Epilogue
~ ~ ~ ~ ~
It is not in the stars
to hold our destiny
but in ourselves.
~William Shakespeare
~ ~ ~ ~ ~
SA MGA napagdaanan ko sa buhay sa mga taong nakalipas, masasabi bang hindi pa sapat yun? Hindi pa ba sapat ang mga paghihirap ko? Ang mga pasakit ko? Ang pagkawala ng alaala na maging sarili ko ay hindi ko makilala?
Ang lupit na hagupit ng tadhana. Ang paglalaro nito sa buhay ko... napakasakit namang laro yun.
I, myself, hated the game that destiny had played on me, on us. I did not like destiny's game, not one bit. Pero wala eh, ganun talaga siguro ang buhay. May sakit at may tuwa. May luha at may ngiti. May lungkot at may saya. May hirap at may ginhawa.
Siguro nga totoo yung sabi ng iba na may mga pag-ibig na hindi man lang nabahiran ng kahit na anong problema, kahit na konting luha man lang o di kaya ay konting tampuhan. Yung iba, oo. Yung iba naman katulad namin ay dumaan ng bagyo, ng unos, ng trahedya.
Ang sa amin? Well... I'm not sure kung masasabi ko bang trahedya lang ang pinagdaanan. Pakiramdam ko kasi ay lahat ay dinanas namin, bagyo, unos, tsunami, lindol, buhawi at iba pa.
Naalala ko pa noon nung nasa high school pa ako. Ang hirap bumangon sa hirap ng buhay. Ang hirap makisabay sa kalakaran ng pagpapatakbo ng buhay. Simula nung mamatay sina Lolo at Lola, nabaon na ang mga magulang ko sa utang.
Hinahabol kami ng mga naniningil kaya napilitan si Tatay na isanla ang bahay sa isang malayong kamag-anak. Mabuti na lang at matalik na pinsan ni Tatay ang napagsanlaan niya nito. Hindi naman kasi nila kailangan ang bahay dahil sa ibang bayan na sila nakatira ng asawa nitong doktor ng mga panahon yun.
Nahuli lang sila ng uwi kaya sa iba nakahingi ng tulong ang Tatay nung una. Awa naman ng Diyos at sa tulong na rin nila nakapagbayad kami sa mga utang namin sa iba't ibang tao na ginamit sa pagpapaospital at eventually, sa pagpapalibing na rin kay Lola. Hindi pa man kasi tapos mabayaran ang utang sa pagpapalibing kay Lolo, sumunod na si Lola, wala pang isang taon.
Nakaramdam ako ng pagkainggit kay Lolo at Lola, kasi yun bang sabi nila na till death do us part, well, they may have died but death did not succeed to part them.
Gusto ko kapag dumating yung panahon na yun ay makahanap din ako ng katulad ni Lolo. Yun bang hanggang sa huli kahit na ako ang mauna ay susunod siya sa akin dahil ganun niya ako kamahal.
O di naman kaya ay he will defy death just to be with me till death comes back around again. Hopefully, when we are wrinkled and old and our youthfulness withered on it's own. Ang saya di ba? Hashtag relationship goals 'ika nga.
Anyway. My story began noong lumipat kami ng Luzon at doon kami napunta sa Santa Catalina. Inirekomenda kasi si Tatay ng asawa ng kaibigan ni Nanay na magtrabaho sa haciendang pinapasukan nito bilang foreman dahil aalis na siya doon. Pumayag naman si Tatay pero kailangang lumipat din kami. Ipinagbilin ni Tatay ang bahay namin sa isa pa niyang pinsan, sila Papang Tiks and Mamang Fely.
Lumipat kami ng walang ibang gamit na dala maliban sa mga damit namin. Hindi ko alam kung ano ang daratnan namin sa lugar na yun. Marunong naman akong magtagalog pero hindi hasa. May accent pa rin ako ng pagiging ilongga. Kadalasan nga napagtatawanan pa ako kasi syempre Ilonggo kami, may mga salitang matigas naming nabibigkas, meron namang masyadong malambot and even so, hindi tama sa pandinig ng purong mga tagalog ang mga sinasabi namin.
Kakaiba ang pakiramdam na nasa ibang lugar ka, yung hindi mo kinalakihan? Maging ang kaibigan ni Nanay ay hindi naman talaga taga Santa Catalina, napadpad din lang ang pamilya ng kaibigan ni Nanay dito sa Santa Catalina.
Hindi ko alam ang kwento nila. Basta ang sabi lang ay trabaho din daw ang dahilan kung bakit napadpad dito ang tatay niya ngunit maaga itong pumanaw. Ang nagtuloy ng trabaho doon ang napangasawa ng kaibigan ni Nanay kaya napaluwas din sila ng Luzon mula sa Iloilo.
Sa paglipat namin sa bayan ng Santa Catalina, doon ko nakilala ang taong alam kong mamahalin ko at mamahalin ako ng habang-buhay. Ang aking forever, si Samuel Grant Aranas.
Sa batang pag-ibig namin, masaya kami. Naging malapit kami sa pamilya ng bawat isa, lalo na sa kanyang tiyuhin na naging matalik na kaibigan ni T atay na naging Brgy. Captain namin at kalaunanan ay naging Mayor na rin ng bayan ng Santa Catalina.
Matalinong tao si Grant. Magalang, mabait, masipag, mapagmahal. Sobrang talino. Sobrang gwapo. Sobrang masipag, at higit sa lahat, sobrang magmahal, dahil hindi lang ako at ang mga magulang niya ang mahal niya, minahal niya rin ang mga magulang ko na parang kanya.
Hulog ako doon sa dimples niya. Grabe, di ko maipaliwanag. Makita ko lang ito nawawala na ako sa aking sarili, napapatunganga na lang ako. Yung mga mata niya? Iba ang dating. Iba rin kung makatingin sa akin. Tagos hanggang kaluluwa, ramdam hanggang bone marrow.
Umpisa ng klase, first year high school kami, ilang buwan niya lang akong niligawan ay sinagot ko na siya agad. Bakit ko pa ba patatagalin? Eh doon din naman ang bagsak namin. If getting to know each other lang naman kailangan para malaman ko kung gaano siya kaseryoso sa akin, mas maganda na yung ganito.
Para kasi sa akin mas madali mong malalaman kung ano ang halaga mo sa kanya, kung anong klaseng tao siya, kung alam ba niya ang mga ipinaglalaban niya para sa iyo at kung sino ang pinaninindigan niya? ikaw ba yun o ang sarili lang niya?
Yung mga long time courtship o matagalang ligawan na yan ang hindi ko kasi pinaniniwalaan. At least, kung hindi kayo magtatagal at hindi kayo para sa isa't isa ay mas madali mong malalaman. Mas maaga, mas mabuti. Kung hindi, eh di hindi. Simple lang.
Oo nga at masasaktan ka, eh ganun din naman yun. Kung may nararamdaman ka sa isang tao maging kayo man o hindi ay masasaktan at masasaktan ka pa rin. The better way to know the person is when you are in a relationship not in courtship. Yun ang paniniwala ko. Self-discipline at self-control lang naman yan.
Sa courtship stage kasi, gagawin at gagawin lahat ng lalaki ang dapat nilang gawin para mapasagot ang babae. Tapos later on, hindi pala yun ang totoong siya. Magbabago sila, then ano? nganga ka? Eh di sagutin kaagad tutal gusto ko naman siya. Ngayon, kung hanidi kami para sa isa't isa, eh di break na, but that doesn't mean na hindi ako mahihirapan? Wala namang madali sa buhay eh. kahit ano pa ito.
Ako kasi naniniwala akong mas makikilala ko ang isang tao kung may koneksyon at may ugnayan na kami, hindi yung ligawan lang. Wala kang karapatang maghigpit kung hindi pa kayo di ba? Selos? Ano ang "K" ko? Mas mai-stress pa ako kapag ganyang kasi wala akong karapatang manumbat, wala akong karapatang magalit at magtampo sa kanya. Ang mangyayari ay itatago ko na lang ang nasa isip ko. Anong labas nun? Over thinker lang ang peg? Hindi ah.
Pasensiya na. Di ako katulad ng ibang babae na uupo at mag-iisip ng mag-iisip ng kung anu-ano. Tapos magtatanong ng kung anu-ano na wala namang makuhang sagot dahil lahat ng yun ay nasa isip lang nila. Di ba mas magandang diretsahan na lang, yung walang pasikot-sikot. Kung ayaw na, eh di ayaw na. Kung gusto eh di sige lang.
Kung dumating sa puntong wala na, at least hindi ka mag-iisip ng mga what if's kapag nagkahiwalay na kayo. Tapos na agad. Wala kang pagsisisihan kasi you give your all at nalaman mo ng maaga ang mga sagot sa katanungan mo because you voiced it out.
maganda kasi yung all cards are laid on the table. Walang fine prints. Walang hidden agenda. Hindi na kailangan pang maaksaya ang panahon mo. Walang pretensions, kadalasan kasi nagiging ibang tao tayo sa harap ng nangliligaw sa atin, ganun din sila. Kung kayo na, makikita mo ang natural ng tao kasi nagiging kumportable na kayo sa isa't isa.
Pareho kami ni Grant ng pananaw. Naiintindihan niya ang gusto kong mangyari at ganun din ako sa kanya. Marami kaming pagkakatulad. Sabi nga ng mga kaibigan namin, we are exactly alike, we are too compatible.
Pareho daw kaming matalino. Pareho daw kaming beauty. Pareho din daw kaming masyado ang tiwala at pagmamahal sa isa't isa. Totoo yun, pareho naming totoong mahal at pinagkakatiwalaan ang isa't isa. Kaya nga hindi ako nagdalawang-isip na ibigay ang sarili ko sa kanya noon.
Doon din naman ang punta namin di ba? Bakit pa patatagalin. Yun nga lang, bata pa nga kami. Yun ang mga di dapta na tularan at yun din dapat ang iniwasan namin. pero syempre tapos na, nangyari na ang hindi dapat mangyari, pero wala kaming pagsisisi.
Sasabihin ng tao na hindi kami nag-iisip. Wala eh, alam ko kasi na siya ang end game ko at alam kong ako na rin ang end game niya. Bakit kamo? Kasi kahit anong ganda at yaman ng isang Maybeline Kate Peralta na taga kabilang section at kabilang bayan ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng pinaka gwapo at pinaka matalinong Samuel Grant Aranas ng tingin o sulyap man lang.
Yun pa lang alam ko nang ako lang ang gusto niya at wala ng iba. Oo, totoo, malaki ang bilib ko sa sarili ko, pero hindi ako GGSS. Naturuan lang ako na maniwala sa sarili kong kakayahan, kasi yung ang ipinilit sa akin nila Nanay at Tatay, at yun din ang ginawa ni Grant sa akin. He showed me so much love that it gave me so much confident in myself.
Wag lang sanang mag-isip ang iba na ang lahat ng ligawan ay ganito. Gawin n'yo kung saan kayo kumportable, kung saan kayo masaya. Gawin n'yo kung ano ang tama sa inyo, kung ano ang angkop sa inyo, kasi sa akin ganun ang pananaw ko at yun ang akma sa amin. It worked on few people, it may not work on some.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin. Yung muntik na kaming mamatay ng pamilya ko, nawalan ako ang alaala, nawala rin ang liwanag sa akin, pero ni minsan ay hindi nawala ang tibok ng puso ko.
Kung sana lang ay nag-isip ako ng mabuti noon at naghintay ng kaunti ay baka iba pa ang naging takbo ng kwento namin. Wala naman akong pinagsisihan sa nakaraan. May anak akong kasing gwapo ng tatay niya, kasing talino, kasing bait, kasing lambing. Yun nga lang, kasing pilyo rin ito ng ama.
Natapos ang aking pagbabalik-tanaw sa kahapon dahil hinila na ako ng isang matinis na sigaw mula sa pangalawang palapag ng bahay. Haayy... one... two... three.
"Mommy Gale! Mommy Gale! Prince Raion is making Little Princess Althea cry!" Eto na naman po ang sirena ng ambulansya.
Ang aga-aga nakatili na naman. Ganito naman ang dalawang ito. Ilang kapitbahay kaya ang nabulabog ng mga anak ko.
They are very loving to each other but they do not treat each other like siblings. Ang hirap ipaliwanag. She is his princess and he is her prince, that's that.
"Ella, will you please lower down your voice. The neighbor might think that we are killing you here." Natatawa kong saway sa kanya. Maging si Raion na nakasunod ay may malapad na ngiti sa labi. Ano na naman kayang kapilyuhan ang ginawa ng batang ito sa bunso.
"Mommy Gale! You are not funny." Nagkanguso man niyang sabi ay may lambing naman ito. Inakap niya ako mula sa gilid. "It's Prince Raion, Mommy. He is making Little Princess Althea cry." Sumbong niyang muli.
"Raion! What did you do? We talked about this already, haven't we?" Panimula ko. Ang hirap naman kasi nito. Wala ang daddy nila para tulungan ako. Sana nandito siya.
Lumapit sa akin ang aking binata at inakbayan ako. He is now 21 years old and Ella is 16 while Althea is 10.
"Mom. Just relax okay. My Princess is just exaggerating things." Sabay kindat sa nakangusong Ella. Aba! Ang pilyo talaga ng batang ito, manang-mana sa ama. May pakindat-kindat pang nalalaman.
"Raion Grant Aranas! Wag mo akong dinadala-dala diyan sa pakindat-kindat mo! What did you do to Althea?" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya.
Alam naman niya kapag ako ay naiinis na ay matagal ito maalis pero ayan pa rin, kung asarin ako, wagas. Parang ang Daddy niya lang noong high school pa kami, kung makapang-asar, wagas.
"Mom, will you chill. I didn't make Althea cry on purpose." Palusot pa nito. "Althea wanted to fly. I came into her room to see if she's done getting ready for school, eh Mom, pagpasok ko sa room niya, she was standing on the edge of her window pane trying to fly across to her bed. I told her to come down or I'll tell you. Tapos yun bigla na lang umiyak then My Princess passed by and heard Althea crying." Mahaba niyang paliwanag. Naniniwala naman ako sa kanya dahil ni minsan ay hindi pa naman siya nagsinungaling at alam ko rin ang kalokohan nitong bunso naming babae.
"Is that what happen?" Madramang tanong ni Ella. See what i mena? "Oh. Em. Gee! My Prince, I am so sorry. I didn't mean to jump into conclusion. I am really sorry." nakahawak na ito sa braso ni Raion. Hay naku. Ewan ko sa mga batang ito.
"Althea! Do you want me to call Tito Henry or Tito David? Choose!" Tanong ko sa bunso ko.
Mahal na mahal ni Althea ang dalawa niyang Tito pero at the same time ayaw niya doon sa dalawa minsan kasi pinipilit siyang maging girlie girl ng mga ito, lalo na kapag nandito si Blue. Mabuti na lang at nasa Australia ito ngayon kasama ang asawa nito dahil anniversary honeymoon nila.
"Ate Gale, nasaan na ang mga bata? Ako na daw ang maghahatid sa dalawa sa school sabi ni Papang." Si Cyrus, malapad itong nakangiti sa akin.
Oo, nandito kami sa Iloilo. Mas pinili namin ang manirahan dito. Naging hindi maganda ang mga naranasan namin sa Manila. Iniwan namin doon ang lahat ng sakit at hirap at pagtitiis.
"I'm here, Tito Cyrus." Matinis na sigaw ni Althea. Nakabihis na rin ito.
"Hi, Princess!" Bati ni Cyrus sa pamangkin, sinalubong naman siya ng nakangusong mukha ni Althea. Kanina lang nakangiti ito tapos ngayon, para namang bipolar ang batang ito.
"Althea, Tito. Just Althea, okay. I am not like Ate Ella." May pagka-tomboy kasi ang batang ito.
Bakit nga ba? Saan ba ito nagmana sa pagiging bugoy. Minsan tuloy gustong kong ipasok sa modeling workshops para kahit papaano ay matutong kumilos babae.
"Althea, that is enough. Get your bag and get in the car. Do not make Tito Cyrus wait. Tita Vee needs him to be back right away." Utos ko sa kanya. Nag-inot-inot ito ng kilos, este nagmabagal ito ng kilos. May pagkatomboy nga, simbagal naman ng pagong kung kumilos.
"Mom, I will be late coming home later. I'll just take the jeep." Seryosong sabi ni Ella. Mukhang may tampo ito kay Raion ah. Kanina lang may pa-sorry-sorry pa itong nalalaman, ngayon ay sambakol ang mukha.
"Okay. Be sure you'll make yourself safe, okay." I run my finger through her beautiful shiny black hair. She's growing up to be so pretty. She's cut between Roger and Kate.
I just wish she could see them. I just wish na mapalambot ko ang puso ng batang ito para naman mabisita namin ang magulang niya pero ayaw talaga eh, kaya hindi ko na gaanong ipinu-push kasi sa akin naman magtatampo. Natatakot akong baka na lang biglang maglayas. Wala naman siyang ibang mapupuntahan, kaya lang ay hindi ko kakayanin yun. Mahal ko ang batang ito.
"Don't worry, Mom. I'll make sure na makakauwi siya ng safe." Bulong sa akin ni Raion.
"Tagbalay! Tagbalay! Maayong aga!" Nagulat ako at ke-aga-aga ay may kumakatok.
Napatingin ako kay Ella ng wala sa oras. Nakita kong parang biglang naging aligaga ang batang ito, bahagyang namutla.
"Sino yung nasa pinto, Cy? Pakitingnan nga. Tatapusin ko lang itong lunch ng mga bata.
Narinig ko ang yabag ni Cyrus papuntang pintuan. Masyadong naging tahimik ang bahay. Himala, tahimik si Ella, dati-rati kasi kapag may kumakatok sa pinto kahit hindi siya ang tawagin para magbukas ay nauuna pa itong mang-osyoso sa lahat. Excited siyang magkaroon ng bisita.
Pero bakit ang tahimik niya ngayon? Bakit parang kinakabahan ang batang ito? Nalingunan ko ang pwesto ng panganay ko. Nakasimangot ito at mukhang galit. Anong meron? Am I getting too old for these teenage tantrums? Oh God. Grant, I wish you were here.
"Ate Gale, may naghahanap sa anak mong dalaga!" Sigaw ni Cyrus sa may bandang pintuan.
"Papasukin mo!" Ganti kong sigaw.
"Hindi pwede, Teh!" Bwelta niyang sigaw sa akin, nandidilat ang mga mata, galit din. Anong meron?
"At bakit hindi pwede? Bawal na bang tumanggap ng bisita ngayon?" Pamimilosopo ko. Tinaasan ako ng kilay ng pinsan kong siraulo.
Ay siyangapala, sila yung kamag-anak ni Tatay na napag-iwanan ng bahay namin bago kami napunta ng Santa Catalina. At yung doktor na tumingin sa akin nonn ay asawa ng isang pinsan ni Tatay na napagsanglaan ng bahay nila Lolo.
"Mom, that person outside is not bisita, he is a bwisita!" Matalim na tingin ang itinapon nito sa gawi ni Ella at padabog na tumayo si Raion at padabog din na kinuha ang susi ng kotse na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan at tinalikuran ang Tito Cyrus niya at nilamapasan ako.
Ih?! Anong nangyari doon? Lumapit ako sa may bintana na katabi ng pintuan para sumilip at nakita ko nga ang isang binatilyo na nakatayo at naghihintay na pagbuksan namin. Kita ko rin ang sama ng tingin ni Raion sa binatilyo habang palabas sa driveway ang kotse nito at kahit na nasa kalsada na ito ay mabagal ang takbo dahil masama pa rin itong nakatingin sa binatilyo. Anong meron? Bakit galit yun?
"Bakit ayaw mong pagbuksan?" Pabulong kong tanong kay Cyrus. Nagkibit-balikat lang ito.
"Nakita mo ba ang titig ng binata mo sa binatilyong yan? Kapag pinapasok ko yan dito sa bahay n'yo, baka hindi na malubugan ng araw yan ngayon. Nakita mo rin ba na nandiyan lang sa kanto ang anak mo at naghihintay kung ano ang gagawin mo?" Maliwanag ang deklarasyon na iyon sa akin ni Cyrus. Sinilip ko pang lalo ang kantong malapit sa amin, nandun nga si Raion. Pero bakit?
"Eh bakit nga? Ano bang meron sa binatilyong yan at mukhang kakain ng buhay si Rai?" Tanong kong muli. Itinuro ng nguso niya si Ella na nakaupong nakayuko at tahimik sa sofa, malayo kay Althea, habang kinakalikot nito ang kuko at kinagat pa.
"Possessive nga di ba? Mana lang sa ama?" Kinindatan pa ako ng lokong ito. Diyos ko po, masakit na sa ulo ito. Grant, nasaan ka na ba?
"Marinella Claire Peralta Santillan!" Tawag ko sa kanya. Nandidilat na napatitig sa akin ang mga matang bilog na bilog.
Pinaayos ni Atty. Mijares ang pangalan ni Ella noon, request daw ni Grant yun. Pasalamat na rin daw nito kay Carlitos sa pagkupkop sa akin kahit na ganun ang ginawa nito.
Naisip niya, dahil sa ginawa nito ay nailigtas ang buhay ko at naligtas din si Raion. Matagal na rin kaming nakapag-usap ni Carlitos. Humingi siya ng tawad sa akin at sa mga magulang ko. Nasaktan din siya sa ginawa ni Kate kay Grant dahil nabalitaan niyang nabaril ito.
"Kassandra." Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangalang yan mula pa high school. "Ipagdadasal ko na makaligtas siya. Patawad." Yan ang huling sinabi ni Carlitos bago ako tuluyang umalis sa visiting area ng New Bilibid Prison na siya ring huli kong kita sa kanya, habang si Kate ay nasa Women's Correctional.
"P-po, Mommy Gale? A-ano po yun?" Mahina niyang sagot.
Alam kong takot na siya dahil diretsong tagalog na ang sagot sa akin at po ang laman ng pangungusap nito. Ganito naman ito palagi eh, kapag narinig na niya ang buo niyang pangalan ay alam na niyang she's in trouble, at yan... napapatagalog at namumupo ng bonggang-bongga. Muntik akong napatawa.
"Who's that boy out there?" Seryoso kong tanong, kunwaring galit.
"Kamag-aral ko po, Mommy Gale." Tipid at mahina niyang sagot at take note, hindi matinis ang boses niya. Ang totoo nga niyan eh napakamahinahon niya kahit dinig mo ang bahagyang kaba.
"What is he doing here this early in the morning? Nanliligaw ba yan sa iyo? Hindi naman siya mukhang intsik, di ba? Nagbo-boyfriend ka na ba, Marinella?" Pahalukipkip kong tanong sa kanya.
Bigla siyang napatingin sa akin dahil sa huli kong tanong. Pinaarko ko ang aking kilay. Kita ko sa mata niya ang tunay na pangamba. Hay, Dios Mio! Paano mo bang hindi mamahalin ang batang ito?
"Ewww, Mommy Gale! Alam naman po ninyo na nangako ako kay Daddy Grant na hindi ako magbo-boyfriend hangga't hindi ako tapos ng high school. Gusto ko pa pong mag-college. Nangako din po ako kay Papa Roger, na mag-aaral muna ako bago yang mga ganyan." Naiiyak niyang sabi.
"At saka, Mommy, hindi ko nga po alam kung bakit siya nandito. I told him no at school a lot of times already when he ask me out, but he is so makulit. Mom, I only love one guy." And... there's goes the Tagalog, welcome back the English. Ganun pa man ay natuwa ang kalooban ko sa sinabi niya.
Naniniwala naman ako sa kanya kasi kahit na may pagkamaldita at pagkalukaret itong batang ito ay hindi naman niya kayang lumaban at magsinugaling sa kahit kanino sa amin.
Natutuwa ako dahil hanggang ngayon ay naaalala pa niya ang promise niya kay Grant noong bata pa siya na hindi siya magbo-boyfriend hangga't hindi siya graduate ng college at kung hindi din lang naman si Raion ang magiging boyfriend niya ay hindi siya talaga magbo-boyfirend and definitely, no asawa. Ano ba itong napasok namin? Bakit ganito ito? Masakit na ang ulo ko.
"Okay. I do believe you. So, what do you want me to do with this boy?" Tanong ko sa kanya. Bigla, I see hope in her eyes.
Ngumiti siya and I don't like that smile. There's something about it. Matamis man yun ay nakikitaan ko ito ng kapilyahan. Parang si Kate, ganito siya noon kapag may pangbu-bully na naiisip.
Napapailing na lang ako but this scares me. Baka matulad siya sa kanyang ina. Ayokong matulad siya kay Kate. Ako ang unang masasaktan, ikamamatay ko. Hindi ko siya anak pero minahal ko siya dahil mahal ko siya. Walang ibang rason.
"Will you send him away? Please. Will you threat him for me? Mommy Gale, Prince Raion is mad at me because of that stupid boy." Ay sus, Diyos ko! Ano daw? Bakit may pa-Threat him itong nalalaman? Ano ba ang inisip ng batang ito?
"Don't worry, Princess, Tito Cy will take care of this monkey. Hindi naman siya gwapo kung makaporma akala mo kung sino. Napapahiya ang Bench at si Tommy Hilfiger kung makaporma yan." Salo naman siraulo niyang Tito CYrus at may kindat pang kasama. Isa pa itong sira-ulong ito. Sasamain na rin sa akin ito eh. Nilapitan ko siya at binatukan.
"Aray ko naman, Teh!" Napakamot na lang siya ng batok.
"Uy! Uy! Uy! Heath Cyrus Java, umayos ka ha! Kapag nalaman ng Kuya Henry mo na nakikipagbasag-ulo ka, lalo pa't menor de edad, paniguradong magagalit yun sa iyo. Alam mo naman na kapag ganun kahit ang Ate Emma mo ay hindi niya mapipigil yun. O gusto mong ako na lang ang direktang magsasabi sa Kuya mo?!" Ugh! Nakakasakit na talaga ng ulo ang mga ito. I just wish Grant is here to deal with all these craziness.
"Don't worry, Ate Gale. Hindi ko naman sasaktan ang unggoy na yun eh. Tatakutin ko lang. Tuturuan ko lang ng leksyon na hindi lahat ng nakapalda ay available para sa kanya." Nangingiting nakakaloko pa ito. Napa-isip ako. Kilala ba ni Cyrus ang binatilyong ito?
"You go, Tito! Knock him dead! Show him who's the boss." Pagche-cheer naman nitong loka-lokang batang ito.
"Anong knock him dead ka d'yan? Anong show him who's the boss? Magtigil nga kayong magtiyuhin!" Singhal ko sa kanila. "Ikaw, Marinella Claire, watch your mouth, sisilihan ko yan! What would your Dad say if he could hear you right now? Huh?! Kababaeng tao nito..." Hindi ko na napigil ang sarili kong magalit.
"Ikaw naman Cyrus!" Baling ko sa baliw kong insan. "Ihatid mo na yang dalawang bata at baka ma-late pa at para makaalis na rin diyan sa kanto ang kudang-kudang mong pamangkin." Sumaludo lang sa akin si Cyrus.
"Yes, Ate. Nanginginig pa." Kita mo itong baliw na ito. Isusumbong ko ito kay Papang mamaya.
"Sipa? Gusto mo?" Turan ko. Umiling siya. "Larga na. Paaalisin ko na itong batang ito at baka ma-late din." Umalis sa pintuan si Cyrus at bumaling pabalik ng kusina papuntang garahe. Binitbit ni Cyrus ang mga gamit ni Athena at lumabas ng pinto papuntang garahe. Sumunod naman si Athena nang walang kibo, pagkatapos humalik sa akin, ganun din si Ella.
"Thank you, Mommy Gale. You're the best. Kaya love ka ni Daddy eh." Inakap niya ako. Kahit hindi siya anak ni Grant, minahal niya ang batang ito. Alam kong nami-miss na rin nila ang Daddy nila.
The first day I laid my eyes on this beautiful, sweet child, it was in the airport. Right there and then, I wished she was mine. I really do. Ang wish ko lang ay lumaking katulad niya si Athena, at kung mangyayari yun? Ako na yata ang pinakamasayang ina.
"I love you, Mom." Bulong niya sa akin. Nangilid ang luha ko sa ginawa niya. Ganito naman siya palagi pero parang feeling ko mas special ang pagkakasabi niya ng I love you ngayon. Eto ang mga bagay na hindi nakikita ni Grant.
"I love you, too, Princess." Madamdamin kong tugon sa kanya. Hinigpitan ko rin ang akap ko sa kanya. Maya-maya ay hinarap na ang kanyang Tito Cy.
"Tito Cy, you know who is he, right?" Tanong ni habang dahan-dahan silang naglalakad papuntang garahe.
"Yup." Maikling sagot ni Cyrus.
"You also know that he likes to get in every girls' pants, right?" Tumango uli ang tiyuhin na parang bubble head sa dashboard ng sasakyan ang ulo.
"Eeeyup." Muli nitong sagot.
"Tito, you know my pants are already too fit for me, right?" Isang pang tango ni Cyrus. "How can I get another person in my pants?" Aruy, Diyos ko. Ano daw? Mabilis pa kay Flash ang lingon ko.
"Ay teka, sandali! Tama na yan. Anong get another person in the pants ka diyan." Pag-agaw pansin ko sa kanila. "Umalis na kayo at late na ang mga yan. Puro kayo kalokohang magtiyuhin." Napahilot ako ng aking sentido. Kung high blood ang pag-uusapan, malapit na akong magkaroon nun o baka meron na nga ngayon dahil sa apat na ito.
Oh Grant, where are you? Wish you could hear and see all these.
"Cyrus, agahan n'yo ng uwi mamaya ha. Maaga pa ang flight natin bukas. Inaasahan tayo ni Nanay at Tatay na nandun tayo by lunch." Tumango naman sila at sumakay na ng tuluyan sa kotse.
"Kailangan ba talaga tayong pumunta, Teh?" Tanong ni Cyrus bago nagsara ng pinto.
"Oo. Minsan na nga lang tayong bumisita sa sementeryo, di pa ba natin magawa yun. At isa pa, baka sumama ang loob ng Kuya Grant mo." Napayuko na lang si Cyrus. Alam naman niya ang Kuya nila eh.
"Sasama si Vee sa atin, Teh." Tumango ako sa kanya at hinarap na ang lunch pack ng mga bata. Alam ko naman na nandiyan lang sa kanto si Raion at hinihintay si Ella.
Hay, naku. Ewan ko ba sa dalawang yan. Kailangan ko ng maghanda at baka ako naman ang ma-late ngayon. Dito na ako nagtuturo. Mas maayos dito, mas tahimik.
Matapos kong harapin ang tatlo ay itong biantilyong ito naman ang hinarap ko.
"Excuse me, hijo." Bati ko sa binatilyong naghihintay sa harap ng bahay.
"Ay hello po. Good morning po, Ma'am Aranas." Ganting-bati ng binatilyo sa akin. Hmm. Pogi ang batang ito. "Dito po kayo nakatira?" Napataas ang kilay ko.
"Who are you?" Kahit anong pilit ko na maging malambing ang pagkakatanong ko sa kanya ay hindi ko magawa. Nahawa na yata ako sa binata kong si Raion sa pagiging over protective when it comes to Ella. Ewan ko ba sa binata kong 'yan. Parang ang ama niya rin lang. Kung makabakod parang si Jowarski nung kabataan pa nito.
"Ahmm.... I'm Anthony John Ledesma. I'm a schoolmate of Ella. I was hoping she's here. Ako na lang po ang maghahatid sa kanya sa school." Medyo may pagkamagalang pero halata na pinipilit lang.
Dama ko ang pagiging mayabang at arogante ng batang ito. Kaanu-ano kaya ito ni Professor Ledesma, yung mayabang na mahangin pa at hindi makaintindi na hindi siya hulog ng langit para sa mga babae. That's what everyone says.
"Ahm. Anthony, right?" Mabilis siyang tumango at sadyang pinatamis ang ngiti niya. Pinatamis nga ba? Parang nakangiwi di maintindihan eh. Mukhang naasiman ang dating. Diyos ko po. Natutulad na yata ako sa pinsan kong si Cyrus at Blue. Dios Mio.
Ella, already left with her Uncle, sister and fiance." Sabi ko, kahit hindi pa nakakalabas ng garahe ang kotse ni Cyrus.
"Ah ganun po ba?!" Hindi ba niya narinig yung sabi ko? Tatalikod na sana pero pinigil ko ng kaunti.
"Sandali lang." Pagpigil ko sa kanya. Kailangan kong maimbestigahan ang batang ito.
"Yes po." Sagot niya. Aba! Tinaasan ako ng kilay ng lokong ito ah. Batukan ko kaya ito.
"So, you are also a student at the university?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin. Ay. Bakit ang yabang ng dating ng ngisi niya?
"Yes, ma'am." Sagot niya. Estudyante siya doon pero hindi niya ako kilala? Hindi ba niya kilala na anak ng Aranas at Baylosis si Ella?
"Okay. Sino ang parent mo?" Tinaasan uli ako ng kilay ng batang ito. Aba! Makukutusan ko ito eh.
"You don't know me?" Mayabang nitong tanong sa akin. Aba! Pektusan ko kaya ito. Ano kaya ang gagawin ni Grant kung makikita at makakausap niya ito? Ano kaya ang gagawin niya sa batang ito? "Anak po ako ni Prof. Hayward Ledesma." Ah. Bingo! Sabi ko na nga ba eh. Kaya pala may pagkakahawig... may pagkakahawig ang yabang nila kahit hindi pa nagsasalita.
"Ma'am, can I leave now? Hahabulin ko pa kasi yung babaeng yun eh." iritado nitong sabi. Ano daw? Pektusan ko kaya ang lalaking ito? Walang galang.
"Last question, before you go." Nataas na ang taray mode ko.
"What is it? Pakibilisan lang po." Gagong 'to. Diyos ko, napapamura ako sa isip ko.
"How old are you?" Casual interview.
"20 po." Halatang inis na siya. 20? Hindi ba niya alam na minor de edad si Ella? Fours years ang agwat to be exact.
"What grade are you? Are you a college student?" Nakangiti pa rin ako na parang hindi ko alam na napipikon na siya. Nakita kong dumaan na ang kotse ni Cyrus. Kumaway pa ang mga bata sa akin.
"Sophomore po." Wait. Ano daw? Sophomore? College ba?
"Did you say sophomore? College?" Paniniguro ko.
"Yes and no, Ma'am. High school po." Sagot niyang napupuno na ng pagkainis. Napataas ang kilay ko. 20 na siya, high school pa rin? That raises all kinds of flag pati na yata ang flag ng North Korea at ISIS.
"Are you in a hurry to leave?" Pinamewangan ko na siya. "Coz earlier you are just sitting patiently out here waiting for her and besides marami pa akong gustong itanong sa iyo eh." Prangka kong sabi sa kanya. Natahimik na lang at napahawak sa batok niya. "Since you are in a hurry and I felt that you are not really true to her, let me tell you a few things about Princess Ella." Magyayabang na ako. Mamaya ko na lang ikukwento sa kanila pagkatapos namin mag-usap ni Ella at Raion tungkol dito.
"Ano po yun?" Napansin ko na biglang nagbago ang pananalita niya, naging parang mas antipatiko na ang dating. May anghang. Silihan ko kaya ang bibig ng batang ito.
"She's only sixteen and you are twenty. You get close to her in any way, shape or form, I will make sure that you and your father will pay dearly at isama mo pa ang pangha-harass ng ama mo sa akin sa faculty room." Direkta kong sabi sa kanya. Nandilat ang mga mata niya parang nakakita ng multo. Sana nga magpakita sa kanya.
"Um... um... I was... I was just..." Nataranta siya. "Why are you telling me this? Who are you to her anyway. She's not your daughter." Aba'y maanghang pala ang bunganga ng batang ito eh. Mas maanghang pa sa Ghost Pepper ng Guinness Book of World Record from India.
"Okay, another thing about Princess Ella, and I so hate to break it to you, boy. She, Marinella Claire, is my daughter. You mess with her, you mess with me. You mess with everyone in this family, that includes the Baylosis." Matapang kong sabi sa kanya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya ngunit agad na nakabawi. "Do you understand what I'm saying, young man?" Matamis ko siyang nginitian.
"We'll see about that." Mayabang at may anghang niyang sabi. Napapailing na lang ako. Ang mga kabataan nga naman ngayon, wala ng galang sa mga nakatatanda nila. Hindi naman na ako nagtataka kasi ganyan din ang kanyang ama.
"Okay. Suit yourself. Don't tell me I didn't warn you." Sabi ko sa kanya at tumalikod na at sinarang pabagsak ang pinto sa mukha niya. Nag-text ako kay Cyrus.
To Cyrus:
Cy, tell Ella to watch out for her surroundings. Tell Raion to watch her. That boy Ledesma is a bad news like his father.
Message sent:
A few minutes later, I am ready. Ready to face the world again, somewhat alone. I picked up the key to my car. Kailangan ko nang umalis dahil baka mas ma-late pa ako. Meron pa man ding staff meeting ngayon.
May bago daw'ng professor na dadating for a permanent position. Sana naman matino nang hindi sayang ang oras ng mga estudyante at ang pera ng mga magulang ng mga ito. Marami akong naririnig sa mga estudyante maging sa mga magulang ng mga ito, iilan lang daw ang matiyagang magturo ng matino sa mga high school at college.
Kung nandito lang sana si Grant, eh di hawak kamay kaming magtuturo ng maayos sa mga bata. At hawak kamay din kaming gagawa ng paraan katulad ng dati. Naisip ko nga minsan na sulatan o tawagan ko kaya si Auntie Rhoda, pareho na silang nasa Board of Directors ni Tito Clinton na ipadala na lang si David dito.
Haaay... Anyway. Makaalis na nga.
AIRPORT.
Male-late pa yata kami sa flight namin. Katulad ng dati, naghihintay kami dahil late na naman itong si Cyrus.
Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ni Vianne sa kasal nila. Baka mauna pa sa simbahan si Vee dahil as usual maaaring late ito sa sarili niyang kasal. Sabi nga ni Mamang Fely, baka kahit sa huling sandali ng buhay ni Cyrus ay late ito, maging sa sarili niyang burol.
"Mommy, where are they?" Naiinip na tanong ni Athena. Ugh. Sabi na kasing magsabay-sabay na lang kami eh.
"They'll be here soon, baby." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang sentido. Nasaan na ba ang mga yun?
Ibinigay ko kay Athena ang tablet niya para maaliw naman ang bata ng hindi ako ang kinukulit ng tanong na "Where are they?", "Are they here yet?", "When are they gonna get here?" o "Mooomm!" Sumasakit na talga ang ulo ko. Ugh! Graaannnt!!! Why?! Konsumisyon!
"Mooomm!" See! What did I say? Grant naman eh. Bakit ba? Just when I needed you tsaka ka naman wala.
"Just play your games, Athena. One more word comes out of your mouth and you will be staying here with Lala and Lodi. I promise." Naku! Kung hindi lang ako nagtitimpi baka napalo ko na ang makulit na ito.
"I'm sorry, Mommy." Malambing nitong paghingi ng paumanhin. Haaayy. Eto na naman po ako sa pagiging malambot ko. Kaya ba parang niloloko-loko lang ako ng mga anak ko? Grant! I really wish you were here, love.
Naupo ako na parang wala nang bukas na darating sa akin. Papatayin ko talaga si Cyrus.
PA System:
First call for boarding for Air Asia Zest Flight 315 to Manila.
Itinawag na ang flight namin at nandito pa rin kami, nakaupo at naghihintay sa siraulong Cyrus. Nakapag-check in na kami ni Athena silang apat na lang ang hinihintay. Kung bakit kasi umarte pa ang tatlong yun na sunduin si Vianne. Sinabi naman na ng tatay niya na ihahatid na lang ito sa airport at dito na lang magkita-kita.
To Cyrus and two more....
If you guys don't get here in two minutes, don't even try to show up in the cemetery tomorrow morning. 😡😡😡
Message sent.
I know this will bite me in the rear later, but right now, I do not give a flying fish balls. Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ito. Inaantok pa rin ako at pagod, siya ang mananagot sa antok kong ito.
Alas dos pa lang gising na ako at sila para maghanda ng kakailanganin at mag-double sheck ng mga naimpake na habang sila ay mga naghihilik pa rin.
Ilang minuto na lang at sasabog na ang utak ko sa pagiging aburido. Imbes na pagbisita ang gagawin sa sementeryo bukas, libing ang magaganap. Panigurado akong tatlong libing ang mangyayari. Hindi pa man ay mabubiyuda na si Vianne.
Isinandal ko ang sarili ko saka ipinikit na lang ang mata. Kung hindi ko ito gagawin ay siguradong may makakatikim.
"No, Tito. I just don't understand how were you able to get a girl like Tita Vee. Hahaha! You are such an effing loser, Tito." Nagdilat ako ng mata ko at matalim na tinitigan si Raion. Masasabunan ko talaga ang bibig ng batang ito. Nilingon ko silang magsalubong ang kilay, napayuko si Ella at Vianne, hindi ang dalawang turagsoy.
"Mabuti naman at naisipan n'yo pang dumating." Nagkatinginan silang apat at nag-peace sign sa akin. Ano sila? Japayuki? Uso pa ba yun?
"Sorry, Teh. Na-traffic lang kami eh." Sagot ni Cyrus. Rarason pa talaga.
"Eh sino ba kasing magaling na lintik ang nagsabi sa iyong sunduin pa si Veronica Vianne, ha? Sinabi na nga ni Tito Selmo na siya na ang maghahatid sa kanya dito, ikaw itong nag-inarte!" Natahimik silang lahat. Nagkatinginan lang sila.
"Ate Gale. Pasensiya na po. Mabuti na rin po na sinundo ako ni Heath kasi bigla na lang pong umatake ang rayuma ni Papa." Naaawa naman ako? Kahit pa, dapat ay tumawag sila.
"Kung ibang araw ito, papalampasin ko kayo. Alam ko, naiintindihan ko ang pagkakarayuma ng tatay mo, pero sana tumawag ka man lang kagabi agad para mapagplanuhan na agahan pa ang pagsusundo sa iyo. At ikaw naman Cyrus, fiancee mo na yan, hindi na yan tatakbo kung isang beses mong hindi masundo, pwede naman siyang mag-Grab. Ikaw, Raion, I raised better you than this. You shouldn't be talking like a kanto boy. If you Dad is here, do you think he will be happy knowing that you are being disrespectful, kahit biro pa yun?" Bahala na naiinis na ako. Pagod na ako, wala pang tulog, tapos ngayon bibiyahe pa.
Hinila ko ang bagahe ko at tumalikod na sa kanila. Karay-karay ko ngayon si Athena na hindi man lang umiimik. Mabuti naman at maayos na nakikisama ang bunso ko.
As for them, bahala sila sa buhay nila. Tutal nandito na sila, di ko na kailangan pang sabihin sa kanila kung ano ang gagawin nila. Mas magaling na sila sa akin di ba? Eh di, ituloy na lang nila. Baka ikaunlad pa ng ekonomiya nila.
"Sabi ko na kasi sa iyo na mas agahan mo eh, yan tuloy. Ikaw ang magpaliwanag sa Ate mo." Sige, magsisihan pa kayo na parang mga tanga.
"Guys, just let's go. Just leave Mom alone. Haven't you guys realized? She's been dealing things on her own for a bit now and that makes her tired, stress and short fused." Narinig kong bulong ni Raion. Mabuti at alam mo.
"Tito Cy, I think you owe Mommy Gale a big time apology." Pabulong man ay dinig ko pa rin ang pagtataray ni Ella.
"Just shut it, you guys. Let's talk about it on the plane. Just hurry up before she turns around and give us another blow, okay." Utos ni Cyrus sa mga pamangkin. Mabuti at alam mo rin. Sige. Wag kayong magmadali.
"Mom, let me take your luggage." Malumanay at mahinahon na sabi ni Raion. Hindi ako nagsalita pero binitawan ko ito.
"Athena, come her baby. Let Tito Cy hold you." Sabi naman nitong pasimuno sa lahat ng pasaway.
Tahimik naming tinahak ang gate kung saan kami magbo-boarding. Chineck na ang mga hand carries namin at ang mga tickets namin pati na ang boarding pass. Ilang sandali pa ay pinasakay na kami, dahil sa may bata kaming dala na under 12, pinauna na kaming umakyat sa eroplano.
Maliit lang ito pero malinis. Mabuti na lang at madali lang akong maka-avail ng business flight kahit last minute booking kaya hindi sagabal at hindi masikip. Ayoko kasing naiipit at nahihirapan ang mga anak ko.
Nakaupo na ako at tahimik pa rin. Ni hindi nila ako matingnan pero alam kong palihim nila akong pinagmamasdan. Bahala sila. Wag lang silang magkamaling kausapin ako dahil paniguradong sasagpangin ko sila.
Tahimik silang umupo. Siniguro muna nilang nakaupo na ng maayos si Athena. Naririnig ko pa ang mga bulungan nila pero hinayaan ko na lang sila. Mas mabuti na itong alam nilang inis, or I may say, galit ako sa kanila para gawin nila ang dapat nilang gawin. Ako? I will sleep the whole flight. Naramdaman kong kinalabit ako ni Athena.
"Yes, baby?" Sabi ko nang hindi siya nililingon.
"Mommy." Pabulong niya akong tinawag. "Are you playing mad with Kuya Raion, Ate Ella, Tito Cy and Tita Vee?" Patuloy niyang pagbulong. Napangiti ako ng bahagya at humagikhik naman ang cute na makulit na ito.
"Ssshhh." Simple kong sagot sa kanya. Pasimple ko siyang nilingon, malapad pa sa dibdib ng daddy niya ang ngiti niya.
Alam ko na nag-eenjoy din siya dahil alam niyang makukuha niya ang gusto niya sa mga ito dahil sa sitwasyong kinauupuan ng mga ito ngayon. Muli na akong pumikit.
SA MANILA.
Sa bahay ni Grant kung saan si Manang Luz na lang at ang pamangkin niyang pinag-aaral ang magkasama.
Yun yung bahay na ayaw kong tirahan dahil sa mga alaalang nakaakibat dito. Alaalang ayaw ko nang balikan. Alaalang kahit si Ella ay ayaw nang balikan. Kung hindi lang dahil sa death anniversary niya ay hindi siya sasama dito. Request na rin nila Nanay Sol at Tatay Berting.
Parang biglang may sumuntok sa dibdib ko. Ang lungkot na nang bahay na ito. Hindi naman kasi ito para sa akin. Para Kate ito noong ikinasal sila ni Grant. Kahit na ganun siya, may respeto pa rin naman ako at hindi ako titira sa bahay na may bakas niya.
She lived here for more than six years hanggang sa nakulong siya. This house will never be a home for me especially not for my kids and not for Ella. Well, not anymore. She doesn't want to be here.
Dito sa bahay na ito tumutuloy ang mga magulang ni Grant kapag nandito sila sa Manila. Kadalasan kasi nasa Santa Catalina sila. Nakwento ko ba sa inyo na sila na ang nagmamay-ari ng hacienda Peralta na ngayon ay pinalitan nila ng pangalan?
Would you believe na nagawa pa niyang ipangalan yun sa akin? Hacienda Kassandra. Wala eh. Yun daw ang gusto ni Grant. Eh di ako na ang mahaba ang buhok.
"Oh. Gale!" Nagulat ako kay Manang Luz.
Ayokong umuwi siya ng Santa Catalina kasi wala naman na siyang uuwian doon. Wala na siyang pamilya maliban sa pamangkin niyang kasama dito na wala na ring mga magulang kaya alam kong kami na ang kanilang pamilya.
"Hello po, Nay." Yun ang tawag ko sa kanya. Isa-isang nag-amen ang bata kay Nanay Luz.
"Lola Lucy in the sky!!" Naku po! Eto na ang pambansang ambulansiya, si Ella.
"Diyos ko naman, hija. Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin nagbabago? Maingay ka pa rin? Mas maingay ka pa yata kesa sa dati eh." Tuluy-tuloy na sabi ni Nanay Luz na napaantada. Napapatakip siya sa kanyang tenga. Maging ako man ay napatakip na rin ng tenga.
"Ella, will you please bring your tone down? My head is going to burst." Deklara ko.
Ipinakita ko sa kanila na galit pa rin ako sa kanila. Bigla naman silang natahimik. Napatingin si Nanay Luz sa kanila at sunod sa akin. Humarap ako sa kanya at kinindatan ko siya. Nangiti naman siya at hinarap na ang mga bata.
"Naku! Ano naman ang mga ginawa ninyo at nag-init ang ulo ng Mommy n'yo?" Walang may kumibo sa kanila. Napailing si Nanay.
"Gale, umakyat ka na sa taas doon sa kwarto ni Grant at magpahinga ka na muna dun. Mukhang pagod na pagod ka. Kayong lima, sumunod kayo sa akin at hayaan n'yo yang Mommy n'yo. Ikaw Cyrus? Ano ang papel mo sa init ng ulo ng Ate Gale mo? Alam mong ayaw na ayaw ng Kuya Grant mo ang nagagalit o nagtatampo yan." Narinig ko pang paalala niya sa mga bata.
Nalungkot ako nang marinig ang sinabi niya. Nalulungkot ako tuwing nababanggit ng kahit na sino ang pangalan ni Grant. Ewan ko kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.
Humiga akong nakatitig sa kisame. Maraming alaalang pumasok sa isip ko. Mga alaalang hindi ko ipagpapalit kahit kelan at kahit kanino. Mga alaalang si Grant at ako lang.
Ang sarap isipin na may isang tao pala na talagang kayang magmahal ng higit pa sa sarili niya. Yan si Grant. Ang Grant na nakalimutan man ng isip ko ay hindi naman nakalimutan ng puso ko.
Pinaglaruan man kami ng tadhana ay hindi pa naman naming nakayang pigilin ang pagmamahalan namin kahit saan man kami dalhin ng tadhanang ito. Kahit anong klaseng laro pa ang gawin niya, malalampasan yun ng pag-ibig namin sa isa't isa. Kahit pa kamatayan ang humarang ay nandun na ang pag-ibig na yun.
Ang layo ng itinakbo ng isip ko. Tahimik ang paligid kahit na may konting tawanan akong naririnig. Mabuti na rin yung ganun. Kinuha ko ang unan ni Grant at inakap ko ito at pumikit hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga nangyari sa paligid ko.
"MABUTI naman at nagising na ang sleeping beauty ng bahay na ito?" Nagulat ako sa tinig na yun. Nandito siya? Paanong???
"Carlitos? Kelan ka pa nakalaya?" Tanong ko. Napaatras ako.
Oo nga at napatawad ko na siya pero ayaw kong nakakalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko. This is when I really need Grant. Ugh. I wish you were here.
"Noong isang linggo lang. Nakauwi na ako sa Santa Ynez. Nalaman ko mula kay Rica na darating kayo. I'm sorry if I didn't give you a head's up that I am visiting Ella." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at hindi ako ang pakay niya dahil kung nagkataon baka ako ang papalit sa kanya sa kulungan.
"Princess!" Sigaw ko. Sumilip ang ulo ni Raion mula sa kusina.
"Mom, my Princess is not here. She went with Lola Luzy Liu, Tito Cy and Tita Vee to the grocery store." Sagot ng binata ko pero kay Carlitos nakatingin.
"Hello, Rai. Aren't you going to say hi to Papa?" Bati ni Carlitos. Dahan-dahan itong lumapit ngunit seryoso pa rin ang mukha.
Huli niyang nakita si Carlitos ay noong umalis kami papuntang Iloilo, ngayon lang uli sila nagkita. Hindi ko maintindihan pero iba ang pakiramdam ko sa tagpong ito.
"Papa?" Saad ni Raion. Ngumiti ng mapait si Carlitos.
"Hi, son." Halatang pinasigla nito ang tono ng boses. Lalapit na sana siya kay Raion nang iniangat nito ang kamay para pigilan si Carlitos na lumapit sa kanya.
"You stay right there." Mala-Grant sa pagkaseryoso si Raion. "First, I am not your son and you are not my father. Second, you can not own someone's child because you are hopelessly in love and stupidly can not get over his mother. Third, I already have a father that you took the rights away from. Fourth and last, you can only come near us when you want to see Princess Ella." Tuloy-tuloy nitong saad. Hindi ko siya napigilan.
"Just be happy and thankful that my father still let you see your daughter even after you and her crazy mother gave up all your rights to her. So, don't dream and call me son. You can sit here in the living room and wait for Ella, aside from that, there's no reason for you to stay around and talk to my mother." Mahabang deklarasyon ni Raion. Natulala at namutla si Carlitos sa sinabi ni Raion.
Totoo naman kasi eh. Kung hindi lang sa bilin ni Grant, hindi ako, kami, papayag na makalapit pa siya sa amin pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos kong maalala ang lahat.
"Raion." Pigil ko sa kanya dahil alam kong may idadagdag pa siya sa mga sinabi niya.
"I know mom. What would my Dad say if he can hear me now." Sabi niya at tumalikod para umakyat na tapos bigla na lang siyang tumigil sa ikatlong baitang at dahan-dahang lumingon.
Parang nakita ko ang ama niya sa kanya. Parang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ko. Nangilid ang mga luha ko. He is like his Dad. One hundred percent just like his dad.
"Oh, one more thing, Mr. Santillan. My dad may not be here but I, I am here. Don't you ever forget that, Mr. Santillan." Pagtatapos niyang may diin sa tawag niya dito.
"Lindy! Pakisamahan nga si Mr. Santillan sa receiving area habang naghihitay siya kay Princess Ella!" Matalim ang tingin niya kay Carlitos. Hindi niya inilalayo ang mga titig na iyon dito. Hindi nakahuma si Carlitos.
Wow! Kakaiba din ang lahi ni Grant, matapang.
Hindi man ang Daddy niya ang una niyang nakasama sa formation age niya pero Grant na Grant ang mga tirada niya. Kaya hindi ako nagsisisi na siya ang naging ama ng mga anak ko. Hindi ako nagsisisi na siya ang minahal at itinitibok pa rin ng puso ko.
"Ate Gale, tumawag po si Manang Luz, sabi niya pauwi na daw sila pero na-flat-an lang daw. Magpapalit daw po muna sila ng gulong kaya medyo matatagalan pa ang balik nila." Tumango na lang ako at umakyat muli sa taas. Susundan ko ang binata ko kasi alam ko mas safe ako doon.
"Rai?"
"Rai."
"Raion!" Nasaan na kaya ang batang yun?
"I'm here, Mom." Biglang akap niya sa akin mula sa likuran. Nagulat ako kaya nahampas ko siya sa braso.
"Stop scaring me." Natawa ako. "You are your father's son talaga." Sabi ko pa, natawa siya ng bahagya.
"I know, Mom, and I like it that way. I am Samuel Grant Aranas' son. I am an Aranas and I will remain an Aranas. And you, you are Mrs. Kassandra Gale Baylosis Aranas and will always be the only Mrs. Aranas." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Tumulo ang luha ko. How I miss him. I really do.
"You know, I really miss your dad. I wish he's here." Nasambit ko. Patuloy sa pag-agos ang luha ko. Nakasandal ako sa malapad na dibdib ng anak ko.
"I know, Mom. Me, too. I miss him, too. We all do." Hinalikan niya ang ulo ko. "But for now, I want you to go down to the kitchen with me. I have a surprise for you. It just got ruined when Mr. Santillan decided to intrude." Napangiti ako kahit may luha pa rin ang aking mga mata dahil sa tinuran ng suplado kong anak. Well, may karapatan naman siyang magsuplado dahil may dahilan.
"Really? Well then, what are we waiting for?" Sabi ko sa kanya. Inalalayan niya akong bumaba. "Let's go. I want to know what kind of surprise my first born has in store for me?" I giggled right after and he did, too.
"Rai, what is going on? Why is everybody here?" I was surprised to see Nanay Luz, Cyrus, Vianne, Ella, Athena and Lindy. Maging sila Nanay at Tatay, lahat sila nandito. Bigla rin kasing sumulpot sila Henry, Emma, Blue at ang asawa niyang si Cassidy.
Yup, you see it right. Nang dahil daw sa pangalan na Cassidy kaya na-in love sa kanya ang asawa niya.
Ay Ewan. Nakabalik na pala sila from their "honeymoon". Anyway, Nandito din sila Mamang Fely at Papang Tiks.
"Ano ba talaga ang meron? Will anybody explain?" Ngiti lang ang makikita sa pagmumukha nila.
Tinaasan ko sila ng kilay. Isa lang ang alam kong pwede kong gawin para makapagtapat ang mga ito. Pinamewangan ko sila. I stand on one leg, tap my foot and again, raised one brow. Tingnan natin kung hindi sila magtapat. Tsaka ko lang napansin na may kulang. Di ba nandito kanina si...
"Hi!" Bulong nito sa akin. Bigla akong kinabahan. Tumalon yata ang puso ko. This can't be. Oh my God. This can't be. I spun around just to see his handsome face .
"Oh my freakin' God!" Bigla kong natutop ang aking bibig. Biglang tumulo ang aking luha.
"Are you just going to stand there and stare at me or you are going to come and hug me?" Tatawa-tawa niyang sabi. Oh my God. Natataranta ako, nanginginig.
"Oh. Oh. You're here? You're home?" Tinalon ko siya at inakap. Ang tagal ko din siyang hindi nakita. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid namin. Sinunggaban ko na siya ng halik.
"Eewww! Get a room!" Sigaw ni Ella. Alam kong siya yun.
"Mom!" Sigaw naman ni Athena. Wala akong pakialam na-miss ko kaya ito. Bumitaw siya sa akinng hingal na hingal.
"SURPRISE!!!!" Sabay-sabay nilang sigaw. Nakita ko ang laki ng mga ngiti nila. Halos isang buwan ko ring hindi nakita ang lalaking ito at alam kong alam nilang lahat kung gaano ko siya na-miss. Hindi ko siya kayang bitawan. Nakayapos pa rin ako sa kanya.
"Can we continue this in my room?" Bulong niya sa akin. Tumango ako. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Itinago ko ang aking mukha mula sa lahat sa kanyang malapad at matikas na dibdib. Oh God. I missed this man.
"Okay, guys. The show is over. If I were you, I will leave them alone and let your imagination play." Sabi ni Raion sa lahat. Maloko talaga itong batang ito. Nakangiti pa rin sila at nagkanya-kanya na ng upo sa mesa pagkatapos ay hinarap kami ng Daddy niya.
"I'm sorry for making you mad earlier this morning. The real reason why we were late was because we are making sure that Dad is really coming home. He wants to surprise you, so are we. I hope you are not mad anymore." Kumindat pa ito sa akin. Bakit pa ako magagalit di ba? Nandito na ang kasiyahan ko.
"Well, how could I get mad if you have this hunk as a peace offering." Turan ko, kinidatan ko siya. Natawa ang aking panganay. "Thank you, son. Thank you, guys." Inakap ako ng tatlo kong anak. Isa-isa ko silang hinalikan.
"We love you, Mom." Sabay-sabay nilang sabi. "We love you, too Dad." Dugtong pa nila at hinalikan din nila isa-isa ang ama. Bigla kong naalala ang aming bisita kanina.
"Nasaan ang bisita mo, Ella?" Tanong ko.
"Oh, he's not here anymore." Parang balewala nitong sabi. Nangunot ang noo ko. I gave her a questioning look. "I sent him home. It's not his time to be here. And besides, I told him to talk to his lawyer to get a hold of Daddy Grant's lawyer before he could set foot here. That's all." Napanganga ako sa mga sinabi ni Ella. Napatingin ako kay Grant.
"Do you know all this?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at tumawa.
"Like I said, if it is fair enough, my Princess gets what my Princess wants. Right, Rai?" Baling niya sa panganay niyang anak. Tumango naman ang loko at inakbayan si Ella. Dios mio, namumula ang pisngi niya na parang kamatis.
"Hey, come on. I have something for you." Agaw pansin ni Grant sa akin sabay hila paakyat sa hagdan.
SA KWARTO.
"Love, I miss you so much." Namumungay ang mga matang sabi niya sa akin, ako din sa kanya.
"You've been gone for almost a month, na-miss mo ako kaagad? Grabe ka ha." Kunwari hinampas ko siya sa braso. Kinabig niya ako palapit at siniil ng isang matamis at mapanabik na halik na halos ikapugto ng aking hininga.
Hindi pa rin nawawala ang magic. Nandun pa rin. He still have it. I so love his kisses. His lips. His hugs. His warm body. I can't get enough of him. Ipinaubaya ko ang sarili ko sa kanya. Ganun naman talaga di ba? Asawa mo syempre, magpapaubaya ka. Pagbibigyan mo. Wala eh, mahal mo, syempre.
Hindi ko alam kung ilang beses naming pinagsaluhan ang init na dala ng aming pagmamahalan. Kani-kanina lang ay may ingay pa pero ngayon ay wala na. Tahimik na ang buong kabahayan. Masyado lang kasing maharot itong asawa ko kaya hindi na namin naharap ang aming mga magulang at pamilya.
Sa sobrang harot, nakalimutan ko kung nakailan na kami. Pagod na ako pero sa tuwing hahalikan niya ako at dadampian ng haplos niya, ako ay nawawala sa aking sarili. Nawawala rin ang pagod. Kaya ano pa nga ba ang mangyayari? The harot continues. Kaya tuloy nabubuntis eh. Ay, speaking of buntis...
"Welcome home nga pala." Hingal kong sabi. Hinahabol ko pa ang aking hininga. Ang layo kaya ng tinakbo ko.
"I'm happy to be back, my love, my queen." Ayan na naman ang mga halik niya. I need to stop him dahil kung hindi baka makalimutan ko na namang sabihin sa kanya.
"Love, wait." Bahagya ko siyang tinulak.
"No. I am still up for another round." Kita mo na, di ba? Ang harot lang, grabe.
"No. Later na nga. May sasabihin pa ako sa iyong importante." Itinulak ko uli siya. At syempre, si Haring Grant ay nakabaon pa rin. Hindi na yata matutulog ang baston ni Moses.
"Can you just tell me about it while, you know..." Ay, kailangan ba talagang kumindat?
"No, this can't wait." Tahimik kong singhal. Napatawa tuloy siya.
"Okay, tell me." Itinukod niya ang kanyang siko para hindi ako masyadong mabigatan sa kanya.
"Well, what do you think about having four kids?" Seryoso kong tanong sa kanya. Tinititigan ko siya. Tinatantiya. Nangunot kasi ang noo niya.
"What do you... Oh. Really? Am I going to be a Dad again?" Yun lang at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makasagot. Muli niya akong siniil ng halik.
Sa isa pang pagkakataon, inangkin akong muli ng asawa ko. Alam kong sobra na ito. Wala na akong pahinga ganun din siya.
Alas tres na ng madaling araw, pero heto pa rin kami, walang kasawaan sa isa't isa. Ganito talaga siguro kapag mahal n'yo ang isa' isa. Hindi kayo magkakasawaan. You will miss each other constantly. You will want each other every waking moment of your life.
"I love you, Gale." Namamaos at hinihingal niyang sambit.
"I love you most, Grant." Ganti ko sa kanya.
Ngayon sabihin ng tadhana na pwede pa niya kaming paglaruan. Destiny didn't even know that the game it played was busted. It's over. It's no longer valid. There's no room for destiny's game in this love story. Grant and I defied it. Nobody and nothing can come between us and that is a promise.
~ The End ~
--------------------
End of DG Epilogue
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.29.17
Destiny's Game
©All Rights Reserved
Starts: May 3, 2017
Ends : November 4, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro