CHAPTER 2: POISONED
Chapter 2: Poisoned
Nang sumapit ang lunes ay nagkita na kami ni Gray sa klase. His seat was behind me at panay ang bulong niya sa akin tungkol sa kaso.
"Hey, ipagpatuloy natin ang pag-iimbestiga," he said at tumango lang ako sa kanya.
"Do your investigations with the cafeteria staff," bulong niya ulit sa akin at muli lang din akong tumango. The teacher arrived at hindi na niya ako kinausap pa.
Kinalabit naman ako ng katabi kong si Jeremy. "Amber, kilala mo si Gray?" he asked in a low voice since nagsisimula na ang klase.
"Parang gano’n," sagot ko sa kanya. I don't really feel like talking today kaya lang nahihiya ako kay Jeremy. He's a nerd at kaunti lang ang kumakausap sa kanya at kaunti lang din ang kinakausap niya. Good thing I'm one of those few. Hindi na ito nagsalita pa at nakinig na lamang sa klase.
Nang sumapit ang break ay muli akong nilapitan ni Gray. He showed me his little notebook at pinakita sa akin ang ilan sa mga pwede kong itanong sa staff. I raised my brows to him. He probably thought I'm so stupid not to formulate questions of my own, duh.
"Alam ko ang ginagawa ko, you don't have to show me those questions, silly," wika ko sa kanya at nilagpasan siya. Uh, I really hate his guts.
Nagtaka naman ang mga classmates namin kung bakit "close" na kami gayong wala ako noong unang araw na pumasok ito. Both of us never said a word. We both wanted to investigate the case silently. Agad akong nagpunta sa cafeteria at nagtanong tungkol kay Sylvia.
"Alam mo, tinanong din ako ng pulis kung nasaan na si Sylvia eh, teka, siya ba ang suspect?" bulong ng isa sa staff sa akin na si'yang nilapitan ko.
Umiling naman ako. "Hindi po. May itatanong lang po sana ako."
"Ah gano’n ba? Naku, ewan ko bakit hindi siya pumasok ngayon," wika nito. What? Sylvia didn't show up? Hindi kaya may kinalaman talaga siya sa nangyari and probably she's hiding now?
"Talaga po?" tanong ko. "Madalas po ba si'yang mag-absent sa trabaho?"
Umiling ang babae. "Hindi. Ang sipag nga no’ng batang iyon. Malinis at maayos magtrabaho. Pero nitong mga huling araw parang wala sa sarili, may problema yata."
"Ilang araw na po ba si'yang ganun?" tanong ko ulit.
Bahagya namang nag-isip ang babae. "Simula yatang no'ng martes. Tama, no'ng martes, no'ng may pumunta ritong lalaki," wika nito. Napaisip naman ako. Lowie's case happened on Friday ngunit iba na ang kinikilos ni Sylvia martes pa lang. Maybe she's not really related with the case.
Dumami na ang mga estud'yante sa cafeteria kaya tinigil ko na ang pagtatanong dahil marami pa itong gagawin. Nagpasalamat naman ako sa babae bago umalis. I sat on one of the chairs at the classroom nang dumating si Gray at lumapit sa akin.
"I did some research about those guys Joey and Lowie," panimula ni Gray. Itinuon ko naman ang atensyon sa kanya. "None are helpful though." Mrs. Sera was also once a subject to our investigation but it seems like it's clear that she's not involved. We eliminated the possibility na siya ang may kasalanan.
"Nagtanong-tanong na rin ako tungkol kay Sylvia. Hindi siya pumasok ngayon at dati raw ay hindi naman siya nag-aabsent sa trabaho. And another thing, she's been acting strange since Tuesday," I told him.
Gray massaged his forehead while thinking. "Did you notice something no'ng inabot nglalaki 'yong sulat kay Sylvia?"
Tumango naman ako. "Yes, the letter comes with something pero hindi masyadong nakita kung ano iyon." Things are really hard. Mahusay ang pagkakaisip ng salarin sa krimen nito. "Hindi kaya iyon 'yong poison?" I asked and he raised his brows. "Ibig kong sabihin, the letter was about putting poison on Lowie's food at kasama na doon ang lason."
Kumunot ang noo niya. "Didn't the police figure out that it was the chemical found in the kitchen, right?"
Uh, yeah. Nakalimutan ko. But there's no way na aaminin ko sa mayabang na si Gray iyon. No as in no.
"Pero ano nga kaya 'yong bagay na 'yon?" I asked in a low voice.
May tatlong babae na umupo sa katabing mesa namin. "Ayos lang kaya kumain dito kahit may nangyari raw na food poisoning?" tanong ng isang babae.
Nabahala naman ang mga kasama nito at natakot."Oo nga naikwento 'yan sa akin ng roommate ko. Nasa ospital pa raw si Joey ngayon, kawawa naman.".
"Diba si Lowie daw 'yong gustong lasonin kaya lang may tumulak kay Angelo kaya nainis si Lowie at hindi na nakakain," wika naman ng isa pang babae at nagkatinginan kami ni Gray. As if we're given a clue!
Angelo Costa!
Sabay kaming napatayo at lumabas ng cafeteria. We both headed towards Angelo’s classroom upang hanapin si Angelo Costa ngunit pagdating namin ay wala ito.
"Saan kaya natin makikita si Costa?" wala sa sarili na tanong ni Gray. Nag-isip naman ako. The school is big enough and it would cost us a lot of time kung lilibutin namin iyon. At may 15 minutes na lang kami bago matapos ang break.
Saan ba namin siya makikita? Wait, hindi ba't member siya ng Science Club? He could be there!
"Science Club Office!" I told Gray. He smiled at agad kaming pumunta sa office ng Science Club. He was currently reading something when we approached him.
"Hi, you're Angelo right?" tanong ni Gray. Nakangiting tumingin naman ito sa amin. He's small and somewhat nerdy type.
"Oo, may kailangan ba kayo?" tanong nito. He was reading chemistry, uh, nerd. He's thin and cute. Mukha itong mabait at awang-awa ako sa kanya noong binully siya ni Joey.
Sasabihin ko na sana sa kanya na magtatanong ako tungkol sa kaso ni Lowie but Gray inserted before I could speak. "Magtatanong sana ako paano makapasok dito sa Science Club, by the way I am Gray Silvan, a transferee," inilahad ni Gray ang palad niya kay Angelo at tinanggap naman iyon ng huli.
"Mabuti naman at dito mo sa Science Club naisipang sumali. You will not regret joining here," Angelo said at kumuha ng ilang papel, registration paper iyon ng Science Club.
"Thanks," he said at naupo, kunyari ay nagsa-sign siya sa papel. Naupo na rin ako sa gilid at nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Gray. Is he really interested in joining the club?
Naupo na rin si Angelo. "Konti lang kami rito sa Science Club kaya natutuwa ako kapag may sumasali dito, by the way I'm the Vice President ng club," Angelo said, smiling.
Bumaling naman ng tingin si Angelo sa akin. "Ikaw, gusto mo bang sumali? Amber diba?" tanong niya. Wait, kilala niya ako?
"You know me?"
"Amber, the nerd," Angelo said. "Iyon ang tawag sayo ng ilang taga-club, though you don't really look like a nerd."
Ano? Pinag-uusapan ba ako ng mga taga Science Club? "Pinag-uusapan ako ng mga taga Science Club?" tanong ko sa kanya and he smiled again.
"Oo, crush ka kasi no'ng isang member," wika niya at pinigilan ko ang sarili ko na taasan siya ng kilay. Baka sabihin pa nito na ang sungit ko.
"Oh, I can't join. I'm already in the Theatre and Drama Club," wika ko sa kanya.
Nagsalita naman si Gray. "Kung hindi ako nagkakamali, diba ikaw 'yong tinulak no'ng may nangyaring poisoning sa cafeteria? Unang gabi ko iyon dito at takot na takot ako kaya hindi ko iyon makakalimutan," Gray said and acted as if he's really scared.
Oh, he should have joined the drama club. He's good in acting, duh. Hindi lang pala sa paggawa ng story siya magaling, pati rin pala sa acting.
Tumango si Angelo. "Oo, ako nga iyon. Takot na takot nga ako noon. Bully si Lowie at kahit si Joey kaya wala akong ligtas doon sa dalawa," he said while smiling. May gana pa itong ngumiti?
"Buti na lang talaga sila 'yong nag-away at nakalimutan ni Lowie na ako 'yong may kasalanan kung bakit natapon iyong pagkain niya".
"Kilala mo si Lowie?" tanong ko kay Angelo.
Tumango si Angelo. "Yeah, dating sa Mondino Laboratories nagtatrabaho ang daddy ko," he said and I saw his eyes darkened. "Kilala ko rin si Joey. Palagi akong binubully niyon."
I felt pity for Angelo. He looks so vulnerable, 'yon bang kapag isang away mo ay iiyak agad. But he's so smart too. Kaya pala sa Science Club ito sumali, maybe he wants to be like his dad.
Napatingin si Angelo sa relo niya at nagligpit ng gamit. "Naku, mauna na ako sa inyo. Dito mo na lang ilagay 'yang application mo, may klase pa kasi ako," wika niya at tumayo. Nagpaalam naman kami ni Gray sa kanya.
Nang makaalis na si Angelo ay agad nilakumos ni Gray ang papel at tinapon sa kalapit na basurahan. What's his problem?
"Oh, bakit mo iyon tinapon? Akala ko sasali ka talaga?" I asked him. Kumunot naman ang noo nito at tiningnan ako ng masama.
"For someone who wants to be a detective, you're too slow," he said arrogantly at napataas ang isang kilay ko sa kanya.
"Ano?" Mayabang talaga ito, walang modo, masyadong bilib sa sarili. Uh, name every negative trait, that's Gray!
"You shouldn't tell anyone that you're investigating especially those who are directly involved in the case. At isa pa, who knows, maybe he's the culprit kaya dapat you should know what to do," wika nito.
"There's no way that he will be the culprit. Siya nga 'yong biktima diba dahil sa kasamaan ni Joey," I told him. I'm so pissed, he just called me slow!
"May posibilidad pa rin na siya 'yong salarin," wika niya. "And I didn't know you're a nerd," he said at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. What the hell?! I am not a nerd! Sila lang naman ang nagsasabi na nerd ako.
"Me, too," lumabas na rin ako ng Science club office at naglakad pabalik sa room.
"Wala naman tayong nakuhang impormasyon na nakakatulong eh. Oh, maybe you. Nagblush ka kanina nang sinabi ni'yang may nagka crush sayo. Tsk, kinilig ka naman," he said.
Ano? Ako, nagblush at kinilig?!
"Hindi ah!" tanggi ko sa kanya but he ignored me. Isinalampak niya ang headset niya sa tenga at nakapamulsang naglakad, completely ignoring me. Arrrgh! Binilisan ko na lang ang lakad ko. Ayokong sumabay kay Gray. He's mean and rude at masyadong mayabang! I hate him.
Habang naglalakad ay iniisip ko ang nangyari nang gabing iyon. As far as I could remember, Angelo was holding a cup that day. Maybe he got some water at dumating noon ang mga taga martial arts club. Angelo stepped on Joey's foot at tinulak naman siya ni Joey towards Lowie's direction. Dahil sa lakas ng pagkakatulak kay Angelo, he landed on Lowie's table causing him to spill his water on his cup as well as Lowie's food on the table. Hindi pa nagagalaw ni Lowie ang kanyang pagkain nang matapon ang ilan sa mga iyon. Uh, who is really the culprit?
Iwinaglit ko muna iyon sa isipan at nag-focus na lamang sa klase.
***
The police went through their investigation. Ayon sa mga sabi-sabi, they're on the search for Sylvia whom they considered as the primary suspect. It's been two days since that incident happened at normal lang ang bawat nagdaang mga araw. Even Gray and I haven't got much with our investigation.
Kasalukuyan kaming nagkaklase at gaya ng mga ibang araw, I don't feel like talking to anyone. Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakapangalumbaba when someone called my name through the window.
"Pssst, Amber."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses and it was Andi. Sinenyasan niya akong lumapit kaya tumayo ako at lumabas.
"What?" deretsong sagot ko dito. Andi smiled at hinila ako.
"I don't know if this is helpful but since you're a deduction freak, maybe it is," wika ni Andi at hinila ako sa gilid. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan ang gallery. She showed me a photo of a guy. Kasing edad lang namin iyon. Gwapo ito at matangkad. He was inside the airport when that photo was taken.
Ibinalik ko ang cellphone kay Andi. Why is she showing me that photo? I'm not interested in guys.
"He's handsome but he's not my type," wika ko sa kanya. Iniwan ko ang klase ko dahil lang sa lalaki?
"Not the guy, he's my textmate. Tingnan mo 'yong paligid niya," Andi said.
"Sa airport to, oh, eh ano naman?" I said, rolling my eyes.
Napakamot naman sa ulo niya si Andi. "Akin na nga," she got her phone and pinched the photo. Nag-zoom iyon at muli niyang ibinigay sa akin ang cellphone. Naka-focus iyon sa kanang bahagi ng lalaki kung saan naroon ang isang babae at isang lalaki. Ibabalik ko na sana ulit sa kanya ang cellphone nang mahagip ng tingin ko ang babae.
It was Sylvia!
"That's what I want you to see," wika ni Andi.
"Kailan kinuha ang litratong 'to?" tanong ko sa kanya. No doubt, the girl in the picture is really Sylvia. She was sitting next to a guy at nasa gilid lamang sila ng textmate ni Andi habang nagpapa-picture ito.
"Hmm, Friday night. So there goes your missing guy, Sylvia. Siya ba ang suspect?" tanong nito.
"Hindi ko pa alam. Teka, may klase pa ako. Send me this photo Andi dahil ipapakita ko kay Gray," wika ko sa kanya.
Kinurot naman niya ako. "Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa amin ni Therese na kayo na pala."
I rolled my eyes to her. Si Gray at ako? World War Infinity. I don't like him, period.
"You're imagining things," wika ko sa kanya at nagpaalam na matapos niyang i-pasa sa’kin ang picture.
While I'm on my way back to the classroom, naisip ko kung bakit nasa airport si Sylvia. It was the same night that she disappeared and the same night of the poisoning. Did she escape?
Agad akong pumasok sa klase at naupo sa pwesto ko and diverted my attention to the class. Matapos ang klase ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko at maging si Gray. Nang nakatayo na siya ay tinawag ko ito.
"I have something to show you," wika ko sa kanya at napatigil naman siya. Inabot ko ang cellphone ko and showed him the photo that Andi gave.
"Is this Sylvia?" he asked with excitement.
Tumango naman ako. "Yes, and it was taken the same night of the poisoning."
"Where did you get this photo?" tanong niya at binalik sa akin ang cellphone ko.
"From my roommate. The guy was her textmate and he happened to take the photo with Sylvia on his side unknowingly," wika ko sa kanya.
Gray sat in confusion. He looks very uneasy while sitting and I think something is on his mind."I guess all hints lead us to Sylvia as the suspect," he said. Napaupo na din ako at napaisip. Yes, after that incident, Sylvia disappeared at hindi na ito nakita pa. No whereabouts.
And now, here's a photo taken on the same night, a proof of her escape. She is the primary suspect of the police too. Ayon kasi sa imbestigasyon, si Sylvia ang kumuha ng order at naghanda sa pagkain ngunit inutusan lang niya ang isang staff para dalhin iyon kay Lowie. The police concluded that Sylvia was responsible for putting the chemical in his food with the intention if poisoning Lowie.
"No. Siguro we need to have our last card. Iba kasi ang pakiramdam ko, I really don't think that Sylvia has something to do with it. We have to find a witness kung ano nga ba 'yong bagay na iyon na kasama ng sulat at ano ang iba pang nakasulat doon sa papel. And who the hell is L.M.," wika ko habang napaupo na rin sa pag-iisip. Nang sulyapan ko si Gray, nakatungo siya habang nag-iisip.
Tumayo ako at bumalik sa cafeteria. Muli kong nilapitan ang isang staff roon upang magtanong tungkol kay Sylvia. Tinanong ko ang isang lalaki na kasing-edad lang ni Sylvia. Siya 'yong lalaki na inutusan daw ni Sylvia na dalhin ang pagkain ni Lowie.
"Kuya," tawag ko sa kanya. Lumingon-lingon siya sa likod niya at tinanong ako kung siya ba ang tinatawag ko. Tumango ako sa kanya at lumapit naman siya.
"Miss, may kailangan ka?"
"Magtatanong sana ako," nginitian ko siya ng matamis.
"Anything for you, Miss Beautiful," he said and winked. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na taasan siya ng kilay. I should act friendly to exhaust all useful information from him.
"Matagal mo na bang kilala si Sylvia?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at napakamot ng ulo.
"Tinanong na din ako ng pulis, teka, detective ka ba o nakiki-balita lang?"
"Kahit alin sa dalawa," sagot ko sa kanya. "So ano nga, kilala mo si Sylvia?"
"Magdadalawang taon ko nang kilala si Sylvia, manliligaw nga sana ako sa kanya dati kaso may boyfriend pala siya. At hindi ako naniniwala na siya ang naglagay ng lason doon. Napakabait na babae ni Sylvia," wika niya at bahag'yang nalungkot.
"Talaga? May napansin ka bang kakaiba sa kanya noong gabi ng paglalason?" tanong ko sa kanya.
Bahagya si'yang nag-isip bago sumagot. "Ah, oo. Balisa siya pero medyo matagal na iyon nagsimula. At saka alam ko ang rason ng pagkabalisa niya. Hindi ko ito sinabi sa mga pulis, sa iyo lang kasi mukhang hindi naman ito makakatulong sa imbestigasyon."
Nanlaki ang mga mata ko. Could it be useful o hindi talaga? "Ano?" tanong ko sa kanya.
Hininaan naman niya ang boses niya. "Secret lang to ha? Nangako ako kay Sylvia na secret lang."
Tumango lang ako sa kanya at itinaas ang isang kamay bilang tanda ng pangangako.
"Ayaw ng pamilya ng boyfriend niya sa kanya kaya gusto ng boyfriend niya na magtanan na sila. Kaya lang, pinapaaral pa niya 'yong kapatid niya kaya hindi agad siya nakapagdesisyon kung makikipagtanan ba siya o hindi," wika niya sa mababa na boses.
Nakipagtanan? Posibleng iyon ang dahilan ng pagkawala ni Sylvia at hindi upang magtago.
"Kilala mo ba ang boyfriend niya?"
"Hindi eh. Nililihim kasi ni Sylvia kung sino ang boyfriend niya, basta ang natatandaan ko, Lester ang pangalan ng boyfriend niya at mayaman yata. Galing sa mga pamilya ng abogado," wika niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Hindi ba malihim si Sylvia kaya paano nito nalaman iyon?
"Naglabas kasi ng sama ng loob si Sylvia sa akin. Ang sabi niya ayaw ng mga magulang ni Lester sa kanya dahil mahirap lang siya. Parang ganoon," wika niya.
"Kilala mo ba 'yong lalaki na nag-abot ng sulat kay Sylvia?" tanong ko.
Umiling naman ito. "Hindi rin. Pero sabi ni Sylvia, confidante daw iyon ni Lester. Tsaka kasama do’n sa inabot sa kanya ng lalaki 'yong passport nilang dalawa ng kapatid niya," bulong nito.
Passport? That was the thing that came with the letter?
"Passport? Passport iyon?" I asked at tumango siya. Napamasahe naman ako sa ulo ko. This is getting tougher, I guess. Nagpaalam na ako sa lalaki at muling bumalik kay Gray. He was nowhere to be found kaya naghintay nalang ako na dumating ang sunod na period.
He was fifteen minutes late at nang dumating siya ay pawis na pawis siya. Agad siyang naupo sa likuran ko. I told him about the information that I have gathered in a low voice dahil kasalukuyang nagdi-discuss ang history teacher namin.
"Gray, the thing that came off with the letter is actually a passport," wika ko sa kanya. He was still catching his breath, marahil ay nagtatakbo siya pabalik dito.
"Hmm, then it coincides with the information that I gathered. He eloped with his boyfriend, Lester Marquez," he said.
Lester Marquez, then he's L.M. and not Lowie Mondino!
We decided to discuss the other information after the class kaya muli naming itinuon ang atensyon sa klase.
Pagkatapos naman ng klase ay nagpaiwan kami. We both sat on the teacher's table at nakaharap sa impormasyon na nakalap naming.
"Sylvia's queer behavior is not because she's been ordered to poison Mondino but because she planned to elope with his boyfriend," panimula ni Gray.
"The letter was not an order for the crime but a letter from her boyfriend. Sa mga nakalap natin na impormasyon, this would clear Sylvia from the crime. Then who is the real culprit?" I asked in confusion.
"And moreover, how did the culprit manage to put the poison in Mondino's food?" wika ni Gray. He was in deep thoughts and both of us are having a hard time.
Tumayo ako at iniwan si Gray. I went the cafeteria at bumili ng dalawang coke in can. Nang bumalik ako sa room ay ibinigay ko kay Gray ang isang coke. Nagpasalamat naman ito at agad iyong ininom.
He's still thinking hard nang tumunog ang cellphone ko. I got up from the chair at tinungo ang upuan ko kung saan naroon ang cellphone. I opened the message at naglakad pabalik sa mesa kung saan naroon si Gray. Sa kabilang kamay ko ay hawak ko ang coke in can. Hindi ko namalayan na nakaharang pala ang isang upuan and only noticed it ng masyadong malapit na ako kaya iniwasan ko iyon upang hindi mapatid but still looking at my phone. I lost my balance dahil natapilok ako and ended up smacking on the table where Gray sat. Natapon ang laman ng coke na dala ko sa mesa.
I screamed nang muntik na akong matumba at muntik na ring tumama ang mukha ko sa mesa. I was expecting Gray would help me up but he didn't.
Ano pa nga ba'ng aasahan ko?
He sat there with a wide eye habang nakatingin sa natapon na coke. Tumayo ako nang tuwid at pasalampak na naupo. My foot hurt because it was twisted.
"I now understand!" Gray declared. He has a victorious look in his eyes.
"Understand what?" tanong ko sa kanya. Bahagya kong minamasahe ang kumikirot kong paa.
"The process of the crime and the culprit behind it, thanks to your clumsiness," he said with a grin. Inirapan ko naman siya. My ankle is too hurt to start a fight with him.
"Sino?" I asked in excitement. He gave me a sweet smile.
"The culprit is...."
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro