Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10: AB ISLAND (The Murder)

Chapter 10: AB Island (The Murder)

"Let's have our dinner Amber."

Sabay kaming napalingon ni Cooler nang may magsalita sa likuran namin. It was Gray. "Oh, Gray," tawag ko. His face was, uh, angry?

"Let's go," wika niya at tumayo naman ako.

"I thought you're not with your boyfriend," bulong ni Cooler.

"Oh no, he's not my boyfriend," tanggi ko naman sa sinabi niya. Nilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong.

"But he looks angry and jealous," bulong nito.

"He's my classmate," gumanti naman ako ng bulong. Tumikhim naman si Gray.

"Baka gusto mo akong ipakilala sa kaibigan mo Amber," Gray said. He was looking at Cooler.

"Ah, Cooler, this is Gray, my classmate and Gray, si Cooler," pakilala ko.

Inilahad ni Cooler ang kamay ni kay Gray. "Nice meeting you bro."

Tiningnan muna ni Gray ang nakalahad na palad ni Cooler bago tinanggap. "Same here." Bumaling na siya sa akin. "Let's go."

"We have to go Cooler, pasensya ka na doon kay Gray, may dalaw yata," wika ko and he chuckled.

"I guess he's jealous," he said. "Take care, Amber."

"He's not jealous. Ganoon talaga 'yon," wika ko sa kanya.

He shook his head. "No, he's jealous. I suck at guessing a while ago, but this time I guess I'm right. He's really jealous. Believe me Amber, I'm a guy too."

Nang muli akong tawagin ni Gray ay nagpaalam na ako kay Cooler bago tumakbo papunta kay Gray. "Bye Cooler. See you around," wika ko ko bago tuluyang lumayo. I remember what he said. Gray is jealous.

Jealous? Si Gray magseselos? Naah, nagkakamali lang siguro si Cooler.

Gray decided to dine sa isang seafood restaurant. His face was serious at hindi niya ako kinakausap. Umorder siya ng lobster dish at crabs para sa dalawa. Ni hindi man lamang niya ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin. Nang dumating na ang order namin ay nagsimula ng kumain si Gray habang nakatingin lang ako sa kanya.

"Kumain ka na, ano pa bang hinihintay mo, pasko?," nakataas-kilay nitong tanong. Tiningnan ko lang siya ng masama at nagpatuloy siya sa pagkain.

Nang mapansin niya na hindi pa rin ako kumakain ay inilapag niya sa plato ang pinapapak niyang lobster. "Now what? Gusto mo subuan pa kita?," tanong niya. He sounded so impatient. Iginala ko ang paningin sa pagkain na nasa mesa bago muling tumingin sa kanya.

"Don't be a spoiled brat Amber at kumain ka na," he demanded. "If you're looking for golden spoon, there's none here."

"But-"

"No more buts! Kumain ka na," wika niya with conviction. Ayaw niyang makinig sa sasabihin ko.

"Fine! Pag ako namatay, I'll be haunting you," wika ko. Why did he order such foods ng hindi man lang ako tinatanong. I've got allergy on seafood maliban sa isda.

"You're allergic to seafood?" tanong niya at tumango ako. "Why you didn't tell me?"

I rolled my eyes to him. "I tried but you didn't listen!" Inirapan ko siya at bumuntong-hininga. Matalim na tiningnan niya ako bago tinawag ang waiter at humingi ng menu at binigay sa akin.

Great! Ngayon pa talaga nito naisip na papiliin ako ng gusto kong kainin. And what's with his bratty attitude? Nang tingnan ko ito ay magana na itong kumakain ulit.

Matapos naming kumain ay nagpahangin muna kami. Naglalakad kami sa dalampasigan dahil maaga pa. Maliwanag ang buwan kaya maganda tingnan ang dagat ngayon.

Mahinang kinalabit ko si Gray. "What?" he asked.

"Galit ka ba sa akin?"

"Bakit mo naman natanong yan?" iritadong tanong nito. Really, kailangan pa niyang itanong?

"Kasi hindi mo ako kinakausap," sagot ko sa kanya. Naglakad siya at sumunod lang ako sa likod niya. Medyo madilim ang paligid at malayo-layo kami sa maingay na mga bars dahil papalapit kami sa baybayin.

"Hindi ako galit sayo. At kung iniisip mo na nagseselos ako, hindi rin! I don't care if you like that Cooler! Wala akong pakialam," he said at dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko nakikita ang mukha niya.

"What? Hindi ko iniisip na nagseselos ka! Bakit ko naman iisipin iyan?," I hissed at him at hinila siya paharap sa akin. His face was puzzled at umiwas siya ng tingin sa akin. He glared at me bago sumagot.

"A-ano-kasi..."

Hindi na natuloy ang sasabihin nito nang biglang may sumigaw. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw na hindi masyadong kalayuan sa kinatatayuan namin. Bumitaw siya sa mula sa pagkakahawak ko at tumakbo sa direksyon ng sumigaw. We ran towards the shore kung saan nanggaling ang sigaw. Nang makarating kami doon ay marami-rami na rin ang taong nakapalibot. Isang lalaki ang nakahandusay sa buhangin. He was wet at marahil galing ito sa dagat. Nasa gilid naman ang babae na sumigaw na nahintakutan ang mukha.

"He's already dead. Amber, call the police," wika ni Gray habang hinahawakan ang pulso ng lalaki. Agad naman akong tumawag ng pulis mula sa malapit na hotel. Matapos iyon ay bumalik na ako doon at kinakausap ni Gray ang babae.

"N-nakita ko na lang siya na lumulutang. Tatawagin ko na sana siya ngunit nang hilahin ko siya sa buhangin, wala na pala siyang malay," halos mangiyak-ngiyak na sabi ng babae. I learned that she was Eliz Carpio, the victim's bestfriend. The victim was Ronnie Monteclaro, 26 years old na nagbabakasyon sa isla kasama ang girlfriend at mga kaibigan nito, but he met his tragic end by being drowned.

Kinuha ng pulis ang bangkay at nag-imbestiga sa hotel suite na tinutuluyan ng biktima. Sumama naman si Gray kaya sumunod ako. Mukhang kaibigan nito ang police detective na na nag-iimbestiga kaya pumayag itong sumama kami. Pumasok na siya sa loob at sumunod na ako. The suite was a mess. Makalat iyon na para bang binagyo. Pinatawag naman ng mga pulis ang mga kasama nito na pumunta sa isla.

According to the police autopsy, mga dalawang oras pa mula nang mamatay ang biktima kaya tinanong ang lahat tungkol sa mga alibi nito bago matagpuan ang biktima. There were four of them. Una ay si Eliz Carpio na bestfriend ng biktima at unang nakakakita sa katawan. Ayon kay Eliz, she was taking a bath at her suite na dalawang pinto mula sa inoukopa ni Ronnie. Hinanap daw niya si Ronnie at sa dalampasigan na natagpuan na walang buhay. Isa pang kasama ng biktima ay ang girlfriend nitong si Jeanet Laurente at ayon kay Jeanet ay nasa kwarto niya lang siya na katabi ng inuokopa ni Ronnie at natutulog. Kasama rin nito ang mga katrabahong sina Jeko Martinez at Ariel Romero. Ayon kay Jeko, nasa kwarto siya habang gumagawa ng mga naiwang office works. Si Ariel naman ay katatapos lang maghapunan kaya naninigarilyo daw muna ito sa terrace ng hotel. Wala namang makakapagpatunay sa alibi ng apat, so all of them were still under the questioning of the police.

"Hindi niyo pa ba kami paaalisin dito?" iritadong tanong ni Jeko. Kanina pa ito tila aburido at nais nang umalis. He's rude when the police was questioning him.

"Hindi muna unless matapos nating imbestigahan ito. Nawawala ang wallet at cellphone ng biktima, marahil ay pagnanakaw ang motibo," wika ng isang pulis habang tinitingnan ang nakakalat na mga gamit.

"Yun naman pala. Baka may halang ang kaluluwa na nagnakaw kay Ronnie at pinatay siya," wika naman ni Ariel. He was beside Jeanet who was crying. Sino nga ba ang hindi iiyak kapag isa ng malamig na bangkay ang boyfriend mo?

"Maari ngang simpleng pagnanakaw lang ito," the police said.

"No, the victim knows murderer at ang pagkawala ng wallet ng biktima ay isang trick na ginamit ng salarin to make the police have a conclusion na simpleng pagnanakaw na nauwi sa pagpatay ang nangyari," wika ni Gray. Wait, bakit ba nakikialam ito?

"Ano? Paano mo naman nasabi?" tanong ni Eliz. Hindi pa rin ito masyadong napanatag matapos makita ang bangkay ni Ronnie dahil nanginginig pa rin ito.

"Three things. Una ay ang kwarto. Nasa labas ang bangkay, ibig sabihin nasa labas ang biktima nang pinatay siya ngunit ginulo ang kwarto niya. Napasok ng salarin ang kwarto niya without breaking the door, ibig sabihin kilala niya ang nanggulo dito. Pangalawa, no one ever heard a shout for help gayong may mga tao doon malapit sa pinangyarihan ngunit nang magtanong-tanong ako ay walang nakarinig. Lastly, I believe there were two people involved. Ibig sabihin, iba ang nanggulo dito sa kwarto at iba rin ang pumatay sa biktima. I'm not sure if they're accomplice though." I look at him in amazement. I have the first two ideas too ngunit hindi ko naisip ang pangatlo.

"Ngunit hindi ibig sabihin na kami na agad ang gagawin niyong suspect! Isa pa, wala kaming motibo upang patayin si Ronnie!" galit na wika ni Ariel.

Tumayo naman si Eliz. "Wala nga ba? Alam ko lahat tayo ay may motibong patayin si Ron," wika nito. I look at her in disbelief. Lahat sila?

"Maari mo bang ipaliwanag ang ibig mong sabihin Miss?" tanong ng isang pulis.

"Kaming apat ay may dahilan upang patayin si Ron. Una, ang girlfriend niyang si Jeanet. Hindi na maayos ang relasyon nila dahil nais ni Jeanet na makipaghiwalay ngunit hindi pumayag si Ron kaya hindi pa rin sila naghihiwalay. I don't know if naaawa lang siya kay Ron kaya pumayag siya na wag na lang makipaghiwalay. Ang rason kung bakit nais niyang makipaghiwalay ay dahil kay Jeko. They're in a relationship and both cheating on Ronnie at alam iyon ni Ron. Killing him is a way to get rid of him, right? Si Ariel naman, hindi ba galit ka sa kanya dahil siya ang bumulilyaso sa trabaho mo and cost you losing the promition that you were aiming for? At ako naman, I love him noon pa man but he keeps on rejecting me dahil kay Jeanet, it even caused me to be suicidal dahil hindi ko iyon matanggap dati," she raised her wrist kung saan may mga cut scars tanda na ilang beses na itong nagtangka na magpakamatay. "That's why I ended up being the bestfriend."

"Kailangan naming imbestigahan ang mga silid ninyo."

"Teka, who are these high school students? I doubt if they are part of the police. At bakit sila nakikialam sa trabahong pulis?," inis na wika ni Ariel. He scornfully looks at me and Gray.

"We're not part of the police," deklara naman ni Gray. "We're high school detectives."

"High School detectives? Ah, I guess this place isn't one of those places wherein you can play detective games kaya maari na kayong umalis," pahayag ni Jeko. He's really rude at us.

"Why are you so insistent in making us leave this investigation? We're not part of the police. Takot ka bang may madiskubre ako?" Gray asked him.

"Huh! Bakit naman ako matatakot sayo? You're just an ordinary high school student. I'm not shaken by the police, not even you," Jeko answered.

"Ah, kung ganoon meron talaga kaming makikita ditto. We'll see," wika ni Gray at naglibot.

Lumapit ako kay Gray na kasalukuyang tinitingnan ang mga nakakalat na bagahe ng biktima sa kama. There were clothes, cigarette boxes at mga office files. Naroon din ang laptop na nakabukas. When Gray press the keyboard, the screen light up, ibig sabihin ay hindi iyon nakapatay. It was formated though kaya walang natirang files. Who would have done that?

Tiningnan ko ang mesa. May bukas na bote ng alak doon at dalawang baso. Bakit may dalawang baso? May kainuman ba ang biktima bago mangyari ang krimen? Ang isang baso ay halos wala ng laman samantalang parang hindi naman nabawasan ang isa. There were no fingerprints too. By that, we can't determine who was drinking with the culprit. Napansin ko rin na may natapon na alak sa sahig sa gilid ng kama. Maybe the victim accidentaly poured some on the floor. Some of it was wiped away ngunit may natira pa. Marahil ay hindi niya iyon napansin.

Iniwan ko na siya at tiningnan ang iba pang mga gamit na naroon. I opened the drawer and take a look inside. Walang masyadong kahinahinala na mga bagay doon. Nang sa ibang kwarto nanghalughog ang mga pulis ay sumunod na din kami ni Gray. I guess the glasses are just pieces of this puzzle.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro