CHAPTER 19: A BAD OMEN BECKONED BY A VOLLEY BALL
Chapter 19: A Bad Omen Beckoned by a Volleyball*
PE time namin ngayon at may volleyball tournament kami laban sa section C. I saw Andi grinning at me from the other side at napasimangot lang ako. She likes volleyball. Well, not me! Mas gusto ko pang magsolve ng maraming math equations kaysa maglaro ng volleyball!
Umingay ang paligid nang in-anunsyo ni Maam Saderna ang match ups. “The match will be boys vs boys and girls vs girls.” Not all 11-A are sporty kaya malaki ang tsansa naming matalo! Not to mention that 11-C students were known for being bully and harsh! Kadalasan kasi sa mga matitigas ang ulo ay doon nilalagay.
“Okay, the first match will be the boys. Ang mga physically unfit at may mga sakit ang mag-o-officiate sa laro. I will be the scorer, now move.” Tumayo naman ang mga lalaki at naghanda na. They assigned someone to be the referee samantalang si Jeremy naman ang naging umpire.
Hindi nagtagal ay tumunog na ang whistle tanda na malapit ng magsimula ang laro. Naupo na lang ako sa bleachers at nanood. Pinag-iba ng upuan ang mga spectators ng magkabilang section. Gray didn't play on the first half. Parehas na magaling ang dalawang section at hindi nagkakalayo ang score. Sa unang set ay nanalo ang section namin. Sa pangalawang set ay ang section C ang nanalo. Nang sumapit ang third set ay mas lalong gumanda ang laban. Everyone wanted to win lalo na ang section A. We wouldn't want to lose over section C. Magaling ang section namin at maging ang kalaban. They took several timeouts upang pagplanohang mabuti ang laro.
When the game resumes ay agad iyong tinira ng nag-serve. Tuloy pa rin ang magandang laro hangang sa malapit nang matapos ang laro. To be declared as winners kailangan na two points ang lamang ng isang team. Both scored 15-15 kaya't mainit ang laro. When the other section hit the ball, our section missed to hit it back kaya naging ahead sila ng one point sa amin. Kailangang pantayan namin ang score nila dahil kapag hindi na naman kami maka-score, it would mean victory to the other section.
Pumito ang umpire at ipinasok ang mga substitute at isa si Gray doon. Maingay ang gym at panay ang cheer ng mga kaklase ko sa section namin. Nagpatuloy ang laro at ni walang makahinga habang nagpalipat-lipat ang bola. Kinakabahan ang lahat dahil dito malalaman kung sino ang mananalo. Nang dumako ang bola kay Gray, everyone was shocked!
Sa halip kasi na i-toss niya ang bola at pabalikin sa kabila, he kicked it! He kicked it so hard at lumagpas iyon sa court at tumama sa bintana. The glass of the window broke! Pumito ang referee at sinabing nanalo ang kabilang section. Sighs of frustration was heard from our section pero walang nagreklamo dahil sa ginawa ni Gray.
Nang matapos ang laro nila ay lumapit siya sa pwesto ko. “You broke the window.” Tumingin siya sa direksyon kung saan tumama ang bola kanina.
“Are you mad that I let our section lose?” he asked. Umiling ako sa kanya. Bakit naman ako magagalit? Eh maging ako nga hindi marunong maglaro!
Tinawag na ang mga babae upang maglaro. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-officiate sa laro kaya magiging player ako. Uh, I suck at this! Una ng naglaro ang mga magagaling. Marion was our star player. We won the first set at nang mag-second set na ay pumasok ako. All I have to do is hit the ball, yon na lang ang inilagay ko sa utak habang nasa court. Nagsimula na ang laro at hindi pa rin naman pumupunta ang bola sa direksyon ko. Thank God, it's cooperating! I just stood in the court at pinanood ang pagbalik-balik ng bola. I guess I'm not needed here. Nakatayo lang ako, I didn't even have contact with the ball.
“Ambeeeer!”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng tumawag sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses nang bigla akong nakarinig ng isa pang tawag but this time, it was from Andi na nasa kabilang side ng court. Lumingon ako sa kanya ngunit biglang tumama ang bola sa mukha ko and the last thing I remember, the surrounding became dark at narinig ko ang mga sigaw nila bago ako nawalan ng malay.
~*~
Nagising ako na masakit ang ulo. Nang hawakan ko iyon ay may benda. My face hurt so bad, lalo na sa bandang ilong. Uh, that ball must really hate me. It's the best form of physical contact with the ball. Not on my hands but on my face. Gumalaw ang natutulog na pigura sa gilid ko. Nang mapansin niyang gising na ako ay agad siyang tumayo.
“How do you feel Amber? Kilala mo pa ba ako? Alam mo bang Amber Sison ang pangalan mo?” Gray asked. Iwinasiwas niya ang kamay sa harapan ko.
“You're exaggerated.”
He smiled. “Do you know how long you've been asleep?” How would I know? I'm still in my PE uniform kaya marahil ay bago pa lang ako dito. I shook my head. “You've been here for three days.” My eyes widened. Three days? Three days na akong walang malay?
Narinig ko ang hagalpak na pagtawa ni Gray and I figured out na niloloko lamang niya ako. “You're easily tricked,” he said at umupo ng tuwid. Saka ko lang natanto na wala ako sa infirmary.
“Hey, where am I?” The place seems like a private clinic. May mga puting kurtina ang nakatabing at naghihiwalay sa iba pang mga kama na naroon.
“Dra. Tyra's Private Clinic. Just a few streets away Bridle. You've been asleep for almost 3 hours. Dito kita dinala because I was worried. I felt responsible somehow for the accident. I was the one who called you bago ka matamaan ng bola. I dreamed last night na may hinahabol akong bola ng volleyball, and in the end, it disappeared with you. That's why I kicked the ball kanina aside from the fact na hindi ako marunong magvolleyball. I thought that ball was a bad omen.”
“You're overthinking Gray,” I told him. Normal lang naman na may mga aksidenteng mangyari. “What's the result of the tournament?”
“We won.”
“That's good to hear. I'm sure Marion did everything.” At least nanalo kami kahit na natamaan ang mukha ko.
“Yeah, she did.” Tumayo siya at kinuha ang bag. “I'll buy some food. Just stay here.”
Tumango ako sa kanya at tinanaw ang papalayo niyang pigura. May narinig akong cellphone na tumunog but it wasnt mine. Marahil ay mula iyon sa pasyente sa kabilang kurtina. Huminto ang ringtone at narinig ko ang boses ng sumagot niyon.
“Poseidon. I'm not feeling well right now. Nasa clinic ako ni Doktora Tyra.”
Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib ko. That voice was very familiar. A voice that brings chill down to my spine! I felt my hands tremble and I know I'm pale. Kinalimutan ko na ang nangyari ng gabing iyon ngunit lahat ng takot ay bumalik nang marinig ko ang boses na iyon.
Apollo. That Apollo who pointed his gun at me. That Apollo who wants to kill me.
“Damn you Poseidon. Kausapin mo na lang si Ares tungkol diyan.” Poseidon. Ares. Nadagdagan na naman ang mga pangalang kinatatakutan ko. “I'll hang up now.”
I prevented the urge to stand up from my bed at silipin kung sino man ang nasa kabilang kurtina. Hindi naman siguro siya nakamaskara habang nasa clinic di ba? My hands were cold and my heart beats fast. There is that throbbing pain in my head ngunit hindi ko pinansin iyon.
“Alam ko kung may nakikinig sa akin mula sa kabilang kurtina,” I heard him say at muntik na akong mapakislot sa kama. Nakikita ba niya ako? Paano naman niya nalaman na naroon ako at nakikinig sa kanya? He's one hell of a devil! Sasagot na sana ako ng biglang may magsalita mula sa kabila.
“I'm sorry, I was worried on you dear cousin kaya sinundan kita kanina.” It was a woman's voice. I somehow felt relieved. Hinabol ko ang hininga ko na halos mapugto kanina. Damn, I'm getting paranoid.
“Cut it Artemis,” wika ni Apollo. “Ginagawa mo na naman akong bata.”
Nakarinig ako ng tawa ng babae. “It's Ryza. Don't call me Artemis kapag wala tayo sa mansion. I'm Ryza, you know. Since you're fine as I can see at mukhang wala ka sa mood, mauna na ako sa'yo! Bye!” paalam ng babae at nakarinig ako ng mga papalayong yabag. Muling namayani ang katahimikan at bumalik na naman ang kaba ko. The people of mafia! They're just right beside me. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas ngunit alam ko na nanginginig pa rin ako sa takot. Small world, eh?
“Nandito na ako,” narinig kong wika ni Gray. Muntik na akong napasigaw dahil sa gulat.
“You look so pale. What happened?” tanong niya. “You're sweating. Naiinitan ka ba? Ayos naman ang aircon ah.”
I can't tell him. Paano ko ba sasabihin na nasa kabilang kurtina lang ang lalaking muntik nang tapusin ang buhay ko? I faked a smile at him. “Wala. Masama lang ang pakiramdam ko.”
He nodded his ead at inhanda na ang mga pinamiling pagkain. Matapos kumain ay naghanda na ako upang bumalik ng Bridle. So far, wala namang masyadong pinsala ang nangyari sa ulo ko maliban sa bukol at pasa sa mukha. Malakas lang talaga ang pagkakatama ng bola sa mukha ko kaya nawalan ako ng malay at tumama sa sahig na sanhi ng bukol.
“Mag-ingat ka Amber. May mga bukol ka pa at konting sugat sa gilid ng ulo mo. Don't worry, maliit lang iyon kaya hindi ka magkaka-peklat,” wika ng doctor nang nasa opisina niya kami.
Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Bago pa man kami makaalis ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki. He was very good looking. Katulad ko ay may benda rin siya sa ulo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya at muling sinalakay ng kaba ang dibdib ko! I have a feeling that he is that Apollo! I confirmed it when he smirked at me. Muling nanikip ang dibdib ko at nanlamig ang mga kamay ko. He gave me a crooked smile at umupo sa harap ko.
“You shouldn't enter here kung may bisita pa rito Ryu,” sabi ng doktor.
“I don't care even if who it is. Kahit pa presidente ng Pilipinas o isang ordinaryong pakialamerang babae lang,” he glanced at me for a while. So it was really that Apollo. Hindi pa ba niya iyon nakakalimutan? And his name is Ryu. I'm really shaking at marahil ay napansin iyon ni Gray kaya siya na ang unang nagsalita.
“Mauna na po kami Doktora,” paalam niya at inalalayan akong tumayo.
“You're pale. Are you alright Amber?” tanong ng doktora sa akin. Napatingin din si Apollo sa akin. He was smirking at me. Tumango lang ako at nagpaalam na. Damn! Apollo's presence really makes me weak.
“Take care Amber,” wika ni Ryu. He gave me a sexy yet very dangerous smile.
It was a smile that spells trouble. No, capital TROUBLE. Kung ibang pagkakataon siguro ay humanga na ako sa hitsura ni Apollo. He's telling me to take care. Was it a warning? Pakiramdam ko ay isang masamang babala ang sinabi niya.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro