DG 7
---------------
The truth is like the sun,
You can shut it out for a time,
But it ain't goin' away.
~Elvis Presley
--------------
"Kasi hindi ko alam na ikaw at siya ay iisa." Sagot ko sa kanya.
"Pero di ba sinabi mo na dati sa akin na kamukha ko siya? Bakit hindi mo pinilit alamin?" Malumanay ang pagkakatanong niya pero halata mong sukat na sukat ito. Tantiyado niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Baka nakakalimutan mo rin na naikwento ko rin sa iyo na namatay si Gale kasama ng mga magulang niya sa sunog na nangyari sa bahay nila?" Mataman ko siyang tiningnan. Biglang namilog ang mga mata niya.
"Sila Nanay!" Napalakas niyang pagkakasabi. "Kailangan ko silang matawagan.
"Don't worry. Okay na sila Nanay. Kasama sila ng mga magulang ko." Napatingin siya sa akin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Ang ganda pa rin niyang tingnan. Ngayong sigurado na akong si Gale siya. Wala nang makapaghihiwalay pa sa amin. Dito na makikita ni Kate ang bangis ko na matagala na niyang sinusubukan. Kung si Samuel ay naduwag at hinayaan nilang patakbuhin ang buhay niya, hindi si Grant. Dito na matitikman ng mga Peralta ang kamandag ng pang-aapi nila sa pamilya ko.
"Pumunta sila Nanay Iska at Tatay Berting sa bahay ng T'yong Tonyo, doon sila nagpang-abot nila Nanay at Tatay. Nagkausap na sila ang nagkaalaman na. Alam na rin nila na magkasama tayo." Paliwang ko. Nagliwanag ang mukha ni Gale. Umupo ako sa tabi niya sa kama. Inihilig niya ang ulo niya sa akin.
"Kuya Sam, Ate Sarah, alis na muna kami ni Papang. I-text nyo na lang ako mamaya." Paalam ni Henry. Doon ko pa lang naalala na nandito pa pala sila.
"Salamat, To. Pang, salamat po." Sabi ko sa kanilang hindi umaalis sa kinauupuan ko. Tinapik ako ng tatay ni Henry.
"O siya, iwan na muna namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos." Tugon naman ni Papang Tiks.
"Opo. Salamat po uli, Pang." Hindi ako magsasawang magpasalamat sa ksnila dahil mabait naman talaga ang mga magulang ni Henry. "Toto, paki tawag si Attorney. Paki kwento na rin ng lahat." Tumango lang ito sa akin.
"Kami na ho ni Emma ang bahala. Tatawagan na lang namin si Dean kapag kailangan namin ng tulong." Sagot niya. Lumakad na sila, pero bago pa man maglaho si Henry sa pagitan ng mga kurtina ay lumingon muna siya at nagsalita. "I'm happy for you. Prof. Take your time." At tuluyan na siyang nawala.
Tahimik kami ng mga ilang sandali. Nakasandal lang siya sa akin. Isinandal ko ang sarili ko sa headborad ng hospital bed ni Gale at itinaas ang paa ko, ipinatong at ipinag-ekis ko ang mga ito.
"Matagal akong nangulila sa iyo, Gale. Matagal akong nagluksa sa pagkawala mo. Buong labing dalawang taon akong humihinga lang ngunit hindi namumuhay. I was devastated the you died. I was useless, I was worthless after you left. Hindi ko alam kung paano akong mabubuhay. Hindi ko alam kung paano hihinga, dahil sa tuwing hihinga ako ay parang may matalim na bagay na nakabaon sa puso ko, ang hirap." Hindi ko namamalayan na masagana na palang dumadaloy ang mga luha ko.
"I'm sorry, Grant. Hindi ko alam lahat ng mga nangyayari. Kung alam ko lang na ganyan kang mangungulila, sana lumaban ako kay Kate. Si Kate?! Asawa mo na si Kate! Mas lalo niya akong babalikan, Grant!" Ayun na naghisterya na po siya.
"Si Kate! Babalikan ako ni Kate! Babalikan niya ako. Si Raion?! Sasaktan niya si Raion!" Sigaw niya. Natakot ako dahil ngayon niya lang yata napapagdugtong-dugtong ang mga nangyari noon. Ngayon lang yata niya nararamdamn ang totoong takot. Tumayo ako para tawagin ang doktor. Pero bago pa man ay siya namang pasok niya.
"Ano ang nangyayari sa pasyente?" Tanong ni Doc Ilagan.
"Ewan ko ho doc, nagkukwentuhan kami kanina. Maayos naman kami tapos ganyan na siya." Alam ko nag pinagkakaganyan niya. Napansin kong nasa tabi ko na si Henry. Hawak ang kanyang phone. Nakatutok ito kay Gale na nagwawala pa rin. Sigaw pa rin ito ng sigaw, paulit-ulit.
"Babalikan niya ako! Sasaktan niya ako! Nasisiraan siya ng bait! Papatayin niya ako! Papatayin niya ang anak natin." Patuloy ang kanyang pagwawala. "Si Raion? Babalikan niyasi Raion. Sasaktan niya ng anak natin, Grant!" Patuloy niyasa pagsigaw at iyak. Naaawa ako sa kanya.
"Doc, please do something. I can't stand seeing her like that." Lumingon diya sa akin at tumango.
"Don't worry. Patuturukan ko siya ng pampakalma." Mabilis niyang sagot. Pumasok naman ang nurse na may dalang gamot. Ginawa nila ang dapat nilang gawin.
Patuloy pa rin sa pag-video si Henry. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Henry ba para pigilan sa ginagawa niya o dadaluhan ko si Gale na nagwawala. Napaupo ako sa silya sa gilid sa di kalayuan. Parang bigla akong napagod. Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko maintindihan kung galit ba ako o gusto kong pumatay ng tao. Gusto kung mawala ang mga taong nagbigay ng paghihirap kay Gale. Maya-maya lang ay kumalma na siya. Ilang sandali lang ay nakatulog na rin si Gale.
"Mr. Aranas, we need to talk. "Sabi ni Doc.
"Okay lang ba doc na nandito sila? Pamilya ko po sila." Itinuro ko si Henry at Papang Tiks. Tumango naman si Doc at humila ng isa pang upuan. Tumayo naman sila Henry sa likuran ko. Tumayo ako para bigyan ng upuan si Papang Tiks at lumipat sa tabi ni Gale. Umupo si Papang sa upuang iniwanan ko habang si Henry ay matiyagang tumayo sa tabi ng ama.
"I was able to speak with her doctor in Manila. I found out some scary stuff about this whole thing. Her doctor agreed to send me all the documents needed. I will receive it all tomorrow. I also found out that Gale's mother is my wife's cousin. Akala nila namatay na ang mga ito sa sunog eleven years ago, dahil yun balitang natanggap namin dito. Mr. Aranas..." I cut him off.
"Grant na lang po." Napatitig siya sa akin.
"Wait. ikaw si Grant?" Bahagya akong napatda sa tanong niya.
"Opo. Ako po ang boyfriend ni Gale simula nung high school pa kami." Sagot ko. Nakita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.
"Hayaan n'yo maiintindihan ko rin ang lahat ng ito, kapag nakuha ko na ang mga medical records na manggagaling sa doktor niya mula sa Manila. For now, eto ang mga resita niya. Mga vitamins yan at isinama ko na rin yung pampakalma, just in case she experience the same thing, katulad nito ngayon, tsaka mo palang ibigay sa kanya." Paliwanag ni Doc Ilagan. "Saan ba kayo dito tumutuloy ngayon?" Dugtong pa niya. Sinabi namin sa kanya ang kung saan kami tumutuloy.
Dahil sa mahimbing pa rin ang tulog ni Gale, pinagpasiyahan kong ikweto sa kanya ang lahat ng mga nangyari simula sa umpisa, pati na rin pagpapakasal ni Carlitos kay Gale at ang nangyaring kasal sa pagitan namin ni Kate. Ang aksidenteng pagkikita namin ni Gale sa New York bilang si Sarah, ang mga nangyari sa amin doon, at ang pagbabalik namin sa Pilipinas.
Nasabi niya maaaring mali yun at mahirap patunayan sa korte na panlilinlang nga ang mga nangyaring kasal. Kailangan lang daw naming maging matatag sa pagharap ng lahat ng ito. Ipanalangin na lang daw namin na may taong lumabas at magsasabi ng totoo. Sana may taong nakakaalam ng buong katotohanan. Sana may taong nakakita sa buong pangyayari.
"Kaya yan ng abogado ko yan. May magagawa ang batas para mapawalang bisa ang mga kasal n'yo sa mga taong ito." Napalingon kami kay Papang Tiks.
"Paano n'yo pong nasabi yan Pang?" Paanong mangyayari yun? Legal ang mga kasal namin sa kanya-kanya naming asawa.
"May halong panlilinlang ang mga kasal na iyon. Ikaw, ang sabi mo tinakot ka. Si Sarah naman ay Ikinasal ng hindi man niya kilala ang sarili dahil sa amnesia at ni hindi man lang sila nagsiping, ganun din sa iyo, Samuel. Mga bagay na madaling mahanapan ng paraan yan. Kailangan mo lang ay magaling na abogado." nagkatinginnan kami nila Henry at Doc Ilagan. Tama nga si Papang.
"Kuya Sam, tinawagan ko na nga pala si attorney. Naikwento ko sa kanya ng konti ang nangyari. Alam naman na daw niya ang nangyari dahil tumawag daw po ang mga magulang n'yo sa kanya at naikwneto na daw na rin ang lahat ng mga magulang ni Ate Sarah." Wow. Ang bilis huh. Ibig pa lang sabihin may mga karamay na kami ngayon. Hindi na kami nag-iisa.
"Ang swerte ko naman. Namin." Naiyak ako sa bilis ng mga pangyayari. Wala pang alas dos ng hapon nalaman na namin ang mga nangyari sa loob ng halos labing dalawang taon.
"Kuya Sam, gising na yata si Ate." Napalingon kaming lahat sa kanya. Nakita naming kukurap-kurap si Gale hanggang sa naimulat niya ng lubos ang kanyang mga mata. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at tinulungan ko siyang umupo at isinandal sa headboard ng metal bed. Kita mo pa rin ang takot sa kanyang mga mata.
"Mabuti naman at nagising ka na. Napahaba yata ang kwentuhan natin." Pabirong sabi ni Doc. Napatawa tuloy si Papang Tiks.
"How are you feeling?" Tumingin at ngumiti lang siya sa akin. Bahagya ko siyang hinila pasandal sa akin. Nagpaubaya naman siya. Nagtuloy pa ng kaunti ang kwentuhan namin. Marami pang ipinunto si Doc at Papang Tiks sa amin. Kahit papaano ay nagkaroon kami ng konting pag-asa. Mahirap man ito at matagal na proseso pero alam kong makakaya namin yun.
"You guys can go home now. Ako na ang bahala sa mga darating na dokumento galing sa doktor ni Gale. For now, enjoy the day. Ingatan mo yang pagbubuntis niya." Paalala ni Doc Ilagan. "Nong Tiks, kayo na po ang bahala sa kanila." Tumango naman si Papang Tiks sa kanya.
"Nong? Ano yun?" Tanong ko.
"Magpinsan ang mga asawa namin. Nakakatanda sa kanilang tatlo si Manang Fely kaya Manong ang tawag ko sa kanya." Pahayag ni Doc Ilagan. Napatango-tango na lang ako.
Ano to? Bakit parang pakiramdam ko napasok kami sa Twilight Zone, magandang twilight zone. Parang alternate universe na lahat ng nasalubong namin ay somehow konektado sa pamilya ni Gale. Nakakaba na nakakatakot and at the same time nakakatuwa.
"Gale, tara na." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para maalalayan siya. Ngumiti siya sa akin. Alam ko ang ngiti ni Sarah pero ang ngiti niya ngayon ay ngiting Gale. Nagbalik na nga siya. Nagbalik na nga ang Gale na kilala ko. Nakulong lang pala siya sa pagkatao ni Sarah.
"Grant, ano ang gagawin ko kapag binalikan ako ni Kate?" Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Nakaupo siya sa wheelchair na ngayon ay itinutulak ko dahil at last, uuwi na kami sa bahay nila Henry. Mahabang oras na rin kaming nawala sa paningin ng mga bata.
"Wag na muna natin pag-usapan yan ngayon. What we need to focus on is how to get you and our baby safe from all of them. Safe from everything." Yumuko ako at hinalikan ko siya sa ulo. Pinisil niya kamay ko.
Ipinarada na ni Papang ang van sa harapan mismo ng hospital. Inalalayan ko siyang makasakay sa likuran at umupo na rin ako sa tabi niya. Sumandal siya sa akin. Sumakay na si Papang sa passenger seat at si Henry na ang nagmaneho.
"Hijo, pagdating natin sa bahay siguro ay magpahinga na muna kayo, bukas na kayo maggala. Nagpaluto ako ng sinigang na lukon sa batwan sa Mamang n'yo para sa hapunan." Pagbabasag ng katahimikan ni Papang. Nakakabingi na kasi eh.
"Lukon? Batwan? Ano yun?" Tanong ko. Napangiti si Papang na humarap sa amin.
"Lukon ang tawag namin dito sa malalaking hipon." Sagot ni Papang Tiks. "Yung batwan namn ay siyang gamit namin para pampaasim imbes na sampalok." Dugtong niya. Napangiti ako. Sigurado akong amy kinalaman si Henry dito.
"Ay masarap yan, Pang. Paborito ko po yan." Masaya kong sagot. Kailangan kong mapasigla ang aking tinig para hindi na masyadong mag-alala si Gale at magandang usapan ang pagkain.
"Ah ganun ba? Mabuti naman pala at yun ang niluto ng Mamang n'yo." Nakangiting humarap siya unahan.
"Pang." Tawag ni Gale. Napalingonnaman ito sa kanya. Mahina ang pagkakatawag niya yun pero parang ang lakas ng dating.
Wala na. Nagunaw na naman ang pader na itinayo ko. Nawala na lahat ng inhibisyon ko. Balik reyalidad na ako. Reyalidad na buhay siya. Buhay na buhay. Ngayon na ang panahon na hinihintay ko. Hindi man inaasahan pero ngayon ako mas lalong naniniwalang hindi nga natutulog ang Diyos. Tama nga ang kasabihang "What's done in darkness
always comes to light."
"Ano yun, hija?" Malambing na tanong ni Papang.
"Maraming salamat po." Simple niyang sagot pero parang musika sa aking pandinig.
"Kuya!" Tawag pansin ni Henry sa akin.
"Ano yun, To?" Doon ko pa lang nakita ang maharot na tingin niya sa akin. "Gusto mo ng panyo? Medyo paki punasan ng kaunti yang bibig mo baka kasi bumaha dito sa loob ng van." Simple niyang sambit. Sinasabi ko na nga ba eh. Napuruhan na naman ako ng mokong na ito. Di bale makakaganti din ako sa kanya.
"Ulol! Yang kalsada ang harapin mo!" Natawa si Papang sa amin. Pero si Gale, tahimik lang. Nakasandal lang sa akin.
"Nakatingin naman ako sa kalsada ah. Tingnan mo, nandito na tayo." Sabay park ng van sa mismong harap ng bahay nila. Nakita kong nakatayo na ang dalawang bata sa pintuan kasama si Emma at Blue. Nakikita ko ang takot sa mukha ni Raion. Mas lalo akong nasabik sa kanya. Mas lalo akong natuwa dahil naalala kong tinawag niya akong daddy kaninang umaga bago namin nadala sa hospital si Gale.
Binuksan ko ang pinto ng van at inalalayan ko siyang bumaba. Tumakbo si Raion papalapit ng makitang bumaba ang ina. Tumutulo ang luha niya. Pero imbis na ang ina ang akapin ay ako ang inakap niya. Ako pa talaga ang inakap niya. Para namang natunaw ang puso ko. Lumuhod ako sa harap niya at pinakatitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang sarili sa kanya. Ngayon sigurado na ako, anak ko nga si Raion.
Ngayong nasa kamay ko na ang mag-ina ko, matitikman ni Kate ang galit ko. Matitikman nila Carlitos ang poot na matagal ko nang kinikimkim. Pagbabayarin ko sila sa lahat ng pahirap at pasakit na ginawa nila sa amin. Mararanasan nila ang lungkot, sakit, at pait na pinaranas nila ng mahabang panahon. Mata sa mata, ngipin sa ngipin, yan ang dadanansin nila dahil lintek lang ang walang ganti. Ngayon nila makikita kung gaano magalit ang isang Samuel Grant Aranas.
"Dad, is it true that you are my daddy?" Napukaw ng tanong niya ang lalim ng aking pag-iisip. Teka...
"Wait. Who told you that?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko pa siya nakakausap. Napalingon ako kay Ella. Nakangiti ito. May alam na kaya ang prinsesa ko?
"Don't worry, dad. She didn't know. I didn't tell her." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko ang kamay ni Gale sa balikat ko. "Lola told me on the phone earlier. She said that my real dad was with my mom in the hospital and his name is Grant. I ask Ate Emma what's your real name and I also remember that you introduce your name as Samuel Grant. Is it true?" Patuloy niya. Matalinong bata si Raion at madali kong napansin yun. Sa edad na lalabing isang taon, makikitaan mo na siya ng pagiging mature.
"Yes. I am your dad." Maikli kong sagot sa kanya. Inilapat niya ang kanyang kamay sa balikat ko at tinapik-tapik ito. Para na siyang matanda kung makipag-usap. Naiiling na lang ako.
Sabi ni Tatay noon, ganito daw ako makipag-usap sa mga nakatatanda sa akin. Kahit na bata pa daw ako, mahilig daw akong makipagkwentuhan sa mga nakakatanda sa akin na ikinatutuwa naman ng mga kaibigan nila Tatay dahil palatanong ako at nakatutok sa kanilang mga kwento.
"Mom, I know you don't remember anything yet, but why are we not with him? Why are with Tito Roger?" Tanong niya. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa ina. "I wish you could remember who my dad is." Bigla niyang dugtong. Nagulat ako. Akala ko ba sinabi na sa kanya ni Nanay Iska?
"Rai, I thought Nanay Iska already told you the truth?" Tanong ko sa kanya. Titig na titig siya sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay niya na humahaplos sa aking pisngi. Parang din hinaplos ang aking puso ng makitang may namumuong luha sa kanyang mga mata. Awang awa ako sa hitsura niya. Parang may sariling isip ang aking mga kamay. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Malamig ito at nanginginig.
"Yes, she did. But I am still hoping to hear it from mom herself. I heard Lola and Lolo talking before that my dad was mom's first and only boyfriend and that's where I got my namesake, my dad's second name." Bumuntong hininga ito.
Muntik akong matawa kung hindi ko lang talaga nakikita ang sakit at hirap sa mata ni Raion tumawa na kao. Para itong matanda kung makaasta. I am proud to see the kind of a kid he is. I am pretty sure, magiging isang mabuti tao ang anak ko paglaki niya. Sa katulad ni Gale na walang maalala sa kahapon, napalaki niya ng maayos ang anak namin. Napaluha ako nang maisip ko paghihirap na dinanas niya nung siya'y nagbubuntis, nanganak at nagpalaki kay Raion nang wala ako, kahit na kasama pa niya ang kanyang mga magulang ay hindi ko siya nasamahan. Hindi ko siya nadamayan.
Kahit na naging malamig ako kay Kate, inalalayan ko siya sa kanyang pagbubuntis. Hindi ko siya pinabayaan. Hindi man kami magkasama sa iisang kwarto ay hindi ko naman siya binigyan ng kahit na anong dahilan para magkaroon ng sama ng loob habang nagbubuntis siya. Hindi rin siya nagpilit noon dahil alam niyang pinilit niya lang ako. Alam niyang hindi ko pwedeng ibigay ang hinihingi niya, dahil alam niyang hindi ko anak ang ipinagbubuntis niya.
Ngayong buntis uli si Gale, ngayong kasama ko na siya, hinding-hindi ko siya pababayaan. Hinding-hindi ko siya bibigyan ng dahilan para maghirap sa kanyang pagbubuntis. Iingatan ko siya. Gagawin ko ang lahat para maibigay ko sa kanya ang hindi ko naibigay noon. Gagawin ko ang mga bagay ngayon na hindi ko nagawa para sa kanya noon. Ipaparamdam ko ang buo kong pagmamahal sa kanya na hindi ko na naiparamdam sa kanya noon.
"Sam... Uhm... I mean Grant? Are you okay?" Natulala na pala ako. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya.
"Yeah, I am fine. I'm just a little overwhelmed, that's all." Sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Gale na nakapatong sa aking balikat at marahang tinapik-tapik ito.
"Rai, baby. Can we talk about this inside? Mommy wants to sit down." Ang tamis ng ngiti niya. Yan ang ngiting matagal ko nang pinananabikan. Ang tagal kong hindi nakita ang ngiting yan.
"I'm sorry, mommy. Let's go inside." Hawak sa kamay ang ina, inakay niya ito papasok. Hinayaan ko siyang gawin iyon kay Gale. Nakangiti ako sa kanyang inasal. He is a perfect gentleman. Hindi ko ito sinasabi dahil anak ko siya. Sinasabi ko ito dahil nakikita ko ito sa kanya mula pa kaninang umagang hindi ko pa alam na anak ko nga siya. Pinagbigyan niya ang arte ni Ella. Hinayaan niyang magpatalo dito. Ngayon naman ay alagang alaga ang ina.
Nakapasok na ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Ella sa kamay ko. Tiningnan ko siya at ngumiti ako sa kanya. Naiisip ko, ano kaya ang mangyayari kay Ella pagkatapos ng lahat ng ito? Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Dad, is Tita Sarah going to be okay?" Tanong niya.
"Yes, Princess. She'll be fine." Sagot ko naman. Ngumiti siya sa akin at inakap ako. Hinalikan niya ang ilong ko.
"Daddy, if you are going back to your family, will you take me with you?" Nagulat ako sa sinabi ni Ella. Ano ang ibig sabihin ng batang ito. Nakakakiliti pero hindi ganun kadali.
"Princess, who told you that? Have you forgotten, you are my family?" Sabi ko sa kanya sabay halik sa ilong niya.
"Daddy, I heard mommy and her friend in the garden. He told mommy to let you go so you can be with your real family." Nakangiti ito at hindi man lang nabahiran ng kahit na anong lungkot. She's only five, almost six, but she is really smart for age. Sometimes, she's too smart for her own good that she gets herself in trouble. Nakakaloko nga minsan mas magaling pa sa katuwiran ko ang mga katuwiran niya.
"Honey, What else you heard from mommy and her friend?" Mas maganda nang matanong ko na siya ngayon.
"He got mad at mommy when mommy scolded mmommy and said stay away from them. He was scary daddy but mommy listened to him. He said, it's time for mommy to tell the truth. Mommy got mad and started crying. She yelled at me again. She was mean to me, daddy. I was sooo happy when you got home, because I know you will protect me." Inakap niya ako ng mahigpit.
"Don't worry baby. Daddy will always protect you." Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ko at bumulong.
"I know, Daddy. That's why I love you." Maaaring inaantok na ito. Nalampasan na ang afternoon nap na niya at alam kong hinihintay niyang may tatabi sa kanya.Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa taas para maihiga ko na siya.
"Dad...." Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Raion.
"Why did he call you dad, daddy?" Eto na po ang tanungan portion. Mahihirapan ako nito. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na hindi siya masasaktan. Mas mabuti pa nga siguro na wag ko na munang pansinin.
"Yes, Rai? Do you need anything?" Binaling ko ang pansin kay Raion. Hahanapan ko muna ng paraan kung paano ko ipagtatapat ang totoo na hindi siya malilito. Napakabata pa niya. Bakit ngayon ko lang kasi sila nakita. Bakit ngayon lang. Sana noon pa bago dumating si Ella.
"Where are you taking Ella?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Diretso lang ang tingin sa mga mata ko. Parang mama na kung umasta ang batang ito.
"To her room. She needs her afternoon nap. Do you need anything?" Umiling lang siya sa akin.
"May I take her instead?" Pagpipresinta niya. Seryoso? Bakit?
"What?" What ka diyan. Wala, mukhang tanga lang. Hindi kasi umayos eh. Kalmahin mo lang Samuel ang sarili mo okay. Nagmumukha ka ng tanga dahil sa ginagawa mo.
"I said, may I take her instead." Pag-ulit niya. Narinig ko naman ang sinabi niya pero parang hindi agad rumehistro sa utak ko.
"Why?" Anong why? Ang tanga mo Samuel. Ano ba ang nangyayari sa akin bakit parang ang hina ng utak ko ngayon.
"Why? Because mom's gonna need you. Ate Blue and Ate Emma will help me anyway." Sagot pa niyang nakangiti. Ang sarap naman ng may isa pang nag-aalala para sa iyo. Maganda ang pagkakagabay ng mga magulang ni Gale sa anak namin. Alam ko na lalaki siyang matino, mabait at maalalahanin na lalaki. "Why are you crying, dad?" He then ask.
"I am just happy that someone is helping taking care of your mom." He wiped my tears. Ella joined in wiping my tears. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buhay at bakit parang ngayon bumuhos ang lahat ng ligaya sa mundo. Na-o-overwhelmed ako at natatakot dahil baka panaginip lang ang lahat at kapag nagising na ako, mawawala na sila.
"Oh Dad, you're so silly." Sabi ni Ella at humalik pa ito sa pisngi. Patuloy lang siya sa paghagikhik, pati si Raion ay natawa na rin sa kalokohan ni Ella.
"I know, honey. Daddy is just being sentimental." Ngumiti ako sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Sen-ten-men-dal? What is that, daddy? It's a big word. Ella can't understand sementel." Nakakunot na ang kanyang noo, nakanguso pa. Mahinang napatawa si Raion sa sinabi niya. Kinuha siya ni Raion mula sa akin at pinalakad.
"Princess Ella, It is not sementel. It's sen-ti-men-tal. It meant he's feeling sad but in a way, he's happy." Narinig ko pang paliwanag ni Raion sa kanya. Talagang matalinong bata siya.
"Prince Rai, will you teach me more big words?" Ano daw? Kelan pa naging Prine si Raion? Napailing na lang ako. Naramdaman ko na may kamay na humawak sa braso ko.
"Grant, hayaan na lang natin sila. Sabik lang siguro silang pareho sa kaedad nila." Si Gale. Simula kaninang may maalala siya ng kahit na konti ay nagbalik na ang lambing trademark ni Gale. Malambing si Sarah, pero mas malambing si Gale.
"Kelan pa naging prince si Rai?" Wala sa loob kong tanong. Natawa siya sa akin at hinila na akong pababa ng hagdan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Pinagmamasdan ko ang gandang matagal ko nang kinasasabikan. Hindi naman sa pagiging tanga. Oo nga at halos tatlong buwan ko nang nakakasama si Gale bilang Sarah, pero iba pa rin yung siya mismo. Yung naaalala na niya ang sarili niya. Yung naaalala niya ang nakaraan.
"Simula nung nagtabi sila sa eroplano." Sagot niya.
"Wow." Yun lang ang nasabi ko.
"Oh, bakit kayo nandito? Akala ko ba kailangan mong magpahinga?" Bungad ni Mamang Fely.
"Mang, nagugutom po yata." Mukha kasi kaninang umaga pa kami walang kain maliban sa kape na nabili namin sa airport habang naghihintay sa pagdating nila ni Emma at yung maliit na pakete ng peanut snacks at crackers na halos hindi umikot sa lalamunan namin..
"Ay sige na umupo na kayo at ipaghahanda ko kayo." Ang bait talaga ng nanay ni Henry. Ano kaya kung dito muna kami? Paano kaya kung humingi ako ng emergency leave? Pero ano na lang ang sasabihin nila na bigla na lang kaming nawala ng sabay ni Gale? Pwede namang siya ang mauna tapos susunod ako. Haaayy.... Ang hirap naman nitong pinasok namin.
"Upo ka na muna dito. Ikukuha kita ng tubig." Ngumiti na naman siya sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, she'll be the death of me, I know that for sure.
"Kuya Sam. tumawag si Dean, hindi ka na daw niya tinawagan dahil alam niyang marami ka nang iniisip ngayon kaya ako na lang." Panimula ni Henry. Alam kong may kasunod pa yun. Naghintay ako pero wala.
"Aano daw?" Pag-eencourage ko pero wala pa rin. Nagkibit balikat lang siya. "Ano ang sabi niya?" Dugtong ko. Ngumiti lang siya sa akin at tumingin kay Gale.
"So, may naaalala ka na, Teh?" Tanong niya. Halatang iniiba niya ang usapan kaya hinayaan ko na lang. Baka importante at masyadong sensitibo na ayaw niyang marinig ni Gale. Okay lang, pwede naman naming pag-usapan mamayang gabi kapag tulog na ang lahat.
"Konti pa lang naman, hindi pa buo. Pero natatandaan ko na si Grant... I mean si Sam. Nakita ko siya sa setting na high school pa kami. Nakita ko siya sa isa sa mga visions ko na nasa tabing ilog kami gumagawa ng project. Tapos umuulan, kumikidlat tapos umapaw yung ilog. Tapos may nakikita akong dalawang taong magkasama at natutulog. Yun ang una kong nakita." Pagkukwento niya. Napapikit siya ng madiin at sinapo ang ulo niya.
"Ate Sarah, wag mong pilitin. Eto oh, kain ka muna ng sopas." Ipinatong ni Blue ang sopas sa harapan niya.
"Nasaan ang mga bata at si Emma?" Tanong ko.
"They're upstairs po Kuya, keeping each others company. Nag-i-storytelling si Raion while nagpapaka-sleepy naman si Ella. Kuya, sa palagay ko you are going to have hard time talaga pag-uwi n'yo. Raion is making Princess Ella super spoil. Grabe." Ang sakit talaga sa ulo ng batang ito.
"Cassidy Blue! Umandar na naman yang pagkaconyo mo! Umayos ka nga!" Napailing na lang ako. Narinig kong humagikhik si Gale sa tabi ko. Napapatunganga na lang ako sa kanya. Ang ganda ng aura niya. Makikitaan mo siya ng pag-aalala pero parang hindi naman niya masyadong iniinda.
Nagpatuloy ang bangayan ng magkapatid na Java. Nasanay na siguro ang mga magulang nila sa kanilang dalawa. Dumating ang bunso nila, nasinghalan ito ni Mamang dahil buong maghapon sigurong wala sa bahay. Puno ng pawis ay mukhang pagod na pagod.
"Ikaw ha! Di ka na nahiya! Palagi mong nilalayasan sila Mamang. Walang pasok Heath Cyrus kaya wala kang pwedeng i-alibi. Tinulungan mo ba sila dito kanina?" Siya ni Henry sa kanya. Natahimik ito na parang natatakot.
"Kuya Toto, pasensya na po nag-basketball lang. Hindi ko lang mahindian yung pag-anyaya nila Manong Nonoy at Manong Peding." Subok niyang pagrarason.
"Peding huh?! Hindi ka alis ng bahay. Subukan mo lang at yang si Nonoy at Peding sa kalaboso sila dadamputin ng nanay at asawa ng mga yan!" Hindi man pasigaw ay may diin namang sabi ni Henry kay Cyrus.
"Kuya naman, basketball lang eh pinapalaki mo pa." Paghahahnap nito ng lusot.
"Sige, ituloy mo lang, makikita mo ang hinahanap mo, Heath Cyrus." Tumalikod n si Henry para tulungan ang ina.
"Cy, if I were you, I'll go upstairs na and take paligo ka na lang kasi you're so mabantot na. You smell pawis. You hear that second chapter of the sermon." Malamig at parang balewala lang na sabi ni Blue. "Go! or you'll lose your phone." May takutan pa pala dito. Mabilis na umakyat sa taas ng bahay si Cyrus at halatang natakot naman sa sinabi ng kapatid.
Nakaupo lang kami ni Gale habang pinapanood sila sa kanilang mga ginagawa.
"Grant, I need my marriage annulled as soon as possible." Biglaang bigkas ni Gale. Inaasahan ko man na sasabihin niya yun pero hindi ko pa rin inaasahan na sasabihin niya yun ngayon mismo. Ang bilis talaga ng mga pangyayari.
"What? Are you sure?" Alam ko naman na sigurado siya pero syempre kailangan ko pa ring itanong.
"I am sure. Wala akong obligasyon sa kanya and we never consummate our marriage. I live in a different house. He comes and he visits me once in a while but that's about it. His parents despise me so much to the point where they can't even look nor glance at me. They want Kate for him. '' Nagulat ako sa huli niyang sinabi.
"What did you say?" Nag-ring ang phone bago pa siya nakasagot. "Hello?"
"Samuel." Shit! Si Kate.
"Anong kailangan mo, Maybel." Parang mawalan ako ng gana. Nasira na ng mood ko.
"Bakit mo dinala si Ella? Ibalik mo siya sa akin! Wala kang karapatan!" Sigaw niya sa kabilang linya. Inilayo ko kaunti ang phone sa tenga ko.
"Karapatan? Sigurado ka? Don't start right now." Nakakainis ng babaeng ito. Wala nang alam gawin kundi guluhin ang tahimik kong araw.
"Iba balik mo ba si Ella o guguluhin ko ang mga magulang mo?" Pagbabanta niyang tinawanan ko lang. EWalanghiya pala ang babaeng ito eh. Ako pa ba ang pagbabnataan niya? Nakikinig lang ako sa litanya niya.
"Henry, tawagan mo sila Nanay. Tanungin mo kung nasaan na sila." Pabulong kong utos kay Henry. Tumango naman siya at mabilis na tinawagan ang Nanay. Tuluy-tuloy pa rin si Maybelline sa kadadaldal niya. Ilang sandali pa ay humarap sa akin si Henry.
"Nasa White Plains na po kasama ni Dean at ng abogado nito. Kasama din po nila ng mga magulang ni Ate Sarah." Pabulong ngunit mabilis na sabi ni Henry.
"Maybel. Maybelline!" Tuloy pa rin ang pagsigaw at panggagalaiti niya.
"I am sick and tired to be your doormat! Patay na si Gale. Patay na ang babae mo!" Dito na nagpanting ang tenga ko.
"Maybelline Kate Peralta! You better shut your mouth or I will make you suffer the same way Gale suffered. Don't push me. Touch my parents and I will make sure you go to hell!" Natahimik siya kabilang linya. Hikbi niya lang ang naririnig ko. "Ikaw na rin ang nagsabi na anak ko si Ella di ba? So, saan doon ang parteng wala akong karapatang isama siya sa kung saan ako pupunta? Tigilan mo ang pagiging praning mo. Harapin mo ang katotohanan para hindi ka hinahabol ng multong ginawa mo." Sigaw ko sa kanya sabay patay ng tawag. Nakaramdam ako ng grabeng pagkapagod.
"Grant? Okay ka lang ba?" Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ni Gale. Hinawakan ko iyon para mainitan ng kaunti. Grabe ang panlalamig niya. Di ko akalain ba pwede palang mangyari yun? Wala man sa harap mo ang taong may ginawa sa iyong masama na halos ikawala ng buhay, yung epekto nito ay parang nakaharap din lang ito sa iyo.
"Okay lang ako. Ikaw ang hindi okay. Kita mo oh, nanlalamig ang mga kamay. Nanginginig ka pa. You need to calm down a bit, buntis ka pa man din hindi magiging maganda yan para sa iyo at sa baby natin." Paliwanag ko sa kanya. Inakbayan ko siya inihapit siya palapit sa akin.
"Sam, ano kaya kung dumito na muna kayo. Wala namang may nakakakilala dito sa inyo. Wag mo na lang kaya munang ibalik sa Maynila ang mag-iina mo." Nagulat ako sa sinabi ng Mamang ni Henry. Paano niyang nalaman ito? Napatingin ako kay Papang at Henry. Nagkibit balikat lang si Papang Tiks.
"Sorry, Kuya. Kailangan naming ikwento kay Mamang dahil kung hindi siguradong hindi rin naman tayo titigilan hangga't hindi natin naikukwento sa kanya ang lahat. At kung saka-sakali mang magkagipitan, si Mamang lang ang makakatulong sa atin. Hawak niya ang bayang ito." Paliwanag ni Henry. Hindi naman ako galit, nagulat lang ako. Ni hindi ko nga narinig na nagkukwentuhan sila tapos biglang halos buong life story namin ni Gale alam na agad.
"Sam, hayaan mo na si Mamang mo na makatulong. Ang totoo niyan, balwarte ito ng pamilya ng mamang n'yo. Mula doon sa bungad ng bayan hanggang doon sa dulo ay halos kamag-anak niya ang mga nakatira dito, kaya alam na ng lahat na may bagong dating. Ang mamang n'yo na ang bahala diyan. Kahit na maglakad pa kayo ng hatinggabi sa kalsada dito ay walang may gagalaw sa inyo dahil diyan sa Mamang n'yo." Mabilis na paliwanag ni Papang Tiks.
Naalala ko ang sabi ni Nanay Isaka na may ite-text siya sa aking panglaan ng pamilya nila dito.
"At kahit na puntahan pa kayo dito niyang kausap mo sa cellphone mo na yan ay wala rin siyang magagawa dahil wala siyang makukuha. Uuwi lamang siya na may takot sa puso at baka ikawala pa ng kanilang bait kapag ipinilit pa nila." Mabilis at may pagmamalaking sambit ni Mamang. Natutuwang naluluha naman ako sa mga ipinapakita ng pamilya nila sa amin.
"Maraming salamat po. Bakit ho ba ang bait n'yo sa amin. Simula ng dumating kami, puro kabaitan lang ang ipinapakita sa amin." Gusto kong maluha dahil sa sobrang tuwa at galak na may mga tao pa palang katulad nila.
"Sam, sa loob ng halos mag-aapat na taon na pagtatrabaho ni Henry bilang assistant mo ay napakalaking bagay na para sa amin. Hindi niya kailangan pang magtrabaho sa labas ng campus at uuwi ng gabi na. Delikado pa man din ang daan pagkatapos ipapagamit mo pa ang kotse mo sa kanya basta susunduin ka niya sa umaga. Kung tutuusin, sobra-sobra pa nga ang ginawa mo eh. Hindi mo pinabayaan ang binata namin. Tapos eto namang si Blue ngayon. Nang dahil sa iyo nakapasok siya unibersidad kung saang magkasama sila ng Kuya Toto niya. Pareho kayong mabait ni Sarah kaya hindi ako magtatakang binibiyayaan na kayo ng Diyos ngayon. Ibinabalik na ng Diyos ang alaala ni Sarah dahil alam Niya na panahon na. Ito na ang tamang panahon para sa inyo. Dahil alam ng Diyos na kahit madami pang gustong humadlang sa inyo, matatag na kayo. Pinatatag na niya kayo ng magkahiwalay kayo, mas patatagin pa Niya kayo na magkasama." Parang pinipiga ang puso ko sa saya. Walang mapagsidlan ang tuwa sa aking puso sa mga sinabi ni Mamang Fely.
Napayuko na lang ako dahil hindi na kinakaya ng puso ko ang sobrang emosyong nararamdaman nito. Para na itong sasabog. Hindi ako makahinga.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang malumanay na paghaplos sa likod ko. Unti-unti kong itinaas ang aking ulo para makita ang may gawa nun. Bumungad sa akin ang matamis ng ngiti ni Gale. Siya pala ang humahaplos ng likod ko.
"Sam, okay lang ang umiyak, hijo. Hindi nakakabawas sa pagkalalaki ang umiyak. Maganda sa puso yan. Ilabas mo lang para bukas maayos na ang pakiramdam at desposisyon mo. Para bukas makakaisip ka na kung ano ang pwede mong gawin para ipaglaban kung ano ang meron ka ngayon. Kung ano at sino ang gusto mong makagisnan sa paggising mo sa umaga at kasama mong maglakad sa dalampasigan habang pinapanood papalubog na araw." Dahil sa sinabi ni Papang Tiks, nakaisip ako ng magandang pwedeng gawin. Kailangan naming makausap si Auntie Rhoda. Babalik ako ng Manila katulad ng plano, pero isa lang ang mababago.
"Salamat Pang. May naisip na po akong solusyon." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Gale, Hinapit siya ng malapit sa akin at hinalikan ko ang gilid ng ulo niya. "Henry, meeting tayo mamayang kapag tulog na ang dalawang bata. Tatawagan ko muna si Dean." Oo, kapag kaharap o nasa harap ng ibang tao, Dean ang tawag ko kay Auntie Rhoda.
"O paano yan. Puntahan n'yo na yung dalawang bata para makakain ng maagang hapunan, mapatulog na rin ng maaga at ang makapag-usap kayo ng maayos bago kayo gumala bukas." Mabuti pa nga. Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni Blue.
"Ako na, Kuya. I'll call then na lang." Sabi pa niya. Bakit ba nauso ang conyo? Sino ba ang nagpauso ng ganyang klase ng pananalita? Ang sarap patayuin sa Bagumbayan at i-firing squad.
"Blue!" Sigaw ni Henry na hinihilot ang noo. Namumula ang mukha nito pati na ang tenga, ngayon alam mo na ngang galit na ito.
"What? Oh Kuya, why are you so mahigpit ba? You make kalma okay." Naku po! At talagang dinugtungan pa.
"Cassidy! Aakyat ka ba para kunin na ang mga bata o ako na mismo ang papalo sa iyo?" Pagbabanta ni Papang Tiks.
"Ilapit mo nga sa akin yang batang yan, Tiks, nang makurot ko sa singit!" Dagdag naman ni Mamang sa pagbabanta ni Papang Tiks sa nag-iisang anak na babae. Nakangiti na lang ako. Hindi na ako nagtataka na mabilis naging magkasundo si Ella at Blue. Parang bigla akong kinabahan. Ibig sabihin ganyang ding lalaki si Ella? Ay, Diyos na mahabagin. Kaawaan nyo po ako sa kahaharapin ko sa aking prinsesa.
"Wag na po kayong mag-alala. Mamaya n'yo katayin si Ate Blue. Nakasunod na po ang mga bata kasama si Ate Emma." Anunsiyo ni Cyrus pagpasok ng kusina.
"Mommy!/Daddy!" Sabay na sigaw ni Raion at Ella.
"Be careful you two. Raion, remember what I always tell you, huh?" Malambing ngunit dinig mo ang pagiging istrikto ni Gale sa pananalita. Yan ang Gale na kilala ko. Matapang. Istrikto, maganda, magaling at napakalambing.
"I'm sorry, mommy. We just got so excited coz you're home already." Ubod tamis na ngiti ang ibinigay nito sa ina. Pasimple siyang tumingin sa akin at agad namang babawiin. Titingin kay Ella tapos titingin uli sa akin. Titingin naman sa ina tapos titingin uli sa akin. Napapangiti na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng batang ito ngayon.
"Rai, what are you doing?" Tanong ng ina sa kanya. Kita mo ang panandaliang pagkataranta sa mga mata nito. Nandidilat ito na napatingin sa akin.
"Uhm.. no-nothing, M-mommy." Sagot naman niya. Napangiti ako.
"Do you want to say something, son?" Mas lalong nandilat ang mga mata niya sa pagsasalita ko. Mabilis siyang umiling-iling.
"Raion Grant. I know you. If you want to ask or say something, you need to open your mouth, use your words. Remember what happen the last time you keep things to yourself?" Napayuko ito at parang naluha. Ano kaya ang nangyari nung nakaraan? Bakit parang apektado pa rin siya.
"Okay. I'm sorry, mommy. I didn't mean to." Sabi niyang sa akin na katingin. Napamulat ako ng mata dahil parang may panunumbat sa mga mata niya. Napatingin ako kay Gale na nakatitig din pala kay Raion.
"Now, tell me. What is on your mind?" Pang-eengganyo ng ina sa kanya.
"I want to ask something but I don't want hurt her feelings." Sabay turo kay Ella. Nakaramdam ako ng kakaibang pride. Hindi man ako nagpalaki sa kanya pero yung isipin pa niya muna ang mararamdaman ng iba bago ang sa kanya. Parang si Gale lang. Ganyang-ganyan siya. Mas uunahin pa ang kapakanan ng iba kesa sa sarili.
"Is it really important?" Tanong ko sa kanya. Tumango lamang siya. Naintindihan ko naman.
"Princess Ella, come with me." Pag-agaw pansin ni Blue.
"Where Ate? I want to stay here with daddy." Sagot naman nito na nakanguso pa. Napako ang tingin ni Raion sa sahig. Nakaramdam ako ng awa.
"I need your help. I need to change my shirt, it smells na." Nakangiwi ang mukha nito. "You want to smell Ate?" Hinila pa ni Blue ang blouse niya palapit sa mukha ni Ella. Iniiwas naman nito ang mukha at itinago pa sa dibdib ko.
"Fine! Daddy, will you wait for me here?" Humagikhik pa ito. "Ate Ella is hopeless right now, she needs the help of a Princess like me. Hihihi!" Tumalon siya pababa mula sa aking kandungan at humawak sa kamay ni Blue at hinila na siya palabas ng kusina.
"Hoy! Princess! Juweyt!" Sigaw naman ni Blue. Nagtatawanan kami.
"Magkasundo talaga ang dalawang yun." Pagbibigay pansin ni Emma sa dalawang umalis. Ibinaling ko ang pansin ko kay Raion.
"Now, son, tell us what's bothering you?" Direktang tanong. Si Raion kasi ang klase ng bata na hindi marunong magpaliguy-ligoy pero may puso. Titigil lang siya kung alam niyang makakasakit ng damdamin ng iba pero hindi ibig sabihin na titigil siya. Hahanap siya ng paraan para makuha ang sagot sa gusto niyang malaman. Hindi ako sigurado dahil yan ang naoobserbahan ko sa kanya.
"Lola showed me a picture of a man when I turned ten. Sabi ni Lolo, she's my mom's boyfriend and possibly my dad. That man in the picture looks like you. I called lola earlier, she told me that you are my dad. I called him dad earlier but I don't want to hope then I may be wrong. I can't ask mom because she can't remember anything. But Lola was pretty sure that the man in the picture is my dad, Samuel Grant Arana,s and I should be an Aranas like her." Tumingin pa siya sa direksyon ng hagdan kung saan umakyat si Blue at Ella. Parang kinurot ang puso ko. Oo nga naman ako ang ama niya pero hindi niya dala ang apelyido ko.
"Rai, please listen carefully, okay. Lola was right, that guy in the picture is mommy's high school boyfriend and he is also your dad." Nanlaki ang mga mata niya.
"Mom, you can remember now?" Hindi pa man masasagot ni Gale ang tanong ni Raion ay masagana nang tumulo ang mga luha niya. Mas lalo akong naawa sa bata. Tumayo ako at umikot sa kabilang panig ng lamesa kung saan siya nakatayo at mahigpit ko siyang inakap mula sa kanyang tagiliran.
"Yes, baby. Mommy can remember now, but only some of it, not fully yet." Matamis na ngiti ang ipinakita ni Gale sa kanya. Nakita kong sumilay ang konting ngiti sa labi ni Raion.
Sa mga nangyari sa kahapon, ang matinding nakaranas ng hirap at sakit ng loob ay ang anak ko. At yun ang hindi ko matanggap. Nang dahil sa pagiging makasarili ni Kate, naghihirap ang kalooban ng anak ko at hindi man lang nakalasap ng pagmamahal ng isang ama. At yan ang isa sa mga pagbabayaran ni Kate at Carlitos ng malaki.
"Will you tell me story about my dad?" Tanong ni Raion kay Gale na parang wala ako sa harap niya. Pumaikot siya at umupo sa hita ko dahil nakaluhod ako nang nakataas ang isa kong hita. Hindi niya na siguro napansin kung saan siya umupo, mas interisado siya sa ikukwento ng mommy niya.
"Well. your dad is a very smart man. He's handsome like you. And he have a dimple like you, too." Gale playfully poke his dimpled cheek. Ang cute niyang tingnan. I felt proud. Bumingisngis si Gale. Ako naman, parang tangang na kakanganga.
"Kuya, maraming langaw, baka isipin nila hotel yang bibig mo." Pabulong na pang-aasar ni Henry sa akin. Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin..
"He is always at the top of our class. Did you know that mommy is a transferee from here in Iloilo? And did you know that your dad was the only one that walked right to me and made friends with me?" Nanlalaki ang mga matang umiling lang si Raion. "He has the warmest and friendliest smile in all the campus. Mommy had a crush on him right away, but of course, I didn't tell him that." Sinulyapan niya ako at malokong ngumiti sa akin. Pero di bale, makakaganti din ako sa kanya mamaya. hahayaan ko muna siya ngayon. It's her moment to shine.
"What is his name, Mom? Lola told me a name, but she said she is not sure. Only you can actually say his name." Masyado nang excited si Raion na nalaman ang pangalan ko.
"But before I tell you his name. Why would you say to him when you see him? Will you be mad at him?" Eto ang kinatatakutan ko. Paano kung galit pala siya sa akin kaya hindi niya matanggap na kanina ko pa inamin sa kanya na ako daddy niya.
Akala ko okay na eh. Akala ko ayos na. Tinawag na niya akong daddy ng ilang beses. Yun pala may alinlangan pa rin siya. He's learning not to trust right away. In a way, it is fine but in a way it is hurtful. Hindi ko naman kasalanan na nawala ako sa kanila. I'm sorry, son for all the heartache you went through.
Gusto kong umiiyak. Gusto kong magwala. Gusto kong lumipad pa Manila para saktan si Kate. Gusto kong kainin na siya ng lupa ngayon na mismo para mabilis siyang mapunta sa impyerno. Gusto kong patamaan ng kidlat si Carlitos. Mga hayop sila!
"Mom. Lola said, my dad did not have a choice. She said that my dad was a responsible man. She also said that if dad only got to the old house before the fire started, he could have saved you and them and he won't lose us." Tumigil siya sandali para tumingin sa akin at kay Emma na nakatunghay sa amin katabi ni Henry at nagpatuloy sa pagsasalita. "I can't get mad at him. I only hope that he was looking for us." Dahil sa sinabi ni Raion ay parang nabunutan ako ng tinik na matagal nang pumapatay sa puso ko simula ng mawalay si Gale sa akin.
"Well, Raion, brace yourself. Today is your lucky day." Panimula pa ni Gale. Pinasususpense pa niya ang anak niya. Maging ako ay naiihi na sa suspense.
"Moooommm!! Go on with it already." Nanggigigil niyang palahaw. Natawa ng malakas si Gale. Ang sarap pakinggan sa tenga. Kakaiba ang haplos sa puso.
"Alright! Alright! I am just teasing you." Nagalit na si Raion dahil ginulo ni Gale ang kanyang buhok. Ngumuso ito at napahalukip. "Rai, meet your dad." Itinuro ako ni Gale.
"Him? Really?" Dilat na dilat ang kanyang mga mata. Papalit-palit ng tingin sa pagitan naming dalawa ni Gale. Hindi ko mawari kung ano ang gagawin niya.
"He's Samuel Grant Aranas, your dad. And I am Kassandra Gale Baylon." Nagulat na lang ako ng bigla na lang akong akapin ni Raion nang pagkahigpit-higpit. Hindi man ako makahinga ay hinahayaan ko na lang.
Napakasarap palang akapin ka ng sarili mong anak, ng sarili mong dugo at laman. Ang sarap-sarap sa puso. Para akong nakalutang ngayon sa alapaap. Sinulyapan ko si Gale, nakita kong hilam na sa luha ang kanyang mata. Tumayo na rin siya umakap sa amin ni Raion.
"Mommy. Thank you for remembering who you are and thank you for remembering my dad." Tango lang ang tanging naisagot ni Gale sa kanya. Nagtagal kami sa ganoong posisyon ng humigit kumulang ng limang minuto.
Matagal akong nalungkot. Matagal akong naging miserable. Matagal kong sinisi ang mundo. Matagal akong nangarap at nanaginip ng ganitong pakiramdam. Ngunit kahit sa panaginip ay hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam. hindi ko maipaliwanag. Walang mapagkukumparahan. Walang mapagsidlan.
"Eherm!" Napalingon ako. Hinanap ko kung kanino nanggaling ang pagtawag pansin na yun. Si Henry. Inginuso niya ang direksyon ng hagdan... Si Ella.
Pinaypay ko ang aking kamay nilang Pagtawag sa kanya na lumapit sa amin.
"Daddy, why is Prince Raion crying?" Agad niyang tanong ng makalapit sa amin. "Tita Sarah, why are you crying?" Baling niya kay Gale. Hindi ko siya kokoreksyunan sa tawag niya kay Gale. Hahayaan ko siya na yun ang itawag dito.
"He is just happy that everything that he's been wanting in life is now happening." Maikli kong sagot.
"O sige na. Tama na muna yang drama na yan. Kumain na muna tayo ng maaga para makatpagpahina ng maaga." Maagap na sabi ni Mamang.
"We are going to roam around tomorrow." Sabat naman ni Blue.
"We're going to see some beautiful and historical sights tomorrow." Dugtong ni Emma.
"Yey! Are we going to the beach, too?" Namimilog ang mga mata ni Ella.
"Yes, but not tomorrow. We'll do that next day. Would that be alright?" Turan ni Cyrus. Namilog pang lalo ang kanyang mata. Natawa si Raion kahit may luha pa ang kanyang mga mata. Matatas din mag-english itong kapatid nilang bunso.
"Come on, Princess. I'll sit by you." Malumanay na hinawakan ni Raion ang kamay ni Ella. Maya-maya ay tumigil siya at tumingin sa akin. "I can't marry her anymore, Dad?" Nagulat ako sa sinabi niya. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.
"Raion, I'll explain it to you later, but I think you still can. Don't worry about it for now. Mahaba pa naman ang panahon. Marami ka pang bigas na kakainin." Natatawang sabi ni Henry. Tumango at nagkibit balikat na lang si Raion. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi ng dalawang lokong ito.
Masaya kaming naghapunan. Kwentuhan, pero ni minsan ay hindi nasagi ang usapang hospital, buntis at ang pagiging ama ko kay Raion. Tuloy lang kami sa saya.
Ito na kaya ang umpisa ng ligaya ko at ng paglaya ko sa nakasumpa-sumpang buhay kasama ni Kate?
Ito na ba ang simula ng pagiging masaya namin ni Gale? O ito pa lang ang umpisa ng panibagong impiernong kahaharapin namin sa aming pagbabalik sa Manila.
------------------
End of DG 7
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
09.22.17
Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017
hello nga pala sa aking mga sisteret sa galaan; Chichiricabemba jenejust1224 CherrieBaccay
my new friend; jam7575
sa mga junakis na pretty and handsome; Yellowjazz mysticprincess888 mchay101 NorikoTheGhost DonRomanTCo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro