CHAPTER 20: RAPUNZEL'S NIGHTMARE CASE
Chapter 20: Rapunzel’s Nightmare Case*
I was running in a dark aisle at habol ko ang paghinga ko. I'm sweating but I keep running as if it's my only escape. Nadapa ako and I hurt my foot. Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag and I heard someone laughed evilly. Ang sunod kong narinig ay ang pagkasa ng baril. When I looked up, nakita ko ang nakangising mukha ni Apollo sa akin as he pointed a gun in my head.
“You're going to die," wika niya at tumawa. I felt so helpless kaya yumuko na lang ako at hinintay na pasabugin niya ang ulo ko. I used to be someone who's not into other's affairs. Isa lang naman akong babae na mahilig sa mga libro and that's how I got that title 'nerd.' I don't want my nose in other people's affair ngunit ngayon ay nagawa ko iyon, at sa isang mafia pa! I don't deserve to die yet ngunit mukhang katapusan ko na. Narinig kong muling ikinasa ang baril. Dalawang kasa ba talaga ang kailangan bago ako barilin?
“Move," I heard someone said and it was Zeus. He pointed his gun at Apollo. Apollo just smiled and the next thing I knew ay may pumutok na baril.
Napabalikwas ako ng bangon. Thank God, it was just a nightmare! Seeing Apollo this afternoon, caused me this nightmare. Nagising na lang ako na pawis na pawis at takot. Their existence really scares the hell out of me. Ano ba ang kasalanan ko at na-encounter ko sila? They’re living nightmares! Sa panaginip ko ay nakatutok ang baril ni Apollo sa akin samantalang nakatutok naman ang baril ni Zeus kay Apollo. Kahit sa panaginip ay inililigtas pa rin ako ni Zeus.
Bumangon ako at uminom ng tubig. Nang tingnan ko ang alarm clock sa gilid ng kama ko, it’s 2:10 in the morning. May pamahiin pa naman na natutuloy ang mga panaginip kapag ganitong oras. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sanhi ng bangungot na iyon. Andi and Therese were sleeping peacefully in their beds. Iwinaksi ko na lang ang isiping iyon at kumuha ng isang libro. I decided to read it hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ulit ako.
Its been two days mula nang matamaan ako ng bola. Wala na ang benda sa ulo ko and I'm somewhat feeling better. Usap-usapan din sa cafeteria ang nangyari sa girls’ dorm. I dont know if Gray already heard about it. Wala masyadong nangyari noong weekend except the hair cutting prank that happened in the girls dormitory. Nagsimula iyon noong isang gabi. Someone was cutting the hair of the girls in the dormitory. Nagigising na lang ang ibang mga estudyante na may pumutol sa buhok nila. Another happened last night, and just like the first two, the third victim was another long-haired girl.
There were already three victims and all of them have long hair and I came to the conclusion na mga mahahaba lang ang buhok ang binibiktima nito. Tatlo na kasi ang naging biktima, after the first one. Ang unang biktima ay mula sa 5th floor, a student named Janine. Ang dating mahabang buhok niya ay bob cut style na ngayon matapos siyang pag-tripan ng prankster. Another victim was someone named Aya, at tulad ni Janine ay mahaba at maganda ang buhok niyo. She also woke up the next day na may pumutol na sa buhok nito. When the third one happened kanina, naging alerto na ang bawat babae sa dorm. Noong una kasi ay akala lang namin na simpleng prank lang iyon but dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi na iyon maisasawalang bahala.
Tinawag ng mga taga Girls dorm ang pangyayari na iyon bilang Rapunzels Nightmare. Mga mahahaba lang kasi ang buhok ang mga nabibiktima and the girls believe na tulad ng kwento ay may witch na gustong kunin ang mga buhok nila. Nightmare because it happens at night habang tulog ang mga biktma.
Nasa cafeteria ako ngayon kasama sina Gray at Marion. Panay ang tanong ni Gray sa akin tungkol sa prank na nangyayari sa girls dorm habang panay din ang tanong ni Marion kung ano ang nais niyang kainin. Marion faked a smile to me. I know she doesnt like my closeness to Gray at alam ko na may gusto siya rito since she told me her feelings about him.
“What do you want Gray?” malambing niyang tanong kay Gray.
“Kung ano ang gusto ni Amber, yon na lang din ang akin.” He didnt even bother to look at her.
“Do you want pizza?” tanong ulit ni Marion.
“Anong kakainin mo?” Gray asked me. Tumingin na rin si Marion sa akin. I know shes jealous!
“Ah, p-pizza would be fine,” wika ko at tumayo. Ako na ang kukuha ng order ko! Alangan namang iasa ko pa kay Gray, takot ko lang baka utusan niya si Marion! Tumayo rin si Gray at sumunod sa akin.
“Sama ako sa yo, pizza na lang ang kainin mo Marion, kami na ang kukuha.” Tumayo si Gray at nakisabay sa akin. Naiwan naman sa mesa si Marion. Nang makalayo na kami roon ay siniko ko si Gray.
“What are you doing? Ginagamit mo ba ako upang pagselosin si Marion?”
“At bakit ko naman siya pagseselosin? Shes very annoying, I cant stand her anymore. Alam mo bang bantay sarado niya ako? Daig pa niya ang bodyguard!” Mukhang naiinis na talaga siya sa kakulitan ni Marion.
“Shes pretty and she likes you.”
“So? Shes not the first girl who happened to like me. Im not bragging this ngunit marami pang magagandang babae ang nagkakagusto sa akin but they just dont interest me at all.”
“Ang yabang mo.”
“Hindi ako nagyayabang, that's the truth.” He smiled sexily and that annoyed me! Nang binigay na ng staff ang order naming na pizza at coke in can ay ipinasa ko ang tray kay Gray.
“Dalhin mo yan doon sa mesa.”
“You paid it?” I just nod at him and he frowned at me. “You should have let that brat over there pay these.”
“Sige na, dalhin mo na yan doon.”
“Opo, mahal na prinsesa.”
Pumunta muna ako sa CR ng cafeteria. Pagpasok ko ay bigla na lang akong bumangga sa isang babae. It was the first victim of Rapunzel's nightmare, Janine. Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan. Nahulog ang dala niyang filecase at natapon ang mga laman na papel. Tinulungan ko siyang pulutin iyon at humingi ng pasensya.
“I'm sorry, hindi ko sinasadya,” wika ko habang pinulot ang mga papel. Napahinto ako nang mapulot ko ang isang sobre. It was from a private clinic of Doctor Rena Montalban, a gynecologist. Agad iyong inagaw ni Janine sa akin at nagpaala matapos magpasalamat. Napatitig ako sa kanya habang papalayo.
Napansin ko na tila umiiyak siya. I also noticed na mabalbon siya. I was thinking of something about her ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at pumasok na sa loob ng CR. Nang lumabas ako ay bumalik agad ako sa mesa kung saan naroon sina Marion at Gray.
Matapos ang break ay bumalik na kami sa klase for our Math class. Habang nagle-lecture ang guro namin ay may bumabagabag sa isip ko. Is it possible? Paulit-ulit ko iyong inisip. Nagulat na lang ako nang biglang may humampas ng ruler sa mesa ko. Napakislot ako sa gulat. Nang iangat ko ang tingin ko, it was our terror Math teacher.
“Where on earth is your mind Miss Sison? Kanina pa kita tinatawag ngunit hindi ka nakikinig. Mind sharing your thoughts in the class?” It was the old Miss Laid. She was our strict math teacher. Palibhasa kasi ay matandang-dalaga.
Yumuko ako. “Sorry po.”
She scowled at me bago muling bumalik sa harap at muling itinuloy ang pagdi-discuss. Damn, bakit ba ako spaced out kanina? This is the first time na napagalitan ako sa klase! It's so embarrassing!
Kinalabit ako ni Gray sa likod kaya napalingon ako sa kanya. “What were you thinking? You were really spaced out. Ilang beses na kitang tinawag bago pa makalapit sa iyo si Miss Laid,” bulong niya.
“I'm just bothered with something.”
Nagulat kaming pareho nang bigla na lamang may dumapo na eraser sa harap namin! Mabuti na lang at hindi iyon tumama sa aming mukha!
“What were the two of you whispering there?!” malaki ang boses na wika ni Miss Laid. Kapag klase kasi nito, walang nagsasalita dahil kahit ang pinakamahinang bulong ay naririnig nito! Every student in Bridle is afraid of her!
“The two of you, solve these two equations on the board! Number 1 is for you Miss Sison and you do number 2 Mr. Silvan! Now!”
Kapag may nahuhuli itong nagsasalita sa klase, pasasagutin niya iyon ng mga katakot-takot na mga equations sa board. At kapag hindi mo iyon masagutan ay mananatili kang nakatayo hanggang sa matapos ang klase at kapag nasagutan mo iyon, palalabasin ka sa klase. Tumayo naman kaming dalawa ni Gray at lumapit sa blackboard. I mean I'm not really a math genius to the highest level but I enjoy math. Agad ko iyong sinagutan and I did it in less than a minute. Nang ilapag ko ang chalk ay tapos na rin si Gray sa equation niya.
“Math freak,” wika niya nang tiningnan ang solution ko.
I rolled my eyes at him. “Geek.”
Pumalakpak naman ang mga kaklase namin at nag-cheer pa samantalang galit na galit naman si Miss Laid.
“Shut up!” wika nito at bumaling sa aming dalawa ni Gray. “Not because you answered it correctly ay maliligtas na kayo! You two think you're really smart?! Get out of my class! Now!”
Wala naman kaming nagawa kundi umalis doon at pumunta sa cafeteria. Nang makalabas kami ay humingi ng pasensya si Gray sa akin. “I'm sorry. Kung hindi kita tinanong, hindi sana tayo mapapalabas.”
“It's not your fault, palagi namang ganoon si Miss Laid.” Pumasok kami sa cafeteria. May iilang mga tao roon. Paupo na kami nang bigla na lamang kaming nakarinig ng sigaw mula sa female's CR!
Agad akong tumkbo roon at kumatok dahil naka-lock iyon. Nang bumukas iyon ay agad akong pumasok at may apat na babae ang nakapalibot sa harap ng isang babae. May mga buhok sa sahig at isang gunting. Rapunzel's Nightmare! I thought it only happens at the dormitory at night ngunit mukhang hindi pala. Lumabas kami ng CR at ngayon ay nakapalibot sa amin ang mga nasa cafeteria.
Anong nangyari?
The girl whose hair was cut was the one who spoke. “Papasok ako sa pangalawang cubicle nang bigla na lang namatay ang namatay ang ilaw. Bigla na lamang ay humawak sa akin at pinutol ang buhok ko!”
Gray examined the girl's hair. “We can determine the culprit by getting the fingerprint from the scissors.”
“I'm afraid it's not so. Lahat kami ay hinawakan ang gunting nang makita namin ang nangyari sa kanya, right?” wika ng isang babae. Sumang-ayon naman ang tatlo. Tiningnan ko silang apat. One of them was the one I bumped with kanina, the first victim Janine. The other one was Aya, another victim at hindi ko na kilala ang dalawa pa.
“What's your name?” tanong ni Gray sa biktima.
“Maggie Reyes”, wika nito.
“How about the four of you?” Lumapit siya kay Aya. “What's your name and nasaang bahagi ka ng CR nang biglang namatay ang ilaw?”
Nagulat si Aya sa tanong nito ngunit nakasagot naman ito. “Aya Dela Rosa. Nasa unang cubicle ako nang mamatay ang ilaw. I stayed in the cubicle dahil madilim. Hindi ako nakakakita since I have nyctalopia.”
Kung totoo man ang sinasabi niya, impossibleng siya ang gumawa niyon. Nyctalopia is night blindness. Closed room kasi ang CR, there wasn't a single window kaya madilim doon kapag nakapatay ang ilaw. Gray noted it on his notebook. Sunod niyang tinanong ay ang isa pang babae. “How about you?”
“I'm Mica Estrella. Nasa pang-apat na cubicle ako. Nasa loob lang ako ng CR dahil hindi ako makalabas. The door was jammed at tinulungan nila akong buksan iyon.”
Gray confirmed her alibi with the others. Sira kasi ang handle ng pinto at bumara iyon sa pagbukas ng pinto. Si Janine naman ang tinanong niya.
“Janine Fontino. I'm at the last cubicle. Ginagamot ko ang sugat ko nang mamatay ang ilaw.” Pinakita niya sa amin ang sugat niya. It was swollen.
“How about you?” tanong niya sa isa.
“Claire Villan. I'm in the third cubicle at nagbibihis ng basta! I was also the one who turn on the lights.”
Gray reviewed his notes. “Ibig sabihin, ang pinakamalapit sa cubicle ng biktima ay sina Aya at Claire. Kung totoo nga na may nyctalopia si Aya, that would eliminate her from being the culprit.”
“What? Kung ganoon ay ako ang magiging salarin?” tanong ni Claire.
“No, lahat pa rin kayo. But if we based it in your alibi, the three of you got the doubtful alibi. But since Janine and Aya were also victims of the Rapunzel's nightmare prank, I guess we only have Claire and Mica,” wika ko.
“Ngunit hindi ako makalabas!”
“There's a possibility na saka ka lang na-locked matapos mong putulin ang buhok ni Maggie, if ever you were the one who did it. And the culprit is left-handed. Look at her hair. The left side was cut short, ibig sabihin, nagsimula sa kaliwa ang pagputol nito.”
Sumang-ayon naman si Maggie. “Yes, I remembered being grabbed with a right arm at pinutol niya ang buhok ko mula sa kaliwa.”
“Looking on the four of you, Claire and Mica are both left-handed.”
“But I didn't do it!” wika ni Mica. She was almost crying.
“Why did you all touch the scissors? Hindi niyo ba alam na iyon ang ebidensya sana?”
“Ako ang unang humawak sa gubting. Napansin ko kasi na may pangalalan yon. It was written using a marker but it was incomprehensible,” wika ni Maggie. “Pinabasa ko iyon sa kanila and that's how it happens to have all our fingerprints.”
Yes, only Mica and Claire were left handed ngunit naalala ko kanina ng makabangga ko si Janine. She picked the papers using her right hand ngunit kinuha niya sa akin ang sobre using her left hand. But when the third victim in the dorm was attacked, the culprit cut on her right side kaya marahil ay kanang kamay ang ginamit nito.
I thought hard about the Rapunzel's Nightmare case na nangyari sa dorm. Si Janine ang unang biktima and on the same night ay inatake rin si Aya. The culprit today was left-handed but the third victim na nakita ko ay pinutulan ng buhok mula sa kanan.
“Did you feel something when the culprit grabbed you? Did you touch her or have you leave any mark upang ma-identify agad natin siya?”
Saglit siyang nag-isip bago umiling. “I didn't. Nagulat kasi ako at tinakpan niya ang bibig ko. But I think she's hairy.” Only Janine and Aya were hairy! But that's impossible! They were both victims of Rapunzel's Nightmare!
“Kung ganoon ay silang dalawa ang magiging suspect,” Mica said at tinuro si Janine at Aya.
“But that's impossible!” tanggi ni Aya. “Kaming dalawa ay naging biktima rin!”
The puzzles are forming in my head. Unti-unti nang nabuo ang ideya sa isip ko. I was wrong on my conclusion kanina, maybe she has
“I already know who did it,” deklara ko at napabaling silang lahat sa akin. The puzzle pieces in my mind have formed perfectly. “It's someone who has the best alibi, the first victim of this so called Rapunzel's Nightmare, Janine Fontino.”
Gulat na gulat ang lahat ng naroon. They didn't expect na si Janine ang salarin. “But she's also a victim! Paano naman nangyari iyon?”
“She made herself the first victim kaya hindi natin iisipin na siya ang gumawa.”
Maging si Gray ay naguluhan. “But she's not left-handed.”
“She's ambidextrous, meaning she can use both hands equally well. I came up with that conclusion nang maalala ko ang huling biktima sa dorm. Her hair was cut from the right while sa left naman si Maggie. Nang makabangga ko si Janine kanina, she used her both hands. Pinulot niya ang nalaglag niyang gamit using her right hand but she grabbed an envelope from me using her left hand. Napansin ko rin kanina na binuksan niya ang pinto gamit ang kaliwang kamay,” paliwanag ko. Hindi naman nakasagot agad si Janine. She was shocked on my revelation but I am positive that my deduction is right.
“Given that is true, ano naman ang motibo niya? Is she a psycho?” Maggie asked.
“I believe it has something to do with Polycystic Ovary Syndrome,” wika ko.
“Poly what?” Mica asked.
“Polycystic Ovary Syndrome. It's when a woman's hormones are imbalance. That's usually hereditary. And look at her wound, it's swollen. It indicates that she's somewhat diabetic.”
Naguguguluhan pa rin ang iba. “I don't really get it. Anong kinalaman niyon sa pagputol ng buhok namin?” Aya asked.
“If you have this syndrome PCOS and it's not treated immediately, it can actually lead to serious diseases like heart disease and diabetes. Ang mga sintomas ng PCOS ay irregular menstruation, I don't know if she's experiencing it. Other symptoms are hair growing on the body and face. Look at her, marami siyang buhok sa katawan especially near her chest. Nagiging manipis din ang buhok niya sa scalp and maybe that's the reason why she's cutting girl's hair,” paliwanag ko.
Tumulo ang luha ni Janine. “Yes, I'm the one who did it. Nalaman kong may PCOS ako, it's actually in the family kaya nang unti-unting nalalagas amg buhok ko, at nalungkot ako. I love my hair so much at hindi ko matanggap na nalalagas iyon samantalang natutubuan ako ng mga buhok sa katawan. I was advice to cut my hair down habang nag-a-undergo ako ng treatment. Kaya lang ay naiinggit ako sa mga babaeng mahaba pa rin ang buhok, and I felt the urge to cut it. Ewan ko kung bakit, ang unfair kasi eh! Why do I have to suffer like this! Nagkaka-diabetis na rin ako!” Bigla siyang napaiyak. “I'm sorry! I'm so sorry!”
“That's a selfish act but since you really regret it, I think they will forgive you”, wika ni Gray dito. Umiiyak pa rin si Janine habang paulit-ulit na humingi ng patawad.
Aya and Maggie sat beside her. “Pinapatawad ka na namin.” Janine just continued to cry at marami na ang umalo dito. Im not used to emotional scenes kaya unti-unti akong lumayo at sumunod sa akin si Gray.
“Hey, that's amazing,” wika niya sa akin. “You're knowledgeable with medical terms ha, akala ko math freak ka lang.”
“Ikaw kaya ang math freak! Mas mahirap yong equation mo kanina,” sagot ko nang papalabas na kami ng cafeteria.
“When did you find out that it was her? Hindi kasi talaga pumasok sa isip ko na siya ang gumawa niyon.”
Ngumiti ako sa kanya. “It was the reason why I was spaced out kanina sa Math. Nakabangga ko kasi siya and I saw a mail on her things from a gynecologist. At first ay akala ko, buntis siya since she's a little chubby but Im uncertain. Yon ang iniisip ko kanina kung ano nga bang sakit ang nananaba, tapos nagkakabuhok sa katawan at nalalagas ang buhok sa ulo and I figured out it was that PCOS. I knew about it dahil may kakilala akong may ganoon.”
Lumawak ang ngiti niya. “You solved the case of Rapunzel's Nightmare. Being thrown out of class is not bad at all.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro