Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16: THE PERILOUS MASQUERADE (Turmoil)

Chapter 16: The Perilous Masquerade (Turmoil Chapter)*

Who the hell is this Zeus? Siya ba ang kikitil sa buhay ko? I bowed my head and muttered my silent prayers. My breathes were heavy at hindi ko maayos na naigagalaw ang kamay ko. Masakit na rin ang paa ko dahil sa sapatos. Lumapit ang lalaking tinawag na Zeus at inangat ang mukha ko. Napapiksi ako sa ginawa nito kaya agad niya akong binitawan.

"Hindi ba't bilin ni Cronus na wag kayong magdadamay ng mga ordinaryong tao?," he said. Hindi ko masyadong matukoy ang boses niya dahil sa suot na mascara na nakatabing sa buong mukha niya.

"She got in the way at nang papatayin ko na sana siya, namukhaan ko siya so I brought her along," wika naman ni Apollo.

Bumaba ang mukha ni Zeus at tiningnan ang mga pasa ko na mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Apollo. "Damn you Apollo, what have you done?," wika nito na buo ang boses. Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan iyon ng maayos. "And you're going to kill her? It's not your job."

Sumandal sa pasamano ng hagdan si Apollo. "Hindi ko alam na malambot pala ang babaeng yan. Maybe that's normal since maputi siya. So what are you planning to do with her bago siya ipaubaya sa mga reaper?"

Nagulat ako sa sinabi nito. So, I will really be killed at pinapahaba lang ng Zeus na ito ang mga oras bago ako patayin. And what's with their names? Cronus? Zeus? Apollo? Those are names in the Greek Mythology. They are using codenames to hide their true identity.

"No, we will not kill her. We'll let her live," Zeus said.

"But she saw the transaction at pwedeng isuplong niya tayo sa autoridad!," protesta ni Apollo.

Hinawakan ako ni Zeus. "Since when are we afraid of the law?"

Umiling si Apollo. "Ngunit kahit na! She already knew about the existence of Mafia!"

Hinila ako ni Zeus paakyat ng hagdan. "Let's end this conversation. Ako na ang bahalang maghatid sa babaeng ito pauwi mamaya kung saan man siya. Mas mabuting ngayon ko na siya ihatid dahil madilim pa at hindi niya maaninag ang daan patungo rito. I know she loves to put herself into danger. Give me the key."

"But Zeus!," wika ni Apollo. "Fine! I hope you won't regret such decision at wag mo sanang ipahamak ang mafia." Inihagis niya ang susi ng posas at tinanaw kami habang papalayo.

"Goodnight Apollo," wika nito at nagtuloy-tuloy na sa pag-akay sa akin paakyat sa mahabang hagdan. It was a grand staircase, alright. Bakit ba pakiramdam ko ay kilala ko ang lalaking ito? His physique, his clothes, I think I really knew him. He said he knows that I love to put myself into danger. Ibig sabihin ay kilala niya din ako.

"Sino ka ba talaga? Bakit pakiramdam ko ay kilala kita?," tanong ko sa kanya habang hawak-hawak niya ako. Lumiko siya sa kanang bahagi at binuksan ang isang pinto. A large room welcomed us. The room was a shade of gray at panlalaki ang disenyo. Sobrang laki niyon at kompleto sa gamit. May mga collections doon ng bola, mula sa maliit hanggang sa malalaki. There were baseball, bowling, pingpong, tennis, football, basketball at soccerball. There were lots of ball there ngunit wala akong napansin na volleyball. Ang pinakamarami ay ang soccerball. Lahat iyon ay maayos na nakalagay sa malaking shelf na may salamin. There were also a lot of books.

"You need not to know my identity," wika nito at pinapasok ako. Iginiya niya ako paupo sa kama habang pumasok ito sa isang pinto. Nang muli itong lumabas ay may dala itong maliit na palanggana na may mainit na tubig at bimpo.

He sat beside me at tinanggal ang posas sa kamay ko. Hinawakan ko naman ang balat ko na nagkapasa dahil sa posas at matinding paghila sa akin ni Apollo kanina. Hinawakan niya ang braso ko at sinimulang punasan gamit ang bimpo at mainit na tubig.

"You see, you're so vulnerable. Please don't put yourself into danger," wika nito. Napatitig ako sa mukha niyang may maskara. I have something in mind kung sino nga ba siya ngunit pinigilan ko ang sariling isipin iyon. He couldn't be that person.

"Magbibihis muna ako upang maihatid na kita. Don't try to escape. This place is like a lion's den. Just wait for me here," he said at pumasok sa isang walk-in closet. I'm really confused. Iginala ko ang paningin sa paligid. Wala man lamang litrato o kahit ano na maaring makapagpakilala kung sino man si Zeus. Hindi nagtagal ay lumabas na siya. He's wearing a black jeans and white shirt under a black hoody jacket. Suot pa rin niya ang maskara.

"Hali ka na," hinawakan niya ang braso ko at lumabas kami ng kwarto. It was a very beautiful house at gusto kong aliwin ang mata ko sa karangyaang niyon ngunit mas naniig ang nararamdaman kong pagkalito. Why did he let me survive? Apollo is determined to have me killed but he spared my life at tinulungan pa ako na punasan ang mga pasa ko.

Sumakay siya sa isang kotse na nasa harap ng entrance. Maybe he already ordered someone to prepare the car. Shit! The car was a Ford Shelby GT500 Convertible model. Hindi biro ang presyo niyon, he must be incredibly rich! No wonder he acquired such things. They're into underground business kaya sila mayaman. He open the door for me at pumasok ako doon. Umikot siya sa kabilang bahagi at pumasok na rin.

He handed me a blindfold. "Please wear this." Sumunod ako at binuhay na niya ang makina. Nang lumipas ang labinlimang minuto ay pinatanggal na niya ang blindfold. Kanina pa ako kinakabahan ngunit mukhang nakaadjust na ang sarili ko. I'm not shaking tulad kanina. Could it be because I felt like I know this person?

"Sino ka nga ba talaga?," tanong ko ulit. "I'm so confused. Why do you know so much about me?"

I know that I'm risking my life by just asking questions. Maaring kahit anong oras ay pasabugin niya ang bungo ko but I have enough courage to ask him such questions.

"I'm Zeus," maikling wika niya. His face with a mask was still focused on the way. Nakakakita ba siya ng maayos kapag may suot siyang maskara?

"Not your codename, I mean your real name." Wow Amber! why do I sounded like I'm just having a normal conversation with him as if my life is not at risk?

I waited for him to answer my question ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsalita kaya nagtanong na naman ako ng iba. "Nakakakita ka ba ng maayos diyan sa maskara mo? Why don't you take it?" I know he wouldn't do what I told him but I still hope that he would.

"This mask cover my face, not my eyes."

Oo nga naman, there's a hole for the eyes and a little hole for the nose. It only has a small hole for the mouth though kaya hindi ko masyadong nakikilala ang boses niya. Napakamot ako sa ulo ko. "But the hole for the nose is so small, nakakahinga ka ba ng maayos diyan?," muli kong tanong.

"Nice try to make me remove this mask but sorry to disappoint you, I can breathe perfectly," he said. So nahalata pala niya? Or am I that obvious? If course it's so obvious! Heck, this situation makes me so stupid.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Pamilyar na ang daan na tinatahak nito. It was the way towards Bridle High. Wait, how the hell did he knows na sa Bridle ako bababa? I never mention anything about Bridle unless -

Muli ko siyang hinarap. "How did you know na sa Bridle ako nag-aaral?"

Hindi niya ako sinagot. He stopped the car in front of Bridle's gate. Sarado na iyon dahil malamang ay nagpapatrol na ang mga guard sa paligid since it's already curfew time. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. He really knew so much about me!

"Sino ka nga ba talaga Zeus?," I said and emphasized the name Zeus.

"I already told you na hindi mo na kailangang malaman Amber," wika nito. Nakahawak pa rin siya sa manibela at hindi man lamang ako sinulyapan.

I move fastly towards him at akmang tatanggalin ko ang suot niyang maskara ngunit nauna niyang ilabas ang baril niya. He pointed the gun to me kaya napatigil ako at nanginig sa takot.

"I don't want to use this since I know that you're shaken by just a mere sight of a gun, but you pushed me to do it," he said. I calm myself at yumuko.

"It seems like it's already curfew here, where are you staying?," tanong niya at ibinaba ang baril. Nanghihinang sinabi ko sa kanya ang hotel na tinutuluyan ni Khael and he immediately drived towards there. Nang dumating kami sa tapat ng hotel ay hininto na niya ang sasakyan. Hindi naman ako gumalaw at patuloy lang na naupo roon.

"Seal your lips about what you've seen tonight, I can't guarantee your safety next time," wika niya at nakatungo lang ako.

Inabot niya ang lock ng pinto at binuksan iyon. Even his scent is so familiar. Lumabas na ako ng kotse at ipinaharurot niya iyon palayo. Saka lang ako pumasok ng hotel nang hindi ko na matanaw ang kotse. Nang dumating ako sa tapat ng suite ni Khael ay agad akong nagbuzzer. Hindi naman nagtagal ay agad iyong binuksan ni Khael. He was still in his gray suite.

"Shit Amber! Where have you been? After the call has been cut off ay agad ka naming hinanap ni Silvan! We couldn't find you anywhere! Tanging ang maskara at sirang cellphone mo na lang ang natagpuan namin!," he said matapos akong papasukin.

Naupo ako sa couch dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ilang beses na ba akong natutukan ng baril? I wanted to freak out each time but I have to control myself. Hindi nakakatulong ang pagkakataranta ko. Inalog ni Khael ang balikat ko.

"Answer me Amber." Alalang-alala ang mukha nito. Nang hindi pa rin ako nakapagsalita ay kumuha ito ng isang basong tubig at pinainom sa akin. Agad ko namang sinaid ang laman niyon and I felt calm somehow.

"Now, tell me what happened," wika ni Khael at naupo sa tabi ko. "You said you saw the transaction right? Bakit sira ang phone mo at iniwan mo iyon kasama ang maskara mo?"

"I w-was wrong then, it - it wasn't an illegal transaction," pagsisinungaling ko. Naririnig ko pa sa tenga ko ang huling sinabi ni Zeus sa akin.

Seal your lips about what you've seen tonight, I can't guarantee your safety next time.

Paulit-ulit ko iyong naririnig sa tenga ko. It was so scary and my knees are trembling and my hands are cold.

"Nahulog kasi ang cellphone ko and the mask itched my face that's why I removed it. They're just business man exchanging words. That's it. I just went somewhere dahil nahilo na ako sa dami ng nainom ko," pagpapatuloy ko. I cannot tell it to him dahil baka madamay pa ito.

"Are you sure? You should have controlled yourself since mahina pala ang alcohol tolerance mo," wika niya. "You're cold and pale." Hinawakan niya ang kamay ko at sinalat ang aking noo.

Tumango ako. "Yeah, I'm fine. By the way, nasaan si Gray?"

"I don't know. We got separated looking for you. Ilang oras akong naghintay sa party ngunit wala siya so I texted him and he replied may aayusin daw muna siya," he said.

Mas lalo akong kinabahan. My brain seemed to stop as I felt the turmoil inside me. Is it possible? No, I have to remove such thought. Hindi marahil iyon totoo. Maybe I'm just wrong.

"Ayos ka lang ba talaga Amber? You've become paler," wika ni Khael. Shit, bakit ko ba iniisip ang nga ganoong bagay? I'm just scaring myself, right?

"If you want, I'll call Gray," kinuha ni Khael ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan niya si Gray. "Amber's here," wika nito nang sinagot na ni Gray ang tawag. Tumahimik sandali si Khael, marahil ay nakikinig sa nagsasalita mula sa kabilang linya. "Yeah, she's worried about you kaya bumalik ka na rito sa hotel."

Ibinaba na ni Khael ang tawag at bumaling sa akin. "He's on his way so you don't have to worry."

Nagpaalam ako sa kanya at pumasok ng banyo. Kung pwede lang sanang hugasan ang lahat ng alaala ng mga nangyari sa akin ngayong gabi. I've been in a beautiful mansion but it was really a lion's den. And it was like I was the one who invited myself in since ako naman ang nakialam sa nangyaring transaksyon.

I almost meet my death ngunit mukhang pinahaba pa ng Zeus na iyon ang buhay ko. Two bloody hands touched me. Apollo and Zeus. Those names bring shiver down to my spine. Iwinaksi ko ang sisp sa kanila at nagpunas na. Nang lumabas ako ay nandoon si Gray at Khael. When Gray saw me, he immediately walked towards me. Hinawakan niya ako sa balikat at agad na tinanong.

"What happened Amber? Saan ka ba galing," he asked. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko ay seryosong-seryoso ang mukha nito.

Tinanggal ko ang mga kamay niya. "Wala, nagkamali lang ako," wika ko at naupo sa kama.

"I've already told him that ngunit ayaw niyang maniwala," sabat naman ni Khael. He was leaning on his back by the doorway.

"Bakit sira at iniwan mo ang cellphone mo sa basement?," tanong ulit nito. He seemed so worried.

"Nahulog kaya iniwan ko na lang," tipid kong sagot.

Sumabat ulit si Khael. "That too. I've already told him about that."

Inis na tiningnan naman ito ni Gray. "Shut up Alonzo, I'm not talking to you." Umasta na iziniper ni Khael ang bibig niya at tumahimik na.

"How about you Gray? Where have you been?," tanong ko sa kanya. Saan nga ba ito galing? Ayon kay Khael ay hindi na niya ito nakita kanina.

"I helped in solving a case," wika niya. Really? Bakit parang ayaw kong maniwala sa sinasabi niya? He was still in his suit ngunit gusot iyon. Did he change his clothes at muli iyong sinuot nang pauwi na siya dito?

Tiningnan ko siyang mabuti. His jet-black hair was a mess. Come to think of it, Zeus also has a jet-black hair. His body build was the same as Gray and Khael. Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay? Eh ano ngayon kung magkatulad ang buhok ni Zeus at Gray? Khael's hair was a little brownish, marahil ay nagpakulay ito ng buhok dati.

"What's wrong with my face?," tanong ni Gray na ikinagulat ko.

Umiling na lang ako. "Nothing. I'm just tired."

"Kung ganon ay magpahinga ka na. You stay here in bed samantalang doon kami ni Silvan sa sala," wika ni Khael at hinila na palabas si Gray.

"I have to clean up first," wika ni Gray at pumasok ng banyo. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa sumara ang pinto ng banyo.

Lumapit si Khael sa akin at naupo sa gilid. "You've been staring at Gray at mukhang may iniisip ka. Come on, tell me about it."

Am I that obvious? Paano ko ba sasabihin lahat ng iyon including how I doubt Gray being that Zeus?

"Gaano mo kakilala si Gray?," tanong ko sa kanya. He's the person who really knows Gray since magkaklase sila noong nasa Athena pa lamang sila.

"Hmm, since we were kids. Magkababata kasi kami as well as our parents," kwento ni Khael.

"I see. How do you find Gray as a friend? I mean anong klaseng tao siya?," tanong ko.

Nag-isip saglit si Khael. "He's secretive sometimes ngunit mabait naman siya. Mayabang minsan, but that's what makes him as him. He's not Silvan kapag hindi siya mayabang, so as me." Yeah, alam din pala nila na mayabang sila.

Pumitik sa harap ko si Khael. "Don't tell me you're into Gray?"

"Of course not! Nagtatanong lang ako para kay Marion!," tanggi ko at umiwas ng tingin.

"You mean that annoying daughter of Anton Velmon? Sinasabi ko na nga ba!" Bumukas na ang pinto at lumabas ang nakabihis na na si Gray.

"Please keep this conversation a secret," bulong ko kay Khael. Nagsalute naman ito.

"Aye aye Ma'am! Let's go Gray dahil matutulog na daw ang mahal na prinsesa," wika nito at hinila na palabas si Gray. Hinintay ko na tuluyan silang makalabas bago ako tumayo at isinara ang pinto. I hope I was wrong on what I was thinking.

#

-ShinichiLaaaabs.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro