupumilit na ibenta niya ang shares niya."

"Wait! I'm not harrassing him! Aren't you the one who's angry with him? Alam niyang may kalaguyo na estudyante ang asawa mo and you're mad at him dahil nilihim niya iyon! Your wife is also a professor in the university," sagot naman ni Imelda. I'm getting confused more in this case. Each one of them has a motive to kill the victim but who really is the culprit among them?

"Chief, may nakita kaming mukhang naka-scribble dito sa lupa kung saan nakahandusay ang biktima, pwedeng dying message pero mukhang mathematical formula."

Napatingin kaming lahat sa sinabi ng forensics. Meron ngang nakasulat sa lupa. It looks like the victim used a twig on the side to write something.

z = r[cos (θ+2kπ) + i sin (θ+2k π )] = r (cos θ + i sin θ)

"What's that? He's on the brink of dying but still wrote mathematical equations?? Such pathetic man!" wika ni Imelda.

I look at her at sa equation na nakasulat. "How would you know na sinulat nga niya iyan habang naghihingalo?"

"Yeah, he may have written it before he was murdered. But it seems that you know that he wrote it noong naghingalo siya. How would you know that? Unless you saw him," Carlos said to Imelda.

"What ? Siguro lang naman! Don't you dare accuse me!" galit na wika nito. "Ikaw ang mas may galit sa kanya dahil hindi ka makakagraduate ngayon dahil sa kanya."

"I don't mind at all, hindi naman ako nagmamadali," Carlos replied.

All of them were suspicious, kahit noong hindi ko pa alam na may murder na naganap, I felt that something's up with Euler and Imelda. Ngunit hindi ko mawari iyon. And that equation, I think I know already who the culprit is if we based it on such dying message. Ang kailangan ko na lang ay ebidensya na susuport sa teorya ko. Without the evidence, all I have is a mere speculation.

Muli ko silang tiningnan habang tinanong ito ng mga pulis. Then I noticed something! Ah! That could be it! Agad kong tiningnan ang bahaging iyon and I confirmed it! No doubt! That guy is the culprit!

"I don't think it's connected with this case," Euler said. He was wiping his sweaty face.

"Mukhang ganoon nga. We can't even find the murder weapon," the police whom they called Chief said.

"About it Chief, I've already solved the message behind that dying message and I also know where we can find the weapon," I said with a mischievous smile.

"Who are you? You look just like a high school student," wika ng chief.

Ins. Dean waved his hands in front of us. "It's because she's really a high school student. Don't worry Chief, I know this kid. She's a smart student detective. Why don't we hear her out, she might give us hints." No need to emphasize the term smart student detective. Si Gray lang ang nag-eenjoy na tawaging ganoon.

"Spill your deductions brat," Imelda said.

"Sinulat yan ng biktima bago pa man mangyari ang krimen," wika ko.

"Paano mo naman nasabi iyan?" tanong ni Euler.

"Look at the ground. He's been murdered over there but he dragged his own body towards here kung saan niya sinulat ang clue na maaring magturo sa salarin, that's impossible. He didn't write this using a stick, but he used his own finger," wika ko.

Ins. Dean checked the victim's finger. "Hindi naman masyadong madumi ang kamay niya, paano niya iyon isinulat?"

"We'll get to that later. As of the murder weapon, look on those pile of hollowblocks, maaring doon nakatago. I figured it out nang makita ko ang kamay ng salarin. Also, the equation tells us a name."

"Ano ang sagot doon?" the girl who found the body asked.

"It's in polar form and we can rewrite it for convenience in the form: e subscript i θ= cos θ + i sin θ," I answered.

"And? Paano naman nakakaturo ang formula na iyan sa salarin? Are we going to solve a long equation for that?"

"Nope, it's just as simple as that and the culprit that it points out is ..."
#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro