Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17: DECIPHERED

Chapter 17: Deciphered*

The next day ay bumalik kami nang maaga sa Bridle upang makapasok sa klase namin. Khael also went back to Athena. I was still haunted by the thoughts of what happened last night ngunit kailangan ko munang iwaksi iyon sa isip ko at ibalik muli sa normal ang buhay ko. Now, I am just the normal Amber Sison, a Grade 11 student whom they called nerd.

Dumiretso ako sa dorm at agad akong sinalubong ng mga tanong nina Andi at Therese kung saan ako nanggaling. Oo nga pala, hindi ko sila naitext kahapon. Speaking of text, wala na pala akong cellphone. That Apollo destroyed it. Nakakapanghinayang dahil hindi ko pera ang ipinambili nun. It was my parent's money kaya ako nasasayangan. Nandoon rin ang mga contacts ko though I memorized Mom and Dad's mobile number and our landline.

"Where have you been? Alam mo bang gumawa na lang kami ng fake pass slip mo and forged your signature upang hindi ka mapatawag sa office ng houseparent?", wika ni Andi sa akin habang nagbibihis.

"We've been calling you but you're out of coverage," dagdag ni Therese at gaya ni Andi ay nagbibihis rin ito.

I smiled at them at binuksan ang closet ko. "I'm sorry about it, I lost my phone. And thank you for covering up for me." Inihanda ko na ang extra uniform ko. Bago pa man kami bumalik sa Bridle ay naligo na kami sa hotel.

Nang nakapag-ayos na ako ay dumaan ako sa cafeteria and grab some milk and bread for breakfast. Matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa classroom namin. Pagdating ko doon ay naroon na si Marion. Agad niya akong nilapitan nang dumating ako.

"Amber! Where have you been? Hinanap kita kagabi but you're nowhere to find", she said and pouted. I stared at her for a while at naalala ko kagabi, she said she likes Gray. And to think she was the daughter of a very rich man.

Marahil ay nabother ito sa pananahimik ko. She waved her hand in front of me. "Saan ka ba galing?"

I faked a smile at her. I don't feel like talking ngunit magiging bastos naman ako kapag hindi ko ito kinausap. "Nagpahangin lang ako at umuwi na."

"Thank God!", she exclaimed.

I rested my head on the table. I didn't have enough sleep last night. Maliban sa malapit ng maghatinggabi nang ihatid ako ni Zeus, ay hindi rin maayos ang tulog ko dahil sa mga nangyari sa akin. Nanghikab ako at pumikit nang biglang may bumulong sa tenga ko.

"Are you okay?"

Napatuwid ako ng upo. It was Gray. He felt that there is something wrong. Nang ihatid kasi kami ni Khael kaninang umaga ay hindi ko siya kinausap sa kotse hanggang sa dumating kami sa Bridle. Maging ng bumaba kami at pumasok na sa main gate hanggang sa maghiwalay kami papunta sa kanya-kanyang direksyon ng mga dorm namin.

Tumango lang ako sa kanya. Naupo siya sa likuran ko at tumabi kay Marion.

"Good Morning Gray! Thanks for last night!" magiliw nitong bati dahilan upang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay napunta sa kanya. Last night? Naglandian marahil sila kagabi samantalang ako ay muntik ng mamatay.

Nag-isip na lang ako ng mga gagawin ko pagkatapos ng klase ko. Maybe I will go to the mall and buy a new cellphone o kaya ay aaliwin ko na lang ang sarili ko sa Timezone mamaya. O kahit saan basta wala si Marion at Gray! I'm annoyed by just seeing them. Ah, maybe because of what happened last night. God, hindi biro ang pinagdaanan ko!

"Salamat din pala sa paghatid mo sa akin kagabi ha?" narinig kong wika muli ni Marion. Uh, why does her voice seems so loud?! Ang landi-landi pa ng boses nito! Maaga pa lang nakakainit na ng ulo! I'm almost killed last night tapos sila?!!! Hinanap ba talaga nila ako?

Argh! I've decided! Magcu-cutting class ako ngayon na! Tumayo ako at padabog na kinuha ang bag ko at umalis ngunit bago pa man ako makalayo ay nahawakan na ni Gray ang braso ko.

"Where are you going?", tanong niya sa akin. All eyes were on us. Maging ang kadarating lang na guro.

"CR."

"Bakit dala mo ang bag mo?" tanong naman ni Marion. Tinuro niya ang sukbit kong backpack.

Ibinaba ko na lang ang bag ko at tinanggal ang pagkakahawak ni Gray sa braso ko at walang sinabi na pumasok sa CR. Geez! Bakit ba sila nakikialam? Hindi tuloy ako nakalabas at dumating pa si Maam Roa! Grrrr! Nakakainis!

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako ng CR. Mabuti na lang at nagsimula na ang klase kaya hindi na ako kinausap pa ni Marion at Gray.

Walang ni isa man na pumasok sa kukote ko sa lahat ng pinagsasabi ni Maam Roa. Nagulat na lang ako ng biglang magtayuan ang mga kaklase ko.

"Where are we going?" tanong ko kay Jeremy. Lumabas kasi ang iba kong mga kaklase at hindi pa naman break.

"Hindi ka ba nakikinig? Ma'am Roa said na pupunta tayo sa Auditorium dahil may ginagawang play ang junior class at tayo ang magki-critique", Jeremy said at inayos ang suot na salamin bago ako iniwan. Sumunod ako sa kanya at hindi pinansin ang pagtawag ni Gray sa akin. Nang makarating kami sa auditorium ay agad akong pumwesto sa pinakamalayong upuan. Medyo madilim doon and I don't want anyone to sit beside me. Isa pa ayaw kong madisturbo. Isinandal ko ang ulo ko doon at pinikit ang mga mata ko. It's a perfect place to sleep dahil walang asungot sa malapit.

"Hi."

Binabawi ko na, meron pala! Who the heck was it? Nang buksan ko ang mga mata ko ay may nakita akong babae. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim doon but basing from her voice, she wasn't from our class.

“Hi, hindi ba ikaw si Amber? Pwede mo ba kaming tulungan?” Nagpakilala siya na si Mariz Cabral, bahagi ng cheering squad. Wala naman akong ginagawa at nababagot ako sa kakaupo rito kaya sumama ako sa kanya at dinala niya ako sa quarters ng cheering squad ng Bridle. Pagdating namin doon ay may kasama siyang babae at dalawang lalaki na pinakilala niya na sina Shiela, Dale at John.

“Ano ba ang maitutulong ko sa inyo?”

“Last week ay nahulog ang kasama namin sa squad na si Apple. It was just the normal lifting routine ngunit nahulog siya at ngayon ay nasa ospital, pero bago pa man siya nadisgrasya ay iba na ang kinikilos niya.”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”

“She's acting weird. Palagi siyang malungkot at tulala minsan. Hindi nga kami nakaka-pagpractice ng maayos dahil laging wala siya sa sarili, she's the captain of the squad,” sagot ni John.

“Nang bisitahin namin siya sa ospital noong isang araw, she gave us these cards. She's somewhat fine. Sabi niya ay papasok na siya kapag na-solve namin ang code na ito”, Dale handed me three cards sa tamang pagkasunod-sunod. The first card was a drawing. Tila walis-tambo iyon at may guhit sa pagitan ng stick nito at sa pangwalis. “Help us Amber, gusto na naming bumalik si Apple.”

A broom with a line. If we separate it, it would be a vertical line and the lower part of the broom which resembles pompom! “Saan nilalagay ang mga pompom ninyo?”

Binuksan ni Shiela ang isang pinto. “Nandito lahat ng gamit namin, props at customes.” She turned the lights on at binuksan ang isang cabinet. Tumambad doon ang napakaraming pompom but on top of it was a white cap. Katulad iyon ng mga sinusuot ng nga kapitan sa barko.

“Bakit may ganito rito?” Kinuha iyon ni Shiela. “Baka ito ang clue.” She handed the cap to me. There were writings inside the cap and it was NBSJA DBCSBM.

“Ano namang ibig sabihin ng mga letters na iyan? It doesn't make sense,” komento ni John.

“It does and I'll tell you later,” wika ko sa kanila. Sunod kong tiningnan ang pangalawang card. It was a square and a triangle. Nakapatong ang triangle sa square which forms a house na tulad ng ginagawa ng mga bata kapag gumuguhit.

“Bahay?” Mariz ask. “I don't really get these codes na binigay ni Apple.” Naupo siya sa isang sofa na nasa gilid ng quarters. On the wall above her is a painting. Naka-frame iyon at nakasabit iyon sa isang pako gamit ang maliit na lubid at nakikita iyon. It was like the drawing!

“It's not a house but that painting!” Agad nilang tinanggal ang painting at tiningnan ang likurang bahagi niyon. May isang card doon na may nakasulat na mga letra ngunit gaya ng nasa cap, the letters were incomprehensible.

“FNJHSF? Ano namang ibig sabihin nito?” wika ni Shiela matapos tanggalin ang card sa likod ng painting. She handed me the card at tiningnan ko iyon ng maayos. I set it aside at tiningnan ko ang huling card. It was a square with a smaller square inside it. Ilang minuto ko ring inisip kung ano iyon, ngunit wala akong maisip.

“I'll just buy some snacks for us,” wika ni Mariz at kinuha ang coin purse mula sa bag ngunit nalaglag ang mga barya niya at agad siyang tinulungan ni John.

“Mabuti na lang at may carpet dito, hindi na masyadong gumulong palayo ang mga barya,” Shiela said at napatingin ako sa sahig. There was a square carpet in the middle. I knew it! The code refers to the floor! Square ang sahig ng quarters ng cheering squad at may square din na carpet sa gitna doon.

Hinintay ko na matapos na pulutin nila ang mga barya. “Sasama na lang kami sa yo upang makapag-isip ng mabuti si Amber”, suhestiyon ni John at lumabas na silang tatlo.

Naiwan naman kami ni Dale roon. I flipped the carpet and found the third card. It was an arrow pointing on the white board and a blank card. Pinulot ko ang walang laman na card at pumunta sa whiteboard. It was a double-sided whiteboard at ng tingnan ko ang isa pang side ay may mga letra na BV SFWPJS.

After figuring out what it means ay hinarap ko si Dale. “You know something about this, don't you?”

Inangat niya ang paningin sa akin. “Ano ba'ng ibig mong sabihin?”

“You know what's going on and what are all these codes are about.”

Huminga siya ng malalim. “I don't really know what's going on but I have something in mind, aalis na siya sa Bridle.”

“Aalis ng Bridle si Apple?” tanong ng kadarating na si Mariz. Kasama niya sina Shiela at John at may dala silang pagkain.

“You all know that we're in mutual understanding. Iba kasi siya this past few days, parang nagpapahiwatig na aalis siya. I cannot confirm that though dahil nag-deactivate siya sa facebook account niya, she didn't reply on my email at nag-iba siya ng number. Wala na rin siya sa ospital,” paliwanag ni Dale.

“Alam niyo ba na nang mahulog si Apple ay kami ni Roger ang nag-lift sa kanya?” wika ni John at napalingon kaming lahat sa kanya. “Hindi naman talaga siya nahulog. Tumalon siya and I don't think that she's injured that time kaya nagtaka ako kung bakit nagpumilit siyang magpadala sa ospital.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi yan!” galit na wika ni Dale at hinawakan si John sa manggas. Kung sinabi mo iyan dati, edi sana ay napigilan natin sa pag-alis si Apple!

“You know I have solved all the codes”, wika ko to prevent them from fighting.

“We don't need those codes anymore! Hindi na rin babalik dito si Apple and we can't even contact her!”

“Are you sure you don't want to know what it is about? You might have hopes from it,” wika ko at sabay silang napaangat ng tingin.

“Bakit? Ano ba ang ibig sabihin niyon?”

“The first card was the broom right? May linya iyon at kapag tinanggal natin ang vertical line, it's like a pompom kaya tiningnan natin ang pinaglalagyan ng mga pompom and we found this”, kinuha ko ang cap. “The letters here is a name. A name for whoever Apple wants to be the next cheering captain.”

“But it's not a name,” wika ni Shiela. “There's no one in the squad named NBSJA DBCSBM.”

“It's because it's a cipher. If we use Rot1 cipher, we can have the name.” Napakunot ang noo nila. “ROT1 literally means rotate 1 letter forward through the alphabet. This cipher is very common to children, so if we rotate its alpabeth, N is M, B is A, S is R, J is I, A is Z, D is C B is A,C is B, S is R, B is A and M is L. If we put that together, it's Mariz Cabral.”

“She wants me to be the captain? But I'm not as good as her.”

“No, she appointed you kaya alam niya ang potensyal mo,” Dale said at tinapik ang balikat ni Mariz.

“The second cipher which is FNJHSF, it's émigré. That Apple will be moving to another country. Her last message, BV SFWPJS, if we decipher that using Rot1, it means Au Revoir, the French term for goodbye.”

“Aalis na nga si Apple.” Nalungkot sila sa isiping iyon. “Ngunit ano ang dahilan niya?”

Itinaas ko ang huling card na blanko. “Maybe it's written here why she have to.”

“Are you joking? There's nothing written there,” wika ni Dale.

Kinuha ko ang isang coke in can na dala nina John kanina.”This card seems blank but if we damp this” Binasa ko iyon mula sa moist na namumuo sa gilid ng coke.

“Amazing! There are letters, but Rx? Hindi naman sinabi kong bakit siya aalis!” Shiela said.

“In medical terms, Rx means a doctor's prescription. Maybe she's sick at kailangan niyang magpagamot sa France,” wika ko sa kanila.

“France? How do you know that she's going to France?”

“Because of her choice of words. Émigré is of French origin, Au revoir is French so she's probably going to France. Don't worry; maybe you'll see each other again. The praise Au revoir actually means until we meet again,” paliwanag ko sa kanila.

“Sa France nga. I heard her parents once talked about treatment in France. Hindi ko naisip na si Apple pala ang kailangan nilang ipagamot,” wika ni Dale sa kanila. Saglit na namayani ang katahimikan ngunit biasag iyon ni Shiela.

“Thank you so much for your help Amber. Let's all eat, marami kaming binili para sa ating lahat,” yaya ni Shela. Kahit nalungkot sila sa nalaman ay naging positibo pa rin sila.They became sad upon the thought gayunpaman ay nabuhayan sila ng loob sa isipin na lumalaban si Apple sa sakit niya.

Kahit nalungkot sila sa nalaman ay naging positibo pa rin sila. Magana na kaming kumain at hindi nagtagal ay nagpaalam na ako. It's almost lunch at malamang bumalik na sa classroom ang mga kaklase ko.

"Sorry but I can't stay long," paalam ko sa kanila. "I must be going."

They bid me farewell at inihatid ako ni Dale kahit anong tanggi ko pa.

"Hindi mo na talaga ako kailangang ihatid," wika ko habang naglalakad kami.

"No, it's my way to express my gratitude and an apology for my rudeness kanina. Thank you for your help," wika niya at ngumiti sa akin.

"I enjoy such thing kaya wala iyong problema sa akin", ngumiti na rin ako sa kanya.

"Make a critic on each character and evaluate each performance. Yan ang assignment natin bukas but how can you do that kung hindi ka pala nanood and just wander around with some guy," wika ni Gray. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng classroom namin. Tiningnan niya ako at si Dale ng masama.

"He's the other detective, right?", bulong ni Dale at tumango ako. "He's scary. I heard he's good in martial arts, I'd better be going." Mahina ang boses nito kaya hindi ito naririnig ni Gray. I smiled at him at nagpaalam na ng maayos si Dale. "Maraming salamat talaga Amber. Mauna na ako."

Tumango ako sa kanya. "Take care." Umalis na si Dale at tinanaw ko ang papalayong pigura niya. Gray was still there ngunit hindi ko siya pinansin. Nang makalayo na si Dale ay akmang papasok na ako ngunit nahawakan ako ni Gray sa braso.

"What's wrong with you? You're ignoring me purposely kanina pa lang umaga, no, kagabi," he said.

"Am I?"patay malisya kong tanong.

"Stop fooling around Amber", he said at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"I'm not fooling. Hindi rin kita iniiwasan", wika ko sa kanya.

"Where have you been? Sino yung kasama mo?" tanong nito.

"Kailangan ko bang sabihin sayo ang mga pupuntahan ko?" tanong ko sa kanya and his face stiffened.

"Just answer me Amber!" nagulat ako ng tumaas ang boses niya at napapiksi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

May marka pa iyon dahil sa pagkakahawak ni Apollo sa akin kagabi!

Agad naming napabitiw si Gray sa akin. "I'm sorry."

"I'm sorry too. Nagpatulong lang sila sa akin. Hindi na lang ako magsusubmit ng critic," mahinang wika ko.

"Tell me, galit ka ba sa akin?" tanong niya. He was intently looking at me.

Iba si Gray at iba si Zeus. Bakit ba si Gray agad ang pinaghinalaan ko? Maybe I'm just wrong! Gray couldn't be into underground business. Yumuko lang ako at umiling. Marami ang nakatingin sa amin. Oh, nasaan na pala ang kapit tuko na si Marion? Hinawakan ni Gray ang wrist ko at hinila ako palayo sa classroom.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Bakit ba ang hilig nilang manghila?

"Magcu-cutting," mahinang wika niya. What?! Nagcutting class kami kahapon and it does not turns out to be good, tapos ngayon na naman? I wonder what would it be this time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro