CHAPTER 14: THE TRANSFEREE
Chapter 14: The Transferee*
Nang sumapit ang linggo ay muli na kaming sinundo ng yate upang makabalik na sa Bridle. I was too tired that night kaya hindi na ako nagpunta sa cafeteria upang kumain. Nanatili lang ako sa kwarto at natulog. Balik skwela naman kami ngayong lunes. Pagdating ko sa classroom ay nakapalibot ang mga kaklase ko kay Gray. They were asking about our weekend vacation.
Tsk. Tuwang-tuwa naman ito habang nagkukwento! Pasalampak na naupo lang ako sa mesa ko.
"How's your vacation Amber?" tanong ni Jeremy. As usual ay nagbabasa ito at hindi man lamang sumulyap sa akin nang magtanong.
"It's fine," tipid kong sagot hindi na ito muli pang nagtanong. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang guro namin. She was with a pretty girl na nakasuot ng Bridle uniform. Nagbulong-bulongan ang mga kaklase ko. They were praising the beautiful student.
"Please be silent class," wika na ng guro."I would like you to meet your new classmate."
Tumayo sa harap ang babae at ngumiti sa klase."Hi, I'm Marion Valdez! I'm a transferee from London but I speak Filipino well. Nice to meet you all!"
Tila na-mesmerize ang mga kaklase kong lalaki. Paano ba naman, napakaganda ni Marion! And she's from London? Oh, she must be damn rich. She have short hair with reddish highlights. Maputi ito at nasa tamang hubog ang katawan. Not to mention that she's tall. She wore her Bridle uniform shorter than it should be. She looks like a model from a known magazine dahil sa ganda niya.
Sinulyapan ko sa likuran ko si Gray. He wasn't paying attention to the transferee, sa halip ay busy ito sa pagtetext.
"Hey, we have a transferee," bulong ko kay Gray. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan sandali si Marion ngunit agad ding ibinaba ang paningin sa cellphone.
"Yeah, I've noticed too," sagot niya. Ano ba ang kinaaabalahan nito?
"She's pretty," wika ko.
"Tibo ka ba?," tanong niya ngunit nasa cellphone pa rin ang mga mata.
"What? Of course not!" I exclaimed. Tsk, what made him think that way?
"Hi, can I sit beside you?"
Napalingon si Gray sa nagsalita sa tabi niya. It was the transferee, Marion.
"Yeah, sure," Gray said at muling ibinaling sa cellphone ang mukha. Tsk, hindi man lang binati ang transferee!
"By the way, I'm Marion Valdez, ikaw?" nakangiting wika ni Marion kay Gray. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Gray.
"Gray Ivan Silvan," he said.
Ang bastos naman nito! Gaano ba kaimportante ang katext nito at hindi man lamang sinulyapan ang katabi?
Sumingit na ako. "Pasensya ka na diyan kay Gray, araw-araw kasi yan may dalaw kaya ganyan. By the way, I'm Amber Sison," pakilala ko dito.
Bahagya namang tumawa si Marion."Marion Valdez."
Hindi na kami nag-usap pa dahil nagsimula na ang klase. Inalis na rin ni Gray ang atensyon sa cellphone at nag-focus sa klase. Hindi nagtagal ay tumunog na ang bell. Nang magbreak ay niyaya ni Marion si Gray na kumain.
"Gray, can we eat snack together? Nahihiya pa kasi ako dahil nga bago pa lang ako. I'll treat you," nakangiting wika nito. Ang ganda talaga nito.
Pasimpleng nilingon ito ni Gray bago ibinaling sa cellphone ang paningin. Tumayo na rin ako upang lumabas na ng classroom nang sinagot ito ni Gray.
"I'm sorry, what's your name again?," tanong nito.
"Marion, it's Marion Valdez," Marion said, still smiling. Oh Gray! Why are you so rude to such beautiful girl?
"I'm sorry Marion but I'm meeting someone today with Amber," Gray said ay hinawakan ako sa wrist at hinila palabas. Meeting someone? Mukhang wala akong alam tungkol doon ah?
Humabol pa rin si Marion sa amin."It's fine, isama niyo na lang ako." Oh, she won't give up eh?
Tatanggihan na sana ito ni Gray ngunit nauna akong magsalita. "Yeah sure, you can come with us Marion," wika ko at tuwang-tuwa naman ito. Gray rolled his eyes to me.
"Thanks, let's go! Saan ba tayo?" wika nito at sumabay kay Gray.
Does Marion likes Gray? Uh, maybe. Gray is undoubtedly handsome, not to mention that he's smart. No wonder that a beautiful girl like her would like Gray. Nagpahuli ako ng lakad samantalang magkasabay naman si Gray at Marion. She's talking to him at hindi ko nakikita ang facial expression ni Gray. Malamang ay nayayamot ito.
We're heading towards the main gate. Wait, main gate? Ano namang gagawin namin sa main gate? Taga labas ba ang ime-meet namin?
"Mahal na prinsesa, bilisan mo ang paglalakad," tawag ni Gray at nilingon ako. Huminto rin sa paglalakad si Marion at tulad ni Gray ay nilingon niya din ako.
Lumapit si Gray sa akin at hinila ako. Tsk, ayos naman yung magkasabay silang dalawa ni Marion ah! Why does he have to drag me?
"Sino ba kasi ang ime-meet natin?" tanong ko sa kanya.
"You'll see later mahal na prinsesa," he said. Kailan ba siya titigil diyan sa mahal na prinsesa na yan?
Naghintay kami sa may main gate at hindi nagtagal ay pumasok na ang hinihintay namin. Lumapit ito sa amin at agad sinuntok si Gray. Napasigaw naman sa gulat si Marion habang ako ay alam ko na amg mangyayari kaya hindi na ako nagulat. It's the jerk Khael Alonzo.
"Hi Silvan," he said at ngumiti. Gumanti naman ng suntok si Gray dito.
"Why the sudden visit Alonzo?," tanong ni Gray dito. "Ni hindi mo man lang sinabi sa text mo kung ano ba ang pakay mo dito. Don't tell me na miss mo na naman ako?"
Oh, so si Khael pala ang katext nito kanina? Kinuha niya ang kamay ko at yumuko upang halikan ito. "It's not you whom I missed Silvan, it's the little Miss here."
Agad kong binawi ang kamay ko. "Jerk!"
Natawa naman ito sa reaksyon ko. "Whoah, oo nga pala, tigre ka nga pala, I think I'm gonna like you more," he said playfully. "Dalawa na ngayon ang chiks mo? Ang swapang mo pre," Khael said nang mapansin si Marion. "Miss, you are?"
Ngumiti naman ng malawak si Marion. "Marion Valdez. A transfere student. Ikaw? Are you from Bridle too?"
"I'm Khael Alonzo and I'm not from here," wika ni Khael.
"Ano nga ipinunta mo dito?," tanong ulit ni Gray. "State your purpose dahil may klase pa kami."
"I'm in a nearby area dahil may pupuntahan akong party na invited ang family ko mamayang gabi. Unfortunately, Mom and Dad can't make it so ako na lang ang inutusan nila. At isasama ko kayong dalawa ni Amber," wika niya na ikinataas ng kilay ko.
"What made you think na sasama ako?" I asked him. He smiled at me, yung tipong nagpapacute.
"Because you will," he said at kumindat. Inirapan ko naman siya at natawa ito. Mukhang may sayad na yata.
Tumingin si Khael sa relo niya. "It's 10 minutes before your break will be over, get rid of this excess baggage dahil magka-cut kayo," he said and looked at Marion as he says the word "excess baggage".
"Magka-cut? Bakit?" nagtatakang tanong ko. Bakit kami magka-cut? Saan ba kami pupunta?
"We're going to shop for our outfit tonight," he replied and let out a smile.
Inirapan ko siya. "I'm not going." Nagka-cut ako paminsan-minsan ngunit kapag may pinag-aabalahan lang akong basahin sa library. I don't cut classes just to shop.
"Sasama ka nga, ang kulit mo," wika niya. He pouted and he looks so cute ngunit sa halip na macute-tan ay nainis pa ako dito.
"I can come kung ayaw ni Amber," nakangiting wika ni Marion. Seriously, she's smiling all the way kahit pa sinabihan siya ni Khael na excess baggage?
"Naaah, huwag na. Mabuti pa, bumalik ka na doon sa classroom," Gray said. Hala? Why are they so mean with Marion? Bumaling si Gray sa akin. "Sasama tayo Amber." It sounded like a command. Sino ba sila para utusan ako? Duh!
"Let's make this a deal. Babalik ako sa classroom at hindi ko kayo isusumbong na magka-cut kayo mg klase but you'll bring me along to that party tonight," she said. She crossed her arms as she waited for their answer.
Napakamot ng ulo sina Khael at Gray. "No way. The party tonight is not a simple one. It's made up of important people in the society, oh well, most of them at tatlo lang ang invitation na meron ako," wika ni Khael.
"I can sneak with you," Marion said at umiling naman si Khael.
"Nope, huwag ka nang sumama," he said.
Pilyang ngumiti si Marion. "Ayaw niyo? Hmmm, Guard!," she said at tinawag ang guard. What? Isusumbong niya kami? Kapag nahuli kang magcutting classes at ipapacommunity service ka at ayaw ko sa ganoon. Napabuga ng hangin si Gray at Khael nang lumapit sa amin ang gwardiya.
"You're a witch," Gray said as he watch the guard walk its way towards us.
"Sasabihin ko lang na may dalawang studyante na magka-cutting classes dahil sa estudyanteng hindi taga Bridle, how about that?," Marion said smiling. Blackmail, eh?
"Fine! You can come tonight!" inis na wika ni Khael. Binigyan niya ng masamang tingin si Marion. "Just make sure hindi mo kami ipapahamak."
Dumating naman ang guard. "Anong problema dito?," tanong nito ng makalapit.
"Nagkakagulo po kasi sa cafeteria. Inutusan nila kami na kumuha ng guard," wika ni Marion. She's good in making stories.
Napakamot sa batok niya ang guard. "Nasa banyo pa ang kasama kong on duty. Walang nagbabantay sa gate kapag pumunta ako sa cafeteria," wika ng guard.
"Ako na po ang bahala. Aalis lang ako kapag tapos na po yung kasama niyo. Kailangan po talaga kayo sa cafeteria," Marion said. Nakinig lamang kaming tatlo sa usapan nila.
"Sige, salamat," the guard said at tumakbo paalis.
"Okay, malaya na kayong makakalabas sa main gate," Marion said. "See you tonight then. Saan ba ang party?"
"Haven Tower Hotel, 8 pm, it's a masquerade party," wika ni Khael.
"Okay, see you," she said and waived us goodbye."You'd better go bago pa bumalik ang mga guard."
Hinila ako ni Gray at Khael palabas. What the hell! Sinabi ko bang sasama ako sa kanila? Ipinasok nila ako sa isang kotse. Wait, kay Khael ba ang kotse ito? Oh well, I guess. Mukha naman itong mayaman. He even got a driver.
"Hindi ba sinabi kong hindi ako sasama?," inis kong wika ng naupo na din sila. Pinagitnaan nila ako doon sa likod ng kotse.
"Oh, I know you wouldn't want to miss the excitement tonight," Khael said. "By the way, I don't like your new classmate."
"Me too," komento ni Gray. Ano bang problema nila kay Marion? Mukha naman itong mabait.
"I can't believe she just blackmailed us," wika ni Khael at sumandal. He ordered the driver to drive towards a somewhere whom he called Ara.
"She's annoying," komento naman ni Gray.
"Ano bang problema ninyo kay Marion? Maganda naman siya at mukhang mabait," wika ko naman. I don't know why they don't like her.
"No, there's something about her. I had a feeling na nakita ko na siya noon," Gray said.
"Really? That's what I'm thinking too ngunit hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita," Khael said. I rolled my eyes at them. Duh, for sure ay nagagandahan lang ang mga ito kay Marion and they just pretended to hate her.
"By the way Alonzo, you said about the excitement tonight. What do you mean by that?," nagtatakang tanong ni Gray.
"Tonight's party is for the welcome party of the Antonio Velmon," nakangiting wika ni Khael.
Antonio Velmon? The known Antonio Velmon? "You mean the known owner of Velmon Textile?," tanong ko.
"Bingo," he said at kumindat.
Antonio Velmon is a very rich man. He owns huge chain of textile company not only in the Philippines but as well as abroad.
"Where's the excitement then? Antonio Velmon is no excitement at all," nababagot na tanong ni Gray. He's not into seing the Textile King huh?
Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Gray. "That's not the exciting part. May tumawag sa bahay at nag-tip na may mangyayaring illegal drug transaction sa nasabing party. Dad don't think it's true, marahil isang prank lang iyon but he still believes na possible rin naman. Kaya lang ay hindi niya mauutusan ang kanyang nasasakupan to guard the area since it's not part of his division anymore. Not to mention na may importanteng dadaluhan din siya kaya ako nalang ang pinapunta niya," paliwanag ni Khael.
"What?" gulat na tanong ni Gray. "You shouldn't drag Amber into this situation. Paano kung totoo nga at may mangyari?!"
"You're too protective man. At saka wala ka bang tiwala kay Amber?," tanong nito. Gray's protective of me? At kailan pa ito naging guardian ko?
"It's not like that," wika niya ay nag-iwas ng tingin.
"You think that call was not a prank?" tanong ni Gray. Nagkibitbalikat naman si Khael.
"Who knows. That's why I want to check it."
"Hindi pa rin yan ang problema, the thing is I don't want to go," irap ko sa kanila. I'm not interested in parties, duh.
"No, the problem ay ang freeloader na transferee," Gray said. "I guess we have no choice kung pupunta talaga siya mamaya. Sana lang ay hindi tayo mapahamak dahil sa kanya."
Tumigil ang kotse at bumaba na kami. It was a small designer's shop ngunit hindi maikakailang glamoroso ang mga naroong long gown at suits. Sinalubong kami ng isang bakla na kulay puti ang kalahati ng buhok.
"Sir K! Napadalaw po kayo," masiglang bati nito. Tila tuwang-tuwa ito nang makita si Khael. Napangiti rin ang bakla ng sumulyap ito kay Gray. Meh!
Ngumiti naman si Khael dito. "Yeah, Hi Mama Ara. We need something," tiningnan niya ako dahilan upang tumingin rin sa akin ang bakla. "Find something that perfectly fits her and two suits for the gentlemen."
"Noted, Sir K!" masiglang wika nito at pumalakpak. Lumabas ang dalawa pang bakla. They wore manly dress ngunit base sa lakad at pitik ng mga kamay nito ay masasabing binabae ang mga ito.
"You escort Sir K and this handsome man, they need suits samantalang ako naman ang bahala dito kay Madame," he said at hinila na ako papasok sa isang silid at hindi na ako nakapalag pa.
I was amazed the moment I've entered the room. There were so many gowns there na klase-klaseng kulay at disenyo. I bet this is not just an ordinary shop.
"What's your name darling?," tanong ng bakla sa akin.
I cleared my throat bago sumagot. "I'm Amber. Amber Sison."
Lumawak ang ngiti nito at nagsimulang tingnan ang mga nakahanger na long gowns doon. "Amber. You're so beautiful Amber."
Napalunok naman ako. Ako, maganda? Talaga, esti, seryoso ba siya? "Sigurado po ba kayo?"
"Call me Mama Ara. Yeah, you're surely pretty, hindi ka ba aware?" tanong niya sa akin.
"Alam ko naman pong hindi ako pangit pero hindi rin naman ako maganda," wika ko.
"No, you're beautiful. Alam mo bang ang mga pinakamagandang babae ay yung walang mga arte? Here," Mama Ara said at humugot ng royal blue na long gown at inabot sa akin. "I'm sure this will perfectly suit you. Bagay na bagay yan sa maputi at makinis mong balat."
Kinuha ko naman iyon at sinukat. It was a strapless long gown na hapit sa baywang at abot hanggang sa sahig. There were silver sequins on it forming swirls around the waist. Low cut iyon sa likod kaya't expose na expose ang likod ko. As an over all assessment, it was very beautiful.
"Wow, sabi ko na nga ba na bagay sayo," excited wika ni Mama Ara. He opened a box at naglabas ng royal blue din na sapatos. Tumerno iyon sa damit.
"Wala pang nakakasuot ng gown na yan, I made it myself," proud nitong wika at tinulungan akong magsuot ng sapatos.
"Talaga po? Nakakahiya naman Mama Ara," wika ko.
"Don't be. I'm happy na ikaw ang nagsuot niyan. Ayan, perfect," wika niya.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bumagay nga sa akin ang damit. It was the first time I wore such elegant dress. Hindi kasi ako sumasama kapag may party na dinadaluhan sina Daddy. Wow, just wow. Somewhat, I feel excited in attending tonight's party with such dress.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro