Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DG 5

-------------

"Secrets and lies kills relationships.
No matter how careful you are,
You will get caught."

~Unknown

--------------

AIRPORT, Terminal 3.

Binabagabag pa rin ako ng mga binitawang salita ni Carlitos. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Ano ang ibig niyang palabasin sa sinabi niyang halos labing isang taon? Wala akong ipinakiusap sa kanyang bagay. Wala akong iniwan sa kanya. Wala akong ipinagawa sa kanya dahil wala akong tiwala sa kanya.

"Prof, parating na po sila Emma. Ihahatid daw po sila ng driver ni Dean Catigbac." Pagbasag ni Henry sa aming katahimikan.

"Ilang minuto pa ang layo nila?" Tanong ko kay Henry. Ayokong maiwan ng eroplano. Ayokong masundan ako nila Kate. Magiging magulo lang dahil kasama ko si Sarah. Kilala ko si Kate. Alam kong pagbubuntunan din niya si Sarah dahil sa pagkakahawig nito kay Gale.

"Prof, papasok pa lang daw po sila sa vicinity ng airport. Nasabit lang sa haba ng drop off." Sabi naman ni Henry. Napansin siguro ni Henry na balisa na ako kaya tumayo siya.

"Susunduin ko na lang sila sa labas, prof, para hindi na sila maghanap sa atin." Tumango ako sa kanya habang nas kandungan ko si Ella at umalis na ito.

"Blue, ikaw na muna diyan." Sabi niya sa kapatid. Tumango naman ito.

"Okay Kuya, no problem." Sagot naman nito sa nakatatandang kapatid. "Prof, ako na po ang kakandong kay Ella." Alok ng dalagita sa akin. Ipinasa ko sa kanya ang tulog kong anak.

Tumayo ako para maglakad-lakad ng konti. Naiinip ako ng sobra. Parang ang bagal ng segund, ng minuto, ng oras. Parang pakiramdam ko naka-slow motion ang lahat.

"Prof, do you want some hot cocoa?" Narinig kong tanong ni Blue sa akin. Umiling lang ako sa kanya. "Eh, prof, awake na po si Ella, baka gusto po niya ng hot chocolate?" Doon ko lang napansin na nakaupo na si Ella sa kandungan ni Blue.

"Princess, do you want some hot cocoa or hot milk?" Tanong ko sa anak ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"No, Daddy. I'm fine. I just want a hug from you. You look sad." Sabi sa akin ni Ella. Para namang natunaw ang puso ko. Napaisip tuloy ako. Oo nga't gusto ko nang umalis si Kate at palayain niya ako, pero kakayanin ko bang malayo sa batang ito? Ang batang minahal ko ng limang taon?

"Oh, my princess. Did you miss me that fast?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Idadaan ko na lang sa biro.

"Yes, Daddy. I closed my eyes last night and I went to sleep. You were there but when I opened it, right now, you are gone." Malungkot nitong sabi na nakatibi pa. Napahagikhik si Blue sa tinuran ni Ella. Nangunot naman ang noo ng aking munting prinsesa. "Why is she laughing at me, Daddy?" Inosenteng tanong ni Ella sa akin.

"I am not making tawa at you baby. I am just happy kasi you are too cute." Si Blue na ang sumagot, ingglisera itong kapatid ni Henry kaya ipagpaumanhin n'yo na.

"Really? I am cute? I knew it." Parang nagwagi na sabi ni Ella kay Blue at inakap ito sa leeg at kumalas naman kaagad. "Daddy, did you hear what she said? She said, I am too cute. Well, Daddy, she's not lying about that." Malaki ang ngiti niyang sabi sa akin na parang naninigurong hindi nagsisinungaling si Blue.

"Yes, princess. She's not lying. She's telling the truth." Sagot ko naman sa kanya. Napangiti niya ako kahit papaano. "Her name is Blue, Ella. She's Kuya Henry's sister. You call her Ate Blue, okay?" Pagpapakilala ko sa kanya sa dalaga.

"Hi, Ate Blue." Ikinaway-kaway pa niya ang kanyang maliit na kamay sa harapin ni Blue. Kumaway din si Blue sa kanya na parang akala mo ay kaylayo nila sa isa't isa. I think, magkakasundo ang dalawang ito.

"Hi, good morning." Biglang sabi ng isang pamilyar na boses na nagpatalon sa aking puso. She's here. Hinarap ko siya ngunit maingat na wag magbigay ng kahit na anong excitement dahil baka kasama si Carlitos.

"Hi. Good morning." Sagot ko sa kanya. Ngunit nagulat ako dahil hindi si Carlitos ang kasama niya. Maliban kay Emma, may kasama itong isang batang lalaki. Sa tantiya ko, mga sampung taon o mahigit pa ang edad nito. Mestizo, gwapo at kahit may pagkasuplado ang mukhan ito ay bahagya namang ngumiti kaya nakita ko na may dimple din siya.

"Hi. Prof. Aranas, please meet my son, Raion Grant Baylon." Pakilala niya sa akin sa batang kasama niya. Parang nakaramdam ako ng kakaibang sikdo sa aking dibdib. Gusto kong akapin ang bata. Nag-init ang gilid ng aking mga mata.

"Baylon?" Tanong ko. "Bakit Baylon? Akala ko ba asawa mo si Mr. Santillan." Wala na sa isip kong naitanong.

"Mahabang kwento at magulo, hindi ko maintindihan. Yan ang pangalang ibinigay nila sa kanya." Simple niyang sagot. Nila? Sinong nila?

"Hi, Raion. Call me, Tito Sam and this lovely young lady here is my daughter, Marinella. We call her Ella." Pakilala ko sa kanilang dalawa. "Ella, he's Kuya Raion and this is Tita Sarah." Patuloy ko. Nakatitig lang sa akin ang batang lalaki. Parang nangingilala.

"Hello po." Simple niyang sagot. Sumikdong muli ang dibdib ko ng marinig ko ang boses niya. Nandun uli yung pakiramdam na gusto ko siyang yakapin.

"We have the same name, well, somewhat same name. My name is Samuel Grant Aranas." Ngumiti siya sa akin. Yang ngiting yan, kilala ko yan. Parang pamilyar ang aura ng batang ito sa akin.

Lumingon ako para makita ang ekspresyon ng mukha ni Sarah dahil parang nakita ko ang pagkapatda niya, napansin ko ang paghawak niya sa kayang sentido. Magtatanong pa sana ako kung ayos lang siya pero hinarang na ako ni Henry kaya hindi ko na ito natuloy. Mamaya na lang sa eroplano ako mang-uusisa.

"Prof, tara. Mag-check in na tayo. Para mabilis tayong makapag-boarding." Pag-agaw ni Henry ng pansin namin sabay turo ng kanyang relo. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Nasa akin na po ang lahat etickets natin. Bale pito po." Sabi naman ni Emma.

"Okay. Henry, kayo na ni Miss Paraiso ang bahala sa sitting arrangement." Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at nagkaintindihan na kami sa pamamagitan ng tinginan lamang.

Boarding time. Walang natira sa aming malalaking bagahe maliban sa mga maliliit na pwedeng bitbitin. Nagtuloy na kami sa boarding area at doon naghintay ng ilang sandali. Pagpasok namin sa eroplano ay wala pang gaanong tao, dahil nga sa may mga bata kaming kasama ay kami ang pinauna kasama ng mga senior citizen.

Magkasama kami ni Sarah sa isang hilira, habang ang dalawang bata, si Ella at Raion ay gustong magsamang umupo kasama si Blue. Naging kasundo agad ni Ella ang anak ni Sarah at si Blue. Nasa likuran namin si Henry at Emma. Natuwa naman ako dahil hindi na ako mahihirapan kay Ella. First time pa man din niyang sumakay ng eroplano.

Nag-umpisa ng magsipasukan ang iba pang mga pasahero. Maingay man ay hindi naman magulo. Maya-maya pa ay nagsiupo na ang mga ito. Ilang sandali pa ay nag-taxi na ang eroplano sa runway at ilang saglit ay nasa ere na kami.

"Ate Blue! Ate Blue! Look down there. The other airplanes are getting smaller and smaller and we are getting higher and higher." Masiglang sambit ni Ella.

"Of course it's getting smaller, we are flying na kasi." Pasupladong sagot naman ni Raion sa kanya. Napangiti ako. Nakakita ng katapat ang prinsesa ko.

"I know that, duh!" Pasensiya na at talagang may pagkamataray din ang aking prinsesa lalo na't naunahan ito ng pagkapahiya. Wag nating kalimutang na kahit mabait itong si Ella ay anak pa rin siya ni Maybel.

"Well, if you know that, why are you making yourself sound st--- I mean, ignorant." Sambit naman ni Raion na mukha yatang hinahanapan ng lusot ang mataray na sagot ng aking prinsesa.

"Who are you calling ignorant?" Tanong niyang sinilip pa talaga si Raion na nasa kabilang gilid lang ni Blue. "I don't like you anymore. You are only cute because of your dimple, but you're so... so... ugh!" Parang nag-iisip ng mabuting salita na pwedeng gamitin ang aking prinsesa para maipanalo ang munting pinagtatalunan nila ni Raion. "MAYABANG! There! I said it! YOU ARE SO MAYABANG!" Pairap pa niyang tinalikuran si Raion matapos bitawan ang mga salitang yun.

"Guys, you got to stop na, okay? Don't fight. You two are going to be pangit if you keep on arguing with each other. It's not nice." Saway ni Blue sa kanila.

"Ate Blue, I wasn't trying to argue with her. I was only stating the fact that we are ascending, that's why those planes are getting smaller and smaller." Pagdedepensa nito sa kanyang rason. Matalinong bata. Maraming big words at heavy words siyang ginagamit.

"Ate Blue, I wasn't even talking to him but he decided to butt in, and he wasn't such a gentleman about it, too. I said that we are getting higher and higher. So, who's the ignorant now?" Depensa naman ni Ella sa sarili. Nakikinig lamang kami ni Sarah.

Napahagikhik siya dahil sa paraan ng pagrarason ng dalawa sa isa't isa. Ang mga paggamit ng mga salita, they reason out like they are both grown ups but they are agreeing with each other. Napatawa na rin ako. Pero he's expression are familiar. It's so... it's so like me.

"I have to hand it to your son, he is one smart boy. Mukhang nagmana sa iyo." Puna ko sa bata. Ngumiti si Sarah sa akin.

"No. Ang sabi ni Nanay, mas nagmana daw si Raion sa ama niya. Matalino at suplado pero malambing naman daw." Sagot ni Sarah. Nangunot ang noo ko.

"Sa ama niya? Ano ang ibig mong sabihin?" Medyo nalilito ako sa kanyang pagkakasabi. O baka hindi ko lang narinig ng tama. Hindi matalino si Carlitos at hindi rin yun suplado. Mayabang pa, maaari. Malambing? Kelan? "You mean, mana siya kay Carlitos?" Paniniguro ko kasi parang iba ang dating sa akin.

"Huh? Sinong Carlitos?" Wow. Hindi ba niya alam ang tunay na pangalan ni Roger? Nakapagtataka.

"Si Mr. Santillan. Di ba yun ang pangalan niya? Rogelio Carlitos Santillan?" Hindi ba niya alam na pangalan din yan ng asawa niya.

"Ah, si Roger? Hindi naman si Roger ang Daddy ni Raion, pero Daddy na rin ang tawag niya sa Roger." So, ibig sabihin iba ang Daddy ni Raion? Nawala nang tuluyan ang atensyon ko sa dalawang nagtatalong bata sa kabilang hilira ng upuan.

"Wait, what do you mean by it?" Tanong ko. Natahimik si Sarah. Ayokong ma-offend siya sa pagtatanong ko kaya aayusin ko uli ang tanong. Iibahin ko.

"I'm sorry for your loss. Kelan pa namatay ang totoong Daddy ni Raion?" Tanong ko. Baka nga bata pa siyang nabiyuda. Hindi imposibleng mangyari yun.

"My loss? No, it's his loss. Sabi kasi ni Nanay. Our house caught on fire noon, I was hurt badly kaya matagal akong nasa ospital. He did not show up at all. I lost all my memory of the past kaya hindi ko nasabi kanila Nanay kung sino siya." Alam kong mahirap ang mawalan ng alaala pero mas mahirap mawalan ng mahal na hanggang ngayon ay pilit mong inaalala. "I can't remember who my son's father is or was. I don't even remember who I really am. Lahat ng alam ko tungkol sa akin ay kung ano lang ang kinuwento nila Nanay at Tatay." Sunog? Parang katulad din pala ng nangyari kay Gale. Pero naging maswerte si Sarah dahil nabuhay siya. Amnesia? Hindi kaya... nah, imposible.

Nandun ako nung kinuha ng pamilya ko sa morge ang mga sunog nilang labi. Nandun din ako nung inilibing silang magpamilya. Hindi pwedeng sabihing hindi sila yun dahil higit sa lahat, kasama sila Tatay at Nanay nung kunin ang tatlong sunog na katawan mula sa kung ano ang natira sa bahay ng mga Baylon.

"Ah ganun ba? Hindi ba kayo hinanap ng Daddy niya?" Tanong ko uli.

"Hindi ko alam. Lumipat na kasi kami pagkalabas ko ng ospital. Matagal din kasi bago ako nakalabas. Kung naghanap man siya, maaaring hindi na niya kami nakita dahil wala daw nakakaalam kung nasaan kami at hindi na rin binalak nila nanay na bumalik sa dati naming tinitirhan. Sabi ni Nanay, kailangan daw akong dumaan sa maraming skin grafting at reconstructive surgery para maibalik lang ang dati kong mukha kaya hindi na talaga kami nakabalik pa doon." Napabungtong hininga siya. Nakakaawa din pala ang dinanas niya, gayun pa man ay maswerte pa rin siya.

"Mabuti at nabuhay ka. Nakaligtas kayong lahat" Hindi ko na napigilan pa ang lungkot na sa aking boses. Kinabig ko siya at hinalikan ang kayang tuktok.

"Bakit naman maswerte ako? Ang dami ko kayang pinagdaanang hindi maganda. I got pregnant at 16. Matagal akong tumigil sa hospital. I've waited till I give birth to Raion before I went through eight reconstructive surgeries para lang mawala ang pinakamalaking pinsala sa akin ng nangyaring sunong." Sabagay totoo ang sinabi niya. Mahirap nga ang pinagdaanan niya pero para sa akin ay maswerte pa rin siyang matatawag dahil buhay siya. Samantalang si Gale at ang anak namin ay hindi sinuwerte.

"Sinabi kong maswerte ka kasi buhay ka. Marami at mahirapman ang mga pinagdaanan mo pero buhay ka." Sabi ko at sumandal na lang ako at tatahimik na lang sana.

"You speak about it like you went through a tragedy like I went through." Komento niya. Nilingon ko siya at tinitigan bago pa ako nagsalitang muli.

"I did. Pero hindi sa akin nangyari, kundi doon sa high school girlfriend ko. Siya yung babaeng pinakamamahal ko at pinangarap kong makasama habang buhay." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magkwento. Hindi ko pa ito naikukwento sa iba, kay Henry at kay David pa lang dahil sila lang palaging nasa tabi ko, maliban na lang sa parteng buntis ito ng mamatay sa sunog.

"Your girlfriend? Nasaan na siya ngayon? Siya ba ang naging misis mo ngayon?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin, umiling ako. Napahugot ako ng malalim na paghinga bago ako nagtuloy. Ang hirap kasing ikwento ng hindi ko nararamdaman ang sakit na kahit anong gawin ko at kahit gaano na katagal ay parang isang tinik na nakaharang pa rin sa aking lalamun na hindi ko kayang lunukin para maikwento yun.

"No, she's not the one I married. Patay na siya. Katulad mo, nasunugan din sila nung mga high school pa kami, we were both 16, and the sad part is, she and her parents didn't make it alive." Sabi ko na lang nang hindi binabanggit ang tungkol sa buntis na si Gale. At least nasabi ko ng tuluy-tuloy sa kanya ang istorya ko nang hindi nabibilaukan at hindi umiiyak.

"I'm sorry, Sam. I didn't know." Sabi pa niya. Hinimas-himas niya ang braso ko na para bang sa ginawa niya ay kakalma ang damdamin ko. Bahagya ngang kumalma ang damdamin ko perp ang sistema ko naman pati na ang pag-iisip ko ang ginulo niya.

"It's okay, I guess. It's been almost 12 years." Sagot ko na lang. "But what really hurt me the most is that she was pregnant with our child. We were about to tell our parents that night but the fire started and consumed them before I could get to her. We didn't... I mean, I didn't get the chance to tell both of our parents that they are going to be grandparents. I never told a soul about it before up until now, sa 'yo lang. You were the first." Pinagpatuloy ko na ang kwento. Ang gaan kasi niyang kausap. Parang matagal na siyang kilala ng puso ko kaya pinagkatiwalaan ko kaagad siya.

"I'm sorry, Sam. I didn't know you went through something like that but at least you were able to move on, unlike me, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nangyaring sunog. Nasa bangungot ko pa rin ang sunog na nangyari almost 12 years ago." Kwento niya. Bumunot muli siya ng isang malalim na paghinga. 12 years? What a coincidence? But I don't believe in coincidence.

"Lahat ng tungkol sa sunog ay naalala ko, lahat-lahat, including the present of course, pero ang hindi ko maalala ay ang mga nangyari bago ang sunog." Napakalaki ng similiraties ng buhay namin. Kung hindi lang namatay si Gale iisipin kong siya ito pero nakita namin ang mga sunog nilang katawan dahil suot pa ni Gale ang bracelet na binigay ko sa kanya bago ang sunog.

"Saan ba ang probinsiya n'yo?" Naisip kong itanong sa kanya. Nakasandal na siya sa akin ngayon. May 20 minutes pang natitira sa biyahe namin.

"Sabi ni Nanay, taga Santa Ynez daw kami, pero sa Manila daw kami nakatira noon at doon nangyari ang sunog. I was in third year high school at kasalukuyang buntis ako kay Raion." Salaysay niya sa akin. Third year high school? Buntis? Too much similarity. Coincidence? I don't think so.

Nagiging masyado na rin siyang open sa mga kwentuhan namin. Siguro dahil sa napansin niya na nagkukwento ako sa kanya, kaya nagiging open na rin siya sa akin.

"Saan kayo nagkakilala ni Car-- I mean, Roger?" Tanong ko. Ewan ko dahil masyado na akong duda sa pagiging magkapareho ng kwento namin. Nasunugan siya, ganun din si Gale. Kasalukuyang buntis siya sa edad na 16 ganun din si Gale. third year high school siya, ganun din si Gale. Ang kaibahan lang, buhay si Sarah at si Gale... well, hindi siya nakaligtas. Hindi siya sinuwerte.

Ngayon ko lang napagtanto at matagal ko nang napapansin ang pagkakahawig ng kanilang mga mata. Tama. Yang matang yan ay katulad na katulad ng mga mata ni Gale. Ang kanilang pagiging malambing. Ang pagkakapareho nila sa kanilang mga mannerisms.

Mahilig magkamot ng kilay niya si Gale na gamit ang kalingkingan niya. Ang pagkakagat ng ibaba niyang labi kapag malalim ang iniisip o di naman kaya ay ukopado ang kanyang isipan ngm ga bagay-bagay.

Ang hilig niyang kumain ng kamyas na isinasawsaw sa asukal. Ang pagpapabilot ng kanyang buhok sa kanyang hintuturo habang siya ay nagsusulat. Mga iilang bagay na tanging si Gale lang ang nakakagawa at lumalabas na cute.

"Sa Santa Ynez noong bumalik kami doon kasi nga nasunog ang tinitirhan namin sa Manila. Inalok ni Don Miguel ng trabaho ang mga magulang ko sa hacienda nila, free housing at may sapat na sweldo. Dahil kailangan namin ang malaking halaga para sa gagwing mga therapy at surgery, my parents took the offer and we moved there. They helped my parent to get to the right doctors to fix me and to make sure Raion survives. Malaki ang utang na loob ko sa kanila." Patuloy ang aming kwentuhan pero napansin ko ang unti-unting panginginig ng kanyang boses ngunit hinayaan ko na rin.

"Wait, back off a little. You said, wala kang naalala sa nakaraan mo, bakit naman daw?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman at wala siyang maalala?

"All I know is when I woke up, I was in the hospital already. Half of my body was wrapped in bandages, so as my face. Sila Nanay at Tatay na ang nagpakilala sa akin na sila ang mga magulang ko. Sila na ang nagsabi kung ano ang pangalan ko, kung ilang taon ako at sila na rin ang nasabi na buntis ako. At first, I don't want to believe them kasi nga hindi ko sila maalala. The doctor said that I suffered a head trauma due to an object that hit my head. Sabi ni Tatay and the doctor agreed, too, kasi nga nasunugan kami may nahulog na nasusunog na kahoy at tumama sa ulo ko kaya may sunog ako sa mukha." Patuloy ang pagkwento niya.

"So, how did they convince you na sila nga ang mga magulang mo?" Patuloy kong pagtatanong sa kanya.

"May mga litrato silang hiningi mula sa iba naming kamag-anak na kasama sila at ako lalo na nung binyag ko, para patunayan na sila nga ang mga magulang ko." Maganda itong nangyayari ngayon dahil nakakapag-usap na kami ng tungkol sa kanya at tungkol sa akin. Tungkol sa aming dalawa lang.

"Paano mo naman nasiguro na sila nga ang mga magulang mo kung hindi mo naaalala ang nakaraan? Naaalala mo ba ang hitsura mo sa nakaraan? Paano kung hindi pala ikaw yung nasa litratong yun? What if iba pala yun?" Hindi ko alam kung ano ang gusto ko talagang malaman mula sa kanya.

"Well, aside from that, Roger has been coming to the hospital. He was there when I woke up. He called me by my name. He always calls me Sarah Olivia." Sagot niya na walang bahid na pag-aalinlangan.

"Again. How could you possibly know that, that was your name. That they are telling the truth?" Tumuwid siya ng pagkakaupo at tumingin ng matiim sa akin. Parang tinitimbang kung ano ang ibig kong sabihn at kung ano ang gusto ko talagang malaman.

"Where are you getting at, Sam? Bakit ganyan ang mga tanong mo? Are you implying that my parents are lying?" Magkasalubong na ang mga kilay niya.

"No. That's not what I meant. I was just trying to understand how amnesia works and how the family of the person suffering from amnesia dealt with a situation like yours." Depensa ko. Ayokong isipin niya na nagdududa ako. Oo. Aaminin ko, nagdududa nga ako. Napakalaki kasi ng similarities ng mga nangyari sa kanila ni Gale. "Please don't take it the wrong way. I was just trying to know if you made your own research about you or what. Like, who were you before the incident. What were you back then? Who were your friends before the fire. Have you met any of them after the tragedy?" Nakita ko ang biglang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Napakunot ang noo niya at natahimik siyang lalo. Sumandal uli siya sa akin at humilig sa aking balikat. Natahimik siya ng konti. Tsaka ko naman narinig ang pagtaas ng boses ni Elle.

"Daddy! Raion is being such a bad boy!" Sigaw ni Ella. Pareho kami ni Sarah na napatuwid ng upo at nilingon sila. Nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi ni Raion at ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

Biglang kinabog ang aking dibdib. Hindi ko maipagkakaila ang ngiting iyon. Hindi lang basta-basta pamilyar kundi kilalang-kilala ko pa. Kabisadong-kabisado ko ang ngiting yan dahil yan ang ngiting pilyo na palaging nakikita nila Nanay at Tatay noon sa akin, pati na rin ni Gale sa tuwing may gagawin akong kalokohan sa kanya. Nawala lang daw ang ngiting yun mula ng mamatay si Gale.

"Raion, will you please be nice to Ella. What did I tell about treating girls and ladies?" Nakapandilat ang mga mata ni Sarah. Natigilan ako sa ekspresyon ng kanyang mukha. Ang pandidilat ng mga matang yan na parang may paniningkit na kasama, yang kakaibang salita na ang tanging siya lang nakakagawa? Hindi ako pwedeng magkamali, si Gale lang ang meron niyan. Kay Gale ko lang nakita yan. At ngayon, dito kay Sarah. Sobra na ang pagkakamukhang ito. Sobrang coincidence na ito.

"Mom, I was just explaining it to her. She got mad right away." Nabawi nito ang aking atensyon. Hinila niya ako sa malalim kong pag-iisip.

"It doesn't matter Raion, and besides, you are ten, almost 11, and she is only five. You should know better." Paalala ng ina sa kanya. Bumuntong-hinga ito.

Pasimple kong pinagmasdan si Raion. Mukhang hindi siya patatalo sa kanyang ina, pero nakikita ko rin na puno ito ng paggalang sa kanya. Kung kanina ay nagdududa pa lang ako, ngayon ay parang may idea na ako sa kung ano ang nangyari. Sana mapatunayan ko bago kami makabalik ng Manila. Kailangan ko lang mapatotohanan kung ang mga iniisip ko ay tama.

"For you mom, I will. I'm sorry Tito Sam." Bahagya siyang yumukod sa akin at humarap sa unahan at tumahimik. Narinig ko pa ang hirit ni Ella. Napailing na lang ako.

"Marinella Clair Aranas!" Matigas ngunit malumanay kong pagtawag sa pangalan niya.

"Yes, Daddy?" Nakangiti niyang sagot. Mabibilog ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Parang umasa ng magandang gantimpala.

"That's enough. You say your sorry to Kuya Raion." Utos ko sa kanya. Natigilan siya at tumingin kay Raion na hindi naman ito sa kanya nakatingin.

"But dad, I didn't do anything to him." Nakanguso niyang pangangatuwiran.

"It doesn't matter. That's not how a young lady should act. You know better than that, Princess." Seryoso kong sabi sa kanya. Alam ko kasing tinatantiya niya ang pagiging seryoso ko.

"Fine. But I won't call him Kuya. He is not my brother." Mataray nitong sagot. Well, hindi natin maiiwasan na masaksihan ang pagtataray niya. She is Maybeline Kate's daughter, after all.

"Ella." Tawag ko sa kanya. Alam na niya na may hindi maganda sa ginawa niya kapag ganito na ang pananalita ko.

Wala namang pangit sa ginawa niya dahil batang pakikipagtalo lang naman yun, pero hindi pa rin tama ang makipagtalo lalo na't wala namang mabigat na rason. At dahil sa bata pa ang kanyang isip, hindi natin maiaalis ang pagiging bata nito sa pakikitungo sa iba. Natahimik at pumikit siya ng matagal.

"I'm sorry, Raion." Nakayuko niyang sabi dito. Natigilan yata si Raion dahil parang naiiyak na si Ella. Napatingin siya sa akin na parang natatakot na parang natataranta kaya ngumiti na ako sa kanya.

"It's okay, my Princess Ella. I forgive you." Sabi pa ni Raion na inabot ang kamay ni Ella na nasa kabila ni Blue. Tahimik lamang si Blue na nakikinig sa dalawa. "I promise not to make you sad anymore, my Princess." Parang gustong tumalon ng puso ko sa kaba sa mga binitawang salita ni Raion. Bakit iba ang dating ng simple nitong sinabi sa Prinsesa ko?

"It's okay, Raion. I forgive you. I'm really sorry." Aba! At matamis pa ang ngiting ibinigay kay Raion. Mga batang ito, mukha yatang aatakihin ako ng sakit sa puso.

"Ate Blue, can we switch seats?" Paalam ni Raion kay Blue. Ngumiti naman siya at tumango sa kanya.

"Sure." Simpleng sagot ni Blue sa anak ni Sarah. Bago pa ito tumayo ay lumingon muna siya sa akin.

"Tito Sam, is it okay if I sit next to Princess Ella? I want to tell her about the different clouds." Pagpapaalam nito. Kita ko sa mga mata niya ang repleksyon ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parang ako siya.

"It's okay, little guy." Pagpayag ko. Tumayo na si Blue at inalalayan si Raion at sabay na silang umupo. Raion somehow becomes so careful with Ella.

"Raion, be a good friend to her, okay." Tumingin siya ng matiim sa ina at sa akin at ngumiti. Yan. Yan ang mga ngiti ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"I will, mom. I will be good with her because I will marry her someday." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nakahuma. Pareho kaming tigagal ni Sarah na nagkatinginan sa aming narinig. Sumikdo ang puso ko. Kung siya ang nakalaan para sa kay Ella, hindi ako hahadlang. Total matagal pa naman yun, magbabago pa ang lahat. Magbabago pa ang isip niya. Di ba nga walang tadhana?

"Oh my word... I'm so sorry, Sam." Napapailing na namumula ang pisngi ni Sarah sa sinabi ng anak. Ang cute niyang tingnan. Ang mata niya... Shit. hindi ako pwedeng magkamali. Lord, sana nga na totoo ang nasa isip ko.

"Don't worry, it's just kid-talking. He'll grow out of it." Ayos din sa diskarte itong si Raion. Napapailing na lang akong natatawa.

Sa loob ng mahigit isang oras sa loob ng eroplano, maraming bagay ng gumugulo sa isipan ko. Mga bagay na hindi ko alam kung pwede bang mangyari. Mga bagay na hindi dapat, lalo na't matagal na itong wala. Matagal nang tahimik. Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ay parang nandito pa rin siya. Impossible pero parang possible din.

"Sam, okay ka lang ba?" Nabulabog ng kanyang malambing na tinig ang lalim ng aking pag-iisip. Parang biglang sinipa ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Iba na ito. "Sam? Are you okay? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" Bakit nga ba? Hindi ko alam pero si Gale ang nakikita ko sa kanya. Si Gale ang nakikita ko ngayon. Maaari ba yun? Di ba nga patay na si Gale?

"What is your real name, Sarah? Who you really are? And why is Raion carrying Baylon and not Cordova nor Santillan?" Kailangang masagutan ang mga kutob ko. Lang mga hinala ko.

"Huh?! Why?" Hindi na ako maaaring magkamali. Sana lang ay totoo ang aking hinala. At kung totoo ang lahat na yun, may mga magbabayad.

"I was just curious. Para kasing may kamukha kang kakilala ko noon." Tinitigan niya lang ako. Mas lalong sumisidhi ang hangarin kong malaman ang katotohanan sa likod ng aking mga hinala. Hindi pwedeng ipagwalang bahala ko lang ito. Iba ang sinasabi ng mga mata ko sa mga sinasabi ng puso at malayo na ang nalalakbay ng aking isipan.

"My real name is Sarah Olivia Cordova. Only child ako ng mga magulang ko at ngayon ay may only child na rin ako. Si Raion Grant Baylon." Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Yang mga matang yan. Hindi na ako pwedeng magkamali. Yang mga mata yan ay mata ni Gale. "Bakit, kamukha ko ba ang ex mo?" Huh? Ano daw?

"Hindi ko siya ex. Kahit kelan ay hindi siya naging ex sa akin." Direkta kong sagot sa kanya. Nakita ko ang lungkot at kirot sa mga mata niya. Bakit?

"Ay oo nga pala. May asawa ka nga pala. I'm sorry." Malungkot niyang sabi sabay bawi ng tingin at tumingin sa labas ng maliit na bintana.

"No, I'm not talking about my wife. She's not my wife." Malamig kong sagot.

"Wait. She's not your ex but she's not your wife? So, ibig sabihin meron kang iba? Will you care to explain a little bit more." Bahagyang sumigla ang kanyang boses. Sasabihin ko na ba? Wala pa akong nakukwentuhan ng buhay ko bago pa ako naging propesor. Eto na ba yun?

"She's not my wife and she's not my ex, because I didn't get the chance to marry her." Sabi ko.

"Huh? Why? How? Wait, you mean..." Well, here it is. Go, Grant. Tell your story. Magkwento ka na baka dito sa pagkukwento mo ay may makuha kang katahimikan dahil mukhang nababaliw ka na kaiisip kay Gale at pati si Sarah ay napapagkamalan mo ng si Gale din siya.

"She's my high school sweetheart. I love her so much. I wanted to marry her as soon as we get done with high school and go to college together. The night that we are going to talk to our parents about our pregnancy was the same night she passed away." Ayan nakalabas na ang isang malaking bahagi ng aking kahapon.

"Oh my. I'm sorry, Sam." Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na humaplos sa braso ko. Nakaramdam ako ng maliliit na boltahe ng kuryenteng dumaloy galing sa kanyang kamay papunta sa akin. Parang katulad ni... Ano ba itong nangyayari sa akin. Napapikit ako ng madiin para iwaglit sa isip ko si Gale kahit panandalian lamang. Kahit ngayon lang.

Natahimik kami ng panandalian lamang. Napatingin ako sa direksyon ni Raion at Ella. Nakikita ko ang sarili ko kay Raion. Ang pagiging maalaga nito kay Ella. Ang pagiging pasensyoso nito sa mga tanong ni Ella. Kung kanina ay napipikon ito kay Ella ngayon naman ay hindi na. At doon ko nakita ang sarili ko sa batang ito.

"Sarah, sino ang Daddy ni Raion? Natatandaan mo ba siya?" Alam kong imposible pero hindi ko rin ito pwede ipagpawalang bahala.

Marami ang pagkakatulad at pagkakahawig ng mga gawi namin at hindi lang parang kamukha ko siya kundi kamukhang-kamukha ko siyang talaga at yun ang gusto kong malaman. Malabo man at maling umasa, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko mapigilan ang aking isip, ang aking puso. Hindi ko maintindihan pero parang kinukutkot ako ng aking utak. Masisisi n'yo ba ako na isipin kong si Gale nga siya at maaaring anak ko si Raion?

Hindi ko nakakalimutan na buntis si Gale na masunog ang bahay nila. Malakas ang kutob ko na maaaring nakaligtas sila sa sunog na yun. Kilala ko si Maybel at Carlitos. Ang pagkakahawig ni Sarah kay Gale ay hindi pwedeng nagkataon lang at hindi ko rin pwedeng ipagpawalang bahala na lang ang lahat ng ito.

Maaaring magkaiba ang edad nila, pero parehong-pareho ang pinagdaanan nila. At kung susumahin ang edad ni Sarah sa edad si Raion ay masyadong imposibleng maging ina siya na ganun ka batang edad na trese o katorse, mas tutugma pa kong si Gale nga siya, dahil sa edad ni Raion at edad in Gale noon ay parang ganun nga. Ano siya first high school? Sabi niya almost 16 daw siya nang magbuntis at nasa third years high school na siya noon, parehong-pareho namin ni Gale.

Okay, sige. Wag na nating pag-usapan ang edad at grado. Tingnan na lang natin ang mukha ng bata at mukha ko. Ang laki ng pagkakapareho. Pati mannerisms namin ay hindi nalalayo. Ako lang ba ang nakakapansin at nakakaita ng mga ito? Hindi ba napapnsin ng mga kasama ko ang pagkakakuha namin ni Raion?

"Ang sabi ni Nanay, boyfriend ko daw ang daddy ni Raion nung high school pa ako. Hindi ko daw nasabi sa kanila na buntis pala ako bago nangyari ang trahedya at nawalan ako ng alaala. Sabi ni Tatay, nakita niya daw minsan na may kasama akong lalaki pauwi galing sa school pero dahil hindi nila alam ang pangalan at hindi ko rin nabanggit sa kanila.Sabi pa ni Tatay, kamukha daw ni Raion yung kasabay kong lalaki noon kaya in-assume nila na yun ang daddy ni Raion." Nakita ko ang pangungunot ng noo niya. Parang pinipilit niyang hinahanap sa sulok ng kanyang isipan kung sino man iyon o kung ano man ang mga alaalang kanya nang nakalimutan.

"Alam ba ni Car--- Roger yan?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi namin pinag-uusapan." Mas lalo siyang nagsumiksik sa akin.

"Bakit naman?" Simple kong pang-oosyoso, hinapit ko siya nang mas mahigpit.

"Biglang sumasakit ang ulo ko. parang binibiyak. Paiinumin na ako nila Tatay ng gamot at pagkatapos ay makakatulog na ako." Nakakaawa din pala ang ganitong sitwasyon. Wala kang alam sa nakaraan mo. Kung Ano na lang sabihin sa iyo ay yun na rin ang pinaniniwalaan mo.

"Kelan kayo ikinasal ni Roger?" Muli kong tanong sa kanya.

"Hindi ko matandaan. Ang sabi nila sa akin ay biglaan daw." Mahina niyang sabi. Halos kwarenta'y singko minutes na rin kaming nag-uusap, alam kong inaantok pa rin siya.

"You need to take a nap. I will wake you up when we land." Sabi ko na lang sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at tumahimik na rin.

"Prof." Agaw pansin ni Henry sa akin.

"Hmm." Sagot ko sa kanya. Wala ako sa mood na makipagkwentuhan sa kanya dahil busy ako sa kaiisip kung paano ko mapagtatagni-tagni o mapag-iisa ang kwento ni Gale at ni Sarah na alam kong mahirap pero hindi kayang tanggapin ng isip at puso ko na magkaiba silang tao.

"Prof, hindi sa nakikialam ako," Pabulong niyang panimula. "Kung ano man yang iniisip n'yo ay naiintindihan ko. Hindi na ako magtatanong, pero pareho lang tayo ng iniisip siguro. Kahit si Emma ay napansin din ang pagiging kamukha mo sa bata. Kung ano man yang plano mo, sabihin mo lang sa amin ni Emma tutulungan ka namin, Prof." Patuloy ni Henry. Naantig naman ako sa sinabi ng aking assistant. Nilingon ko sila ni Emma na nakaupo sa likuran namin. Tumingin din ako kay Blue, nagulat pa ako ng makita ko itong nakatingin at nakangiti sa akin. Narinig nila ang pinag-uusapan namin? Ibig sabihin, napapansin din nila ang pagkakahawig namin ni Raion?

"Salamat, Henry." Simple kong sabi at ngumiti sa kanya at kay Blue.

"Prof, kung siya yung minsan mong naikwento sa akin, bakit hindi mo unti-unting ipaalala kung sino ka para sa kanya." Pinihit ko ang katawan ko para mas makaharap ako ng konti sa kanya. Mahirap man pero pipilitin ko. May kabuluhan ang sinasabi niya kaya pagtya-tyagaan ko ito. Mamaya ko na lang siya dadagukan pagbaba namin ng eroplano.

"Sa palagay mo ba gagana yan? Paano kung hindi pala siya si Gale?" Wala na akong nagawa kundi aminin na kahit ako ay nagdududa na kayang gawin yun. "Paano pala kung magkaibang tao sila at nagkataon lang na kamukha ko ang anak niya. Di ba may ganun naman?" Dugtong ko pa. Hindi mo maiaalis sa akin na magduda at mawalan ng lakas ng loob.

"Eh, paano kung iisa lang sila, Prof?


------------------
End of DG 5

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
07.17.17

Destiny's Game
©All Rights Reserved
May 3, 2017

Hello to my ever wonderful pemily:

Yellowjazz mchay101 mysticprincess888 NorikoTheGhost BlueHeiress DonRomanTCo AngelicaMaeBM CherrieBaccay jenejust1224 PretzleeBetco7  CarmiTuazon Rlenevem Chichiricabemba MarienellGliane1 danemmistyloydjames helene_mendoza

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro